Kabanata 47

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 47

Truth

"Sunny, di talaga makakabuti 'yang pag iyak mo." Sabi ni MIa, nag aalala niya.

Kanina pa siya basa nang basa sa mga magazine ng tungkol sa pagbubuntis. Hindi ko naman kayang tumigil sa pag iyak. Tapos na akong humagulhol kanina. Nakahiga ako sa sofa ngayon at nanlulumo sa mga nangyari.

Pabalik balik kong inisip 'yong galit sa mukha ni Rage kanina. Pabalik balik ko ring inisip ang bawat insulto ng kanyang mama at ng kanyang fiancee sa akin.

"Hindi ko lang talaga mapigilan." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.

Kahit na tahimik na ako ay pilit paring tumutulo ito. Basang basa na ang unan sa sofa. Kanina pa tumutunog sa mga mensahe ang cellphone ko at kanina ko pa din itong binabalewala.

"Stress affects the baby, Sunny." Sabay turo ni Mia sa isang pahina ng magazine.

Umupo ako ng maayos at tumango. Alam ko naman iyon. Kahit paano ay narinig ko na iyon sa TV o sa mga balita na hindi daw nakakabuti ang stress sa bata. Lahat ng emosyon ko, maaapektuhan ang bata. Sorry, baby, di lang maiwasan ni mommy.

Dinampot ko ang cellphone ko. Sa tabi ay si Mia na seryosong nagbabasa ng magazine. Nakita ko ang iilang mensahe ni Jason doon.

Jason:

Sunny, since di ka nag rereply para bukas. Pwedeng sa Lunes na lang 'yong dinner?

Kumunot ang noo ko at chineck pa ulit ang iilang mensahe galing kay Jason at nagulat ako sa mga sinabi niya.

Jason:

Birthday ko Mondat. Pwede ba tayong mag dinner bukas?

Jason:

You free tomorrow, Sunny?

Jason:

Sorry sa istorbo. I think you're busy.

Mabilis akong nag reply. Naramdaman ko naman ang titig ni Mia sa cellphone ko at hinayaan ko siyang mabasa ang reply ko.

Ako:

Mag papahinga ako bukas. I'll try sa Monday, Jason. Advance Happy Birthday!

Nilingon ko si Mia na may kaduda dudang tingin sa akin.

"Buti tinanggihan mo bukas." Aniya.

"Babawi ako sa kanya sa Lunes. Ayoko pang lumabas bukas. Masama ang pakiramdam ko." Sabi ko at mabilis akong hinawakan ni Mia na para bang may lagnat ako.

"Jusko, Sunny. Ayusin mo sarili mo. Hindi ka pwedeng ma stress at magkasakit. Tapos tinanggap mo pa ang gusto ni Rage? Ma sstress ka don. Anong gagawin mo sa kompanya?"

Nagkibit balikat ako. "Hapon na ako pupunta sa Lunes. Magpapaliwanag na lang ako na nag aaral ako kaya hindi ako pwedeng pumasok ng maaga."

"Edi sana wa'g ka ng pumasok. Pinapahirapan ka pa ng Rage na 'yan. Tingin ko ay gusto niya lang makaganti sayo." Ani Mia.

Tulala ako at inisip na hindi na lang papasok. Ano naman ang maitutulong ko sa kompanya? Kanino ako mag rereport at may maitutulong ba talaga ako? Dumami ang tanong ko at kahit si Kid ay hindi nakakasagot.

"I don't know. Maybe they'll assign you somewhere, Sunny. Sa Finance siguro? O sa kahit saang busy na department." Sabi ni Kid.

"Wa'g na wa'g niyang iaassign si Sunny sa Maintenance at masusupalpal ko 'yang Rage na 'yan!" Ani Mia.

Pinanood ko ang lettuce na nasa pinggan ko. Natakot tuloy ako na baka mastress ako sa trabahong ito.

Kaya naman ay buong araw ng Linggo ay wala akong ginawa kundi ang mag pahinga. Abala si Mia sa pag lilinis sa condo ni Kid at si Kid naman ay may lakad simula pa kaninang umaga. Lumabas ako ng kwarto para tumulong sa pag mo-mop niya pero pinagalitan niya ako kaya kumuha ako ng feather duster para pasadahan ang mga cabinet doon sa loob.

"Sunny, makakasama sa'yo-"

"Mia naman. Siguro mas nakakasama kung buong araw akong nakahiga." Sabi ko at patuloy akong nag punas.

Tumahimik si Mia at umiiling habang nag mop rin. Pinanood ko siya at ang kanyang nakataling buhok ay magulo ngunit lumilitaw parin ang ganda niya.

"Mia, saan ba nagpunta si Kid?" Tanong ko para may mapag usapan kami.

Nitong mga nakaraang araw ay halos ako palagi 'yong pinag uusapan namin. Gusto ko ring malaman 'yong tungkol sa kanila pero dahil hindi ko na namamalayan ang lahat, hindi na rin ako nakakapagtanong.

"Ah, tuwing Sunday wala siya kasi kasama niya pamilya niya." Sabi ni Mia habang nakatingin sa sahig na mina-mop.

Tumango ako. "Nagpaiwan ka ba dahil nandito ako?"

Umiling siya at nagpatuloy sa pag mo-mop. "Hindi niya ako sinasama."

Dahan dahan akong tumango at pakiramdam ko ay nag init ang pisngi ko. Pinunasan ko ang namuong pawis sa aking noo. "Uhm, talaga?" Wala na akong maidugtong. Galit ako sa sarili ko at agad kong pinagsisihan kung bakit ko pa inungkat ito.

"Ayos lang. Okay lang naman. Buti nga nandito ka." Tumawa siya at sumulyap sa akin ngunit alam kong may mali.

Naaalala ko noon kung paano niya ako binalaan sa mga mayayaman at mga katulad ni Rage o ni Kid, hindi siya nagkamali para sa akin. Pero sa tingin ko naman ay seryoso si Kid sa kanya.

Nawalan ako ng mga salita. Nanahimik na lang ako at nag linis. Hindi ko alam kung ano ang maaari kong sabihin sa kanya para maalis 'yong kung anong bumabagabag sa kanya.

Kinabukasan ay maaga ako sa school. Kinailangan kong tapusin lahat ng maaga. Hindi na ako pwedeng mag babad sa library para sa mga assignments ko. Inisip kong makakatulong din sana ang laptop. May laptop si Kid at nagamit ko na iyon ng isang beses. Pero ang ilang assignments ko ay kinailangan ko pang pagtuunan ng pansin sa Computer Lab na madalas punuan o di kaya ay sa isang computer shop.

Kinagat ko ang labi ko at ginala ang mga mata sa tatlong assignment na kailangan ko pang itype. Natapos ko na ang pagsusulat at kailangan ko 'tong itype sa laptop at i print na rin. Inisip ko ang laptop ni Kid sa bahay. Siguro 'yon na nga ang gagamitin ko ulit.

"Sunny!" Humalakhak ang pamilyar na boses galing sa likod.

Tinabunan niya ang mga mata ko at napangiti ako dahil alam kong si Jason iyon at babatiin ko na siya ng Happy Birthday. Kanina ko pa siya hinahanap sa buong campus pero wala siya. Kahit sa ilang klase niya ay mukhang absent siya.

"Jason..." Sambit ko at hinwakan ko ang kamay niyang naka takip sa aking mga mata. Kinalas ko iyon at hinarap ko siya. "Happy birthday!" Kasabay ng pag bati ko ay ang pagkakagulantang ko.

Ang medyo magulong buhok niya ay naging napakalinis na. Lumitaw ang malalim niyang dimple sa pag ngisi niya at kumindat siya nang nakita ang gulat ko. Hindi ko mapigilan ang pag laglag ng mga panga ko. May rason talaga kung bakit crush ko siya noong high school. Sobrang gwapo at matipuno niya. Moreno, matangos ang kanyang ilong, at kulay pink ang kanyang labi. Matangkad din siya at kumpara noong high school na medyo payat siya ay gumanda na ang kanyang pangangatawan ngayon.

"Thank you!" Sabi niya sabay yakap sa akin.

Nalungkot naman ako. Dahil alam ko na kahit birthday niya ay hindi ko siya mapag bibigyan sa kanyang gusto. Kailangan kong pumunta sa Del Fierro building para magtanong kung ano ang magiging trabaho ko at kung pwede bang mga alas dos o alas tres na ako papasok. Kahit na abutin pa ako ng alas otso ng gabi ay kakayanin ko pa. Ayaw ko lang masyadong nag pupuyat dahil natatakot ako para sa baby ko.

"Sorry..." Sabi ko nang kumalas siya. "Di ako makakasama sa dinner ngayon kasi may gagawin ako."

Napawi ang ngiti niya at agad kong sinisi ang sarili ko. "T-Talaga. Sayang naman..." Medyo bigo niyang sinabi.

Nag iwas ako ng tingin at inisip ko kung pwede naman sigurong maaga na lang muna akong umalis ngayon dahil unang araw pa lang naman. "Hmmm, uhm, pero kung matatapos ako ng mga alas sais o alas syete, pwede siguro." Sabi ko.

Umaliwalas ang kanyang mukha. "Maghihintay ako. Saan ka ba pupunta?" Tanong niya.

Kinwento ko sa kanya na pupunta ako sa isang building. Nasabi ko rin 'yong totoo, na may perang iniwan si mama sa akin kaya kailangan kong pumasok sa building na iyon pansamantala para makuha ko iyon. Hindi ko na binanggit sa kanya ang tungkol kay Rage dahil hindi na rin naman kailangan. Gusto ko lang na malaman niya na importante din itong ginagawa ko kaya hirap akong makasama sa imbitasyon niya.

"So... susunduin kita doon. Text na lang tayo?" Sabi ni Kid bago mag paalam para sa susunod niyang klase.

Tumango ako. "Sige, Jason. Happy birthday ulit."

Sa byahe patungong Del Fierro Building ay inisip ko kung anong klaseng dinner ang inihanda ni Kid. Iyon bang marami kami o kaming dalawa lang? Nagsisi ako kung bakit hindi ako nag tanong. Bakit nga ba? Mag babago ba ang isip ko kung kaming dalawa lang pala?

Nakapag palit na ako pagkapasok ko ng Del Fierro building. Simpleng floral dress ang suot ko at flat shoes. Sa elevator ay panay ang isip ko kung saan nga ba ako pupunta? Nang tumigil ang elevator sa 15th floor, 'yong palapag ng maintenance ay pumasok si Mrs. Ching. Gulat na gulat siya nang nakita ako at hindi ko mapigilang ngumiti sa kanya at makipag kamustahan.

"Naku, di ko inakala na may share ka pala sa kompanya! Alam ba 'yon ni Sir Rage nong una kang pumasok? Bakit ka niya hinayaang mag janitress?" Umiling siya at doon ko lang din iyon narealize.

Diretso ang tingin ko sa pintuan ng elevator. Maaaring alam niya, pero sa galit niya ay gusto niya akong pahirapan. Ngayon ay galit ulit siya sa akin. Anong klaseng paghihirap ang matatamo ko galing sa kanya.

Bumaba si Mrs Ching sa 35th floor kaya ako na ang nag patuloy patungo sa opisina ni Rage Del Fierro. Pagkabukas ng elevator ay agad kong nakita si Rage, 'yong attorney, si Logan, at si Mr. Marco Del Fierro.

Kitang kita ko kung paano tumayo si Mr. Marco Del Fierro pag dating ko. Napatingin ako kay Rage na ngayon ay pinapanood ako habang pinag tatama ang dalawang palad sa kanyang harapan. Nilalaro niya ang kanyang daliri kaya bahagyang kumunot ang noo ko at nag iwas na ng tingin.

"Pasensya na po, late ako." Panimula ko nang nakapasok.

"Very late." Sabi ni Rage.

Hindi ko siya nilingon. Nakatingin ako kay Attorney. "May pasok kasi ako. Nag aaral ako."

"Hmm. That's good. Maganda 'yang nag aaral ka." Singit ni Mr. Del Fierro. "But how do you pay for your bills?"

"Uh, nag tatrabaho po ako sa Marlboro Girls." Sabi ko at naisip na baka hindi niya alam kung ano 'yon. "Yong nagbibenta ng sigarilyo sa mga high end bars tuwing Biyernes at Sabado."

Tumango si Mr. Del Fierro. "Hindi ba delikado 'yon?"

"Pa, cut the crap. She needs to work for our company. Kung may shares siya, kailangan niyang paghirapan 'yon. Besides, di pa niya makukuha 'yon. Stop the catching up thing." Iritadong sinabi ni Rage.

Bumagsak ang tingin ko sa aking mga daliri at hindi ko mapigilan ang pagkakainis sa kanya. "Hindi ko alam kung saang banda ako mag tatrabaho dito. Wala akong alam sa negosyo ninyo. I don't think I can help. Pero susubukan ko parin. Kailangan ko po yong pera." Nag angat ako ng tingin kay Mr. Del Fierro.

Tumango siya. "Susubukan naming madaliin 'yong process. Pero ayaw mo bang mag invest ng kahit konti at kunin na lang ang ilang parte nong shares, instead?"

"Mrs. Del Fierro would not approve, Sir." Sabi ni Attorney.

Umupo si Mr. Del Fierro at tumitig sa attorney. Si Logan ay nanonood lang sa amin habang umiinom ng alak sa tabi ng malaking abstract painting.

"Rage is the owner of this company. He can make it happen." Napatingin si Mr. Del Fierro sa kanyang anak.

Hindi ko na hinayaang magsalita si Rage. Ako na mismo ang sumalo. "I pu-pull out ko lahat ng shares ni mama. Gaya ng sabi ni Mrs. Del Fierro, masyadong maliit 'yong pera para makinabang ang kompanya niyo. Nakakahiya naman."

"You need the money too much, Sunny." Sabi ni Logan.

Napatingin ako sa kanya at nagtaas lang siya ng kilay pagkatapos ay sumimsim sa kanyang alak.

"Well then... do this for me." Sabi ni Rage at nilagay niya ang sandamakmak na papel sa harap ng kanyang mesa.

Humalukipkip siya at nalukot ang ilang parte ng kanyang plantsadong itim na long sleeve polo habang pinapanood ako. Nakalabas ang kanyang dogtag at sa titig niyang galit ay nangatog ng di inaasahan ang binti ko. Shit!

"Okay." Nagkibit balikat ako. "Sa abot ng aking makakaya ay gagawin ko 'to."

Lumapit ako sa kanya para tingnan ang lahat ng papel na nandoon. Nakita ko lahat ng magugulo at maraming sulat na pinirmahan niya. Lahat yata ng na approve na budget ay nandito. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko sa mga papel na 'to.

"Anong gagawin ko dito?" Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Pumunta ka sa Finance. Don mo 'yan gawin. Gawan mo ng table na nag susummarize ng lahat ng 'yan." Aniya at umupo sa kanyang swivel chair.

Tumango ako at nagtama ang paningin namin. Bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko mapigilan ang pag kagat ko saking labi kaya tumingin ako kay Mr. Del Fierro. "Okay lang po ba na ganitong oras na ako makakareport? Kailangan ko po kasi talagang mag aral." Sabi ko.

"Ask my son." Nagtaas ng kilay si Mr. Del Fierro at may tinanong sa attorney.

Bumaling ulit ako kay Rage at nag hintay ng sagot dahil nakatingin na siya ngayon sa iilang papel sa harap.

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lang talaga ang magiging sagot niya. Nang naramdaman niya ang titig ko ay nagtaas siya ng dalawang kilay.

"May magagawa pa ba ako? Go and finish your task, Sunny." Malamig niyang sinabi at tumingin siya ulit sa papel na binabasa niya.

Tumango ako at sinikop lahat ng papel na kailangan kong dalhin sa Finance floor. Medyo mabigat iyon at napangiwi ako habang niyakap ko ang lahat ng 'yon.

"Let me help you, Sunny." Sabi ni Logan sabay kuha sa iilang papel na nagpapabigat sa dala ko.

"Wa'g na." Sabi ko kahit na nasa kanya na ang iilang papel.

"Pababa din naman ako. Ihahatid na lang kita sa finance tapos baba na ako." Ani Logan.

Tumango ako at hindi na tumanggi sa tulong. Para din ito sa baby ko. Ayokong mapagod ng husto.

Pumasok kami sa elevator at napatingin ako kay Rage bago nagsarado ang pintuan at nakita kong nanatili ang kanyang tingin sa papel na kaharap kanina.

Nang sarado na ang pinto ng elevator ay narinig ko ang buntong hininga ni Logan.

"Akala ko mapapatay niya ako ngayon. He used to be possessive... of you." Aniya sabay tingin sa mga numero sa taas ng sinasakyan namin.

Tiningala ko siya at may parte sa akin na gumuho. Just when I got attached to his attention, that's when he took it back. Hindi ko siya masisisi dahil ako mismo ang nag palayo sa kanya. At iyon ang ginusto ko. Iyon ang paninindigan ko. Hinding hindi ako manunumbat. Hinding hindi ako manghihingi ulit pero hindi ko lang talaga maiwasan ang pagkurot ng puso ko. Mahal ko, e. Pero paano ko pa siya mamahalin kung nadungisan na ang paningin ko sa kanya? Paano ko siya mamahalin kung ayaw ng pamilya niya sa akin? Hindi ako matatanggap ng pamilya niya at ayaw kong maramdaman 'yon ng anak ko. I can't help but feel the pain. I want this love but it has to end. There's no other way. Siguro naman ay tama rin ang ginagawang pag distansya ni Rage. Kailangan ko nang masanay don. Napagod siya at nasaktan ko rin siya.

"Okay lang, Logan. Nandito naman ako para mag trabaho." Sabi ko.

Napatingin si Logan sa akin. "If you wanted so bad to get away from him, why are you here? Do you want him back, Sunny?"

Nagulat ako sa tanong niya. Umiling ako at ngumiti. "No. Kailangan ko 'yong pera, Logan." And that was the truth.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#rage