Kabanata 4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Friends To Last

I almost gave up trying to be a normal being and co-exist with them just like there was nothing wrong with me. I already prepared myself to be miserable as I spend my last year in high school in my new school. But...I think I was wrong. I judged too early and I found myself smiling and laughing at these new people. Feels like God gave me another chance to prove that there are so many things in life that I am still unaware of. Life is indeed beautiful with people of beauty.

"Yena, sama ka sa amin. Huwag ka muna umuwi. Kain tayo sa labas ng street foods," aya sa akin ni Viana habang hila-hila ang kamay ko.

Tango lang ang naisagot pero tuwang-tuwa na siyang nagtatatalon at binalitaan ang iba pa naming kaibigan. Pumayag na ako dahil mamaya pa naman akong hapon masusundo ni daddy. Bigla kasi ang class suspension at umaga lang kami may pasok. Pwede naman na akong umuwi at kaya ko naman kaso nga nag-aya sina Viana. I cannot say no. I want to have friends, remember? Sa tingin ko rin ay natutuwa si daddy na may nagiging kaibigan na ako. 

"Kumakain kang calamares, Yena?" tanong ni Zeno.

"Y-yes," sagot ko at saka inabot ang isang plastic cup at stick. Marunong naman akong kumain ng ganito, hindi nga lang madalas dahil ayaw ni daddy.

"Okay, libre mo nga ako," sabi ni Zeno.

Sinamaan ko siya ng tingin, akala ko ba kanya-kanya kami ng bayad?

"Joke lang, ito naman. Parang nasugatan ako sa talim ng tingin mo!" Nagkunwari pa siyang nasaktan kaya siniko siya. Nagtatawa lang ang siraulo.

"Uy, bagay sila!" tukso ni Jude. Isang mabagsik na siko ang tinanggap niya kay Caeli.

"Bakit ba? Yena and Zeno, YENO!" Parang tanga lang si Jude na akala ko may sinusulat sa hangin.

Ang lakas tuloy ng tawanan nila kasama na si manong na nagtitinda. Ngumiwi ako dahil sa pangit ng binuo niyang pangalan pero natatawa rin naman talaga ako. 

"Yeno ang amputek! Jejemon ka!" Binatukan ni Zeno si Jude.

"Jejemon daw, gusto mo rin naman! Zena na lang, ayaw mo pa?" pang-iinis pa ni Jude.

Kulang na lang ay buhusan ng suka ni Zeno si Jude. Ang gulo namin, buti na lang at hindi nagagalit si manong. Sa bagay marami rin naman kasi kaming binili. Si Gael pinakyaw ang kwek-kwek dahil pareho nilang gusto ni Viana iyon. Ako naman ay calamares ang binantayan, si Zeno, yung isaw, at si Cha at Jude yung atay. Para kaming patay-gutom.

"Sarap, 'no? Bagong luto pa," sabi ni Jude na iniiwasan na si Zeno kasi baka maligo siya ng suka.

"Akala ko accla si Gael at 'di kumakain ng streetfoods," biro ni Cha kaya katakot-takot na side eye ang inabot niya kay Mr. President.

"Si Yena naman ang akala kong 'di kumakain nito. Alagang-alaga, eh," sabi ni Zeno at parang tubig na ininom ang suka.

"Aba, syempre, nag-iisang anak si Yena at babae pa. Kaya ikaw, Zeno, tigil-tigilan mo 'tong si Yena. Sa iba ka na lang pumorma. Naku, alam na alam ko mga tinginan na 'yan!" sabi ni Viana at dinuro pa si Zeno.

"Ang judgemental mo, Viana. Kayong dalawa ni Caeli. Hindi ko man kayo inaano. Hindi ko rin naman aanuhin si Yena, magkaibigan kami and friends don't screw each other, 'di ba, Jude?" Nang-aasar ang tingin niya kay Jude.

"Dinamay mo pa akong hayop ka. Hindi ako babaero!"

Naniniwala naman ako na kaibigan lang talaga ang turing sa akin ni Zeno, sabi nga ni Caeli ay hindi ako yung mga tipo ni Zeno na jinojowa. Wala pa rin naman sa isip ko ang mga ganyang bagay, bata pa kaya ako. Magagalit din si daddy kaya no-no muna.

"Huwag mong pansinin si Jude, maloko talaga 'yon. Kung ano man ang sinasabi nina Viana at Cha tungkol sa akin, paniwalaan mo 'yon. That's the way they know and see me, that's the reputation I built for myself. But you don't have to stay away from me, I'm good. I am not going to touch you or make a move on you. You want a friend and I'll give you a friendship." He smiled and looked around. 

Sunset is approaching and I don't know where daddy is, late na siya. Siguro dahil maraming deliver ngayon kaya nahuli siya ng uwi. Mabuti na lang naisipan akong samahan ni Zeno rito, kokonti na lang ang estudyante at pauwi na rin ang mga teacher.

"Gusto mo hatid na lang kita? Gabi na baka gabihin pa ang daddy mo," alok niya.

Umiling ako, he should go home. Sinensyasan ko siya na mauna na siya dahil gumagabi na. Wala pa siyang kasabay na uuwi.

"Not gonna happen." He shook his head. "We'll wait for your daddy. Malapit na siguro 'yon. I'm still your monitor so I'll stay," he said with finality.

"Th-hank y-y-you." Nahihiya pa ako kaya baka hindi na niya ako naintindihan. Mahina ba naman at utal-utal pa ang boses ko.

"You're welcome, Yena." Marahan niyang pinatong ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

Tinulak ko siya palayo at saka sinimangutan. Nagatatawa lang siya at umayos na nang upo. Bumuntonghininga naman ako at gusto ko sanang tangungin siya tungkol sa ex-girlfriend niya kaso parang out of nowhere naman 'yon. Baka sabihin pa niya na affected ako sa love life niya.

"Daddy mo na yata 'yon." Tinuro ni Zeno ang isang sasakyan na papalapit sa amin. 

Si daddy na nga 'yon. Tumayo na ako at inayos ang bag ko, balak pa nga sana niya akong tulungan pero umiling ako. Mabilis na bumaba ng sasakyan si daddy at sinalubong kami.

"Sorry, maraming naging trabaho kaya hindi ko namalayan ang oras. Thank you for accompanying my daughter, Zeno," sabi ni daddy at binuksan na ang pinto ng passenger seat.

"No problem, Sir Vernon. Trabaho ko pa rin naman pong samahan si Yena. I am just doing my job as her monito," sagot ni Zeno.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at tinalikuran na sila ni daddy. Mabilis kong kinabit ang seatbelt ko, hindi ko na ulit pinansin si Zeno. Hindi niya ba kayang maging plastik kahit sandali lang? So, he's just accompanying me because that is his job as my monitor? Hindi ba dahil kaibigan niya ako?

You are overreacting, Yena!

Maybe, I am. 

"Gutom ka na? Hindi na ako nakapagluto ng dinner mo. Take out na lang tayo sa Mcdo," basag ni daddy sa katahimikan.

Kahit madalas naman ay wala akong imik, alam naman ni daddy kung may iniisip ako at ayoko nang kinakausap ako. Daddy ordered the food that I wanted, kakainin ko na lang 'yon sa loob ng kwarto mamaya.

"Okay, Yena. Galit ka ba dahil hindi kita nasundo kaagad?" tanong ni daddy pagkarating namin sa bahay.

"No," mabilis kong sagot.

"Okay, eat your dinner. Huwag nang magpupuyat!" bilin niya pa bago ko naisara ang pinto ng kwarto ko.

Nilapat ko ang likod ko sa malambot kong kama at napatitig sa kisame. Natawa ako nang maalala na naman ang ginawang pangalan ni Jude kanina. YENO! Parang yelo lang, ih! Super panget, hindi bagay!

I was laughing all by myself, kung may makakakita man sa akin ay baka isipin na baliw ako. This is new to me. Usually, when I got home, I'll just cry because my classmates didn't like me. I cry alone, I don't daddy to see it. Masasaktan kasi siya at sasabihin na naman niya he is not protecting me enough and he will proceed comparing himself to mommy. 

But now...I am laughing because of that made-up name. I am smiling because I had fun with my friends a while ago. That was the moment I only dream of having. Mommy will be so proud of me because I already made friends...true friends.

Nang matapos ko ang pagkain ay tinuloy ko na ang sketch ko kay Zeno. I dimmed the light so daddy won't notice that I am still awake. Hindi ko naman pinaplano na ipolido ang pagkakagawa ko nito, kapag siguro na-satisfy na ako ay ireregalo ko na lang sa kanya. Kailangan kaya ang birthday niya? 

Bigla ko naisip na malapit na akong mag-isang linggo sa school at malapit na ring matapos ang trabaho ni Zeno bilang monitor ko. Titigil na rin kaya siya pagiging malapit sa akin kapag natapos na ang trabaho niya? What if dahil lang talaga doon kaya lumalapit siya sa akin? What if he's just tolerating me? Paano kung ganoon nga? Gusto ko pa naman siyang kaibigan kasi mabait siya para sa akin kahit babaero pa siya.

Nakatulugan ko yata ang pag-drawing dahil hindi ko na nailigpit ang lapis ko, nangitim na tuloy ang bedsheet ko. Magagalit na naman si daddy, siya pa naman naglalaba ng mga ganito. Nang makaligo na ako ay dumiretso na ako sa kusina para makakain na ng breakfast. Akala ko pa naman ay madadatnan ko si daddy sa kusina pero bagong lutong pancake at mainit na gatas ko lang ang nandoon. May note pa siyang iniwan sa mesa para siguro mabasa ko kaagad.

I have an early delivery, can't drive you to school. Baka 'di rin kita masundo. Eat your breakfast and I left your allowance beside the key door. Don't forget to lock the doors. I love you. - daddy

I sighed and just ate my breakfast. Hindi naman ito ang unang beses na may ganitong trabaho si daddy. Kaya lang noon kasi nagkakataong wala akong pasok kaya ayos lang sa akin ang maiwan sa Flower Shop. Ngayon ay kailangan kong pumasok mag-isa na bago sa akin ngayon. Hindi ko pa naman alam mag-commute.

Pagkasara ko ng pinto ay napabuntonghininga pa ako at napakapit nang mahigpit sa strap ng bag ko. Lalakarin ko na lang kasi malapit lang naman ang school sa bahay namin, mamaya na lang ako sasakay pauwi.

Hindi pa ako nakakalayo sa bahay namin ay naparating ko na si Zeno na hingal na hingal sa kakatakbo. Napahinto ako sa paglalakad nang huminto siya mismo sa harapan ko sapo pa ang dibdib. Pawisan na siya at hingal na hingal. Tumingala siya sa akin at saka ngumiti. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng palda ko, walang imik kong inabot sa kanya. Wala akong ideya kung bakit siya nandito o kung bakit kinailangan niya pang tumakbo.

"Nagkita kami ng daddy mo sa labas ng school, pinara ko nga siya kasi hindi siya huminto. 'Yon pala nauna na siya at naiwan ka pa. Kaya tinakbo ko para may kasabay kang pumasok," paliwanag niya.

Should I feel happy about what he did? He shouldn't have though. Pero na-appreciate ko ang effort niya kaso nahihiya ako. Nakayuko lang tuloy ako habang naglalakad kami papunta sa school. May mga nasalubong kaming kabarkada niya, ang akala ko nga ay mahihila siya ng mga ito at mga nagyoyosi nga pero inilingan lang sila ni Zeno.

"I am maybe a bad boy but I don't smoke. Hindi na ako hahalikan ng mga babae kapag mabaho ang hininga ko," sabi niya at saka tumingin sa akin.

Napaiwas tuloy ako ng tingin. Ba't ba siya tingin nang tingin?

"Maaga pa, doon muna tayo sa garden. Hintayin natin sina Cha doon," sabi niya nang makapasok na kami sa loob ng campus. 

Gusto ko sanang umalma pero nahila na niya ako. Hinayaan ko na lang at naupo na sa tabi niya. Wala kaming imikan dahil wala naman akong masabi talaga at mukhang wala rin siyang maidaldal sa akin.

"I didn't break up with Cindy. She broke up with me. Siniraan ako ng mga akala kong kaibigan ko sa isang taong hindi pa naman ako nakikilala ng lubusan. Ang dali lang naman magsabi sa akin kung may problema, hindi ba? Ang dali ko lang namang i-approach kung may hindi kayo nagugustuhan sa ugali ko o hindi niyo gusto ang ginawa ko. Ang mali kasi sa ibang tao, mas uunahin pa nilang magsabi sa iba bago doon sa mismong taong pinoproblema nila." Bumuga siya ng hangin. "Alam ko naman na sa umpisa pa lang may problema na sa akin ang mga iyon, naghihintay ng pagkakataon at dahilan para kamuhian ako."

Maybe they didn't understand him at all. They tend to misunderstand him because of the mistake he did in the past. Maybe he didn't know what is his fault because they don't tell him at all.

"I tried to fix things between me and Cindy. I want to make him stay, but she chose to believe that I kissed another girl with the same name she answered me. Hindi ko 'yon ginawa, Yena. Pero kahit anong gawin ko, people will always see me as that motherfucking manwhore because they are choosing to believe in them rather than in me." 

Nanahimik siya sandali bago nag-angat ng tingin. "Sorry for making you listen to my unnecessary rants. Ikaw lang ang makikinig sa akin na hindi ako huhusgahan. Saka, salamat sa pakikinig. Sana hindi masamang tao ang tingin mo sa akin. Sa 'yo lang ako nakakapagsabi, hindi ko rin alam kung bakit."

Hinawakan niya ang kamay ko na ikinagulat ko. "Huwag mong ipagsasabi 'yon, ah. Mawawala kaastigan ko kapag nalaman nila 'yon. Promise?" He pointed his pinky fingers at me.

Nakuha ko kaagad ang gusto niyang gawin. Alright, pinky promise then.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro