Kabanata 70

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Final Chap na na post ko sa IM. sorry naman. haha. goodnight

-----------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 70

Tattoo

Hinabol agad ako ni Hector. Hindi pa ako nakakalayo ay naabutan niya na ako at hinarap sa kanya. Naaninag ko agad ang medyo stressed na pagmumukha ni Elena sa di kalayuan. Huminga ng malalim si Hector at tinitigan ako.

"Nagkasalubong lang kami. Na ospital si tito." Paliwanag niyang hindi ko naman hiningi.

"Okay. Sige." Sabi ko at umamba ulit na aalis pero pinigilan niya ako.

"Come on, Ches. Kakaayos lang natin." Aniya sabay tingin ng matatalim sa akin.

Sinulyapan ko ang lumulunok na si Elena. Mukha siyang stressed at nakakaawa. Syempre, may sakit ang daddy niya, e. Ayokong maging mean sa kanya ngayong ganito ang sitwasyon kaya lang hindi ko maiwasan dahil sa nangyari kagabi.

"Ano? Dito ka na lang muna?" Mahinahon kong tanong kay Hector.

Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan akong mabuti. "Nababaliw ka na ba?" Pabulong niyang tanong.

"Your friend needs you, Hector. Baka gusto mong dito ka muna?" Tanong kong seryoso.

"Hindi, Chesca, uuwi na tayo-"

"Chesca." Nakita kong humakbang palapit ang nakaputing t-shirt at maong pants na si Elena.

Kumpara sa mga soot niya noon ay mas simple ito. Siguro naman, diba? Sino ba ang pupunta ng ospital na may soot na dress gayung naoospital ang daddy niya?

Yumuko siya nang nakalapit na ng tuluyan sa amin, "I'm sorry sa lahat ng nasabi ko." Aniya na para bang nangungumpisal na. "Yung tungkol sa FHM."

Tumango ako. Ayaw kong maging malupit pero hindi ko kayang magpakaplastik. "Okay lang naman." Bahagya akong umirap.

Nag iwas ng tingin si Elena at sumulyap kay Hector.

Hindi ko alam kung paranoid ba ako o alam ko ito dahil babae rin ako. May pagtingin talaga siya kay Hector. Isang pagnanasang kahit anong gawin niya ay mahirap iwaksi sa mga mata niya. Kumunot ang noo ko. Nadatnan ako ni Elena na ganoon kaya nag iwas agad siya ng tingin sa amin ni Hector.

"Sige, maiwan ko na kayo." Mahina niyang sinabi.

"Sige, Elena. Ikamusta mo na lang ako kay tito." Ani Hector.

Tumango si Elena ngunit di siya nag angat ng tingin kay Hector.

Nanliit ang mga mata ko. Hinintay ko siyang tumalikod sa amin at pinanood ko ang pag alis niya. Nakahawak na si Hector sa braso ko at hinihigit niya na ako paalis doon.

"Let's go." Utas niya ngunit di ako nakinig. Imbes ay sinundan ko ng tingin si Elena paalis doon. "Chesca, tayo na." Ani Hector.

Nanliit ang mga mata ko nang nakita kong unti-unting humina ang paglalakad ni Elena. Nakita ko rin ang paunti unti niyang paglingon sa amin ni Hector. Pinanood kong mabuti at nabanaag ko ang kumikislap na luha sa kanyang mga mata nang natagpuan nito si Hector.

Nanlaki ang mga mata ko. She's crying for him! Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Chesca?" Tawag ng walang kamuwang muwang na si Hector sa gilid ko.

Nanlaki din ang mga mata ni Elena nang nakitang nakatingin ako sa kanya. Agad agad ay binawi niya ang titig niya kay Hector at tumakbo na siya at lumiko para mawala na sa paningin ko. Unti unti ko namang nilingon ang nakataas na kilay ni Hector.

"Ano? Tulala ka?" Tanong niya sa akin.

Hindi niya nakita iyon. Hindi niya nakita ang pag iyak ni Elena na paniguradong dahil sa kanya. Ang swerte naman talaga ng lalaking ito at madali siyang mahalin. Lahat ata ng napapalapit sa kanya ay paniguradong magmamahal. Pero sakin... sakin hindi pwede yun. Ako lang dapat. Nilingon ko ulit ang kinatatayuan ni Elena kanina bago ako sumama sa kanya palabas ng ospital.

"Anong pinag usapan ninyo ni Clark?" Tanong niyang halatang may bahid na pagdududa nang papasok na kami sa sasakyan niya.

Umirap ako. "Kung ano ang pinag usapan namin nung nandun ka, yun na yun." Sabi ko.

Tinitigan niya ako bago pinaandar ang sasakyan pagkapasok niya.

"Ikaw? Anong pinag usapan ninyo ni Elena?"

Nagkasalubong ang kilay niya. "Yung nangyari sa daddy niya. Bakit? Nagseselos ka?"

Ngumuso ako at nag iwas ng tingin.

Binalot kami ng matinding katahimikan. Hindi ko sinagot iyong tanong niya. Imbes ay tinarayan ko na lang.

"Ba't ako magseselos? Tsaka, paandarin mo na nga iyong sasakyan." Utas ko.

"Asus! Dumideny pa, e, alam ko naman na mabilis kang magselos." Natatawang sinabi ni Hector.

Umirap na lang ako sa kawalan buong byahe. Ni hindi ko alam kung saan kami patungo pero base sa mga dinadaanan ay siguro sa bahay kami pupunta. Nabanggit niya rin namang lumilipat na ng paunti unti ang kapatid at pinsan ko doon. Gusto kong umangal pero magmumukha na talaga akong tanga kung nandito na lahat ng gamit ko sa bahay na ito.

"Bibisitahin natin ang kapatid mo." Aniya sabay sipol na parang ang saya niya.

Hindi ko maintindihan kung ano pa ba ang kinaiinisan ko ngayon. Basta naiirita lang ako at hindi ko siya magawang sabayan sa kanyang kaligayahan.

Itinigil niya ang sasakyan sa bahay na miss na miss ko na. Walang pinagbago ang maitim naming gate. Lumingon ako sa bakanteng lupa na matalahib sa tapat ng bahay. Bakante pa rin iyon. Wala pang nakakabili kaya kitang kita namin pababa ang buong village. Tumingala ako sa veranda namin. Pag naroon ka ay ang buong syudad na ang makikita mo.

Excited akong nag doorbell. Ngunit nagulat ako nang binuksan lang iyon ni Hector nang walang kahirap hirap. Ngumisi siya sa akin at naglahad siya ng kamay para imuwestrang papasok ako.

Nakataas ang kilay ko papasok ng bahay. Walang pinagbago ang glass doors at sliding windows namin. Naroon parin ang japanese inspired fountain sa garden at naroon din ang bagong sasakyan ni Teddy sa garahe. Para na talagang inangkin ng mga tiyanak ang lugar na ito. Hindi ba sila nahiya kay Hector?

"Hello?" Sigaw ko nang nakapasok at napansing walang tao roon. "CRAIG! TEDDY BEAR!" Sigaw ako nang sigaw.

At home na at home parin ang pakiramdam ko nang hinalughog ko ang buong unang palapag. Si Hector ay naroon lang malapit sa pintuan at nakapamulsa habang pinagmamasdan ako.

"CRAIG! TEDDY!" Sigaw ko ulit.

Napatalon ako nang padarag na nabuksan ang pintuan ng kwarto ni Craig sa taas. Tumingala ako at nakita ko siyang topless at magulo ang buhok. Humikab siya nang dinungaw kami ni Hector sa sala. Kumulo agad ang dugo ko dahil sa mga bumahang litrato sa isip ko. Pakiramdam ko may dinadala siyang babae dito!

"Sinong kasama mo?" Hindi madedeny sa boses ko ang galit.

Tumigil siya sa paghikab at humalakhak. "Chill, ateng, walang babae." Parang nabasa niya ang iniisip ko. "Ang possessive mo kahit sakin." Sumulyap siya sa likod ko, alam kong si Hector ang sinulyapan niya.

"Uh-huh?" Sabi ko habang umaakyat na sa hagdanan para icheck ang kwarto ng kapatid ko.

Tumatawa sila ni Hector sa ginagawa kong paninigurado. Umamba akong bubuksan na ang kanyang kwarto.

"Go on, Chesca. Feel free. This is your house." Natatawang sinasabi ni Craig.

Binuksan ko iyon at nagulat ako dahil walang babae sa loob. Ngunit nang ibinalik ko ang tingin ko kay Craig ay galit na galit na akong tinuturo ang kama.

"BAKIT NASAYO ANG KAMA KO?" Sigaw ko.

Dumiretso na ako sa kwarto ko para icheck kung kaninong kama ang gagamitin ko ngayon. Nang binuksan ko ang puting pintuan ng kwarto ko ay tumambad sa akin ang isang kwartong puno ng mga box na pag aari ni Craig at Teddy.

"A-Anong nangyari sa kwarto ko?" Nanginginig ang labi ko habang tinitingnan ang mga box doon at inisa isa.

Walang kahit isang box na pag aari ko! Nakangisi si Craig na nagmamasid sakin habang nahihirapan sa paghalungkat ng iba pang box.

"Nasaan ang mga gamit ko, Craig? Yung mga damit ko!" Pasigaw kong sinabi habang nanghahalungkat.

Nilingon ko ang nakangising si Craig. Sa likod niya ay nakita kong nakahalukipkip si Hector at madilim ang titig sa akin.

"Asan?" Tanong ko.

"Tinapon ko na yung lumang kama ko." Ani Craig. "Ang luma na nun, e."

"Asan ang ibang gamit ko? Paano ako matutulog kung wala akong kama? Share tayo?" Tanong ko sa kanya.

"No one... will share with you, Chesca." Seryosong utas ni Hector sa likod ni Craig.

Humakbang siya ng paunti unti patungo sa akin. Diretso ang titig niya at puro mabibigat. Dahil doon ay dinalaw na naman ako ng kumakalabog sa bilis at lakas na pintig ng puso ko.

"You will be on my bed, from now on." Aniya.

"Ha?"

Nag igting ang bagang niya. "Nasa condo ko ang gamit mo. Doon ka na titira." Hindi siya nanghingi ng opinyon, iyon na talaga ang katotohanan para sa kanya.

"Pero Hector-"

"Hindi pa tayo kasal? Hindi pa pwedeng tumira sa iisang bubong? Chesca, magpapakasal tayo."

Kinagat ko ang labi ko.

"See, ateng? Doon ka na sa kanya kaya wala kang gamit dito. Doon ka uuwi." Humalakhak si Craig at nakipag high five kay Hector.

Napangiwi ako sa kanilang dalawa.

"Ayoko! Dito ako matutulog!" Sinabi ko agad.

Nakita kong napaawang ang bibig ni Hector sa idiniklara ko.

"What?" Nilagpasan ko ang nagtatanong na si Craig.

"Kukuha ako lang ako ng meryenda sa ref. This is my house, Craig." Sabi ko at dumiretso sa baba.

Nangatog ang binti ko pagkapunta ko sa kusina. Pinaypayan ko na agad ang sarili ko dahil pinagpapawisan na ako ng malamig. Oh my gosh? Si Hector at ako sa iisang bubong? At narinig mo ba yung namutawi sa labi niya? Magpapakasal kami? Okay lang sakin! Ay! Sinabunutan ko agad ang sarili ko.

"Pero ayaw ko pa munang magkaanak." Kinagat ko ang labi ko habang umiiling.

Binuksan ko ang ref at nakita kong may mga pagkain doon pero madalas ay processed foods. Hay! Boys!

"Kung ganun kailangan kong matutong magluto?"

Pumikit ako sa kabaliwang iniisip ko. Bakit kaya taliwas ang ipinapakita ko kay Hector sa mga nararamdaman ko? Bakit hindi ko madiretso sa kanya na gusto ko? Na mahal ko siya? Na gusto ko ring magpakasal kami?

Para mawala ako sa mga iniisip ko ay napag isipan kong gagawa na lang ako ng sandwich. Oo, dahil iyon lang sa ngayon ang kaya kong gawin sa kusina. Kinuha ko ang mga ham, lettuce, kamatis, cheese, at kung anu ano pa. Ni toast ko yung slice bread at nilagay sa plato. Dinig ko na ang ingay ng TV namin sa sala habang nag uusap ng malakas si Craig at Hector tungkol sa basketball sa TV.

Binitbit ko ang tray na may lamang sandwich at juice para sa aming tatlo. Uminit ang pisngi ko nang nakitang nakaupo si Hector sa sofa at nakalahad ang braso niya na parang hari. Agad niya akong tinitigan na papalapit doon habang si Craig ay talak nang talak tungkol sa paburito niyang Miami Heat.

"K-Kain muna kayo." Sabi ko at nagkagat agad ng labi dahil sa panginginig nito.

Yumuko ako para ilapag ang tray sa mesa. Sumulyap ako kay Hector na mainit na nakatingin sa akin. Bahagyang kumunot ang noo ko pero ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko na titig na titig sa akin ngunit hinayaan ko na lang. Nang sinulyapan ko ulit ay nakita kong nakatingin siya sa dibdib ko.

"Oh?" Napatingin ako sa dibdib kong medyo kita ang cleavage habang nagsasalin ng juice sa baso.

Agad akong tumayo ng maayos at pinagtaasan siya ng kilay. Nagtaas din siya ng kilay. Ni hindi siya nahiya na binosohan niya ako! Umismid na ako sa kanya pero nagpatuloy siya sa pagtataas ng kilay at sa unti unting pag angat ng labi niya.

"Ewan ko sayo, Hector!" Sigaw ko at inirapan siya bago umalis doon at nagtungo sa kusina.

"Ano yun, ateng?" Sigaw ni Craig na agad ding nawala dahil sa panonood niya ng basketball.

Huminga ako ng malalim habang nasa sink ako at pinaypayan ulit ang sarili.

"Gaaah! Hindi pwede to! Lintek na manyak!" Bulong ko sa sarili ko nang biglang may humawak sa magkabilang baywang ko.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko lalo na nang ibaon ni Hector ang kanyang mukha sa leeg ko. Hinarap ko siya at agad tinulak dahil naghuramentado na ang puso ko.

"Ikaw? Ang manyak mo talaga!" Sabi ko nang tinuro siya.

Natatawa siya nang pinagmasdan akong umuusok sa galit at maaring namumula ang mga mata.

“Ano ngayon kung akin ka naman?” Umamba siyang lalapit sa akin pero nilayuan ko agad siya.

“Ang manyak mo! Hindi pa tayo bati! Tumigil ka!” Sabi ko.

Humahalakhak na siya at unti unti na akong sinusundan.

Nakita kong bumilis ang galawa niya. Tatakbo na sana ako sa sala nang walang kahirap hirap niya akong hinapit at kinulong sa kanyang mainit na bisig.

“Huli ka!” Tumawa siya.

Sinapak ko siya ngunit umilag lang at di nagpatinag. Hinawakan niya ang baba ng kilikili ko at nagsimula siyang mangiliti. Hindi ko talaga kaya pag kinikiliti niya ako. Para akong kinukuryente kaya tawa at piglas ang naging reaksyon ko. Hindi siya tumigil kahit na nasasaktan ko na siya sa pagpiglas ko.

“Please, Hector, stop it!” Tangis ko.

“Oh no, no, no, Chesca.” Humalakhak siya. “I won’t stop until you say we’re going home. Gusto na kitang iuwi. Yung tayong dalawa lang.” Aniya.

Tinutulak ko na siya dahil nagpatuloy ang pangingiliti niya. Ni hindi ko na masabi ng mabuti ang dapat kong sabihin.

“O baka gusto mong dito mismo sa kusina ninyo, Ches? Ha?” Ngumisi siya at idiniin niya ang kanyang sarili sakin.

Napapikit ako nang naramdaman ko siya. Uminit ang pisngi ko at itinulak ko ulit siya. “Ano? Sasapakin kita diyan, eh!” Pabulong kong sinabi.

“Edi kung ayaw mo, sa condo natin.” Aniya at mabilis akong hinatak palabas ng kusina.

Ni hindi ko na naayos ang damit kong ginusot ng pangingiliti niya at ang buhok kong parang dinaanan ng bagyo. Nag angat ng tingin si Craig at umiling nang natagpuan kaming dalawa.

“Uwi na kami ng ate mo, Craig. Dito ka lang. Be a good boy.” Tumatawang sinabi ni Hector. “Kunin ko na ito.” Aniya at kumuha ng dalawang sandwich sa tray. “Para sakin ‘to, e. Kakainin ko.”

“Okay, whatever bro. Alis na kayo. Ingat kayo. Ingat, ate.” Kumindat ang lintik na si Craig sakin.

Ito na talaga ata ang lalaking gusto niya para sakin. Kasi noong si Clark pa ay lagi siyang nambabara at laging mukhang galit. Pero ngayon? Nagawa pang magbilin ng ‘ingat’.

100kmph ang takbo ng Jeep Commander ni Hector. Ganun na ba talaga siya ka excited? Ni hindi niya ni park ng maayos sa parking lot iyong sasakyan niya. Hinigit niya lang ako patungo sa elevator at sa isang iglap ay nasa condo na ulit kaming dalawa. Nagulat ako dahil masyado iyong magulo. May mga box doon na nakapatong sa sala.

“Mga damit ko?” Tanong ko.

Hinagkan niya ako galing sa likod habang binubuksan ko ang mga box para tingnan kung damit ko ba iyon.

“Hindi.” Bulong niya.

Nang buksan ko ang mga box ay nakita ko ang limpak limpak na FHM, yung edition lahat kung saan naroon ako! Ibig sabihin lahat ng box dito sa sala ay FHM ang laman? Tanta ko ay mga fifteen ka box ang naroon at may higit 50 siguro ang magazine sa loob.

“Hector?”

Hinalikan niya na ng marahan at paunti unti ang balikat ko. Pinaglalaruan niya na rin ang baywang ko.

“Hector, binili mo lahat ng ito?”

“Uh-huh.” Aniya habang hinahalikan pataas ang leeg ko.

Tinagilid ko ang ulo ko dahil sa init na naramdaman sa mga halik niya. Hindi ako makapaniwala na binili niya ang lahat ng ito. Sigurado akong kaya siya tumigil sa pamimili ay baka na kontak niya na mismo ang publisher o ano? I know Hector, at gagawin niya ang lahat para lang matigil ang production nito. Hari siya, at sanay siya na siya ang batas. Sa akin lang ito tumitiklop at lumuluhod.

“Miss na miss na kita, Chesca. At mahal na mahal kita. Gusto ko tayong dalawa lang talaga.” Bulong niya.

Hinarap ko siya. Hindi ko mapigilang ngumiti lalo na pag nakikita ko siyang seryoso at diretso ang titig sa akin. Kinulong ko ang pisngi niya gamit ang palad ko.

“I miss you too, Hector. Mahal na mahal din kita. Sobra sobra.” Utas ko.

“Well then...” Hinaplos niya ang aking pisngi. “Let’s end the war, Alde. Marry a Dela Merced and the whole rancho is yours.”

“Hindi naman iyon ang gusto kong angkinin, Hector. Yung puso mo.” Ngumisi ako.

“Pero angkin mo na ang puso ko. Kahit noong umalis ako. Angkin mo ito kaya kailangan ko ring angkinin ang iyo, Chesca.”

“Iyo din ako, Hector.” Ngumisi ako.

Nagkagat siya ng kanyang labi at bigla niya akong binuhat. Napatili ako at napatawa sa pagbuhat niya sa akin. Diretso ang lakad niya sa kwarto niya. Tinapon niya ako sa kama niyang kulay blue. Agad siyang tumungtong doon at mariin akong siniil ng halik.

“Holy shit, you really turn me on so much when you’re on my bed.” Ngumisi siya. “Pagnakikita kitang nasa kama ko, gusto agad kitang hubaran.” Bulong niya.

Halos mawala ako sa aking ulirat sa kanyang sinabi at sa pagsiil niya ng halik ngunit may naalala ako.

“At twing naiisip kong nasa kama ka ng iba, para akong namamatay. Chesca... you are all I have. You can’t leave.”

Tumigil siya sa paghalik at hinarap ako. Nagdilim ang kanyang titig na para bang sa unang pagkakataon, magpapakita siya ng kanyang kahinaan sa akin. Sa unang pagkakataon, aaminin niya na ako... na ako lang ang makakawarak sa kanyang buhay. Na sa oras na tatalikod ako sa kanya ay madudurog ang buong pagkatao niya. Pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang takot sa kanyang mga mata. Umiling ako at ngumisi.

“No, Hector. I won’t.” Sabi ko at unti unti siyang tinalikuran.

Nakita ko ang pagtatanong sa kanyang mga mata pero ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Unti unti kong tinanggal ang damit pang itaas ko at binahagi ko ang buhok ko upang makita niyang mabuti ang nakatatak sa balat ko.

“See? I’m for you.” Sabi ko at hinarap siya.

Nakita ko ang laglag niyang panga at ang mabilis na pagkislap ng namumuong luha sa kanyang mga mata. Tumawa siya kaya lumandas ang isang takas na luha. Umiling siya at tumawa ulit. Hindi ko maintindihan kung ano itong naramdaman ko nang nakita siyang umiyak dahil dito. It was overwhelming and heartwarming.

“No, that’s not a tattoo.” Aniya.

“It is, Hector. Permanent.” Sabi ko.

Umiling ulit siya at tumawa. Para bang hindi siya makapaniwala na ginawa ko iyon para sa kanya.

Ipinakita ko ulit iyon sa kanya. Natulala siya ng ilang sandali kaya nilapitan ko siya at hinalikan sa labi.

“Kasi masyado kang insecure. Kasi gusto mo ng may marka. Eto na at minarkahan ko na ang sarili ko. Iyong iyo ako, Hector. Nang buong buo.”

Kinagat niya ang kanyang labi at hinalikan niya rin ako.

“Damn, I love you so much, Francesca Dela Merced.” Nakatitig niyang sinabi sa akin. “Sinong nagtattoo niyan?” Tanong niyang bigla.

“Uh... Basta kilalang artist.”

Ngumuso siya. “I hate the thought of someone touching you.”

Umismid ako. “Hector! Pangalan mo naman ang pinatattoo ko. Tsaka professional naman yun.” Tumawa ako at bigla niyang inatake ang labi ko.

Napahiga ako sa kama niya at nagulat ako sa mga malalalim niyang mga halik. Gumapang ang kamay niya sa likuran ko para diretsong kalasin ang bra ko. Nilaro niya ng isang kamay ko ang dibdib ko at ang isang kamay niya naman ay gumapang sa gitna ng hita ko.

“Hector!” Tawag ko habang nakapikit at nalalasing sa kanyang halik. “Baliw ka talaga!”

Bumaba ang halik niya sa gilid ng labi ko, sa leeg ko, sa collarbone. Paunti unti iyon at habang tumatagal ay lalong umiinit at nangingiliti.

“You are mine, Chesca. Just mine. You were made for me.” Bulong niya habang binubuksan ang shorts ko at mabilis na pinasok ang kamay niya doon.

Napapilipit ako nang naramdaman ko ang init ng kanyang kamay sa tela ng panty ko.

“Damn it, baby, I’m so turned on right now. Nakatatak ako sa balat mo!”

Kinagat ko ang labi ko dahil halos di ko na marinig ang mga salita niya dahil sa mga ginagawa niya sa akin. Binaba niya na ang lahat sa akin at ibinahagi niya ang mga binti ko. Ni hindi ko namalayan na wala na rin siyang damit! Nang dumilat ako ay nakita ko na lang ang nakakawalang ulirat niyang burning abs. Hinawakan ko ito at hinaplos pero hindi nagtagal ay pumikit ako dahil sa pagpasok.

“Uuwi tayo ng Alegria sa Sabado. We’ll plan the wedding. Baka di ko mabunot to. Congratulations,  you’ll be pregnant.” Tumawa siya at nagsimulang gumalaw.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro