Kasulatan Para Sa Katotohanan

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

KASULATAN  PARA  SA
KATOTOHANAN


"Ano ba kasing gusto mong mangyari, Marianna? Gusto mo bang maghiwalay na tayo?" Nakarinig ako ng sigawan sa ibaba. Nanatili lang ako sa aking kinalalagyan habang nag-aaway ang mag-asawa.

"Gusto kong mangyari?! Gusto kong maghiwalay na tayo! Ayoko na sa 'yo! Hindi na kita mahal!" Ang boses naman ng babae ang aking narinig na sumigaw. Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng pagkabasag ng isang bagay at ilang beses na pagkalabog.

Wala sa sariling napa-lunok ako at naghihintay ng susunod na magaganap. "Gusto mong lumayas, Marianna?! Sige, manglalaki ka! Maging puta ka!" Narinig ko ang hiyaw ng isang tinig ng lalaki, before someone slammed the door hard.

Naka-tingin lang ako sa kisame at hindi makagalaw. Bago ko nadinig ang dahang-dahan na pagbukas ng pinto at ang ilang ulit na pag-singhot.

Humakbang ito ng ilang beses, bago ko nasilayan ang kanyang mukha. Siya ay si Edward Consebal, isang construction worker. Matikas ang kanyang panganagtawan dahil batak sa trabaho. May itsura din siya. Sa katunayan nga ay crush ko siya.

Malungkot na umupo ito sa aking harapan. I tried to speak, but, I realized, I can't. Hindi niya din naman ako maririnig.

"Iniwanan na niya talaga ako," Bulong niya at sumandal sa monoblock. Tumingala ito sa kisame, gaya ko, bago ko nadinig ang malakas niyang mga sigaw.

Hala! Baliw na kaya siya? Sayang naman ang ka-gwapuhan niya kung ganon ang mangyayari sa kanya.

Babae lang 'yan, Edward. Makakahanap ka pa ng iba. Iyan ang mga salitang nais kong sabihin, ngunit, ayaw gumalaw ng aking bibig.

"Hijo! Nandito na kami! Ay sus ginoo! Anong nangyari dito?!" Narinig ko ang tinig isang matandang babae. "Nelisa, dalhin mo muna si Jandrik sa palemgke. Manginain kayo 'don." Boses ulit ng matandmag babae ang aking narinig. Nanatili lang sa kanyang pwesto si Edward.

"Magandang umaga ho!" Isang tinig naman ng isang lalaki ang nadinig ko sa ibaba. "Anong gina-gawa mo dito?!" Ang galit na boses ng matandang babae ang sumalubong sa kanya.

"Ah—eh," Alinlangang sagot ng lalaki. "Halika, dito ka na muna at sabihin mo sa akin ang kailangan mo!" Galit na pahayag ng matanda.

Narinig ko ang malulutong na mura ni Edward, bago galit na kinuha ang isa sa mga kaibigan ko at ako. Inilapag niya ako sa kanyang harapan. Lumunok ako ng magsimula na siyang sumulat. Tumulo pa nga ang ilang butil ng luha sa akin.

"Kawawa naman siya," Bulong ng aking kaibigan na si Pluma, pagkatapos siyang ilapag ni Edward. "Minalas siya sa babae e." I murmured. Para namang maririnig niya kami.

Naipikit ko ang aking mga mata ng ipasok niya ako sa loob ng isa ko pang kaibigan na ngayon ay natatawa sa akin.

"Oy, gagi, ang init sa loob mo!" Reklamo ko na tinawanan niya lang. "Ingat kayo!" Nadinig ko pa ang boses ni Pluma, bago ako nahilo dahil nagsimula ng gumalaw ang aking kaibigan na si Sobre.

_

"Hinete Street?" Dinig ko ang baritonong tinig ng isang lalaki. "Nasaan tayo?" Kahit nakapikit ay aking naitanong ko kay Sobre..

"Mukhang pupuntahan natin si Maria Edwain," Sagot niya sa akin. "Ha? 'Di ba malayo iyon?" Gulat na naibulaslas ko.

"Malapit na ata tayo e," Sagot niya. Magsasalita sana ako ng marinig ko ulit ang baritonong boses ng isang lalaki. "May sulat po kayo! Tao po!"

"Shh. Mamaya na tayo mag-usap." Sagot ni Sobre kaya't tumahimik na lamang ako.

"Pirma ka na lang po dito," Sabi muli ng baritong boses. Bago muling gumalaw si Sobre.

Natawa siya. Dahil doon ay napa-dilat ako. "Ba't ka tuma-tawa?" Tanong ko. "Nandito na tayo! Si Maria Edwain itong kausap ng lalaki!" May sigla sa boses niya. Napa-ngiti na din ako.

Nakarinig ako ng mga yapak kasabay ng pag-galaw ni Sobre. Lalo akong nahilo kaya't naipikit ko na namang muli ang aking mga mata.

"Kanino galing 'yan, bebs?" May isang boses ng batang babae ang narinig kong nagtanong. "Kay Papa," Maikling sagot ni Maria Edwain. Bago, mas naging nagalaw ang bawat galaw ng kaibigan ko.

"Shocks! 'Di ka ba pwedeng mag-stay lang sa isang side! Kakahilo kaya!" Reklamo ko muli. "Hindi ko kasalanan kung nahihilo ka d'yan! Nahiya naman ako sa 'yo 'no?!" Pabalang na sagot niya sa akin bago, tumawa ng mapang-asar.

Aba't! Kaasar siya ha!

"Ay nako! Nako! Titirisin kita e!" Naiinis na sagot ko dito. Before he can fired back, naramdaman ko na lang na huminto na ang pag-galaw.

Tila ingat na ingat na binuksan niya ang si Sobre, bago niya ako kinuha. Siya ay si Maria Edwain Consebal. Ang anak nila Marianna at Edward. Magandang lahi itong babaeng ito.

Ang sabi'y magtatapos na daw ito sa kolehiyo, ngayong taon. Ang alam ko pa ay nasa Manila siya. At nandito siya sa harap ko kaya ang ibig sabihin...

"Nasa Manila na din tayo?" Tila lutang na tanong ko. "Oo!" Sagot ni Sobre na tila natutuwa dahil sa kalutangan ko.

Kitang-kita ko ang luha sa kanyang mga mata habang tini+tingnan niya ako. Narinig ko na may na nagpapatugtog ng cassette player. Malungkot ang saliw ng awitin. Nakakadgdag ito sa lungkot na nakikita ko sa mga mata ni Maria Edwain.

‘ Anak, pasensya ka na at ngayon lang nakapag-sulat ang Papa. Naging busy kasi, e. 'Wag kang mag-alala. Bibisitahin kita d'yan kapag may pagkakataon. At pasensya na din kung hindi kita madalas na natatawagan sa tindahan ni Aling Caring dahil gahol na ako sa oras. Babawi ako sa 'yo, anak.

Siya nga pala, may ipagtatapat na din ako sa 'yo. Ang iyong Mama, umalis na siya, 'nak. Nilisan na tayo ng Mama mo. Sumama na siya sa lalaki niya. Ilang beses ko siyang pinigilan na hintayin ang graduation mo dahil next week na ito. Pero, walang saysay.

Umalis pa din siya. 'Wag kang mag-alala, makakaya natin 'to na tayong dalawa lang. Kamusta ka na nga pala d'yan? Kuma-kain ka ba sa tamang oras? May mga nanliligaw ba sa 'yo? O baka naman may nobyo ka na?

At tsaka pag-pasensyahan mo na din pala si Gino ha? Lagi kasi akong kinu-kulit ng batang iyan, para mapuntahan ka. Itatama daw niya ang pagkakamali niya sa 'yo, anak. Sana bigyan mo pa ng pagkakataon. Lalo na't bubukod na kayo ni Jandrik.

Si Jandrik nga pala ay iniuwi na dito ng Lola mo. Kasama ko na siya kanina. Mabuti nga't hindi na niya naabutan ang Mama mo.

Saka anak, sana patawarin mo na din si Gino. Dalawang taon ka na din 'non sinu-suyo. Ingat d'yan, 'nak. Tandaan mo, nandito lang si Papa. Hinding-hindi ka iiwan ng Papa. ’

Napa-hagulhol si Maria Edwain pagkatapos niya akong basahin. Inilapag niya ako sa lamesa at humagulgol sa kama.

_

Present Time

Pagod na iminulat ko ang aking mga mata. "Antagal na natin dito sa kahon ah," Reklamo ko. Natawa na naman si Sobre. "Hayaan mo na."

Napa-tahimik kami pareho ng makarinig kami ng kaluskos. Ilang saglit pa ay binuksan si Sobre at doon ay binuklat ng isang lalaki ang katawan ko.

"Kay Lolo 'to ah!" Manghang sambit ng lalaking pamilyar ang mukha. Hindi ako nag-ingay at tiningnan ko lang siua. "So, totoo nga. Bunga ako ng rape." Sabi niya, matapos akong basahin. Para bang siguradong-sigurado siya sa sinabi niya.

"Salamat sa inyo." Sabi niya pang muli at tinanggal ang jacket na huma-harang sa kanyang i.d.

Wait? Jandrik? Ikaw 'yan?

━━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━━

Story Genre ; Non-Fiction

Date | Time Written ; 10th of September 2018, 5:44 PM

Note ; Binase ko siya sa isang totoong buhay. Pero, dito, ang pov ay si papel hahahahahaha! Hope you enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro