T W O

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Gusto mo na bang umuwi?"

I watched him as he lifted his shirt to wipe his face, revealing his body drenched in sweat.

Umiling ako. Sanay naman akong mag-antay tuwing naglalaro sila ng basketball. I've been doing this for years, anong pinagbago?

Lumapit siya at ginulo ang buhok ko. He grinned like a kid before running back to his friends, preparing for the next round.

Hindi naman ako nabagot nang nagtagal pa uli ng isang oras ang laro. They're all good. Nakakaaliw tuwing nag-aagawan sila ng bola, mapapasigaw ka talaga sa kaba at tuwa. Hindi na ako nagulat nang dumami ang nanood sa court.

Nang matapos sila, pawisan na lumapit sa akin si Ero. Mabilis niyang hinubad ang suot niyang sando kaya nakarinig ako ng tili mula sa babaeng nanonood. Napailang na lang ako bago inabot sakanya ang pang palit niya.

He really wants those girls to drool over him, huh?

"Ano 'yan?" pinisil niya ang pisngi ko kaya mabilis ko siyang tinulak. "Bakit nakasimangot? Ikaw talaga," tumawa siya bago uminom sa bote ng tubig na dala ko.

Our semester finally ended yesterday. Mas nauna naman siyang nakapag bakasyon sa akin ng ilang araw dahil magkaiba kami ng pinapasukang University. Summer is coming,pinag-iisipan ko pa kung saan maganda gamitin ang dalawang buwan na bakasyon ko.

"Dinner mamaya sa bahay? Mom's inviting you," he said, eyes on me. Tumigil kami sa waiting shed dahil dito mag-aantay ng masasakyan pauwi. He didn't bring his car. Dumayo lang naman kami sa subdivision nila Kyle.

Tumango ako bago kumapit sa braso braso niya. Nang maipasok na niya ang payong sa bag, agad siyang umakbay sa akin. Normal na 'to sa amin, kaya naman napapailing na lang ako tuwing may nanunukso sa amin.

"Seven? tanong ko.

He smiled and pinched my cheeks saying," Sure. Sunduin kita. "

Nang makapara kami ng jeep, halos wala iyong  sakay na pasahero. Tatlo lang kami, pero biglang may sumakay na mag-ina, nanghihingi ng abuloy.

They were barely dressed. Butas-butas ang suot nilang bestida na halos nababalutan na ng dumi. Umiling iyong isang babae na pasahero nang abutan siya ng envelope kaya naman nang sa amin na bumaling ang ina, nilabas ko agad ang wallet ko.

"Maraming salamat, iha. Salamat talaga!" She kept on thanking me when I gave her a two hundred peso bill. Bumaba na silang dalawa nang may ngiti sa labi. Their reaction was priceless. Napangiti rin ako.

Pumara na ako nang makitang malapit na ang jeep sa tapat ng subdivision namin pero nagulat ako nang sumunod rin si Ero. He should be staying inside dahil medyo malayo pa ang village nila dito. Balak niya bang maglakad?

Nasa guard house na ako pero nakasunod pa rin siya. Mabilis ko siyang nilingon pero nagtaas lang siya ng kilay.

"Bakit ka nandito? Umuwi ka na," pagtataboy ko. Madalang na ang jeep ngayon dahil tanghali na. Syempre kakain na ang mga jeepney driver, hindi naman 'to syudad na laging may tao.

Siniko ko siya dahil nakatitig lang siya sa akin na para bang may malalim na iniisip habang naglalakad. Kalaunan, bumalik naman ang ngiti sa labi niya.

"Kain ako sainyo, pwede? Gutom na 'ko," sagot niya habang hawak pa ang tyan at umaktong gutom na gutom.

Pabiro na lang akong umirap at hinayaan siyang sumabay sa pag lalakad ko. Hindi na siya hinarang ng guard dahil kilalang-kilala na siya dito.

Umakyat ako sa kwarto para magpalit habang siya naman ay naiwan sa baba kasama si papa. Maglalaro ata sila ng chess, mabilisan lang.

Nauwi sa pagligo ang dapat pagbibihis ko lang ng damit. Hindi pa naman kasi tapos magluto si mama kanina nang dumating kami. I also gave them time to finish their game. Ganoon silang dalawa palagi, tuwing may pagkakataon, kung hindi maglalaro ng chess, magkekwentuhan.

Welcome na welcome siya dito, ganoon rin naman ako sa kanila. Kaya nga maraming nag-aassume na mayroong 'kami' kahit wala.

"Anong balak mo sa bakasyon mo, Claero?" pangungusisa ni mama habang nilalagyan ng kanin ang plato ni Ero.

He thanked her before answering,"Kung ano pong balak ni Jane."

Naibuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa gulat. Nanlalaki ang mata nila nang kinuha ko ang inabot na tissue ni papa sa tabi. They were eyeing me with confusion. Halos hindi ko naman maibuka ang bibig ko,kaya naman napatawa ako.

"Are you alright?" hinimas ni Ero ang likod ko kaya mabilis kong hinampas ang kamay niya. Katabi ko si papa! Pulang-pula na kaya ang mukha ko.

Was he even thinking? Bigla na lang niyang isasagot ang ganon, hindi ba niya naisip kung anong pwedeng maisip nila mama... at kung anong maiisip ko?

"Anong ako?Wala naman sa akin 'yang paa mo," maang-maangan kong tanong.

Tumawa naman silang tatlo. "I'll be with you the whole summer," sagot niya at tiningnan ako na para bang napaka slow ko. Kulang na lang ay sabihan niya ako ng  "duh."

Nang lumingon ako kay papa, wala akong nakitang hindi pag-payag sa reaksyon niya. He was definitely okay with the thought of me, spending the whole summer with my bestfriend. Ano nga bang bago? Kay Ero lang naman siya ganito.

"Ang over naman.'Di naman lagi."

"Yeah, sure.Ikaw bahala."

"Wala ka bang ibang naisip? Like, beach vacation, gala, mountain hiking, amusement park-"

He cleared his throat and repeatedly tapped the table with his fingers. Nakangiti niya akong sinulyapan bago kinausap sila mama.

"Tita, tito, can I bring her with me? Pupunta po kami sa Tagaytay," kalmado niyang paalam.

Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa pero wala siyang reaksyon. He didn't even consult me! Papayag naman ako, but still!

They discussed it while eating. Parang sa aming dalawa, siya na ang tunay na anak.Tahimik lang akong kumakain habang sila ang nagkekwentuhan.

Nothing surprised me, napapayag niya sila mama. We'll be leaving tomorrow. Tatlong araw kami doon, kaya naman sinabihan na ako ni mama na maghanda ng mga dadalhin ko at siya na raw ang maghuhugas. Nagpresinta naman si Ero na tumulong na ikinatuwa niya.

I smiled at the sight of them cleaning together. Bakas ang tuwa sa mga mukha nila habang magkasama.

Matagal na kaming ganito. He was my first and only bestfriend since highschool, kaya naman sanay na sanay na sila kapag andyan niya.

He was beside me whenever I need him, at ganon rin ako sakanya. We have each others back, like what  other bestfriends do.

Naaalala ko pa noong unang beses siyang nagka-girlfriend. Selos na selos 'yon sa akin. I was on my second year habang parehas naman silang third year. Tuwing susunduin siya ni Ero ay kasama ako dahil hinahatid niya rin ako pauwi. Palagi silang nag-aaway dahil sa akin kaya sinubukan kong lumayo. I didn't want to be the reason para maghiwalay sila.

But a few days after, Elise attacked me. On going ang klase non pero sinugod niya ako sa loob ng room habang nandoon ang teacher namin. I got minor bruises, but it was okay.

Naka sunod si Ero and right there and then, he broke up with her.

I felt bad for her. She was humiliated but he didn't let me go near her. Mas lalo pa siyang naging protective sa akin na kada uwian, nandoon na agad siya sa labas ng gate para sunduin ako.

That day, I already knew I entered something dangerous. I was a venturesome girl who decided to let my feelings dominate me.

I was both happy and sad, knowing that finally, I had my first love. But then, realizing he wouldn't be looking at me the way he looks at his girlfriend.Whatever happens, I will always be right beside him, as a friend he cherish the most.

Nagitla ako dahil sa marahang katok sa pinto ko bago bumukas 'yon at niluwa si Ero.

He was smiling, making his eyes disappear. Dumiretso siya sa drawer ko at siya na mismo ang nag labas ng bag na dadalhin ko bukas. Hindi pa kasi ako nakapaghanda dahil nakaupo lang ako sa kama.

"Look at you,"umiling siya."Kanina ka p umakyat pero hindi ka pala nag-ayos."

Nanood lang ako habang busy siya sa pag tupi ng damit ko. Hinayaan ko siyang piliin ang susuotin ko dahil lahat naman ng nasa drawer ko ay bago at bagay sa pupuntahan namin. Halos kalahati ng laman non ay hoodie, mostly galing sakanya.

"Akala ko ba susunduin mo ako mamaya? E, pano mo gagawin kung nandito ka pa?" sabi ko.

"Sabay na tayo papunta. Tinamad na 'ko umuwi."

"May time ka pa umuwi, oh. Three pa lang naman."

"Ayoko. Nood nalang tayo?"

Tinabi niya ang bag sa gilid bago ako sinenyasan na lumapit. Agad naman akong sumunod nang tapikin niya ang  gilid niya sa kama.

He pulled me close to him and stretched his arm to reach for the remote. Feel at home niyang hinilig ang ulo niya sa head rest ng kama.

"Anong gusto mo?"

We spent the afternoon watching cartoons. Ilang beses kaming nagtalo dahil palipat lipat kami ng cartoons tuwing natatapos ang isang episode. Ang una naming pinanood ay Ben 10, tapos nilipat niya sa Tom and Jerry hanggang sa We Bare Bears.

Wala na akong maintindihan dahil daldal siya ng daldal habang pinapalabas 'yon sa TV.

"Anak!Mabuti at nakarating agad kayo," I kissed tita Clara's cheeks. Nag-abot ako ng isang box ng cookies na agad naman niyang tinanggap ng may ngiti sa labi. Lagi akong nagbe-bake kaya palagi kaming may stock sa ref.

We arrived at their house before seven pm. I only wore his hoodie and a pair of maong shorts dahil wala namang dahilan para mag-ayos. Kakain lang naman kami.

Dumiretso na kami sa kusina at nadatnan ang mga niluto ng mommy niya.I think my eyes just sparkled when I saw my favorite ulam.

"Papaitan, hala," bulong ko sa sarili.

Nagtubig na ang bibig ko dahil lahat ng masasarap na pagkain ay nakahain na sa lamesa. I greeted tito before Ero guided me to my seat.

"I hope you liked it, anak. I cooked your favorite!" Tita looked so proud. I couldn't even measure the happiness I'm feeling. Palagi naman siyang ganito pero I'll never get used to her sweetness.

We were about to eat when their maid, ate Aya,whispered something to Ero. Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. Nagsalubong ang kilay niya at pabadog na nilapag ang table napkin sa lamesa bago tumayo.

Minutes passed, he didn't come back. Nagsimula na silang kumain pero nanatili lang akong nakaupo, nababalot ng pagtataka sa inasal niya.

He seemed enraged... or maybe I was just overthinking.

"Excuse me po," nag paalam ako na tatawagin ko lang siya. What he did  was a little disrespectful to them, but maybe it was something urgent to I had to check. Mabuti na lang at mukhang hindi naman nag-iba ang mood nila tita.

On my way to his room, nakarinig ako ng ibang boses.

The door was slightly opened, leaving a trench for me to peak.

Umawang ang labi ko nang madatnan si Ero na may kayakap na babae. A pair of arms were wrapped around his neck while he just stood there, not moving.

I could see his jaw clenching, eyes mixed of uncertainty and affliction. Nang umatras siya para makawala sa hawak noong babae, agad kong namukhaan kung sino 'yon.

It was Loraine,and she was begging for him to come back.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro