EPILOGUE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Epilogue

-Revelation Part 1-

Sumunod ang iba sa pagtanggalan ng maskara at mas lalo akong naiyak ng makita ko ang mukha ng tatlong taong pinakamamahal ko sa buong mundo.

"M-Mama? Papa? K-Kuya?" Sa unang pagkakataon ay nakita kong ngumiti sila sa'kin ng matamis pero may mga luha ang mata.

Para ding may kung ano sa mata nila at yun ay 'awa'. Bakit maaawa sila sa'kin?

Pano sila nabuhay? Patay na si Kuya eh dahil sinaksak ko siya nun?

Hahakbang na sana ako papunta sa kanila ng may mahagip ang mata ko na pamilyar na tao.

M-Madelaine Reyes?

B-Buhay siya? P-Pano? Pero patay na siya eh. Patay na patay na at alam ko yun dahil nakumpirma ko yun.

B-Buhay silang lahat?

Teka—? Si Haidy baka andito din?

"Lahat nang nangyari ay nasa plano. Lahat ng nangyari ay palabas lang. Lahat-lahat ng napagdaanan mo ay sinadya at yun ay gawa...ko," napatitig ulit ako sa mukha ng lalaking mahal ko pero ngayon nag-iba na dahil sa mga nalaman ko.

"Sa tingin mo patay na sila, diba? Palabas lang lahat ng yun at utos ko yun na ipalabas na patay na takaga sila. Lalo na sila," turo niya kila Mama.

"At kay Madelaine ako ang may gawa nun..." dun nga kinwento niya na may ginamit siya.

"Pero kung nag-aakala kang palabas lang ang lahat, hindi. May ibang hindi totoo dun kabilang na ang naging kasama mo na namatay ay patay na talaga. Di namin sila kilala...patay na talaga sila, totoo."

H-Haidy?

Iba na ang nararamdaman ko ngayon. Kinamumuhian ko na siya at sinusumpa na mamatay na at mapunta sa impyerno.

"W-Walanghiya ka! I-Ikaw pala ang may gawa ng lahat? Pinagkatiwalaan kita at...at"

Di ko matapos-tapos.

"Ako ang may kagagawan ng lahat. Ipasok mo na yan sa utak mo at tanggapin ng maluwag," ngayon ko lang siya nakitang ngumisi ng kakaiba, nakakatakot yun parang may ibang ibig sabihin.

"..dahil papakasalan mo na ako siguro bukas."

"Magiging asawa kita at wala ka nang magagawa dun. Kahit na sila," turo niya kila Mama.

"O sila. Kahit silang lahat pa. Wala silang panama sa'kin kasi ako ang sinusunod—"

"H-Hindi!" Nangingilid ang luha kong napatingin kila Mama na ngayon ay di makatingin sa'kin.

Magpapalaban sana ako kaso parang wala akong mapapala dito.

Nakita kong yumugyog ang balikat ni Mama. Gusto ko sanang isipin na umiiyak siya para sa'kin pero hindi iba baka nga tumatawa pa siya dahil sa nangyayari ngayon. Diba nga wala silang mga pake sa'kin. Kahit si Papa pa na dapat gumagawa na sana ng aksyon ngayon at patigilin ang baliw na George na nasa harap ko kung anu-anong mga pinagsasabi di ko siya maintindihan parang naka-shabu.

"Wala silang magagawa. Di nila ako mapipigilan kahit magtulungan silang lahat Vel."

"B-Bakit?"

"Dahil ikaw ang kailangan ko simula pa lang. Ang misyon mo ay pakasalan ako at bigyan ng anak para maging tagapagmana ko sa susunod. May gagawin din ako..."

Ngumisi ulit siya.

"KAILANGAN KITA." Sa pangalawang pagkakataon narinig ko ulit ang mga katagang yun,"..bilang asawa ko." patuloy niya.

"Diba, ako ang boyfriend mo? Diba, mahal mo din ako?" habol niya.












































George Velasco P.O.V

"You will inherit this group from now on, George."

Para akong binuhusan ng maraming saya ng sabihin i-announce yun ni Dad sa lahat ng nandito sa Main Gymnasium namin kung saan tinipon lahat para sa isang pinaka-importanteng okasyon.

Napasaakin ka na rin sa wakas!

Napaangat ako ng tingin ng inilahad ni Dad ang kamay niya pagka-akyat ko sa entablado.

Tinanggap ko at nag-shake hands kami.

"Thanks, Dad!"

"Mmmm, always welcome."

"I'm very happy for you, George!" Niyakap ako ni Mom ng mahigpit at dun ko namalayan na ang saya pala talaga.

Lahat-lahat ay nagselebra isa na dun ang ka-grupo ko pero napansin ko ang mga tao sa isang banda na di man lang naggalawan dahil alam ko na kung bakit.

Hindi sila masaya dahil kahit kailan di ka mapipili, Charlie.

"Bagay lang yan sa'yo. Dapat mamatay na siya," bulong ko.

Nakita ko sulang nag-alisan. Alam kong nakita din nila Mom and Dad yun.

"Dad, why did you choose me instead of Charlie?" I asked him one day.

"I have reasons. Don't ask me now, George. S-Someday...someday I'll gonna tell you."

Sa mga sumunod na araw natagpuan na lang namin ang bangkay ni Dad at Mom sa kwarto nila.

Sabi ng investigator nalason daw sa nainom nilang wine. Iimbestigahan pa daw nila pero ipinatigil ko dahil may suspetsa na ako kung sinong may gawa.

"You're the one who killed Mom and Dad, right?" Kompronta ko kay Charlie isang beses sa veranda. Buti naabutan ko siya.

"Dahil sa galit mo diba? Pinatay mo sila dahil hindi ikaw ang napiling tagapagmana? Kawawa ka naman, ganun lang ba kaliit ang utak mo? Ganyan talaga ang nagagawa ng galit no ang unang solusyon ay paghihiganti kaagad—"

"Are you happy?" Biglang tanong niya.

Di ako makasagot at tumingin na lang muna sa langit.

Pareho kaming nakasampa ngayon sa veranda.

"Masaya ka ba dahil minana mo yan? Di mo ba naiisip na malaking responsibilidad ang nakaatang lalo na't wala na sila—"

"Ano bang sinasabi mo?" Pinutol ko din siya at madaling nakalapit para tutukan siya sa leeg ng kutsilyo.

"Of course, masaya ako di pa ba yun kita sa'kin? Bulag ka ba nung mga araw na ipinasa ni Dad sa'kin ang grupong 'to? Oo, syempre naiisip ko din ang responsibilidad pero pake ko ba dun sa ngayon!" Inilapit ng inilapit ko pa ang kutsilyo sa leeg niya dahilan para dumugo ito ng konti.

Pero parang siya di man lang natinag.

"Marami kayong mapapatay'ng tao." Aniya ulit.

"Alam ko!"

Di pa rin siya natinag nang muli kong igitgit sa leeg niya ang kutsilyong walang kasin-talim.

"Aren't you scared of me?" Tanong ko.

"Why would I? Who are you? Yes, we're brothers but I'm much older than you. I'm much better than you."

Mas lalo akong nag-init sa sinabi niya.

"Kawawa ka naman hindi ka napili. Siguro, dahil sa tingin ni Dad ay wala kang silbi at mahina. Walang lakas pamunuan ang grupong to kaya di ka napili. Oh, nga pala lampa ka nga pala talaga. Nakalimutan ko masakitin ka kaya ganun, kaya di ka napili baka nga kapag di mo pa nasisimulan ang pamumuno inatake ka na sa puso. KASI WEAK ANG PUSO MO, CHARLIE!!! WEAK KA! WEAK!"

"Shut up!"

"Did I hurt you?" Tanong ko, galit na galit na ako.

"K-Kanina pa. Kanina mo pa nasusugatan leeg ko eh. Malapit mo na akong mapatay!!!"

Bago pa siya makagalaw ay tinuloy ko na ang pagsaksak sa leeg niya ng paulit-ulit ng di ako makuntento tinira ko ang puso niya at sinaksak din yun ng paulit-ulit para sigurado.

Nabasa ko na ang galaw niya kanina. Base sa sa pagsigaw niya ay lalabanan na niya ako may posibilidad pa nga na baka mapatay niya ako kaya inunahan ko na siya. Oo, inaamin ko na magaling din siya.

M-Mas magaling sa'kin.

Yun lang talaga ang di ko matanggap-tanggap.

Tumayo ako matapos kong matapos ang ginawa ko.

Pinagmasdan ko pa siya habang naghihingalo habang nakatingin sa'kin.

Simula ng maramdaman kong mas lamang siya ay wala na akong awa sa lahat.

Itinutok ko sa huling beses ang paborito kong kutsilyo sa harapan niya. Galing sa kamay ko ay binitawan ko ito at diretso bagsak sa mata niya. Bumulwak pa ang maraming dugo. Matapos ng lahat ngumisi ako. Unang ngisi ko na hindi ko alam kung pano ko nagawa dahil kahit kelan hindi pa ako ngumingisi o kahit ngiti man lang.

This is my first kill as a leader. And, I killed my own brother. For now, I'm satisfied because this is what I feel. What I want from the very beginning.

I'll start my responsibility and do my best as their...leader.











---------
"Master, umalis siya palabas." Yun lang ang sinabi ng Mama niya at pinatay ko na ang tawag di ko na siya sinagot.

Part of plan. No, this is the start of my plan for her.

Natagpuan ko siya sa isang maliit na tindahan. Umiiyak, tumatawa na parang baliw.

I can't feel her but I know why she's crying right now. My fault!

"Are you okay, Miss?" Di siya lumingon. Tsh!

"Baka di ka pa kumakain. Baka gusto mong sa'yo na lang 'to?" Kahit nasa likuran ako pinilit ko ang kamay kong mapapunta sa harap niya na may hawak na burger na sinadya ko talagang bilhin para sa kanya.

I know she like burgers because they told me.

Parang wala pa rin sa kanya sa halip nagsipa-sipa lang siya ng kung ano sa paanan niya. Napaigting ako ng konti ng may tumunog na parang may tumama sa bakal. Nakita kong nakatingin siya kung saan naka-park ang kotse ko na natamaan pala ng bato.

Siya ba may gawa? Tiningnan ko ulit siya sa likurang buhok niya at tinawag siya ulit.

Sa wakas naagaw ko na ang atensyon niya. She faced me with an irritation on her face then she ask 'what's my problem'.

"Gusto ko lang sanang ibigay to at tulungan ka kung may problema ka man. Handa akong makinig promise!" I swear.

Best actor!

"Wala kang pake! Isa pa 'di ako pulubi. Ayaw kong tumatanggap ng mga pagkain lalo na't galing sa isang estranghero! Malay ko ba baka may lason yan o baka nga gayuma pa!" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

"Excuse me, Miss! Wala kang dapat ipag-alala wala akong nilagay na kahit ano?! O kahit ni gayuma pa! Ikaw na lang gagayumahin ko na no thanks na lang, ah! Sorry pero may girlfriend ako at faithful ako dun ganun ko siya kamahal! Wag kang assuming 'di mo alam na nagma-magandang loob lang yung tao," sabi ko. Salubong ang kilay.

This is our first encounter.

Ngayon ko lang nalaman na iba pala siya sa inaakala ko.


"K." Mas lalo akong nainis ng yun lang ang isagot niya. Sa taas ng sinabi ko.

'Tong babaeng 'to!

Nilapag ko ang burger na hawak ko sa isang sirang lamesa at walang sabi-sabing umalis. Nagmamartsa pa ako para akalain niyang galit ako.

Di ako galit pero aaminin ko nainis lang pero dapat ipagpatuloy ko pa ang nasa...plano.


Pinaharurot ko pero pagdating sa may di kalayuan ay huminto din ako para i-check siya. Napangisi ako.


"Kakain pala eh. Pakipot pa!"

I look at my wristwatch. I tap the button for a call.

"Kino!"

"Good." Sagot ng relo pero mali. Wala akong kausap. Walang sumagot na kung sino dahil palabas lang din yan at sinadya kong mag-record.

Yes, ako lang ang may kagagawan niyan. Ako ang leader, ako ang gagawa ng unang hakbang.


'Success!'

Ang unang plano.

"Umayon ka!"

Her name is Antoniss Vel Sache I will make her life miserable in just one plan.



Palagi akong nakasunod kahit san man siya magpunta. Di niya lang alam na may mga mata na palang nakamasid sa kanya simula ng unang simulan ko ang plano.

We became friends. Inunti-unti ko hanggang sa tinanong ko ang magic word. Pumayag naman siya agad. Tsk!

Nang maglaon naging kami. Madalas ko siyang sinasama sa kung saan. Pinapakita ang acting side ko na sooooobrang bait. Alam kong paniwalang-paniwala na siya na eto na ang totoong ako.

Ang di niya lang alam ay kung sino talaga ako.

I told her about my ex. About Madelaine Reyes paniwalang-paniwala siya.

Isa pang plano ang inutos ko. Sinabi ko kay Madelaine ang plano.

Nakipagkita siya at parte ng plano ang pagsaksak kay Madelaine. Ako ang gumawa nun.

Kutsilyong may tali at tinira mula sa likod para di malaman ni Vel na nasaksak ang kaharap niya. Hinila ko naman ang tali para maiwan at para siya ang...mapagbintangan.

Umayon nga ang lahat. Napagbintangan siya at nadala sa presinto. She called me for help. Tinulungan ko siya at nangyari pa ang nangyari.

Napagalitan siya 'nila' sinadya ko yun para mas lalong sumama ang loob niya sa kanila at mapalayo ng tuluyan.

That night my best plan was started.

Inutusan ko si Vien na siya ang gumawa nun. Pumayag sila at yun sakto pa rin sa plano. My main plan here is not killing her but to get her and bring her here as soon as possible.

May inutusan akong isang taong habulin siya at patayin ang sasagabal patungo sa kanya.

"Master, tumalon siya sa bangin."

Inutusan kong sundan. Palpak!

"Master, nasa kila Roger siya. Ang Roxas family." I just nodded what I've heard.

Alam kong itatago nila siya. Dahil alam ko kung anong klaseng tao sila. Maaawain!

Binigyan ko sila ng palugit para tumawag at ipaalam sa'kin ang babaeng pinaka-nasa plano.


Wala akong natanggap sa ilang araw na nagdaan kaya nang may magsabing kaarawan ng isa sa mga anak nila. Dinala ko na ang ibang miyembro ko na malakas sa'kin kasama na ang mga magulang niya.

I revealed all and I got her, finally.








04-09-21—isinulat ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro