Kabanata 28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Rainy Days Have Come

After 20 years...

"Cancer?"

"Bone Cancer, Mr. Montalban," the doctor said, shocking us both.

Umikot ang paningin ko kahit nakaupo lang naman ako, kaharap ko ang asawa ko at nasa pagitan naming dalawa ang doktor. Hindi pwede! Hindi pwede kasi kamamatay lang ni daddy!

Ilang araw din kaming pabalik-balik dito sa ospital, akala naming pareho ay arthritis lang dahil nga sa katandaan namin, I didn't know that those pain will result to even worst disease. Kung hindi ko pa siya pinakiusapan na magpunta sa ospital ay hindi niya pa papansinin ang malalang pagsakit ng tuhid niya na minsan ay nagigising na lang siya sa gabi na dumadaing sa sobrang sakit.

"We have three options to treat the cancer and if you want to undergo the treatment, I will study your case for the best treatment option," the doctor explained.

Sa gulat ko ay umiling lang ang asawa ko. "No, I will not take any treatment."

Kahit ang doktor ay nagulat sa sinabi pero tumango rin. "Naiintindihan ko, Mr. Montalban. Therapies and treatment cost a lot of time, energy, and money."

Kinalabit ko si Zach. "Zach," tawag ko sa kanya.

Hinawakan lang niya ang kamay ko. "I hope you understand me, cupcake. I don't want to waste any time and money. The last thing I wanna do after knowing that I could die any moment from now is to cage myself in the hospital, wasting my time and hoping I could live forever to be with you. Kung talagang mamamatay na ako, hindi ko na 'yon mapipigilan kahit ano pang gawin kong pagpapagamot. The only thing that I wanted to do now is to spend my remaining time with you making happy memories that I can bring with me until death."

Ang bigat ng loob ko habang palabas kami ng ospital, hawak ko ang braso ng asawa ko dahil inaalalayan ko siyang maglakad. Apektado kasi ng sakit niya ang isang tuhod niya at ang balakang niya. Iyak ako nang iyak hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko ngayon, litong-lito na ako. Hindi ko alam kung tama bang huwag na lang ipagamot si Zach kahit may pera naman kami. Pababayaan ko na lang ba siya?

Palagi niya akong inaalagaan, hindi ko napansin na napapabayaan ko na pala siya. Hindi ko man lang maitanong kung ano ang masakit sa kanya minsan. Ako palagi ang iniintindi niya.

"Yena, stop crying. Kanina ka pa iyak nang iyak sa ospital." He wiped my tears.

"Kasalanan ko, Zach." I cried for new tears.

Umiling siya. "No, walang may gusto na magkasakit ako. You did everything to take care of me. You gave up your work as an architect kahit pa gustong-gusto mong ginagawa 'yon just to be my a housewife to take care of our babies, at para na rin may sasalubong sa akin tuwing uuwi ako na pagod sa trabaho. You feed me delicious food, sabi ng ng mga kasamahan ko sa trabaho ay napakaswerte ko sa 'yo. Hinahatiran mo pa ako ng pagkain sa trabaho." Niyakap niya ako nang mahigpit. "You are always wondering what did you do to deserve me but as a matter of fact, it's the other way around. What did I do good to deserve you? Wala akong maisip na dahilan kaya naman ang kapalit na lang no'n ay mahalin at alagaan ka nang lubos. Iyon siguro ang gusto ng Diyos at kung tapos na ang misyon kong 'yon, handa na ako kasi alam kong maayos ka na."

"No!" Anong maayos ang pinagsasasabi niya? Kailangan ko pa siya sa buhay ko, hindi ko kaya na wala siya.

"You are a brave woman, Yena. I know you can go on in life without me." He kissed my forehead. 

Ilang araw yata akong nakakulong lang sa kwarto, babangon lang ako kapag kailangan lalo na kapag masakit ang katawan ni Zach. Nag-resign na siya sa trabaho dahil gusto raw niyang mamasyal kami palagi. Gusto niya ring mapuntahan araw-araw ang flower plantation na naging pasyalan na rin ngayon dahil sa mga ginawa naming renovation.

"Yena, come on! Get up! Hindi ako nagpakulong sa ospital dahil gusto kong makasama ka pero ganito ka naman. Cupcake, can we just forget that I have a cancer and dying?" Hinila niya ako paupo sa kama. "Halika na, we shouldn't waste any time kasi malay mo bukas, patay na ako."

Hindi ko talaga alam kung bakit niya pa nagagawang magbiro ng ganyan. Ganyan lang din si daddy no'n, eh. He died in old age, hindi na lang siya nagising kinabukasan. Eula already left us too, matanda na rin kasi.

Nagbawas na rin kami ng mga alaga dahil hindi na rin namin kayang alagaan lalo pa ngayon na may sakit si Zach. 

Ang asawa ko, palagi na lang nakangiti ngayon. Parang anytime ay ready na siyang mawala, sana ako rin ganyan kadaling matanggap na iiwan na din niya ako. Paani ba kasi mag-let go nang hindi nasasaktan?

"We heard the sad news, Yena. Is he okay?" tanong ni Gael.

Tumango ako, okay na okay nga, eh. Pinagluluto pa nga kami sa kusina.

"Cloud, puntahan mo muna ang Ninong Zach mo sa kusina," utos ni Viana sa anak.

"Okay, mama." Ngumiti sa akin si Cloud na parang nakikisimpatya sa nangyayari.

Ewan ko ba at hindi ako napapagod sa pag-iyak. Kahit ilang ulit ng sinabi sa aki ni Zach na ayos lang siya at hindi naman masama ang loob niya na mamamatay na siya ay ang bigat pa rin ng puso ko. Hindi ko matanggap na sa dinami-rami ng tao sa mundo ay ang asawa ko pa na wala namang bisyo at ginawang masama ang kailangan mahirapan.

"He do-esn't wa-nt any tre-atment. Okay la-ng ba na ha-hayaan k-ko siya na ga-noon na lang kahit may pera na-man kami?" tanong ko sa mga kaibigan ko.

"Yun ang gusto ng asawa mo, Yena. Gano'n niya gustong magtapos ang buhay niya at hindi nakakulong lang sa apat na sulok ng kwarto. Treatments and therapies are not a hundred percent effective. Kapag bumigay ang katawan ni Zach dahil sa intense treatment ay mapapadali lang ang buhay niya," paliwanang ni Jude.

"Just spend the remaining hours he has into good memories. Mahirap mawalan ng minamahal, alam mo 'yan. Hindi ba nga at nagsisisi ka dahil hindi mo man lang naipasyal ang daddy mo bago siya namatay kasi busy ka sa trabaho? Huwag mo na sana ulit pagsisihan ang kapag nawala na si Zach kasi mas inuna mo pang magluksa," Agatha said and held my hand.

After their visit, I realized that it is not the right time to grieve. Buhay pa ang asawa ko at malakas pa kahit may sakit na siya. He already dedicated his remaining time for us to spend it with memories, so be it.

"Where are we going?" he asked after he saw me packing clothes.

"Beach," I simply answered. 

He always wants to spend a week on a beach pero hindi nga namin iyon magawa dahil sa trabaho. I decided to close all the business operations of the Cafe shop and Flower plantation. Yung mga alaga namin ay dinala ko muna kay Jude para may kasama si Susan. 

"I'm happy," Zach said while I am driving the car. 

Ngumiti ako. "Me too, let's spend the rest of the time happy. Game?"

"Game!" He chuckled.

Kinalimutan ko na may malala siyang sakit simula no'n. Naalala ko rin naman minsan kapag sumusumpong ang pananakit ng mga buto niya. Habang tumatagal ay nahihirapan na rin siyang huminga pero kahit pa ganoon ay pinilit naming tinatapos ang mga nasa listahan ng dapat naming gawin.

"Go to the beach, check! Spend a night, oh wait..." He wrote something on it and smiled playfully afterward. "Spend a steamy night in the flower plantation, check!" 

Talaga naman. Isa yata 'yon sa favorite niya.

Napahinto siya sa pagbabasa nang makita ang kasunod. Tumingin siya sa akin, ako naman ay tumayo para makuha ang electrc piano keyboard na binili ko para sa kanya at sa gagawin namin ngayon.

"Write our song," he said.

Matagal na naming pinagpaplanuhan ito pero wala kaming time. Ngayong hindi na siya masyadong nakakakilos at palagi na lang nasa kama ay naisip ko na ito ang perpektong oras para gawin ito. 

Pinuwesto ko ang keyboard sa isang mesa at itinabi ko sa kama para hindi na siya mahirapan. Dahil sa pagtuturo niya sa akin kung paano kumanta ay kahit papaano ay tumuwid ang pagsasalita ko. Music became a big part of our relationship.

"To tell you honestly, I already wrote a song for you. I've been waiting for years to be ready, I think this is the perfect time," he said and then started pressing the key, creating a soothing melody that chills my bones.

"When I see you, I can't help but feel terrified.

Afraid that there will be a day when I wake up.

I couldn't find you here." 

He smiled as he begin to sing a song he composed by himself. 

"On some days, the walkway appears to be shadowed.

But eventually, the darkness disappears, and I awake.

And I feel our love freeing us."

He glanced at me and gave me his sweetest smile. The smile I will not forget for the rest of my life. Just like the first time we met, the first time I saw him smile, that little smile that saved me from the darkness.

"And now all my fear disappears.

Knowing that you are here with me

Whatever may come,

I know I will have you,

'Cause I saw His promise,

When I gaze upon you."

Lumapit ako sa kanya at sumandal sa balikat niya, kagaya ng ginagawa ko noon tuwing kakantahan niya ako. I can't help but to look back our past.

"When my time here on earth has come to an end,

And then the Lord asks me what I have become and through,

I will whisper to Him all the battles we end with a smile,

And thank Him for letting me have you,

I will never get tired of thanking Him for giving me you."

His voice cracked and all of a sudden, he stops playing the piano. Tumingin ako sa kanya, I saw him wiping his tears. He was silently sobbing while trying to compose himself. Hinila ko siya para mayakap ako, pinipigilan kong umiyak kanina kasi ayaw kong makita na naman niya na umiyak ako pero iiyak din naman pala siya.

"I'm sorry, Yena, I can't be with you for the rest of your life. Patawarin mo ako kung hanggang dito lang ako. Kahit sabihin ko sa sarili ko na okay lang, na okay na ako kung maiiwan kita, nasasaktan pa rin ako kasi alam kong hindi na tayo magkikita ulit. Hindi na kita mayayakap kagaya ngayon. Gusto ko pang makantahan ka ng marami pang kanta. Gusto ko pang mapanood ka na magpinta ng marami pang tanawin. I promised you forever, I'm sorry, my love."

Kung sana ay panaginip lang lahat ng ito pero hindi. This is the reality that is so hard to accept, that eventually, we will lose someone we loved so much and promised to spend our entire life with.

Ayaw niyang maratay sa hospital pero nang hindi ko makaya na pinapanood lang siya habang iniinda ang sakit ng buong katawan ay napilitan din akong isugod siya sa roon. Tinapat ako ng doktor, hinanda niya ako sa posibilidad na baka hindi na umabot hanggang bukas si Zach. Bumuntonghininga na lang ako, isang taon na rin naman siyang lumalaban at nagtitiis, tama na siguro 'yon. Nararamdaman ko na rin naman na gusto na niyang magpahinga.

Dumating ang mga kapatid niya nang gabing 'yon. Binilin ko sa kanila na huwag nang magpakita ng lungkot, baka kasi mahirapan pa ang kuya nila.

"Hindi na muna kami aalis, Ate Yena, nagpaalam na sa amin si kuya, baka wala na siya bukas," sabi ni Xylene pagkatapos makausap ang kuya nila.

Tumango ako at pinauwi muna sila sa bahay namin. Ako naman ay pumasok sa kwarto ni Zach at lumapit sa kanya. I held his hand na nasa dibdib niya. Humilig ako sa dibdib niya at ngumiti.

"Thank y-ou for t-twenty yea-rs, love," I whispered.

Dumilat siya at ngumiti. He started humming our song. Tumango ako, he wanted me to join him in singing our song.

"Through overcoming fears,

I found a devoted one

And whatever may happen..."

Hindi pa natatapos ang pagkanta namin ay naramdaman ko na ang pagluwag ng hawak niya sa akin at paghupa ng hinga niya. I know I already lost him but I continued singing the last phrase of our song.

"Never will you be alone.

I love you, my rainbow."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro