[1] Agosto Entry

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Larawan
Sinulat ni: reveeruary

MAY lungkot na pinatitigan niya ang larawan na pinta sa kaniyang harapan. Nang mabalitaan niya ang nangyari sa kanilang bayan ay agad siya nag tungo sa isang museyo. Hindi siya nakatulog nang matiwasay kagabi dahil sa lungkot nadarama.

Maski sa kaniyang pag gising nang kinaumagahan ay hindi nawala ang kaniyang kalungkutan. Umiiyak ang kaniyang puso para sa kanilang bayan at kababayan.

Binalik niya ang tingin sa larawan sa kaniyang harapan. Sinasagisag nito ang araw nang binaril ang ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal.

May tapang at paninindigan itong nakatalikod sa ilan nilang kababayan at kastila na may nakatutok na baril sa likuran nito.

Marahil ay hindi niya matukoy ang nararamdaman ng ginoo habang ito ay hinatulan ng pagkamatay sa harapan ng sariling kababayan nito. Kung saan ang tanging pinaglalaban lang naman nito ay ang ating kalayaan.

Hindi niya mapigilan na isipin kung nasa mismong araw siya ng pagpatay nito ay baka hindi niya maatim na magsalita habang hinahatulan ito ng kamatayan.

Pinunasan niya ang taksil na luhang tumulo sa kaniyang mga mata. Hindi maitatangi ang pagmamahal ni Gat Jose Rizal sa kanilang bansang sinilangan.

Ngunit ang kaniyang puso ay nadudurog din dahil sa pighating nararamdaman. Ang hirap mahalin ng Pilipinas. Ang hirap nito ipaglaban. Tanging gusto lang naman nila ay marinig ang kanilang boses upang mabigyan ang bayan ng panibagong bukas.

Ngunit ang mga matatanda ay hindi nakikinig sa kanilang palahaw dahil nakikitaan lang sila ng mga ito bilang isang kabataan sumasagot ng pabalang—

Natigilan siya sa kaniyang pagluha nang gumalaw ang litrato. Ilang beses niya pinikit ang mata upang alamin kung pinaglalaruan lang ba siya ng kaniyang isipan.

Sinubukan niya ulit ipikit ito at sa pagmulat niya ay hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan. Isa-isa niyang pinatitigan ang mamayanan nasa kaniyang harapan. Ang kasuotan ng mga ito ay makaluma na para bang bumalik siya sa nakaraan at maski siya ay ganoon ang kasuotan.

Ang pagkawili niyang pagmasdan sa mga ito ay unti-unti naglaho nang makita kung sino ang nasa kaniyang unahan.

Katulad na katulad ito sa litratong pininta na tinititigan niya kanina lamang. Ang pinagkaiba lang ay totoong tao na ang nasa kaniyang harapan.

Nasa harapan niya ngayon si Gat José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ang kanilang pambansang bayani at nasa mismong araw siya nang huling araw na winakasan ang buhay nito. Disyembre 30, 1896.

Bumalik ang kaniyang nararamdaman na pighati. Nasasaktan siya habang pinagmamasdan ito. Iba't ibang emosyon ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon hanggang nilakasan niya ang loob upang sabihin ang mga katagang—

"Tama ka, Dr. Jose Rizal! Kabataan ang pag-asa ng bayan! Kabataan ang boses ng bayan! Asahan mong lahat ng iyong sinulat at paghihirap ay hindi mauuwi lang sa wala. Asahan mo na ang kabataan ang mag bibigay ng panibagong kulay na pilit binubura ng ating mamayanan!"

"Asahan mo rin na gagamitin namin ang aming boses upang isigaw sa buong mundo na walang ibang kulay ang magdidikta para sa ating Bayan kundi ang balat natin na kulay kayumanggi," huminga siya ng malalim.

"Ipaglalaban ko ang kasalukuyan katulad nang pinaglaban mo ang Pilipinas!" humahagulgol niyang sigaw dito.

Hindi mag maliw ang pag buhos ng kaniyang mga luha habang pinatitigan niya ang bayani ng kanilang bansa.

Gulat siyang tumingin sa ilang kastila at kababayan nila nang marinig ang malakas na pag-utos ng isang heneral.

"¡Apuntar!" (Aim)

May takot na pinatitigan niya ang doktor. Mariin siya nitong pinagmasdan. Makikita ang kagalakan nito sa mukha bago ito tumango sa kaniya at binigkas ang huling salitang binitawan nito.

"Consummatum Est!" (It is finished)

Kasabay nang pag bitaw nito sa huling mga salita ay ang pagharap nito sa mga kastila.

"Fuego!" (Fire)

Upang salubungin ang balang pinutok ng mga ito upang wakasan ang buhay ng isang makabayan, manggagamot, makata at nobelista na nagbigay inspirasyon sa kilusang nasyonalista sa Pilipinas.

Mariin niyang pinikit ang mata nang tumagos ang ilang bala paroon sa kaniyang kinatatayuan. Hinintay niyang tumama ang mga ito sa kaniyang katawan ngunit wala siyang naramdaman na sakit bagkus ay minulat niya ang mata at nasa harapan na ulit siya ng malaking larawan ni Rizal sa museyo.

Hinawakan niya ang kaniyang puso. Ang bilis nang tibok nito. Sa huling pagkakataon ay pinatitigan niya ang larawan sa kaniyang harapan.

"Hindi mauuwi sa wala ang iyong pagmamahal sa bansang Pilipinas."

- WAKAS -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro