Kabanata 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

The Way I Was Found

"May laro sina Gael ngayon, gusto niyong manood? Kaso mamayang uwian pa, baka 'di pwede si Yena."

Napantingin ako Viana at kaagad na umiling. Pwede naman akong magpaalam kay daddy. Sabihin ko lang na kasama ko si Zeno ay siguradong papayag 'yun. Best friend na yata silang dalawa at kung mag-usap akala mo ay magkaedad lang. 

Naalala ko na naman noong nag-dinner sa bahay si Zeno pagkatapos kaming madatnan ni daddy sa Flower Shop. Hindi na nga ako nagsasalita pero parang mas nanahimik yata ako nang magkwentuhan na silang dalawa. Si daddy naikwento na yata ang buong buhay ko kay Zeno, kulang na lang pati kung paano nila ako ginawa ni mommy ay ikwento na.

"Pwede ka, Yena?" tanong ni Caeli.

I nodded and started to put my things in my bag. Vacant na namin ang susunod at uwian na rin. Wala na ang tatlong lalake dahil pinatawag na sila ng coach nila para makapag-practice yata bago ang totoong laro. Gusto ko sanang manood pero bawal raw sabi ni Zeno, mamaya pa raw bubuksan ang gym para sa mga manonood.

Naalala ko na naman ang kwentuhan nilang dalawa ni daddy kagabi. Parang nagpakilala lang ako ng boyfriend kay daddy at si Zeno naman ay game na game. Sa bagay, ngayon lang din kasi ako nag-uwi ng kaibigan. Wala naman kasing may gusto sa akin dati kaya siguro natutuwa rin si daddy na kahit papaano, I gained friends without trying so hard.

"Mahirap talagang makahanap ng school na hindi mabu-bully si Yena, sobrang daming school na ang nilipatan niya at sana hindi na maging ganoon kalungkot ang huling taon niya sa high school," sabi ni daddy habang nagsasandok ng kanin.

Una niyang nilagyan ng kanin ang plato ko at sinunod ang kay Zeno. Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata ni Zeno dahil sa pag-asikaso sa kanya ni daddy. 

"Salamat po. Uuwi na lang po sana ako kasi nakakahiya naman pong sumabay," nahihiyang ni Zeno kay daddy.

"Huwag ka nang mag-alala, hijo. Marami itong binili kong pagkain, kasya sa ating tatlo. Pa-thank you ko na rin 'to sa 'yo kasi isang linggo mo nang sinasamahan si Yena. Sana kahit tapos na ang isang linggo ng pagiging monitor mo, maging magkaibigan pa rin kayo ng anak ko. Welcome na welcome ka rito sa bahay." Malaki ang ngiti ni daddy.

He leads the prayer and we proceed eating our dinner.  Ang akala ko ay matatahimik na sila pero bigla na lang nagtanong itong si Zeno na dahilan para lumabas na naman ang pagiging madaldal ni daddy.

"Napatingin niyo na po ba si Yena sa espesyalista? Para po sa pagsasalita niya?" tanong niya.

"Minsan lang, noong bago lang siyang naaksidente. Masyadong mahal ang therapy, hindi ko kakayanin at ng negosyo namin. Sinubukan kong i-therapy si Yena sa bahay lang pero hindi talaga kaya. Nagi-guilty din ako dahil baka mas better ang kalagayan niya ngayon." Tumikhim si daddy at tumingin sa akin.

Hindi naman ako galit na hindi niya kinaya ang therapy na kailangan ko para mas umayos ang pagsasalita ko. Naiintindihan ko naman na sapat lang ang kinikita ng Flower Shop, ayoko na sanang ma-guilty pa si daddy para sa mga bagay na hindi naman kontrolado.

"Ikaw, hijo? Saan sa ibang bansa ang parents mo?" Si daddy naman ang nagtanong.

"Sa Canada po, Wyoming. Halos buong buhay ko ay nandoon sila, bihira lang umuwi at bihira ko lang din po makausap kahit sa tawag lang. Minsan tinatanong ko nga po kung may magulang pa ba talaga akong hinihintay na umuwi," nakangiti pero malungkot na sagot ni Zeno.

"Mahirap nga ang sitwasyon mo. Inisip ko rin dati na mag-ibang bansa para may maipang-therapy si Yena kaso, kanino ko naman ang anak ko? Babae pa naman at masyado pang bata. I am sure that her mother is alive, she will not let that happen, ayun ang naisip ko kaya hindi na ako tumuloy at pinagpursigihan na lang ang Flower Shop. Awa ng Diyos at nakakaraos naman," kwento pa ni daddy.

"Sana katulad niyong mag-isip ang mga magulang ko. Gusto ko rin naman kahit papaanona makasama sila, kahit sandaling panahon lang. I know that they are doing that for me and my future, I understand that they don't me starve. What they don't know is that I am starving for their love."

Nang gabi ring iyon pagkatapos ihatid ni daddy si Zeno sa bahay nila ay nilapitan ako ni daddy para kausapin tungkol kay Zeno. Alam ko naman na naawa siya kay Zeno dahil sa kwento nito pero wala naman kaming magagawa sa magulang nito. Parents have different ways on how they will raise their children. Walang tamang paraan pero pwedeng magkamali. Zeno's parents way to show their love to their son is by providing what they think he will need, but they failed to give what really a growing child needs. Affection and love.

Sa pinahalagahan ni daddy ang mararamdaman ko kung aalis siya at iiwan niya ako sa ibang tao at hindi ang hindi niya maibibigay sa akin kung sakaling manatili siya. And I think that was the best decision he ever made. Hindi ko maisip ko ang sarili kong lumalaki na wala si daddy. Nawala na nga sa akin si mommy tapos iiwan pa ako ni daddy.

"Yena, tara na! Pwede na raw manood," aya sa akin ni Caeli at hinila na ako.

Nagtatakbo kami para lang mauna sa pinakababang bahagi ng bleacher. Hindi naman ako mahilig sa basketball, gusto ko lang makita kung paano maglaro si Zeno dahil ubod ang yabang niya tuwing nagkukwento siya sa aking kung gaano siya kagaling mag-shoot.

"Ay! Sayang naman may nauna na!" inis na usal ni Viana.

Napunta na lang tuloy kami sa may gitnang bahagi. Sina Cindy ang nasa baba namin, malapit ang grupo niya sa bench nila si Zeno. Syempre jowa! Nagtataka nga ako at bakit hindi sa baba naupo ang dalawang kasama ko, mga jowa naman sila ng dalawang player.

"Excuse po, kayo po si Miss Viana at Miss Caeli?" tanong ng isang lalakeng lumapit sa amin.

"Yes, kaming pong dalawa. Bakit po?" sagot ni Cha.

"May upuan po kayong dalawa roon sa baba," sabi nito na ikinagulat ng dalawa.

Ayun naman pala, eh. Hindi naman pala kinalimutan ang mga girls nila.

"Dalawa lang? Tatlo kami, oh!" Tinuro pa ako ni Viana.

Napakamot sa ulo ang lalake. "Occupied na po kasi ang isa, eh."

Kinalabit ko ang dalawa at sinensyasan na puntahan na nila ang upuan na 'yon. Sayang naman, mukha pa naman silang excited na manood. Baka matalo sina Gael kung hindi niya makikita si Viana at baka magtampo pa si Jude.

"Sure ka? Okay ka lang dito?" tanong pa ni Cha.

Tumango lang ako at nag-thumbs up pa. Hindi naman ako mahilig manood kaya okay lang na dito na lang ako. Takot din akong matamaan ng bola kaya mas mabuting dito na lang ako. Kitang-kita ko pa rin naman sila dito at 'di naman 'to kalayuan sa pwesto nina Viana at Caeli.

Umingay ang buong gym nang maglabasan na ang mga player. Galing ibang school ang kalaban ng school varsity team namin. Nagtayuan ang mga tao sa paligid ko kaya no choice ako kung hindu tumayo rin. Ang problema lang dahil maliit ako ay natabunan pa rin ako ng nasa harapan ko. Hindi ko tuloy makiyta kung nasaan na si Zeno. Isang shoot lang naman galing sa kanya ang makita ko ay pwede na akong umuwi. Next time na lang talaga ako manonood nang maayos.

Humanap ako nang posisyon kung saan pwede kong isuot ang ulo ko para makanood. Napangiti ako nang makita ko na ang tatlong lalake lalo na si Zeno. Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko siyang naka-jersey, bagay na bagay talaga sa kanya 'yon.

"Ano ba?!" sigaw sa akin ng lalakeng nasa ibaba ko nang masagi ko siya kakasiksik.

"S-s-sorr-ry," sabi ko na lang para tigilan na niya ako.

"S-so-sorry," he mimicked me and then laughed.

Hinayaan ko na lang dahil hindi ko na dapat pang patulan ang mga ganoong bagay. Nandito ako para manood at hindi makipag-away. Sandali lang naman ako at uuwi na rin ako. Nagsimula ang laro at unang nakapuntos ang kabilang team dahil masyado yatang nadi-distract si Zeno sa sigaw ni Cindy. Simula kasi nang magsimula ang match ay wala nang tigil sa kaka-cheer si Cindy kay Zeno.

Hindi na nga ulit naka-shoot pa si Zeno bago matapos ang oras. Mukhang magtatagal pa yata ako rito. Si Cindy naman kasi sigaw nang sigaw, hindi lang si Zeno ang nadi-distract. Natatawa na nga rin ang ibang nanonood.

Lumapit ang tatlong lalake sa railings malapit sa upuan nina Viana, Caeli, at Cindy and friends. Nakita ko ang pagbawal ni Zeno kay Cindy pero umiling lang ito, mukhang maraming sigaw pa ang maririnig namin. Umiling na lang si Zeno at balak pa sanang kausapin si Caeli pero tinawag na sila ng coach niya. 

Kinuha ko ang whiteboard ko at sumulat ng 'Go, ZENO!' at hinarap iyon sa kanya. Ang akala ko ay hindi na niya ako makikita pero isang sulyap pa ang ginawa niya sa bleacher na parang  may hinahanap nang makita niya ang whiteboard ko. Nagulat siya sa akin, nginitian ko siya at  nag-thumbs up pa.

Tumango siya at napangiti na rin. Nagtatakbo siya sa gitna at mabilis na naagaw ang bola. Zeno played much better than the previous, sa unang pagkakataon ay nakita ko kung paano niyang nai-shoot ang bola kahit nasa malayo pa siya at maraming gustong umagaw rito.

Napapalakpak ako at hindi napigilan ng malaking pagngiti. Ang galing!

"Bata pala 'to ni Zeno, eh!" narinig kong kausap ng lalake kanina sa katabi niya. Nagsikuhan pa sila at nagtanguan na parang may binabalak na kung ano.

Imbis na lalabas na sana ako dahil nakita ko naman na si Zeno na mag-shoot, napagdesisyunan kong manatili pa ng ilang minuto. Kinakabahan kasi ako baka may pinaplano ang dalawang ito, panay pa naman ang sulyap sa akin.

Ang ending ay natapos ko din ang game at nang sumulyap ako sa labas ay sobrang dilim na. Nagsimula nang maglabasan ang mga tao kaya sumalo na ako sa kanila para hindi ako mapansin. Gusto ko sanang puntahan sina Viana pero nasa daraanan ko ang dalawang lalake na mukhang hinahanap na nga ako.

Nagtatakbo ako palabas ng gym, napakalayo pa naman ng gate mula rito kaya kinakabahan talaga ako. Hindi ko rin alam kung nandoon si daddy, baka nga umuwi na 'yon.

"Sandali lang, miss!" Nahawakan ng lalake ang braso ko kaya napaiyak na ako sa takot.

"Oh, huwag kang umiyak. May tatanong lang kami sa 'yo tungkol kay Zeno tutal bata ka naman n'ya!" sabi pa ng kasama niya.

Nanginginig ako sa takot ngayon. Madilim na at wala pang dumadaan sa kung nasaan kami. Ano ba ang kailangan nila? Bakit ako ang ginugulo nila at hindi si Zeno?

"Sali ka sa prat namin para sumali na rin si Zeno. Tigas ng isang 'yon, baka kapag sumali ka mapasali na rin namin s'ya," usal ng lalakeng nakahawak sa braso ko at saka ngumisi.

"Kapag pumayag ka, hindi ka mapapano. Hindi ka pa naman nakakapagsalita, paano mo kami masusumbong?" Kinurot ng isa ang pisngi ko kaya mas lalo akong napaiyak.

"Jason!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Nabuhayan ang loob ko nang makitang si Zeno si 'yon. Nag-igting ang panga niya nang makita akong umiiyak. Hindi niya alintana na dalawang lalake na may malalaking pangangatawan ang nakapaligid sa akin. Walang takot niyang pinagtutulak ang mga iyon at saka ako kinuha.

"Ano'ng kailangan n'yo sa kanya? Bakit siya umiiyak?" Madilim at malalim ang tono ni Zeno, parang anumang oras ay sasabog na siya.

"Wala naman kaming ginagawa, tinatanong lang namin kung gusto niyang sumali sa prat namin," sagot ng lalake at saka ngumisi. Nakakakilabot ang mga pagmumukha nila.

"Ako na ang sasali, 'wag na siya," matigas na sabi ni Zeno at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Nagtawa ang dalawang lalake at nag-appear pa sa harapan namin. Success ba ang plano nila?

"Akala ko ba ayaw mong sumali? Tanginamo binugbog mo pa si Dave dahil pinilit ka!" natatawang sabi nung Jason.

"Sasali na nga ako basta lalayuan niyo s'ya. Huwag niyo na siyang lalapitan!" sigaw ni Zeno.

"Oo na, sabi na nga ba at effective ang plano namin!" Nagsimula na silang maglakad. Huminto pa sila sa gilid namin at tinapik ang balikat ni Zeno. "Bukas ang initiation. Handa mo ang katawan mo, gago! Bugbog-sarado ka panigurado."

Napatingin ako kay Zeno nang marinig iyon. Wala man lang karea-reaksyon ang mukha niya sa sinabi ng dalawa. Nang tuluyan nang makaalis ang mga lalake, hinarap niya ako sa kanya at pinunasan ang mukha ko. Ako naman ay niyakap siya kahit pawisan pa siya. Natatakot ako para sa kanya.

"Hindi ka ba nila inano? Hindi ka nasaktan?" tanong niya at inangat ang mukha ko para makita ang mga mata ko.

Umiling ako at tinuro ang dibdib niya. "I-ikaw."

Ngumiti siya, walang bakas ng takot. "I'm going to be alright. I promised your dad that I'm going to protect you and look after you for him, I am not going to break that." Huminga siya nang malalim. "When I saw your tears and found you with those bastards harassing, natakot ako, mas natakot pa kaysa sa panganib sa sarili kong buhay. Don't hesistate to call for me when you need me. I am going to there."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro