Chapter 28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NASA kwarto ako at hindi mapakali panay ang lakad ko. Paano sa lahat ng nalaman ko kanina hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo. Kahit may mga pinakita sa akin na ebidensya hindi pa rin ako naniniwala. Matagal namin nakasama ang pamilya Russo ng anak ko hindi ko akalain na magagawa nila ito.

Natigil ako sa kalalakad ng may narinig akong nagsisigawan lumabas ako upang tingnan. Sa may study room nanggagaling mukhang nag-aaway ang mag-ama. Hindi ko sinasadyang makinig sa usapan nila dahil sa lakas ng kanilang bangayan.

"Dad, tingnan mo kung anong gulo ang ginawa mo. Sinabi ko na sa'yo huwag na tayong bumalik dito pero nagpumilit ka. Unti-unti ng nahuhulog ang loob ni Cassandra sa Liam na iyon!" sigaw nito sa Ama.

"Huwag mo akong sisihin Kevin apat na taon ang binigay ko sa'yo para tuluyan mapasayo ang puso niya pero ano may ginawa ka ba? Binigay ko sa'yo kung ano ang magpapasaya sa'yo ngayon wala na sa akin ang problema!" bulyaw ng kaniyang Ama.

"Dad, please bumalik na tayo sa France ayokong tuluyan mawala siya sa akin. Hindi pa kami nakakasal paano kung bumalik na ang alaala niya tuluyan na niya akong iiwan." Napatigil ako dahil sa aking narinig. Bumalik ang alaala paulit-ulit sa aking utak.

"Hindi na babalik ang alaala niya hanggat patuloy mo siyang paiinumin ng gamot. Hindi niya malalaman na siya si Cassidy at hindi si Cassandra." Napako ako sa aking kinatatayuan so ibig sabihin matagal na nilang tinago sa akin ang pagkatao ko. Dahil sa pagtaranta nahulog ko ang vase malapit sa pinto. Biglang lumabas si Kevin at parang nakakita ng multo.

"Cassandra kanina ka pa riyan? Ano ang narinig mo?" tanong niya sa akin at hinigit ako sa aking braso na sobrang higpit.

"Bitawan mo ako Kevin matagal mo na pala akong niloloko." Habang nagpupumiglas sa kaniya pero ayaw pa rin akong bitawan.

"Ngayon nalaman mo na ang totoo babalik ka na sa kaniya ah. Wala kang naaalala Cassandra hindi mo siya kilala kaya hindi ka puwedeng bumalik pa." Pinipilit ko pa rin makawala sa kaniya pero hinihigpitan niya. Nang makawala ako bigla ko siyang tinulak kaso nawalan ako ng balanse at nahulog ako sa hagdan. Ang huli kong naalala tinatawag niya pangalan ko and everything went black.

Nagising ako at alam ko sa hospital ito. Pinipilit kong bumangon habang hinahawakan ang sumasakit kong ulo. Nakakaalala na ako dahil sa lakas ng bagsak ko kanina. Nakita kong pumasok si Kevin, ang loko matagal na niya akong ginagago kaya gagaguhin ko rin siya sabi ng isip ko.

"Cassandra huwag mong pilitin kung hindi mo pa kaya." Parang concern talaga ang bwisit. Sige lang panindigan ko muna ang pagiging Cassandra ko.

"Okay lang ako Kevin gusto kong umupo." Ginalingan ko ang pag-arte.

"Tulungan na kita, kumusta pakiramdam mo may masakit ba sa'yo?" habang inaalalayan akong umupo.

"Wala naman maliban sa masakit ang ulo ko." Hinawakan ko may sugat pala.

"Kumusta naman wala ka bang naaalala?" Talagang naninigurado ang loko kung bumalik na ang alaala ko.

"Wala, ang naalala ko lang nahulog ako kanina sa hagdan." Actress ako kaya magaling ako diyan sabi ko sa sarili.

"Naalala mo ba iyong mga narinig mong usapan namin ni Daddy?" Nakatingin siya sa akin na parang hinuhuli ako. Umiling ako bilang sagot. Magpapanggap ako at dapat makaalis ako rito agad.

Umalis si Kevin at tanging mga tauhan niya ang naiwan para magbantay. Pero bakit marami? Ayaw talaga akong makaalis. Dahil actress ako gagawa ako ng acting. Ano kaya magandang eksena? Okay alam ko na.

"Ah kuya pabili naman po ako ng makakain," sabi ko at ginalingan talaga.

"Sige po mam bibilhan ko kayo sa canteen." Natahimik ako.

"Ay, ayaw ko ng pagkain sa canteen kuya gusto ko pagkain sa restaurant isama mo na rin iyong nagbabantay sa labas mabilis lang naman kayo," sabi ko pa.

"Pero wala po magbabantay sa inyo." Ang kulit ni kuya.

"Okay lang ako rito kaya ko po sige na nagugutom na ako." Pumayag ito at sinama nga niya iyong bantay sa labas. Nang wala na sila nagpalit ako at dahan-dahan umalis sa awa ng diyos nakapuslit ako. Nagpunta ako sa mansion ng Arnault pinapasok agad ako ng guardiya, pagpasok ko sa loob...

"Mommy!" nagulat ako. Biglang yumakap sa akin ang aking anak.

"Sid, I miss you baby!" Pinaulanan ko siya ng halik at mahigpit na niyakap.

"I miss you too Mommy." Humiwalay ako sa kaniya at hinarap. "Where have you been Mommy?" tanong niya sa akin. Kamukha niya si Liam.

"Mommy just went somewhere." Bakit tanong ng tanong ang anak ko sabi ng isip ko.

"And why you have wound in your head?" naku hindi ito titigil kakatanong ganiyan siya.

"Ah baby just go upstairs and we will talk later okay?" tumango naman siya at umakyat na. Nasa tabi lang namin si Liam habang nag-uusap kami kanina ni Sid.

"Sweetheart I miss you so much!" iyon lang nasabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Bigla niya akong hinarap.

"Nakakaalala ka na sweetheart?" tanong niya. Tumango ako natuwa siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Oh god thank you! You remember everything I miss you so much sweetheart!" At saka niya ako hinalikan pero sobrang tagal kaya ako na ang bumitaw.

"Wait sweetheart may dapat kang malaman. Tawagan mo sina Mama at Papa." Utos ko na sinunod naman niya.

Lumipas ang kalahating minuto dumating sina Mama at Papa. Agad ko silang niyakap ng mahigpit.

"Papa, Mama miss ko na kayo sobra," sabi ko na naiiyak habang nakayakap sa kanila.

"Na-miss ka rin namin ng sobra anak," lumuluhang sabi ni Mama.

"Umupo po tayo rito at may sasabihin ako sa inyo." At dinala ko silang lahat sa sala. "Bumalik na po ang alaala ko, kanina sa bahay ng Russo narinig kong nag-aaway ang mag-ama at doon ko nalaman ang lahat. Iyong pagtatago nila sa akin, gusto kong umalis pero pinigilan ako ni Kevin. Hanggang nahulog ako sa hagdan at nabagok ang aking ulo dahilan para bumalik ang alaala ko. Dinala ako sa hospital pero nagpanggap ako na wala pang naaalala para makatakas," mahabang pahayag ko.

"Kung maaalala mo anak ano ba nangyari nung naaksidente ka? Paano ka nakaligtas at sino iyong babae na pinagkamalan namin na ikaw?" tanong ni Papa.

"Nung gabi na iyon papunta na ako sa venue para sa birthday party ni Liam. Nakasunod lang sa akin ang mga tauhan niya pero napansin ko may sumusunod sa akin mga sasakyan. Hinarang sila ng tauhan ni Liam pero pinagpuputukan na sila. May sumakal po sa akin galing sa likod ng sasakyan ko isang babae. Galit na galit ito mang-aagaw daw ako at layuan pero hindi ko alam ang tinutukoy niya. Hanggang sa nawala ang tingin ko sa manubela at sumalpok. Tumama ulo ko kung saan at nanghihina na ako. Bigla na lang may nagbukas ng pinto ng kotse ko at kinuha ako. Nakita ko pa ang mukha ng lalaki si Kevin iyon at nawalan na ako ng malay," mahabang paliwanag ko.

"Kung gano'n sino iyong babae na nasunog?" tanong ni Mama.

"Ayon sa report na binigay sa akin ni Dave babae siya ni Kevin Russo na niloko at pinaglaruan lang niya. Nang nalaman ng babae ang tungkol kay Cassy gusto niya itong patayin," sabi ni Liam at napahawak ako sa bibig.

"Anong kinalaman ko sa kanilang dalawa?" tanong ko. Lumapit sa akin si Liam at hinawaka ang kamay ko.

"Sweetheart obsessed si Kevin sa'yo nung college pa tayo. Remember nung nagpakilala siya ng nanalo ka bilang Ms. Standard Academy 20**? Nanliligaw siya sa'yo pero binalaan ko na tigilan ang pangliligaw kung hindi masasaktan siya. Kaso tinuloy pa rin kaya binugbog ko siya. Sa sobrang galit niya sa akin ito ang paraan niya para makapaghigante sa akin at makuha ka," paliwanag niya sa akin.

"Sweetheart natatakot ako tumakas lang ako. Alam ko sa mga oras na ito pinaghahanap na niya ako. Baka anong gawin niya sa atin maimpluwensiya sila." Napayakap ako kay Liam ng sobra.

"Huwag kang matakot sweetheart naayos ko na ang lahat wala na silang ipanglalaban sa atin," sabi niya habang nakayakap pa rin ako, bumaba bigla si Sid.

"Mommy why are you crying?" agad siyang pumunta sa akin at yumakap.

"Nothing baby, by the way this is your Grandpa and Grandma." Pakilala ko kay Mama, Papa at sa Daddy ni Liam.

"Siya na ba ang apo namin?" tanong ni Papa at tumango lang ako.

"Son you looked like him when you were young," sabi ng Daddy ni Liam.

"Yes Dad nakikita niyo naman 'di ba?" Pagmamalaki niya at tumawa pa. Nang ipapakilala ko na sana siya kay Liam may narinig kaming putok ng baril.

Bang!

"S-sweetheart si Kevin iyan paano niya alam na narito ako." Nanginginig na sabi ko. Kinuha niya ang baril na binigay sa kaniya ni Dave at sinuksok niya sa kaniyang likuran.

"Sweetheart, Tita doon muna kayo sa itaas isama niyo si Sid kami na bahala rito," sabi niya.

"Mag-ingat kayo," Tumango siya at hinalikan ako sa noo.

Habang nasa kwarto kami nilagyan ko ng earphone ang tainga ni Sid para wala siyang marinig. Sabi ko sa kaniya manood ng movie at sinunod naman niya. Naririnig namin ni Mama ang usapan nila sa labas.

"Anong ginagawa mo rito Russo?" tanong sa kaniya ni Liam.

"Ilabas mo si Cassandra, Arnault kung hindi papuputukan kita!" malakas ang loob na sabi ni Kevin.

"Gawin mo para doble-doble na ang kasong ipapatong ko sa'yo!" bwelta sa kaniya.

"Ilabas mo na siya, Cassandra alam ko nandiyan ka lumabas ka kung ayaw mo magkagulo rito." Tinatakot niya ba ako pero ayokong magkagulo. Lalabas na lang ako para matapos na ito kaso pinigilan ako ni Mama.

"Kaya na nila iyon anak baka mapahamak ka pa." Tumango lang ako kay Mama.

"Tumigil ka na Russo huwag kang mageskandalo rito kahit kailan hindi ko ibabalik sa'yo si Cassy. At saka puwede ba tigilan mo ang pagtawag sa kaniya na Cassandra kasi hindi niya pangalan iyon. Oh! By the way bumalik na alaala niya kaya kinamumuhian ka," pang-aasar na sabi ni Liam.

"Hindi totoo iyan hindi pa bumalik ang alaala niya. Bwisit ka talaga Liam mang-aagaw ka!" galit na sabi nito.

"Wala akong inagaw sa'yo ikaw nga ang nang-agaw sa akin. Pati ang anak ko inagaw mo tinago mo sila sa akin na apat na taon fuck you Russo! Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa akin at pati sa pagkamatay ng Mommy ko!" Hindi ko na nakayanan ang eksena.

"Nasa akin pa rin iyong bata," tumatawang sabi niya.

"Sinong nagsabi sa'yo? Kahit tawagan mo mga tauhan mo sa France walang sasagot dahil mga patay na sila at nasa akin na anak ko," nakakalokong pang-aasar din niya.

"Fuck you Arnault!" sumilip ako sa may bintana. Nagulat ako ng akmang babarilin niya sa Liam mabuti at may bumaril sa kamay niya kaya nabitawan niya ang baril.

"Ouch putangina!" Napaaray na lang si Kevin at dumating ang kaniyang ama.

"Son itigil mo na ito wala na tayong laban sa kanila," pangungumbinsi ng kaniyang Ama.

"Anong pinagsasabi mo Dad naduduwag na ba kayo sa mga Arnault? Maimpluwensiya tayo sila dapat ang matakot sa atin," sabi niya sa Ama.

"Anak lahat ng pagmamay-ari nating negosyo hindi na sa atin. Nabili na ng Arnault at lahat ng taong kinakapitan natin tumiwalag na." Halata sa mukha niya ang pagtataka.

"Hindi iyan totoo, hindi ito puwede paano nangyari iyon?" sabi niya habang umiiling.

"Hindi na mahalaga kung paano ko ginawa iyon. Wala na kayong kapangyarihan kaya sumuko na kayo," sabi ni Liam sa mag-ama.

"Elijah at Kevin Russo sumama kayo sa amin ng maayos. Matagal na namin kayong hinahanap dahil sa mga illegal na gawain. Nakakalusot kayo dahil hawak niyo ang mataas na position sa pulisya at hukuman. Pero ngayon hindi niyo na sila hawak madali na kayong makasuhan. Plus iyong ginawa niyong gulo sa buhay ni Cassidy Tyler," sabi ng pinakamataas na rank sa pulis.

"Halika na anak tigilan mo na ang kalibangan mo kay Cassandra," sabi niya habang inaakay ang anak.

"Kevin Russo sinabi ko sa'yo dati 'di ba sa bandang huli ako ang panalo," pagkasabi ni Liam sumakay na ang mag-ama sa sasakyan kasama ang mga pulis. Sinalubong namin sila pagpasok.

"Okay ka lang? Pinagalala mo ako," tanong ko kay Liam at niyakap siya ng mahigpit.

"Okay lang ako sweetheart kaya ko ang sarili ko. Ngayon natapos na ang problema matatahimik na tayo," sabi nito at hinalikan sa labi ng mabilisan.

"Mayron pa palang problema." Nginuso nito ang anak namin na sabihin sa kaniya ang totoo. Kaya lumuhod ako para magpantay kami.

"Baby I have something to tell you?" tanong ko sa kaniya. Nakatingin lang ito sa akin.

"Tito Kevin is not your real father. Your real father is that man." Tinuro ko si Liam.

"How did it happen?" naguguluhan na tanong nito.

"It's a long story baby don't worry when you grow up you will know everything." Tahimik lang siya na nakatingin kay Liam.

"Okay," maikling sagot niya.

"Do you like him?" tanong ko sa kaniya at tinuro si Liam.

"Oui parce que c' est mon Papa," sagot niya na natawa ang lahat.

Translation: Yes because he is my daddy

"Merci bebe," hinalikan ko siya.

Translation: Thanks baby

"Alam niya magsalita ng french?" manghang tanong sa akin ni Liam.

"Oo natuto kaming magsalita ng french nung nasa France kami." Tumango lang siya.

"Fais un calin a Papa?" tanong niya sa bata. Agad naman itong yumakap sa kaniya. Tumayo ito at tumingin sa akin.

Translation: Can you give daddy a hug?

"Ipapayos ko na ang apelyido niya ipapangalan sa akin." Ngumiti lang ako sa kaniya.

"Je t' aime mon coeur," nasabi ko sa kaniya.

Translation: I love you sweetheart

"Je t' aime aussi cheri," sabi niya at naghalikan kami. Iyong halik na sabik na sabik. Napatigil kami ng nakarinig kami ni Liam ng..

Translation: I love you too sweetheart

"Ahem."

"Mamaya na iyan sa kwarto may bata." Nagtawanan lang kaming lahat.

================================

Next chapter alam niyo ang mangyayari 😄

IrishHeaven

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro