Chapter 25

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

           3rd Person Point of View

PAGDATING ni Liam sa hideout agad niyang tinapon ang kaniyang suit jacket. Naglagay ng alak sa baso at minsanang nilagok. Hindi pa nakampante ininom na lang niya ang bote ng alak na walang tigil. Dahil sa galit at sakit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Pinagbabasag niya lahat nang makita niya at pinagsusuntok ang pader. Pipigilan sana siya ni Noah pero pinigilan ito ni William.

"Let him," iyon ang nasabi ni William kay Noah. Kaya walang nagawa ang mga kaibigan niya kung hindi panoorin na nagwawala si Liam. Pati mga tauhan niya naaawa sa sinapit ng kanilang boss. Nang mahimasmasan na si Liam umupo ito at pinagtitingnan ang mga nakatingin sa kaniya.

"Lintik lang ang walang ganti!" iyon ang nasabi niya habang pinagmamasdan ang mga sugat sa kamao.

"Ano plano mo ngayon bro?" tanong sa kaniya ni Noah.

"Hanapin ang may gawa at parusahan!" puno ng galit ang makikita mo sa mukha niya.

"Bro huwag mo dungisan ang kamay mo ipaubaya mo na lang sa mga pulis," payo sa kaniya ni William.

"Huwag kong dungisan? Ang pagpatay nila sa babaeng pinakamamahal ko hindi ba nila dinungisan ang mga kamay nila? Hindi na sila naawa pati buhay ng anak namin nadamay, dapat ako na lang!" sabi niya sa kaibigan na umiiyak.

"Magpakatatag ka kung nandito si Cassy ngayon ayaw niyang nakikita kang ganiyan," tinatapik siya ni Noah habang sinasabi.

"Si Cassy lang ang nagpapalakas ng loob ko kaso wala na siya. Ano pa silbi ng buhay ko ngayon?" Patuloy pa rin ito sa pag-iyak.

"Nandito kami bro hindi ka namin pababayaan magtulungan tayo para mahanap ang gumawa," sabi ni William habang nakatingin sa kaibigan na wasak.

Dumating si Dave at may binulong sa kaniya pinakita rin ang kuha niya sa phone.

"Sigurado ka?" pagco-confirm ni Liam tumango lang ang lalaki.

"Ano raw bro?" tanong sa kaniya ni William. Pinakita sa kanila iyong kuha sa phone ni Dave.

"Bungo na may nakatusok na rose," nagtatakang sabi ni Noah. "Bago lang yata sa paningin ko ito wala sa mga kalaban natin," dagdag niya.

"Bago lang na grupo or matagal na pero tahimik lang kaya hindi natin napapansin," opinion naman ni William. Tinawag niya ulit si Dave.

"Alamin niyo lahat ang tungkol sa grupo na ito at kung sino ang pinuno nila!" maawtoridad na utos niya. Tumango si Dave at umalis na. Kung sino ka man sa likod nito humanda ka sabi ng isip ni Liam.

"Bro itigil mo na ang pag-inom kahit lunurin mo ang sarili mo sa alak hindi na mabubuhay si Cassy!" galit na sabi ni Noah.

"Ano ba alam mo sa nararamdaman ko wala? Kaya huwag mo akong pakialaman!" Saka niya tinabig ang kamay ng kaibigan.

"Sa palagay mo wala? Alam ko ang nararamdaman mo, minsan ko rin minahal si Cassy. Pero putangina bro nagpaubaya ako para sa'yo, kaya masakit din para sa akin ang pagkawala niya," sabi niya kay Liam habang pinipigilan ni William ang dalawa.

"Huwag kayong mag-away bro mas dapat na magtulungan tayo kaysa magbangayan sa isa't isa," sabi ni William.

"Iwan niyo na ako rito gusto kong mapag-isa," sabi niya habang tuloy sa pag-inom ng alak.

"Nandito lang kami bro huwag mo isipin na nag-iisa ka," sabi ni William.

"Sorry bro magtulungan tayo para kay Cassy," sabi naman ni Noah. Nag-bro hug ang tatlo. Naiwan si Liam sa hideout na tuloy pa rin sa pag-inom.

Kinaumagahan umuwi si Liam sa mansion na may hangover. Naabutan niya sa sala ang magulang ni Cassy, Daddy niya at si Karen na manager ni Cassy.

"Ganiyan ba ang ipapakita mo sa amin Liam na sirain ang buhay mo? Hindi na maibabalik ang anak namin kaya wala rin saysay iyan ginagawa mo!" galit na sabi ng Papa ni Cassy. "Nangako ka sa akin Liam na proprotektahan mo ang anak ko pero anong nangyari?!" sabi niya ulit habang umiiyak. Halos namumugto na ang mata nila kakaiyak.

"Huwag na tayong magsisihan dito Lucas hindi ginusto ni Liam na mangyari ito sa anak natin. Kung nandito siya ngayon gano'n din ang gagawin niya," mahinahon na sabi ng Mama ni Cassy pero umiiyak pa rin.

"Son ayusin mo ang sarili mo. Gumawa na tayo ng aksiyon dapat magbayad ang may gawa nito!" galit na sabi ng Daddy ni Liam.

"Pinapaimbestiga ko na po sa mga tauhan ko Dad. Hindi talaga ako titigil hanggat hindi sila nagbabayad. Buhay ng anak ko at pinakamamahal kong babae ang kinuha sa akin," nakayukong sabi niya na humihikbi. "Humihingi ako ng kapatawaran sa inyo Tito, Tita hindi ko nagampanan ang pinangako ko sa inyo. Mahal na mahal ko si Cassy hindi ko alam kung kakayanin ko ito," sabi niya at umiyak ng sobra. Lumapit ang Mama ni Cassy sa kaniya at niyakap siya.

"Wala kang kasalanan hijo alam namin kung gaano mo kamahal si Cassy magpakatatag ka." Sinasabi habang niyakap siya ng mahigpit.

"Ano pong gagawin natin lumabas na po sa media ang nangyari kay Cassy?" tanong ni Karen.

"Let them, hindi na natin puwede pang itago dahil kumalat na ang balita. Tayo ang magiging sinungaling kapag tinago pa," paliwanag ng Daddy ni Liam.

Umakyat sa itaas si Liam at pumasok sa kaniyang kwarto. Agad niyang binagsak ang kaniyang katawan sa kama. Ayaw niyang pumikit o matulog dahil mukha lang ni Cassy ang nakikita niya. Nag-vibrate ang kaniyang phone at pinanood ang news.

(Showbiz news: Famous model, fashion designer at artist na si Cassidy Tyler patay matapos sumabog ang kaniyang sinasakyan kagabi. Iniimbestigahan pa ang dahilan ng pagkaaksidente niya, hindi makapaniwala ang lahat ng fans ng modelo. Halos nagluluksa lahat pati ang showbiz industry, hinihiling ng pamilya na pribado ang paglilibing at ipagdasal ang kaluluwa niya.)

Pagkatapos mapanood ni Liam humagulgol ulit ito habang inaalala niya lahat ng masasayang memories nilang dalawa. Lalong lumakas ang kaniyang pag-iyak ng makita ang kwintas na binigay sa dalaga.

Araw ng libing ni Cassy puro malalapit lang ang nandoon. Bantay sarado para walang makapasok na outsider. Isa-isang nagbigay ng mensahe sa dalaga bago nila iwan ito. Lahat umiiyak ng turn na ni Liam magbigay ng mensahe pinipilit niyang maging matatag kahit napakahirap ito para sa kaniya.

"Sweetheart, hindi ako magpapaalam sa'yo dahil magsasama rin tayo balang araw hintayin mo ako," pagbibiro niya kahit umiiyak na. "Alam kong ayaw mo na ganito ang nakikita mo sa akin ngayon, ayaw mong umiiyak ako, nasasaktan at mahina pero hindi mo ako masisisi dahil iniwan mo ako bigla na walang pasabi. Ang sakit-sakit sweetheart sana ako na lang at hindi ikaw. Habang buhay kong sisisihin ang aking sarili. Please stay by my side always and be my strength, help me na mabuhay pa. Hindi ako titigil hanggat hindi sila nagbabayad! Mahal na mahal kita Cassy." Humagulgol sa mismong puntod ni Cassy. Lahat naaawa sa kalagayan ngayon ng binata sa sobrang hinagpis na nararanasan niya.

After ng libing pumunta si Liam sa hideout kasama ang kaibigan para alamin kung may nakuha ng impormasyon.

"Dave may nakuha na ba kayong inpormasyon?!" nakakapatay na tanong nito.

"Wala pa boss sobrang malinis magtrabaho ang grupo na ito," sagot ni Dave.

"Mailap sila bro talagang pahihirapan tayo," sabi ni William.

"Lahat gagawin ko kahit maubos ang kayamanan mayroon ako mahuli lang ang gumawa. Mga demonyo sila fuck them all!" sabi niya na umalingawngaw sa loob ng hideout.

Lumipas ang araw, linggo at buwan na hindi tumitigil sa paghahanap si Liam sa mga salarin. Umabot na ng anim na buwan pero wala pa rin improvement. Pati mga pulis hirap malutas ang kaso napapabayaan na rin niya ang kompanya kaya ang Daddy niya muna lahat ang namamahala.

"Bro almost six months na pero wala pa rin tayo nakukuhang impormasyon," sabi sa kaniya ni Noah.

"Kung pagod na kayo kakahanap tumigil na kayo ako na lang magpapatuloy!" sabi niya na nakatingin sa kaibigan ng masama.

"Wala kaming sinabi bro na titigil na kami. Ang sa amin lang almost six months na pero wala pa rin nangyayari. Dito na tayo naka-focus nakalimutan na natin may kanya-kanyang buhay din tayo. Look at you bro ibang iba ka na, I think need mo magpahinga. Pumunta ka sa ibang bansa need mo rin magbakasyon, don't worry kami na bahala rito ni William," sabi ni Noah. Tiningnan lang siya ni Liam napaisip ito sa sinabi ng kaibigan.

Pumunta mag-isa si Liam sa puntod ni Cassy.

"Sweetheart kumusta ka na diyan?" panimula niya. "Nakakatawa lang 'di ba para naman sasagot ka sa akin. Sweetheart sorry I'm really sorry hindi kita naprotektahan. Sana magkasama pa tayo ngayon baka nga kasal na tayo at malaki na tiyan mo," sinasabi niya habang lumuluha. "Alam ko kung nandito ka lang matagal mo na akong binatukan dahil ayaw mo na umiiyak ako at nalulungkot. Hindi ko kasi mapigilan sweetheart six months na ang nakaraan pero hindi ko pa kaya sobrang sakit pa rin! Sweetheart huwag kang magagalit kung magpapaalam muna ako sa'yo. Gusto ko muna lisanin ang bansang ito dahil naaalala ko lang mga memories natin. Pagbalik ko magiging masaya ka na dahil hindi na ako umiiyak. Magkikita tayong muli pangako ko iyan mahal na mahal kita," mahabang sabi niya habang nakahiga sa puntod ni Cassy.

Sumunod na araw umalis si Liam papunta sa ibang bansa. Nagpaalam ito sa Daddy niya, sa magulang ni Cassy at sa mga kaibigan. Sinisiguro niya hindi na siya gano'n wasak pagbalik.

Magkikita pa tayong muli sweetheart. I love you so much Cassy! sabi niya sa sarili bago nilisan ang Pilipinas.

================================

IrishHeaven

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro