nadako ang aking tingin
sa mga kumpol na bulaklak
kulay pula, aking nagustuhan
rosas ang ngalan
ngunit hindi ko alam
na ito pala ay may tinik
tulad ng taong winasak ang aking puso
akin siyang nagustuhan
dahil sa kanyang katangian
nagpadala sa sinisigaw ng puso
huli na nang mapagtanto
ang pag-ibig niya ay isang rosas
napakaganda ngunit sa huli
ito'y masakit
puso ko ay kanyang pinadugo
siya ay lumisan nang walang abiso
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro