Kabanata 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

When Everything Changed

College days were not easy and not that difficult at the same time. They were good days and bad days, but probably, it is a reflection of the world outside.  College years didn't just promise to teach us academically, it is more likely to teach lessons about the way of life that we may not appreciate by now but in the near future.

I made friends and some acquaintances but Agatha and Bryce were the ones who accompanied me in this journey. Hindi ko naman nakakalimutan ang mga kaibigan ko noong high school, palagi pa rin kaming nagkikita pero hindi ganoo kadalas dahil kahit nasa iisang university kami, magkakalayo naman kami ng campus. Si Viana ay madalas idala ni Gael dito kapag may free time siya. Sa ibang university siya napasok at napakalayo no'n dito.

"Really?" Zeno exclaimed. Sinabi ko kasi sa kanya na ikakasal na si Viana at Gael pagkatapos ng graduation namin.

[Makakauwi ka ba?] I typed on the chatbox.

He sighed and slowly shook his head. "Sorry, Yena. Busy years ngayon ng med school at hindi akov basta-basta makakapag-book ng flight. I'm sure hindi rin papayag sina mama na umuwi ako. Wala rin akong ipon ngayon dahil hindi ako nakakapag-part-time job. I'm sorry, snail."

Naiintindihan ko naman siya pero I was kinda disappointed because that's one of his promises, na uuwi kapag may important event sa buhay ng mga kaibigan namin. Gusto ko sanang magreklamo pero ano naman ang magagawa ng galit ko? Hindi rin naman makakatulong ang pagrereklamo ko, napakalayo ng Canada, hindi basta-basta ang biyahe. Alam ko na naman an gusto ni Zeno na umuwi talaga pero may sarili na siyang buhay doon na hindi pwedeng itigil na lang niya bigla dahil nagtatampo ako.

Speech Pathology ang kinuha niyang course. Nagtaka pa nga ako noong una kung bakit iyon ang kinuha niyang course pero nang malaman kong dahil sa akin, naghalo ang emotion ko. I feel flattered na naisip niya ako kasabay ng pagkuha ng kurso niya, he said he wanted to be the one who will treat my stuttering when we he get back home. Pero nag-aaral din ako dahil baka hindi siya maging maligaya sa kursong kinuha. Mahirap ang Med School at mahal pa kaya ayokong pagsisihan niya ang piniling kurso. Mahirap magsayang ng pera at oras sa panahon ngayon.

Hindi ko pinahalatang nalungkot ako hanggang sa matapos ang video call naming dalawa nang gabing iyon. Final exam nila at hindi maganda kung may iisipin niya pa ako ngayon. Gustong intindihin lahat ng bagay para lang magpatuloy ang relasyon namin pero minsan talaga, sinusubok ako ng panahon at pagkakataon. Hindi ko rin nakakayang umintindi at nauubos din ang pasensya ko.

Nakakapagod pala ang ganitong setup, naiisip ko nga na baka wala ring patunguhan ito at baka umaasa lang ako na magiging kami pa rin ni Zeno kahit na walang kasiguraduhan ang pag-uwi niya sa Pilipinas. Paano kung hindi na talaga siya umuwi at wala naman pala akong hinihintay? Paano ang magiging buhay ko kung sakali?

"Yena, sama ako sa lakad niyo! Ang boring sa bahay, eh! Hindi naman ako pwedeng sumama kay Dandan kasi gagawa sila ng thesis, OP lang ako doon." Kumapit sa braso ko si Agatha at nakanguso akong tiningnan.

"O-okay!" Wala naman akong magagawa at pipilit nito ang gusto niya kahit pa tanggihan mo.

"Yes! Saan ba tayo pupunta?" tanong niya pa, hindi pa rin umaalis sa pagkakapit sa akin.

"M-main." Sa main campus kami magkikita-kita nina Caeli at Viana para tumingin ng bride's maid dress sa mall.

"Ah, sige. Basta sunod na lang ako sa inyo. Tarsier muna ako sa braso mo." At talagang hinigpitan pa ang paghawak sa akin.

Nauna kaming dumating doo kaya naghintay pa kami sa labas. Dinadaldal lang ako ni Agatha ng kung ano-ano, minsan ay bumubulong pa sa akin kapag may napuna sa taong dumadaan at saka tatawa nang mahina. Nahihiya na nga ako sa pinaggagagawa niya at gusto ko na lang siyang itulak palayo sa akin.

Dumating si Viana kaya pinakilala ko sa kanya si Agatha. At minsan talaga ang laki g nagagawa ng kadaldalan niya, naging bridesmaid pa ang talaga siya. Ako lamg kasi talaga ang bridesmaid ni Viana at si Caeli ang maid of honor, maliit na kasalan lang ang magaganap dahil nagmamadali si Gael dahil dalawang linggo pagkatapos ng graduation ay pupunta na siya ng Maynila para mag-ready sa Law School.

"Ang bait ng mga kaibigan mo, libre pa talaga 'tong dress," bulong sa akin ni Altheya pagkatapos niyang magsukat ng damit.

Hindi kami nagtagal dahil masama ang pakiramdam ni Cha, masakit daw ang ulo niya at kailangang umuwi kaagad para makapagpahinga. Sinundo na rin si Agatha ni Bryce kaya kaming dalawa ni Viana ang natira. Akala ko ay magtatagal ang paghihintay namin na halos magkasabay na huminto ang isang mamahaling kotse at pick-up ni daddy sa harapan namin.

"D-daddy!" Kumaway ako sa kanya dahil mukha hindi niya ako nakikita.

Halos magkasabay na bumaba sa kotse at lumapit sa amin ni Viana si daddy at Tita Nika.

"Gael told me to fetch you here. Nakabili ba kayo? Oh, hi, Yena, nakapili ka ng dress?" bungad ni Tita Nika kay Viana.

I nodded to her question. Tuluyang nakalapit sa amin ni daddy na parang nag-iba yata ang tindig, parang mas pinagmukha niyang malaki ang katawan niya sa karaniwan. He was not lik this. Nagmano ako kahit pa natatawa sa itsura niya. Probably because Tita Nika is here, this is their first meeting by the way.

"Hi, Viana. Sa wakas nakita ko na rin ang isa sa mga kaibigan ni Yena. I'm Vernon, Yena's father," pakilala ni daddy kay Viana, kinamayan pa niya ang kaibigan ko. Sunod ay bumaling siya kay Tita Nika na mukhang nagulat din sa itsura ng daddy ko. 

"Magandang hapon, Mrs. Veda, I heard a lot about you. Sa laki ng business niyo imposibleng hindi pa kita kilala," sabi ni daddy at inalok ang kamay kay Tita Nika. Swear, nanginginig na ang kalamnan ko dahil sa kilig. Sabi ko na eh, super bagay talaga sila!

"Oh, thank you. Nice too meet you. Alam ko na ngayon kung saan nagmana si Yena." Awkward na tumawa si Tita Nika halatang naapektuhan sa presensya ni daddy. She was not her usual self. Palagi siyang makulit at makwento palagi, hindi kagaya ngayon...biglang naging mahinhin.

"Yes, from her mother." Nakitawa na rin si daddy kahit pa alam kong hirap na hirap na 'yan dahil nasali na naman niya si mommy sa usapan. "Sadly, you cannot meet her anymore. She passed away when Yena was only four."

See?

"Biyudo ka? Biyuda na ako! What a fate!" Mas lalong naging awkward ang pagtawa niya ni Tita Nika pagktapos ay biglang natigilan. Siguro ay naisip ang nasabi.

Yes! That's fate!

"Kita na lang tayo sa kasal mo Viana, Mrs. Veda." Tumango si daddy sa kanila bago ako hinila ni daddy paalis.

Mahina akong natawa nang makita ang butil-butil na pawis sa noo niya at ang mabilis niyang paghinga na parang tumakbo ng ilang milya. Pagsakay namin sa kotse ay mabilis niyang binuhay ang makina at umiling-iling pa. 

"Don't start, Yena!" banta niya sa akin kaya nanahimik na lang ako. Baka kasi maalat na naman ang ulam namin mamaya kakatukso ko sa kanya.

Wala namang magagalit kung magkagustuhan silang dalawa. Pareho naman na silang walang mag-asawa at okay lang naman sa aming dalawa ni Gael na magkatuluyan sila.

"G-ganda b-ba?" tanong ko at saka tumingin sa kanya nang nakakaloko. 

Nag-igting ang panga niya. "Mas maganda ang mommy mo, Yena. Stop asking me unecessary questions."

So, maganda nga pero naisingit na naman si mommy. Mommy, bisitahin mo nga minsan si daddy at pakisabing okay lang na magka-crush siya sa ibang babae.

Pero hahayaan ko muna si daddy kung ano ang gusto niyang mangyari. Hindi naman kasi biro ang pag-let go sa taong sobra mong minahan at hindi mo man lang nakasama ng napakatagal na panahon. Kung hindi pa kaya ni daddy na buksan ulit ang puso niya nang buong-buo para magmahal ulit, huwag muna. Baka magkasakitan lang sila ni Tita Nika

Tumambay ulit ako sa harap ng laptop ko na nabili ko dahil sa pagbebenta ng mga paintings ko. Kinailangan ko talagang magbenta na dahil mahal ang gamit sa architecture at kinailangan ko na ring bumili ng laptop. Yung mga bagong painting ko lang naman ang mga pinagbebenta ko at hindi iyong mga naka-display sa Flower Shop dahil mahal na mahal ni daddy ang mga iyon. Para lang kasi sa mga gastusin sa bahay ang kinikita ng flower shop kaya nakumbinsi ko rin si daddy na pagkakitaan ang talent ko.

Hinintay ko na tawagan ako ni Zeno dahil mga ganitong oras siya tumatawag sa akin para kumustahin ang araw ko. Kailangan ako ang mauunang mag-o-online at siya ang tatawag. Tingin ako nang tingin sa orasan dahil medyo huli na siya sa karaniwang oras na tumatawag siya. Hindi pa siya online ibig sabihin tulog pa siya or may ginagawa pa. Magsasabi naman 'yon kung hindi makakatawag para hindi ako maghintay nang matagal sa laptop.

Bumuntonghininga ako at naghintay pa nang kalahating oras dahil baka nagkaproblema lang siya sa internet o sa PC niya. Nag-aalala kasi baka may nangyari dahil hindi man lang siya maka-chat or text. 

"Yena, wala pa rin?" tanong ni daddy na humihikab na dahil kasama ko siyang naghihintay sa pagtawag ni Zeno.

Umiling ako nag hindi man lang siya tinitingnan, nakatutok ang mga mata ko sa screen ng laptop. Nasaan ka na ba, Zeno?

"Baka maraming ginagawa, anak. Sabi niya exam nila, hindi ba? Huwag mo munang guluhin para makapag-focus. Bukas tatawag din 'yon kapag hindi na busy," sabi ni daddy at nagpaalam na na matutulog.

Kahit na pa busy 'yon, magsasabi pa rin siya kapag hindi siya makakatawag. Halos umabot na ako ng madaling-araw kahihintay, na-lowbatt na rin ang laptop at namatay na lang kusa. Maluha-luha kong kinuha ang cellphone ko para gisingin si Gael at magtanong kung ano ang nangyari kay Zeno.

Gael:

Sorry, Yena. I didn't receive any call or message from him either. Baka busy lang talaga siya.

No! Baka may nangyari na sa kanya kaya hindi na niya magawang mag-message man lang. Kahit offline siya ay tinadtad ko siya ng messages, puro pangungumusta at pagtatanong kung napano ba siya at hindi siya nakatawag ngayon.

Kinalma ko ang sarili ko at tinigil ang pagluha. Bigla kong naisip na baka abala lang talaga siya ngayon sa Med School at wala talaga siyang time para sa akin ngayon. Zeno will never leave me hanging, I know he will come back tomorrow or maybe later. My swan will never abandon me.

Or maybe I am wrong...

I didn't expect it to end like this...

Ganito lang pala matatapos ang lahat at wala na lang akong magawa kung hindi titigan ang profile niya sa Skype na kung hindi deleted ay baka naka-block na ako. What did I do wrong?

"Tangina talaga ng Zeno na 'yan, hindi man lang nagpaalam bago nang-cut off!" nanggigigil na usal ni Jude habang nakatingin din sa profile ni Zeno sa cellphone niya. "Huwag lang uuwi rito 'yan, bibirahan ko talaga 'yan!"

"Tama na nga, Jude. Hindi na nga maganda ang ginawa niya, gagantihan mo pa ng hindi rin maganda," bawal sa kanya ni Cha at saka hinarap ako. "Okay ka lang? Huwag ka nang umiyak, malapit na ang graduation niyo. Magna Cum Laude ka pa namin din, dapat happy ka lang muna." Niyakap niya ako kaya mas lalo akong naiyak.

Baka may nagawa akong mali, baka nagalit siya sa akin kasi masyado akong clingy at isang beses lang siyang hindi nakatawag ay aligaga na ako. Mali bang mag-alala ako sa kanya? Mahalag siya sa akin, eh! Tapos ang layo niya pa sa akin kaya siguro naman na normal lang na mag-alala ako.

"He blocked me too, or maybe he deleted his account. Wala rin akong natanggap na reply sa mga message ko sa kanya sa email. Maybe he just cut us all off, he doesn't want to communicate with us anymore and one of the reasons I can think of is his parents. It only means one thing, he is planning to stay in Canada for the rest of his life." Tumingin sa akin si Gael, malungkot ang mga mata niya. "I'm sorry, Yena if this happened suddenly, but I think you will never see Zeno again."

"Gael, don't talk like that!" sita ni Viana sa kanya.

"I am just telling her what to expect. Wala nang pakialam sa atin ang lalakeng iyon. Kung ganito lang pala kadali sa kanya na talikuran tayo lalong-lalo na si Yena, he didn't deserve to be remembered at all!" Gael gritted his teeth.

Tumango ako kasabay ng huling luhang iiiyak ko para sa kanya. Hindi niya siguro ako minahal talaga o hindi lang sapat ang pagmamahal niya sa akin kaya nagawa niya akong talikuran. Hindi pa siguro ako sapata. Kulang pa siguro ako.

Hiningi ko ang email address niya kay Gael, I want to message him for the last time. I want to say my goodbyes even if he didn't bother to write one for me.

Zeno,

Hindi ka man lang nagpaalam kahit simpleng goodbye lang. Sana sinabi mo na ayaw mo na, hahayaan naman kitang umalis. Hindi naman kita pipigilan. Hindi sana ganito na iniwan mo na lang lahat kami sa ere.

I still love you though. You will always be my swan and I will be your snail. I will not try to forget you, you will always be a part of my heart. I'm so sorry if I did something wrong o kung may hindi man ako nagawa.

Thank you for everything because of you I feel validated and loved. I hope the future will be kind to you and make you successful. I will always be proud of you. 

I love you with all the rain that pours in our sky. Even if I once again, found misery in rain. It was raining when you left for the first time, and still raining when you left me for the second time.

Love,

Yena

I looked up at the raining sky. 

Goodbye, Zeno. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro