Kabanata 23

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 23

Sige

Mas naging busy ang mga sumunod na araw sa school. Panay ang practice namin sa cheering. Madalas na din kaming nag me-meeting para sa booth. Gagawa pa kami ng nakakaengganyong design para sa header ng booth. Buong design mismo ng booth ay dapat nakakaengganyo para mas dumami ang pumunta.

"Okay na ito! Kelan natin ito aayusin?" Tanong ni Jobel.

Kakadrawing niya lang sa design at may mga materyales na din kaming binili para doon.

"Next week na ang festival, siguro sa Sabado na lang. Masyado pa tayong busy ngayon sa cheering. Nag bayad ka na ba para sa uniform?" Tanong ni Marie.

"Oo. Ang mahal nun. Nagreklamo si nanay. Pero wala tayong magagawa. Ang bading kasing iyan." Sabay nguso ni Jobel sa paparating naming trainor.

Nag assemble na agad kami sa field. Ito ang unang pagkakataon na dito kami sa field magpapractice. Palagi kasi kaming nasa rooftop. Nang sa ganun daw ay may element of surprise yung sa amin. Yung Agri Business kasi ay parating nasa soccer field. Ang Educ naman ay sa soccerfield sa tapat ng simbahan sa sentro nag papractice. Ang vocational ay madalas sa court kung walang nag pa-practice game.

"A" Pumalakpak ang mga taga Agri Business. "C... C... Go ACC Eagles!"

Pinakitaan nila kami ng snappy routine. Nasa gilid kasi namin sila. Nakita kong si Kathy ang kanilang inihahagis sa ere. Nakataas ang kanyang kilay at nakangisi habang pinapanood ang mga naiinitan naming mukha.

"Agri Biz... Agri Biz..." May mga awkward hand movements pa silang ginawa.

Kinilabutan ako kaya panay ang himas ko sa braso ko. Tumindig kasi ang balahibo ko sa ginagawa nila. Pumatong si Kathy sa balikat ng isang lalaki. Tatlo silang hinagis sa ere at sinalo agad.

Oo, inaamin ko, magaling siya. Mas graceful siyang gumalaw sa akin. Iyon ang pakiramdam ko. Dalawang beses din akong ihahagis sa ere. Nung una, hindi ako makapaniwala. Hindi kasi pang hagis sa ere ang height ko. Madalas sa Manila, ang hinahagis ay yung medyo maliit.

"Pahinga nga muna kayo. Mag rerequest lang ako ng rights sa field nang sa ganun ay sa rooftop naman ang mga agilang gutom na ito." Umirap ang trainor namin at umalis. "Tse!" Pahabol niya.

Nagsiupuan kami sa field habang nanonood ulit sa routine ng mga taga Agri Business. Di hamak na mas magaganda at mas sikat ang mga nandoon. Syempre, ang alam ko, madalas kumuha ng Agri Business ang mga taga Alegria'ng may malalawak na lupa. Ang Business Ad naman yung mga taga Alegria'ng may mga business. Kaya kumpara sa dalawa, mas maraming may kaya sa Agri Business. Sila yung halos may ari lahat ng lupa sa Alegria.

"Gary!" Sigaw ko.

Dalawa kasi ang bumubuhat sa akin. Si Gary at Greg na classmates ko sa isang subject.

"Sorry nga pala kanina sa rooftop." Sabi ko.

Natamaan ko kasi ang ulo niya pag akyat ko sa kanya. Ang sakit kaya nun. Ngumisi si Gary at tumango.

"Walang anuman yun." Aniya.

Habang bumubunot-bunot ako ng damo sa soccerfield ay biglaan namang nagtakbuhan ang mga Agri Business cheerleaders papuntang covered court. Kami ng mga kasama ko ay pinanood lang sila habang dinudumog ang court.

"WAAAAH! GOOOO HECTOR! GOO MATHEW!" Sigaw ng mga babaeng tumatalon talon sa di kalayuang coverd court.

"May practice game na naman ang Agri Business. Balita ko kulelat daw ang mga Business Ad sa laro." Sabi ni Jobel habang kumakain ng lanzones.

"Syempre, may 6 footer kaya sila. Hector at si Oliver." Sabi ni Sarah.

"6 footer din naman si Bryan, ah?" Utas ni Marie. "Tsaka magaling si Mike."

"Pero diba magaling din si Harvey?" Singit ko.

"Oo." Tumango tango sina Jobel at Marie. "Galing nun mag point guard."

Wala akong alam sa mga basketball terms pero alam kong magaling talaga yung si Harvey. Habang kumakain kami ng lanzones ay biglang may tumamang bola sa cellophane na pinaglagyan namin nito. Agad kaming nagtayuan sa sobrang gulat.

"Oopps, sorry ladies." Kinilabutan agad ako sa nagsalita.

Kahit na hindi na kami nagpapansinan ay hindi ko parin makalimutan ang isang linggong pag ibig na naramdaman niya sa akin.

"Ano ba, Koby! Dun ka nga sa malayo maglaro!" Sigaw ni Jobel.

Ngumisi si Koko at bumaling sakin pagkatapos mapulot yung bola.

"Nasa soccerfield kayo. Soccer player ako. Kaya malamang matatamaan talaga kayo." Umirap siya.

"Mamaya pa ang practice game niyo diba? Magpapractice pa kami!" Galit na sambit ni Sarah.

"Oo. Pero nag wa-warm up ako!" Rason niya.

"Nagpapapansin ka lang yata kay Chesca." Patuyang sinabi ni Jobel.

Nakita kong nag dilim ang tingin ni Koko. Para bang hindi siya  sang ayon sa sinabi ni Jobel kaya na offend siya. "Whatever." Aniya.

"Wala kang magawa, no? Kasi si Hector na ang may gusto sa kanya?" Patuya ring sinabi ni Sarah.

Kinagat ko ang labi ko, "Tama na."

Umiling si Koko at umalis.

Panay naman ang talak nina Jobel sa kanya.

"Ang feeling talaga nung isang iyon. Alam kong feeling na talaga yun kaya nung nagka issue kayo, hindi ako naniniwala na nasaktan mo siya. Alam kong feeling lang talaga siya kaya nag assume agad." Umirap si Jobel.

"Oo nga. Naiirita ako. Anak siya ng Ranchero nina Hector at medyo malapit siya sa tito ni Hector kaya lumalaki ang ulo. Akala niya Dela Merced din siya."

Tiningnan ko si Koko at nakaramdam ako ng awa sa kanya. Oo, masaya ako kasi sa wakas, nakahanap ako ng mga taong medyo kumakampi sa akin. Pero at the same time, nalulunod ako... dahil alam kong may kasalanan ako saming dalawa. Pinaasa ko siya, umasa siya, kaya nasaktan. Let's say yung ego lang niya ang nasaktan, kasi sa iksi ng panahong iyon hindi ako naniniwalang in love siya sakin. Ako parin ang may kasalanan. Sakin parin ang blame. Sorry, Koko.

"TAYO TAYO TAYO!" Nabigla ako sa pagpapalakpak at pagsigaw ng trainor namin.

Nagsitayuan kaming lahat at nag assemble.

"Pumayag na ang President na dito tayo. Binigyan na rin ng note ang mga Agri Business na sa rooftop sila." Aniya. "Kaya, sige, warm up na kayo." Pumalakpak ulit siya.

Habang nag wa-warm up kami ay nakikita kong unti-unting umaalis sa court ang mga taga Agri Business na cheer leaders. Bumabalik na sila sa building at mukhang pupunta na sa rooftop. Mainit sa rooftop, kaya madalas tuwing alas singko na kami nag papractice. Kumpara dito sa field na may parteng natatabunan ng anino ng naglalakihang mahogany sa paligid. Malamig ang simoy ng hangin at hindi mainit.

Nakita ko ring natapos na ang practice game ng mga taga Agri Business. Kitang kita ko si Mathew na paalis ng court at sinusundan ang isang cheerleader na maputi at cute.

Girlfriend niya? Di ko alam. Isa-isa na ring naglabasan ang mga seniors ng Agri Business kasama si Hector at Oliver. Nakita ko rin si Harvey kasama nila. Imbes na manood ako habang papunta sila sa building ay pumalakpak sa mukha ko ang trainor namin.

"Chesca Alde! Magsisimula na tayo." Matama niyang sinabi sa mukha ko habang napapanood ko ang malatikbalang niyang mukha, High Definition.

Tumango ako at pumosisyon.

"One... Two... Three..." Sigaw niya at pinatugtog ang music.

At dahil masyadong malaki ang stereo na dinala ng trainor ay naagaw agad namin ang atensyon ng mga estudyanteng nasa paligid. Habang sumasayaw ako ay nililingon ko si Hector na... ngayon ay papalapit na dito kasama si Oliver.

"Shit." Sabi ko sabay sayaw parin.

Baka mamaya, pag magkamali ako, mainsulto pa ako ng trainor namin sa harap niya. Nakakahiya. Uminit ang pisngi ko habang iniisiip yun. Lalo na ngayong matanglawin siyang tumitingin sa bawat moves naming lahat.

"Melissa! Kumendeng ka naman! Ano ba? Pagod ka ba?" Sigaw niya. "Gary! Wa'g kang tutunga tunganga diyan!"

"Kainis naman 'tong si tikbalang." Bulong ni Jobel nang nag change formation kami at nasa gilid ko siya.

"JOBEL! Yung ngala ngala mo kitang kita ko dito!" Sigaw ng trainor.

Tumawa yung iba. Ako naman, mas lalo na lang pinag igihan ang pagsayaw kahit na hindi na ako makapag concentrate ng maayos kasi nasa harap ko na ang nakahalukipkip na si Hector.

"A-Anong ginagawa niyo dito?" Nag iba ang boses ng trainor namin habang ineentertain sina Hector at Oliver sa harap.

"Nanonood." Sagot ni Oliver.

"Ah... Sige sige..." Ngising ngisi siya sabay haplos ng malagkit sa braso ni Oliver.

Nakita ko ring dumating si Harvey na nakakagat sa tuwalya niya. Mas lalo akong kinabahan. Hindi dahil gusto ko siya, kundi dahil baka kung anong gawin ni Hector sa kanya ngayong nandito siya.

"Aray ku po!" Napasigaw ako nang medyo natalisod ako papunta kina Gary at Greg.

"CHESCA! Ano? Tutulungan pa ba kitang iangat yung mga paa mo sa pag tatravel para lang di ka matalisod?" Sigaw ng tikbalang.

"Sorry po!" Sigaw ko.

"Andyan yung crush niya!" May sumigaw galing sa likuran.

Hula ko si Sarah yung sumigaw. Alam kong si Hector ang tinutukoy nila. Pero nang nakita ni Hector na tumabi sa kanya si Harvey pagkatapos marinig ang isinigaw ni Sarah ay kitang kita ko sa mukha niya ang pagkakaoffend.

"Umalis ka nga dito, Harvey." Sabi niya.

Kumunot ang noo ni Harvey, "Ha? Bakit? Nanonood lang ako."

Nag igting ang bagang niya. Napamura ako habang tinitingnan ang kamay ni Gary na nakalahad malapit kay Greg para makaakyat na ako sa balikat niya.

Inapakan ko ito at hinawakan ko silang dalawa sa braso. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Ito ang unang pagkakataong nasa taas ako at nakikita ng lahat. Lima kaming tumutungtong dito pero ako yung gitna kaya ako yung kitang kita. Nang naka tungtong na ako ay hinawakan na ni Gary ang binti ko para support.

"ABA'Y DI PWEDE YAN SAKIN, CHESCA!" Sigaw ni Hector habang sinusugod niya kami.

Tumalon ako at binalewala siya. Buti na lang at napigilan siya ng trainor namin. Nakababa na ako nang nakita kong nag uusap sila sabay turo sakin.

"Hector, si Chesca ang pinaka makinis at pinakamainam na babaeng ilagay sa itaas." Malambing na sabi ng trainor.

"Aba! Hindi pa nga ako nakakahawak sa mga binti niyan ay may humahawak ng iba?"

Dinig na dinig iyon ng lahat. Ako naman ay nakadapa pa sa soccerfield at ayaw ko na lang tumayo pa dahil sa sinigaw niya. Natigil ang buong routine namin. Ayoko na. Nababaliw na talaga ako sa lalaking ito.

"Pero kailangan, Hector. Iyon na ang napagpractisan namin dito. Next week na ang competition. Huli na ang lahat para baguhin."

"Baguhin ninyo." His words were marked with finality. Ayan na naman ang pagiging bossy niya.

Who do you think you are?

"Hector!" Tumayo ako at sinugod siya.

"Ano?" Galit niyang sinabi sa akin.

"Pwede ba! Ilagay mo nga sa lugar yang pagiging bossy mo! Ito ang desisyon namin. Deal with it."

"Ayoko, Chesca. Alam mo yun."

Humalukipkip ako at tinitigan siya.

Tumitig din siya sakin. Kitang kita sa titig niya ang nag aalab na galit at frustration. Ayaw niya talaga at alam na alam niyang siya ang masusunod dito. Alam niyang kanya ang lahat ng ito at ang salita niya ang batas.

Kinuyom ko ang panga ko at pinagtaasan siya ng kilay. Pumikit siya, umiling at bumuntong hininga, "Sige." Tinalikuran niya kaming lahat at agad ng umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro