Wakas

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Enjoying The Rain

Zeno

I am a big burden in my parent's life, I can feel that. After receiving the money and all of the things that come with it, I still don't know if I should be grateful. Ganito na lang ang buhay ko, kailangan maayos ako para hindi naman sayang ang mga pinapadala sa akin ng mga magulang ko.

"Apo, mas mabuti na lang siguro kung tanggapin mo na lang ang alok ng mga magulang mo," sabi ni lola habang kumakain kami ng almusal.

"Hindi na po, lola. Wala kayong kasama rito kaya dito na lang ako." Hindi ko maatim ang kagustuhan ng mga magulang ko na iwanan ang taong na kulang na lang ay siya na lang ang magluwal sa akin.

Ayokong mamuhay sa Canada nang palaging naiisip ay kung maayos ba si lola rito sa Pilipinas. Bakit hindi man lang sila maawa sa matanda na halos nagpalaki na sa anak nila?

Akala ko ay isang school year na naman ang lilipas na magiging boring na naman ang buhay ko. May girlfriend nga ako pero mukhang kinakahiya naman ako. Hindi man lang ako maiharap sa tatay kahit bilang kaibigan lang. Bakit? Dahil ba mabababa ang mga grades ko? Ginagawa ko naman ang best ko pero hanggang doon lang talaga ako.

Hindi ko inaasahan na sa school year ding ito, sa huling taon ko sa high school, matatagpuan ko ang isang pamilyang hindi ko alam na uhaw na uhaw pala ako. 

I watched her as she kept getting shy around me. Bakit naman siya nahihiya? Ako lang 'to.

Sienna or Yena, was not the typical girl you will ever meet. Maraming kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag. She stutters a lot but she never failed to express her true feeling through her art. Manghang-mangha ako sa kanya. She can do a lot of better things than me kahit pa wala naman akong kapansanan. Gusto kong maging kagaya niya. Gusto kong maging malakas din ang loob ko sa mga bagay-bagay.

I met her dad that afternoon before I left the school. Napakabait kagaya niya, walang duda na napalaki siya sa isang tahanan na puno ng pagmamahal at aruga. A home that I know I will never experience.

"Ikaw ang monitor ng anak ko? Salamat, ha? Sana hindi na siya ma-bully dito," sabi ni Tito Vernon.

"Lagi pong nabu-bully si Yena?" Ang alam ko ay may kapansanan niya pero hindi ko talaga akalain na may mga taon pa rin talagang kulang sa pag-intindi.

"Palagi kaya ilang beses siyang lumipat ng school. Naaawa ako sa anak ko, wala naman akong magawa. Hindi ko naman makontrol ang iisipin at gagawin sa kanya ng mga taong makakasalamuha niya. Galit na galit ako nang minsang umuwi siya sa bahay na naliligo ng putik, bilang isang ama, masakit na na sa ganoong estado mo makikita ang anak mo na alam mong wala namang ginawang masama." Tumingin siya sa akin. "Kaya salamat at nagkaroon siya ng mga kaibigan ngayon, mababawasan ang pag-aalala ko."

After that, napagdesisyunan ko na kahit ano man ang mangyari ay lagi ako magiging sandalan ni Yena. I will be that friend who will protect her from that kindi of people. Mas lalo akong nagkaroon ng rason para hindi tumuloy sa Canada. I already found a family.

Kahit mabugbog ako ng praternity na ginamit pa siya para lang mapasali ako ay ayos lang. Ako na lang kaysa siya, hindi siya bagay na mapasama sa mga ganitong tao. She's too innocent and very fragile. Parang kung hahawakan ko siya ay mababasag na lang siya bigla.

Siya rin ang tipo ng tao na kahit hindi magsalita, sa mga tingin pa lang niya ay alam mong mapagkakatiwalaan mo siya. Sa sandaling panahon na magkasama kami ay mukhang alam na niya ang lahat sa buhay ko. Sa sandaling oras din na iyon nakita ko kung ano ba talaga ang tunay na pag-ibig. 

Kaya pala sa tuwing nand'yan siya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na ngumiti. Kapag may naririnig naman akong ibang lalake na pinag-uusapan siya ay gusto ko silang pagbibirahin ng suntok sa mukha, nagseselos na pala ako. Hindi naman sa ayaw ko na walang nakaka-appreciate na ibang tao kay Yena, deserve na 'yon. Ang ayaw ko lang ay kung lalake sila at sinasabihan pa ng cute ang snail ko.

Ang laki ng pinagkaiba ko sa kung paano ko niligawan si Cindy at sa kung paano ko ipakita kay Yena ang pagkagusto ko sa kanya. I became possessive all of a sudden when talking about Yena. Gusto sa akin lang siya kaya naman aangkinin ko siya sa paraan na alam kong pwede naman. I showered her lips with all kinds of kiss, making sure that she will never forget that I am the first one who claimed her sweet and soft lips. Damn! I am so addicted. Her lips will become my drug.

I will call her father every night to make sure she was sleeping well. Naging ganoon ang routine ko at mabuti na lang ay napakabait ni Tito Vernon sa akin. Siya na nga sa tingin ko ang naging father figure ko. Kung sana ay ganito rin ang tatay ko, baka nagkaroon ako ng masayang childhood.

Sobra-sobra naman na siguro ang pag-initindi ko sa kanila. Naiintindihan ko na kailangan nilang magtrabaho para magkapera at masustentuhan ako. Pero sana naisip din nila na hindi lang naman pera ang kailangan ko, kailangan ko rin ng mga magulang.

Ang akala ko ay hindi magiging malaki ang epekto sa akin ng pagkawala ni lola. Ngayon talaga ay tagos na tagos na sa puso ko ang pagiging ulila ko. Kung hindi dahil kay Tito Vernon at Yena ay baka natulala nalang ako buong magdamag. Parang winasak ang buong pagkatao ko, hindi man lang ako naging handa sa nangyari. Bigla na lang akong iniwan ni lola, hindi man lang ako nakapagpasalamat at nakapagpaalam. Sana alam niya kung gaano ko siya kamahal at kung hindi dahil sa kanya ay baka matagal na akong naging palaboy at pariwara.

Kahit pa sinubukan kong maging masaya sa mga sumunod na araw, alam ko na naging malaki ang epekto ng pagkawala ni lola sa isipan ko. Nagiging masaya naman ako dahil nagkaroon ako ng pamilya at kasama ko pa ang pinakamamahal ko. I am trying my best to the best boyfriend she brag about. I already plan my future with her. But just one text message from my mother changed my life.

Sa pagbukas na lang ng mata ko ay nandito na ako sa Canada at kasama ang mga magulang ako. Nasabik ako nang labis sa kanila at nagawa kong iwanan ang mga taong naging pamilya ko na sa Pilipinas. Iniwanan ko ang taong pinakamamahal ko. Iwanan ko roon si Yena na pinanghahawakan ang pangako kong babalik ako para sa kanya.

Ang pangako na akala ko ay matutupad ko, asang-asa ako. Hindi ko pinutol ang komunikasyon namin, mahal na mahal ko siya at hindi ko siya kayang bitawan ng ganoon na lang. Umasa ako sa mga sarili kong pangako, pinanghawakan ko rin 'yon. Ginusto kong maging matagumpay para sa kanya.

But life is everything you hope for and everything you loathe for. 

"Why do you have to stay up late every night? Ano ba ang pinagkakaabalahan mo at hindi mo magawang mag-focus na lang sa pag-aaral mo?!" Mama stormed in my room before I even get a chance to call Yena.

"I have to talk to my friends. Nangako ako sa kanila na hindi sila mawawalan ng komunikasyon sa akin. I have a girlfriend in the Philippines, Ma. I need to call her everytime hanggang sa makabalik ako sa Pilipinas," paliwanag ko.

Napahilot sa sintindo si mama at saka humarap sa akin. "Kaya naman pala, tigilan mo na 'yan, Zeno. Sinong may sabi na babalik ka pa ng Pilipinas? This is your life, dito ka na sa Canada mabubuhay, anak. Kalimutan mo na ang buhay mo sa Pilipinas, wala kang mararating doon. 'Yang girlfriend mo, makipag-break ka na d'yan, peperahan ka lang n'yan. You have a bright future here, anak. Makakahanap ka pa ng ibang babae rito, iyong mas higit sa mga babae sa Pilipinas."

Umiling ako. Walang makakahigit kay Yena, siya lang ang gusto ko. "No, mama. I will keep my friends and my girlfriend. Uuwi ako ng Pilipinas para sa kanila. Ano ba ang alam niyo tungkol sa ikagaganda ng buhay ko?"

Nagsisisi ako na sinabi ko pa iyon dahil nagalit si mama. At dahil sa galit na iyon, she made sure I will never have a contact again with my friends, lalo na kay Yena. Hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos, paniguradong nag-aalala na iyon sa akin. Hindi alam ng mama ko na ang mga taong pilit niyang pinapakalimot sa aki ay ang mga taong nagbigay sa akin ng pamilya.

Sorry, my love.  Wala akong magawa, hindi ko pa kayang mag-isa. Wala pa akong laban sa mga magulang ko. Kapag nakatapos na ako, gagawa ako ng paraan para makabalik. Mahihirapan ako pero kakayanin ko para sa 'yo. Sana ako pa rin pagbalik ko. 

Umiling ako, napaka-selfish ko naman kung ganoon. Kung hindi ako, okay lang. Sa umpisa pa lang naman ay hindi ko na siya deserve lalo pa ngayon na iniwan ko na lang siya sa ere nang walang paalam. Kung mayroon na siyang bagong minamahal, ang mapatawad niya lang ako sa ginawa ko ay ayos na sa akin.

"Meet Natalie, Zeno." Mama introduced me to this Canadian girl.

Nginitian ko ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Alam ko ang pinaplano ng mama ko, she wouldn't introduce a girl to me without any reason.

At tama nga ang hinala ko, wala man lang akong kaalam-alam na ikakasal na pala ako. I cried a thousand tears after knowing that. Hindi ko matanggap! I became successful and a doctor for the love of my life but it is useless now. I just want to see her again, iyon na lang ang gusto ko ngayon.

I did my very best to retrieve my old email account after my mother let me contact my old friends, pumayag kasi ako sa kagustuhan niya na maikasal ako kay Natalie. Gagawin ko ang lahat para makauwi lang ng Pilipinas para makitang muli ang mga kaibigan ko at si Yena.

After reading a very recent email that Gael sent to me, I nearly lost my mind. Patay na si Caeli?! Bakit?! Ano'ng nangyari?

"I'm sorry," I whispered to my dear friend who was already having her forever sleep. Napakawala kong kwentang kaibigan.

Naiintindihan ko ang mga galit nila sa akin. Tatanggapin ko lahat ng iyon pero mahirap sa akin makita si Yena na pinakamamahal ko ay masaya na sa iba. Naiinis ako pero ano ang karapatan ko? I just tried fulfilling the promise that I made to myself.

I gave her the treatment and therapy she needed to cure her disorder. At the same time, I also did everything to see if she still has that same love for me. At sa oras na makita ko 'yon, isusuko ko ang lahat. Hindi ko na babalik ng Canada kahit isumpa na ako ng sarili kong mga magulang pero hindi iyon nangyari. She didn't choose me, she chose Zach. Doon ko napagtanto na wala na akong babalikan dito. Wala na ang Yena ko, ang snail ko, hindi na siya ulit babalik sa akin.

"Daddy, where's mommy?" tanong ng sampung taong gulang kong anak.

"Mommy will never come back, she left us for real." I kissed her forehead.

Ito na siguro ang karma ko. Hindi ako nagkaroon ng magandang relasyon sa asawa ko at nauwi lang iyon sa hiwalayan. Nadamay pa ang anak ko, ang napagakaganda kong anak. She has special needs so I treat her extra special.

One call from Zach changes everything in my life. After 20 years, I didn't know that God still remembered my prayers. Akala ko wala na talaga, hindi na talaga kami mangyayari. The second chance I am praying for a long time has now been here.

"You can do it," I whispered to her as she was about to enter the operating room. She was about to give birth to our son.

"I love you with all the rain that pours in our sky," she whispered back before I let go of her hand.

Wala na akong mahihiling pa ngayon. The rain of our life will never be over but it doesn't mean that we cannot enjoy it. Learning to enjoy the rain is the greatest lesson of my life. I freed myself from the past that broke us apart as we welcomed our son, Zachariah Ignatius Rosario-Bosco.

-End-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro