⌦23✿

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"here's your change, sir."

isinuksok mo ang sukli sa wallet. dahil sa pagmamadali, nahulog ang mga barya mukhang pati ako yata nasama. naglikha ito ng tunog at spark sa pagitan nating dalawa. tinulungan kita magpulot at nahuli natin ang mata ng isa't isa.

"salamat."

ano kayang pangalan mo? siguro kasing-gwapo mo. i think mas bagay kung apilyedo mo ang gamit ko.

lagi kitang hinahanap kung saan. matagal kitang 'di nakita hanggang sa nakasalubong sa pathway ng school. ang ganda. linis tignan at amoy baby... ko. transferee ka pala. right decision na dito ka.

"dito tayo daan, te. para makita ko siya."

malayo man ang room niyo papuntang canteen, hindi ko ipagkakaila basta matanaw lang kita. ayun, nagre-recite na naman. aral well, darling ko. para sa future natin 'to. lagi tayong mayroong eye contact. hmm, nakakailan ka na, a. mag-a-assume na 'ko nito. you stand out in the crowd. nahahanap ka palagi ng mga mata ko.

"uy si ano, oh!"

pangalan mo ang tinawag, pero ako ang lumingon. kahit na may astigmatism at nearsightedness, basta pagdating sa 'yo, perfect vision 'to.

nalaman kong sumali ka ng school organization kaya napasama rin ako. hindi ko hilig 'to pero tiklop ako pagdating sa iyo, e. gusto lang kitang makita madalas at makasama. hindi naman 'yon masama, ano?

"hi, uh can i ask you something po?"

"yup. ano 'yon?"

hindi ko alam anong sumapi sa akin at kung paano ko nakayanan na hindi mautal nang kausapin ka. mistulang ika'y may mahika nang ngumiti ka.

nginitian mo ako!

"gusto mo ba ng ice cream? my treat! and i also want to know you... since we are in the same org."

"oh, sure! oo i like ice cream... atsaka may iba rin akong gusto, e."

"ah. ano ba 'yun?"

"ikaw."

"h-huh?"

"ang sabi ko isaw."

"ako rin. gusto ko ikaw. ah, i mean isaw."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro