Nahanap Ko Na Ang Aking Tala

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NAHANAP KO NA
ANG AKING TALA

"Señorita Liwanag, si Señor Victor ay lumisan na. Siya'y tutungo sa kanyang ina, sapagkat nabalitaan niyang ito'y may dinaramdam na sakit." Tumaas ang isang kilay ni Liwanag sa sinabi ng isang Indio. Walang paalam na umalis ito sa harapan ng matanda. Hindi na niya nakita ang kakaibang tingin na iginawad sa kanya nito.

Sumakay na siya sa kalesa at doon ay mahinhing nag-pa-paypay ng abanikong gawa sa pinaka-mataas na uri ng tela na mula sa Espanya. Ang kanyang ama ay isang Gobernador sa kanilang bayan. At sa susunod na taon ay hina-hangad ng kanyang ama na si Don Macario Cartia ang mas mataas na ka-tungkulan.

Habang ang kanyang ina ay isa sa mga sikat na babae sa kanilang bayan. O, hindi nga lang pala sa kanilang bayan, ngunit, sa buong mundo. Sapagkat siya ang isa sa mga babaeng may pinaka-magagandang mukha sa buong mundo. Nililok at iginuhit ng mga sikat na pintor sa buong mundo. At pinag-aksayahan ng oras at pera, upang masilayan lang nila ang kagandahan at karikitan ng mukha ng kanyang ina na si Doñia Chesire Cartia.

Habang and kanyang tatlong kapatid ay magagaling sa kaniya-kaniyang larangang kanilang tinahak. Ang kanyang nakaka-tandang kapatid na si Señorito Leonardo Cartia ay isa na ngayong magaling na manggagamot sa Espanya. Ang balita nga niya'y ipinagkasundo na ito sa isang anak na babae ng kaibigan ng kanyang ama

Habang si Señorito Francisco Cartia ay naging isang magaling na musikero. Madami ang huma-hanga sa galing nitong tumugtog. Madami na din itong naisulat na mga kanta.

At ang panghuli, si Señorito Kaine Cartia ay pumasok sa monasteryo upang maging isang pari.

At si Señroita Liwanag ang bunso. Siya ay ang nag-iisang anak na babae nila Don Macario at Doñia Chesire Cartia. Ipinaganak na nag-tataglay ng kakaibang kagandahan na siyang sisilo sa mga kalalakihan. At nang kakaibang talino na siyang mahirap tapatan.

Ngunit, dahil sa taglay niya ang mga magagandang bagay na ito'y madami ang nag-tanim ng inggit at pagka-suklam sa kanya.

Inanunsyo ng kutsero na nasa mansyon na sila. Mahinhing bumaba ang Senorita at tila Reyna kung lumakad. Seryoso ang kanyang mukha at napaka-istrikta ng postura.

Hindi niya alam na pinagmamasdan siya ng isang lalaki na nagtatago sa malagong puno. Siya ay matagal nang may pag-tangi sa Señorita. Ngunit, naduduwag siyang ipahayag ang kanyang pag-sinta, sapagkat siya ay isa lamang Indio. Ang pinaka-mababang uri ng katayuan sa buong Pilipinas.

Masilayan niya lamang ang mukha ni Senorita Liwanag ay nabubuo na ang kanyang araw. Naisip niyang kasing ganda ni Señorita Liwanag ang mga bituin sa langit. Tama nga't Liwanag ang ipinangalan sa kanya, sapagkat nag-li-liwanag ang mundo sa tuwing nakikita mo siya.

"Emillio!" Nagulat ang lalaki sa pagtawag na iyon ng Mayordoma ng mansyon ng mga Cartia. "Nandyan na ho!" Malakas na sagot niya at dali-daling tinungo ang pinang-gagalingan ng tinig ng Mayordoma.

_

Nagising si Liwanag sa ingay sa ibaba. Tumaas ang isa sa perpektong kilay niya. "Eva!" Malakas na tawag niya sa kanyang alalay.

"Bakit po, Señorita?" Naka-yuko at tarantang tanong sa kanya ng babae. Hini-hingal man ay nag-kunwari itong maayos sa kanyang harapan. Humugot siya ng hininga at tumayo. "Ano ang nangyayari sa labas?" Ang kanyang tinig ay punong-puno ng pagka-dismaya.

"Pina-parusahan po nila si Emillio, Señorita. Dahil nahuli siya sa pag-ha-hatid ng meryenda ng mga Guarda-Sibil." Naka-yukong sagot nito sa kanya. Ang kanyang perpektong mukha ay nalukot. "Kuhanan mo ako ng damit at ako na mismo ang tatapos sa kaguluhang ito."

Tumango ito at mabilis pa sa alas-quatro'ng binigay ang isa mga damit na kaniyang paborito. Ang kulay nito'y puti, ngunit may magagandang burda na likha ng isang magaling na kamay mula sa Espanya.

"Bakit ito ang iyong ipina-suot sa akin?" May dismaya pa din sa kanyang boses na siyang nag-bi-bigay takot kay Eva. "Dadating po kasi sina Señor Victor at Don Angelito dito, mamayang gabi, Señorita." Mas lalong nalukot ang kanyang mukha at walang kiyemeng lumabas ng kanyang silid.

"S-señorita, kayo po'y mag-hunos-dili!" Taranta at gulat na paalala ni Eva sa kanyang Señorita. Ngayon niya lamang ito nakitang ganoon kung lumakad. Tila yata'y galit ito dahil na-istorbo ang kanyang mahimbing na tulog.

"Maari bang sabihin mo kay Don Angelito na masama ang aking pakiramdam?" Ang galit sa tinig nito ang nag-pa-takot lalo kay Eva na kausapin ang kanyang Señorita.

"N-ngunit, bakit po, Señorita? Hindi ba't hindi kayo nag-ka-daupang palad ni Señor Victor noong nakaraan?" Utal na tanong nito sa kanya. "At ano bang pakialam ko sa lalaking bina-balewala ang aking presensya ng pa-ulit-ulit, Eva? Hindi ko nais ang lalaking hindi marunong tumupad sa usapan. Walang paninidigan. Sa maka-tuwid ay isang duwag."

Nakarating na sila sa labas ng sabihin iyon ni Señorita Liwanag. Nangiwi ang alalay at walang nagawa kung hindi ang sumang-ayon.

Iritado man ay nagawa ng kanyang presensya na pa-tigilin ang nga Gwardya-Sibil sa pag-la-latigo sa ka-awa-awang lalaki. Tumaas ang isa sa perpektong kilay niya at tinawag ang kanilang Mayordoma.

Ang kanyang mga magulang at kapatid ay kasalukuyang nasa Espanya, maliban lamang kay Señorito Kaine. Dadaluhan nila ang magarbo at malaking pagdiriwang doon. Sapagkat nalalapit na naman ang kaarawan ng Hari.

Hindi na siya sumama sapagkat, ayaw niyang nag-bya-byahe ng ganoon kalayo. At isa pa'y napaka-daming beses na niyang naka-rating sa Espanya, kaya't nananawa na siya. Mas nanaisin niya pang manatili sa Pilipinas, sapagkat mas nababantayan niya ang kanilang mga tauhan. At maging ang mga galaw ng mga traydor na kaibigan ng kanyang mga magulang.

"Ano ang nangyayari dito? Bakit kayo'y nag-ka-ka-gulo?" Ang kanyang tinig lamang ang iyong maririnig sa buong lugar.

"Ipagpatawad niyo po, Señorita. Ngunit, itong lalaki na ito'y nakalimutan kaming bigyan ng meryenda sa tamang oras." Naka-yukong sagot aa kanya ng isa sa mga Gwardya-Sibil. Naiiling siya't kinagat ang labi.

"Hindi ba't si Ladislao ang naka-tokang mag-pa-kain sa mga hampas-lupang ito?" Matalim na tanong niya sa Mayordoma na nag-yuko lang ng ulo. "Sumagot ka! Nasaan si Ladislao? At bakit si Emillio ang inutusan mong bigyan ng pagkain ang mga hampas-lupang ito?"

Halos lahat sila'y napa-lunok dahil sa dahas at talim ng dila ng kanilang Señorita. "S-señorita." Hindi makapag-salita ang matandang Mayordoma.

"Eva!" Tawag niyang muli sa kanyang alalay. "Ano po iyon, Señorita?" Hingal na tanong ni Eva sa kanya. Huminga siya ng malalim at sinulyapan ang duguang lalaki. Matikas ang katawan, may pagka mestizo ang balat, ngunit, dahil sa babad sa init ng araw ay namumula ang balat. Gusto din niya ang titig na ibini-bigay nito sa kanya.

"Gamutin at tulungan ninyo si Emillio. Oo nga pala, hindi ba't ipinakain ko kay Conchita ang tanghalian ko? Nasaan na nga pala siya ngayon?" Anas niya at tila patalim ang titig na ibinigay niya sa Mayordoma.

Hirap man ay sinubukang tumayo ni Emillio. Bahagya siyang nangiti ng makita niya talaga ang Señorita sa kanyang harapan na siyang nag-li-ligtas kay Emillio sa mga malulupit na Gwardya-Sibil.

"Siya po'y idinala sa pagamutan sa bayan. Sapagkat bigla na lamang siyang nawalan ng malay pagkatapos niyang kainin ang inyong pananghalian, Señorita." Sagot ni Eva dito, bago, mabilis na lumakad papalapit kay Emillio at inalalayan siyang lumakad papasok sa isang bahay kubo, kung saan nakikita't nadidinig niyo pa din ang nangyayari sa sini-sinta niyang Señorita.

Nakita niyang inutusan ng Señorita na hulihin at dakpin ang Mayordoma at si Ladislao. Napa-lunok siya at doon ay humanga sa talas at talino ng kanyang ini-irog. Dahil nalaman nito agad na traydor ang Mayordoma at nais pa siyang ipahamak.

"Bakit hindi mo na lang sabihin na anak ka ni Doñia Veronica? Disin sana'y hindi mo dina-danas ang pag-hi-hirap na ito, Ginoong D--" Napa-hinto sa pag-sa-salita si Eva ng parehas nilang nakita na papalapit ang Señorita.

"Kamusta ang mga sugat niya, Eva?" Tanong nito. Malayo ito ng ilang metro sa inyo, ngunit, langhap ni Emillio ang halimuyak at bango ni Señorita Liwanag

"Patuloy pa din po sa pagdurugo," Sagot ni Eva. "Kung gayo'y dalhin niyo na siya sa pagamutan sa bayan at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya." Seryosong pahayag ng Señorita. Pinigilan niyang mapa-ngiti, sapagkat ramdam niya ang kaligayahan sa kaibuturan ng kanyang puso.

"Opo, Señorita," Sagot ni Eva. "May isa pa akong sasabihin, Eva." Pahabol ng Señorita.

"Paki sabi kay Ginoong Demitri na mag-iingat siya. Sapagkat ako'y kagagalitan ni Doñia Veronica kapag may nangyaring hindi maganda sa kanyang panganay na anak." Habilin ng Señorita, bago lumakad papalayo. Ang labi niya'y umawang dahil sa tinuran ng Señorita.

"Batid niya?" Tanong niya kay Eva. "Wala akong sina-sabi sa kanya, Ginoo. Halika na't dadalhin ka na namin sa pagamutan." Mungkahi ni Eva at nangingiting inalalayan papatayo si Ginoong Demitri Francia, ang tagapagmana ng buong planta ng Francia.

━━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━━

Story Genre ; Historical Fiction

Date | Time Written ; 31st of August 2018, 5:30 PM

Note ; Last activity for my former family. Lagi kase nila akong kina-kalimutan. So, I decided to leave. Hindi naman ako kawalan sa kanila at hindi din sila kawalan sa akin. Hehe. Ano siya celebration namin for Buwan Ng Wika. Kaya naisip ko na bumalik sa history hahahaha!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro