Wakas

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Wakas

Nagsimulang tumugtog ang violin. The tune was familiar to me. It was a good choice of music. Hindi ko mapigilang mapatingin sa nag va-violin. Ni hindi ko sinabi sa kanya na itugtog iyon para ngayon. Umuhip ang hangin galing sa dagat. Nilingon ko ang mga nasa gilid ng boardwalk na parehong nakaputi.

Malaki ang ngiti ni Brandon habang inaayos niya ang kanyang damit. Nasa bulsa naman ni Logan ang kanyang mga kamay, pinapanood ako sa kinatatayuan ko.

"Congrats, Rage! Double kill. Ikakasal ka na sa kanya, magkakababy pa kayo."

I grinned. Ngunit ang titig ko ay nasa dulo nitong boardwalk. Nakikita ko na siya kasama si Mia. She's wearing a long all white dress. May mga bulaklak na nakapalibot sa kanyang ulo. Her hair fell in flowing curls over her shoulder.

My heart felt warm. Mabilis din ang pintig ng puso nito. Finally, I can call her my wife. It's finally official.

"Nice choice, Rage. This is the most beautiful island I've seen. Wala pa masyadong maraming turista." Nilingon ni Brandon ang nakapaligid sa aming kulay asul na dagat. "Huma Island, huh?"

"Malapit lang kasi sa rest house niya. I'll live here for the next seven months." Sabi ko nang hindi tinatanggal ang tingin kay Sunny na papalapit, may dala dalang mga puting bulaklak. She smiled at me. Tumayo ako ng maayos.

All of Me was at it's peak. Kinilabutan ako nang mas lalo kong narinig ang violin na tinutugtog ito. Kinakabahan na talaga ako.

Years ago, nong nakita ko si Sunny, hindi pumasok sa isip ko na kaya ko siyang mahalin. I was full of hatred and all I think about was revenge.

"Ma, what's wrong?" Tanong ko isang araw pagkauwi ko galing school. She looked drunk and broken. Nakakalat ang make up sa mukha niya at hawak niya ang isang bote ng whiskey.

"Your dad is with her bitch." She spat.

Hinawakan ko ang kanyang likod. Mapupungay ang kanyang mga mata at ilang beses ko nang narinig ito sa kanya pero ngayon lang siya naglasing ng ganito. Madalas silang mag away ni papa. I never liked it but I got used to it. And I promised myself that when I grow up, I will never be like my dad. I will marry the woman I love. I will not let anyone, not even my family, dictate my decisions.

Pero habang tumatagal ay mas lalo lang lumabo ang pag ibig na iyan. Life isn't all about love. We have more issues than that. It shouldn't be a priority to anyone. We have family issues, business, social issues, to win you must learn how to play even with bad cards. And I've learned that the hard way.

"Kung ayaw mo na, ma, why don't you end your marraige. Separate or Annul, ma." Sabi ko habang inaagaw sa kanya ang baso.

Ni hindi pa ako nakakapagbihis. Naka uniporme pa ako at ang iniintindi ko na ay maging maayos si mama.

"Trust me, Rage. It will be worst. Pag ginawa ko 'yan, your dad will be very much happy about it. And her bitch too. Magkakaroon pa ng share 'yong mistress niya sa kompanya. Baka nga doon na tumira ang papa mo sa bahay nong kabit niya." Ngumiti si mama at umiling. "No. I won't let that happen. No happy ending for me means no happy ending for her too."

"Pero nahihirapan ka na. I'm sure hindi tayo papabayaan ni papa." It sounds pathetic but I want my mom to stop crying for him.

Umiling si mama. "Rage, son, I will never be happy kahit na magkahiwalay kami ng papa mo. Ang makitang masaya siya sa iba ay hindi ko kaya. And also, would you want a stupid step sister? No, Rage. I'm pretty sure you won't like it."

Hindi ako umimik. She laughed hysterical and that was my cue. My mom is drunk and we should stop this conversation. Naka ilang beses na ako nito at ito palagi ang sagot niya.

Kaya naman ay nang nagkaron ako ng pagkakataong bumisita sa building ay ginawa ko na. My father was in a board meeting. I was allowed to go inside his office. Pero pagkapasok ko ay narinig ko kaagad ang boses niyang tumatawa kasama ang babaeng tugma sa sinasabi ni mama. Ang mga stockholders ay naroon at nakikinig sa presentation ng isang lalaki habang siya ay nakikipag usap sa isang babaeng maputi at may mahaba at umaalong buhok na babae. She looked like an angel, yes, but she stings like hell. Alam ko dahil ganon mismo ang naramdaman ni mama.

"Rage, son, you're here?" Gulat na sinabi ni papa, kinakalas ang kamay niyang nakapatong sa kamay ng babaeng kausap niya kanina.

May kung ano sa sistema kong kumulo. Mataas ang tingin ko sa papa ko dahil sa galing niya sa negosyo ngunit nang nalaman ko ang tungkol sa kabit niya ay bahagyang bumaba ang tingin ko sa kanya. Ngunit ngayong nakita ko na ang kabit niya ay mas lalo lang nabaon sa lupa ang paningin ko sa kanya.

Nakita ko ang mga mata ng kabit niyang tumingin sa akin. Tumagilid ang kanyang ulo na para bang sinusuri ako. Tumayo si papa at nilapitan ako.

"Your mom sent you here, Rage?" He concluded.

I shook my head. "I came here to see you."

Kumunot ang noo niya. "To see me, what do you want?" He asked. Iminuwestra niya sa akin ang labasan ng opisina.

He wanted me out of his office. Sumunod ako ngunit nagngingitngit na ako sa galit.

"Your school is done?" Tanong niya nang makalabas kami sa meeting.

Pumihit ako at hinarap ko siya. "Ganon pala talaga, pa? Harap harapan kang nakikipag landian sa kabit mo! Mom is upset and you're here with your cheap bitch?"

Kinwelyuhan agad ako ni papa at nakita ko sa mga mata niya ang galit na ngayon ko lang naranasan. Bakit siya ganito ka galit sa akin? I've done worse things in school. Vandalism, gangs, frats, and many more but he never gave me this treatment. Palagi niya lang tinatanong kung ano ang gagawin niya para tumigil na ako sa mga kahibangan ko. He never laid a finger on me. But this time, I felt like I crossed some line. Binitiwan niya ang kwelyo ng uniporme ko at mas lalo lang nag init ang ulo ko.

"Go home!" Sigaw niya at nag iwas ng tingin sa akin.

"I can't believe you, pa! Harap harapan mong iniinsulto si mama sa pamamagitan ng pagsama sa kabit mo! Ni hindi ka nahiya sa mga investors natin! Mom is a wreck because of this scandal but you act like you don't care about her! Or me! You only care for that bitch and curse her for being so desperate!" Sigaw ko kahit kabado.

Natigil ako nang dumapo ang kamay niya sa aking pisngi. He slapped me once and I saw rage in his eyes. Kung galit siya ay mas galit ako. Hindi ako agad nakagalaw sa sampal niya ngunit gustong gusto kong suntukin ang sarili kong ama.

"Don't call her that. Why don't you go home and comfort your mother instead!" Sigaw niya sa akin.

"WHY DON'T YOU DO THAT YOURSELF! You are his husband! She is your wife! Bakit mas pinipili mo ang babaeng iyon? You're a coward, pa!" Sigaw ko.

"Yes, Rage, I'm a coward for marrying someone I did not love!" Sigaw niya.

My jaw dropped. Alam ko noon pa na nagpakasal sila ni mama para lang sa negosyo. Tatlong magkakapatid sina daddy at siya ang successor ng kompanya dahil siya lang ang lalaki. And my mom was the typical rich daughter of a bigger company. Walang girlfriend si dad and he seemed uninterested in love so he agreed to marry her. My mom, however, was head over heels. This is a story I've heard from my titas. At first, it was a good story to tell. But now, it's a nightmare to me.

"Nagsisisi ka na pinakasalan mo si mama? That means nagsisisi ka kasi nabuo ako?" Sigaw ko sa bigong boses.

Napatingin siya sa akin at bumuntong hininga. Humakbang siya at sinubukan niyang hawakan ang braso ko ngunit hindi ko hinayaang gawin niya iyon. "Rage..."

"You're on hell of a father!" Galit kong sinabi.

"You are my son. Nong ipinanganak ka, doon ko lang naramdaman ang tunay na kaligayahan. You gave meaning to my life-"

"Oh shut up, pa." Sabi ko at tinalikuran ko siya kahit na hindi pa siya tapos magsalita.

I cursed my father and his mistress. I cursed them both. Bawat araw na nagdaan ay mas lalong lumala. Mas dumadalas ang pag inom ni mama at inisip kong sana ay mawala na lang iyong kabit ni papa.

"Rage," Tawag ni Ezra sa akin habang tinatawanan ko lahat ang tumatakbong kaklase ko.

Dahil palagi akong bigo sa bahay, lahat ng init ay inilalabas ko sa school. Isang kalabit lang ng kaklase ay magagalit na ako at agad kong susuntukin. It's a good feeling. 'Yong mapakawalan mo ang galit na nararamdaman mo sa loob sa ibang paraan.

"Ipapatawag ka na naman sa Office of Discipline Affrairs. Stop it." She said.

Nakangiti parin ako habang hinahawakan ang kamao ko. "They try. My mom and dad won't care anyway, Ez." Nilingon ko si Ezra ng nakangiti at nakita ko ang lungkot sa mukha niya.

"Ayokong ma expell ka. You've done this too much this year. Baka iexpell ka ng school." She sighed.

"They won't. Dad will fix it for me." Sabi ko sabay lakad para iwan siya don ngunit sinundan niya ako.

"I don't want you expelled. I don't want you to punch anyone just because he's in your way. You should stop being so bad. Hindi lahat ng bagay na gusto mo ay nakukuha mo."

Napawi ang ngiti ko at tumigil ako sa paglalakad. "I know that, Ezra." Alam na alam ko iyon. Dahil gusto ko ng masaya at payapang pamilya ngunit hindi ko iyon nakukuha. At least give me the control over my life here. "This is my way to let off some steam."

Hinawi niya ang takas na buhok sa kanyang tainga at humalukipkip siya. Umiling ako. She wouldn't understand.

"You want to let off some steam, huh?" Nagtaas siya ng kilay.

Matagal na kaming magkaibigan ni Ezra. Her family is close to mine. At alam kong hindi tulad sa akin ay masaya ang buhay pamilya niya. I envied it. Inisip kong ano pa ba ang hihilingin mo pag masaya ka na sa pamilya mo? Then I realized that people will never stop wanting more. She wanted something else. She wanted me. Hindi siya kuntento sa masayang buhay niya. She thinks her life is no good just because she couldn't have my heart. Hindi ko maintindihan iyon.

Ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Nang pinapanood ko ang babaeng ito na palapit sa akin. Hinihipan ng malamig na hangin ang kanyang puting damit. Nakangiti siya ng buo habang nakatitig sa akin. Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanyang buhok, sa kanyang mukha, sa kanyang katawan, sa kanyang ngiti. She was everything to me. What I'd give to see her smile that way for the rest of my days.

Pinagsisihan ko lahat ng mga ginawa ko noon. Lahat ng pagkakamali ko. She was a slap to me. I'm a big insult to her. Marrying me is an insult to her. I am a beast and she is this beautiful angel. Walang bahid na kasamaan at inosente sa lahat ng bagay. Pinagsisihan ko kung bakit ganon ang ginawa ko sa buhay ko noon. Kung sana ay mas naging mabuting tao lang ako, sana ay mas karapat dapat ako sa kanya. I will forever envy the normal gentlemen who will try to pursue. Pakiramdam ko ay balang araw, ma rerealize niyang mali na ako ang pinakasalan niya. Given our history, mas gugustuhin niyang sa mas mabuting tao siya magpakasal. At siguro ay makakapatay ako ng tao pag nangyari 'yon. This angel is mine and she will forever be. Kung kailangan kong maging halimaw para lang makuha siya, then I will be the beast.

Nakaupo ako sa swivel chair ni papa habang hinihintay ang pag dating niya. Pinapatawag siya sa school dahil sa sinuntok kong kaklase. Again. Ito pa naman ang unang iskandalo ko ngayong college na ako. He'll scold me for it but he'll get over it later. Pinaglalaruan ko ang ballpen niya nang biglang may pumasok doon.

Napatalon si Amelia Aragon nang nakita akong nakaupo doon. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at ngumisi.

"Akala ko naman kung sino." Sabi niya at bumuntong hininga.

Hindi ako makapaniwalang kinakausap niya ako ngayon. Wala siyang karapatang kausapin ako. Hindi ako umimik. Sana ay alam niyang dapat ay hindi siya nakikipag usap sa akin.

"You look like your dad. Manang mana ka sa kanya." Aniya habang nilalapag ang tray ng pagkain sa mesa ni papa.

Hindi parin ako makapaniwalang kinakausap niya ako. Pinanood ko ang pagsabit niya ng buhok sa kanyang tainga habang nilalapag ang juice sa mesa.

"Kumain ka na?" Tanong niya at tumingin siya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay at nag iwas ng tingin. "I'm not here for a chitchat with you." Sabi ko.

Nanahimik siya. There. Sana ay nakuha mo. Don't act as if you're innocent. Alam mong alam ko na ikaw ang kabit ng papa ko. And I will never forgive.

"I'm sorry. Inisip ko lang kung baka gutom ka na. This is for you, actually." Sabay tingin niya sa isang set ng pagkaing dala niya.

Napatingin din ako sa mga pagkain. That's for my dad, not for me. I'm sure. Don't lie to me.

"Wala pa kasi 'yong dad mo. Nasa board meeting pa with the investors. So I thought, naghihintay ka kaya binigyan kita." Sabi niya.

"Are you trying to win me over para matanggap kita bilang mistress ng papa ko?" Sabi ko ng diretso.

Nagulat siya sa tanong ko ngunit hindi siya nagpapigil sa kanyang sagot. Umiling siya. "No. May anak akong limang taong mas bata sayo at ilang beses na rin siyang nagutom sa kakahintay sa akin sa bahay at ayaw kong mangyari 'yon sa'yo."

Pinanood ko siyang mabuti. Nag iwas siya ng tingin sa akin at hindi na ulit nagsalita bago pumihit at umalis. Kahit na anong gawin niya ay ganon parin ang tingin ko sa kanya. She's the mistress of my dad and I will never forgive her. Kung akala niya ay makukuha niya ang loob ko dahil lang sa sinabi niya ay nagkakamali siya. Umangat ang gilid ng aking labi at pinanood siyang pumasok sa elevator. Mas nagkaron lang ako ng ideya sa sinabi niya. I wanted revenge so...

"Sino ba kasi 'yan, Rage?" Tanong ni Ezra habang pinupulupot sa aking baywang ang kanyang kamay. She rested her chin on my shoulder while I was watching someone from our car.

Naglalakad siya, nakauniporme at palabas sa kanilang eskwelahan. Like her mother, the mistress, she was fair and very angelic. I hated that fact. Mukha lang silang anghel pero taliwas nito ang siguro'y kalooblooban nila. I hated pretentious people and pretentious words.

"Sunshine Nikkola G. Aragon." Sagot ko.

"Sino kasi 'yan? Teka... Aragon?" Kumalas si Ezra sa akin.

Hindi ko mapigilan ang panonood sa babaeng nahulog ang mga libro sa kalsada pagkatapos bungguin ng iilang estudyante. Umupo siya para pulutin ang mga nahulog na libro.

"Aragon? Anak ba 'yan nong kabit ng dad mo, Rage?" Tanong ni Ezra.

Tumango ako at patuloy na pinanood ang paglalagay niya ng mga libro sa kanyang braso. Umismid siya sa mga nakabunggo sa kanya bago tumayo at nagpatuloy sa paglalakad.

"Drive." Utal ko sa driver nang medyo nakalayo siya. Gusto kong sundan siya at hindi ko alam kung bakit. Gusto kong panoorin siya at magplano kung paano ako gaganti sa kanyang ina gamit siya. "Stop." Sabi ko nang muntik na siyang malagpasan.

Nakita kong may tatlong lalaking estudyante siyang nilagpasan ngunit nanatili sa kanya ang tingin ng mga ito. They were enticed to. That beauty was hard to ignore. And damn it, curse that beauty.

Nagtutulakan pa ang mga lalaki habang naglalakad sa likod niya. Habang siya ay walang ka alam alam na may ganon. Gumapang ulit ang kamay ni Ezra sa aking dibdib kaya bigla ko itong hinawi at binuksan ko ang pintuan ng sasakyan.

"Rage?" She called.

Nilapitan ko ang mga lalaking nagtutulakan at humarang ako sa dinadaanan nila. Humalukipkip ako at dinungaw ko sila. Nagtaka ang tatlo kung bakit ako naroon at kung sino ako pero bago pa sila makapagsalita ay nauna na ako.

"What do you want?"

"Sino ka?" Tanong nong payatot. "Shit, Darwin! Mawawala na naman natin si Sunny. Alam mo namang pahirapang mapansin non." Sabay tulak sa kasama niya.

Maglalakad na ulit sana sila para masundan 'yong babae ngunit hinarangan ko ulit sila. Kumunot ang kanilang noo at mukhang galit na at iritado sa pagharang ko.

"Umuwi na kayo." Sabi ko.

"Sino ka ba at ba't ka nakaharang? Umalis ka nga! Gago 'to!" Sabay turo sa akin ng mas matangkad na payatot.

Mabilis ko na siyang sinuntok. Mabilis ding umamba ang isa sa kanila ng suntok para sa akin ngunit naharangan ko iyon. Sa dinami rami ng nabugbog ko noong high school ay kahit na ilan pa silang umamba ng suntok sa akin ngayon, kayang kaya ko silang balian.

"Rage!" Sigaw ni Ezra ngunit hindi ko siya pinansin.

Humandusay ang dalawa habang ang isa ay kusang natumba sa takot na masuntok ko siya. Humakbang ako habang umaatras sa takot ang isa.

"Oo nga. Gago ako. Buti alam niyo. Wa'g na wa'g kayong lalapit sa Aragon na iyon kung ayaw niyong makatikim sa gagong ito." Sabi ko at agad na silang tinalikuran.

For the past years, I stalked her most of the time. Mas lalo lang naantala ang plano ko ng paghihiganti nang nalaman kong nagkasakit si Amelia Aragon. Umalis din ng bansa si mama at papa at mas bumuti ang pagsasama ng dalawa.

"So now... you're not anymore holding some grudges, Rage. Wala na yata ang dad mo tsaka si Miss. Amelia Aragon." Ani Brandon habang kumakain ng apple sa aming sala.

"Wala na sila kasi may sakit si Amelia. Kung wala ay sigurado akong patuloy silang dalawa." I said bitterly.

"But then you should stop the grudge, Rage. Tutal ay matagal na iyon at maayos na ang mama mo." Sabi ulit ni Brandon.

"Her daughter is going to pay." I said simply.

Nagkasalubong ang kilay ni Brandon at natigil siya sa pagkagat sa apple. "Walang kasalanan 'yong anak ni Amelia."

"I want her to pay for it. Wa'g mo akong pakealaman." Medyo iritado kong sinabi.

"That's not healthy. You're obsessing about that, Rage? You want her to pay? You want her to get hurt? Ganon ba?" Tanong ni Brandon sa akin. Hindi ako sumagot. "First, hindi maganda ang nagtatanim ng galit. Second, walang kasalanan ang anak ni Amelia. At third, maayos na ang buhay mo at hindi na magulo ang mama at papa mo. You should seriously stop."

Hindi ako umimik. Hindi ko rin alam. Basta ang gusto ko ay magbayad siya. Magbabayad siya ng mahal para sa lahat ng ginawa ng mama niya.

Now how could I make this girl pay for it? I don't know. I couldn't even punish her hard enough for hurting me so bad I'll bleed.

She was gentle. Siya iyong pinangarap ko kahit na alam kong hindi ko maaabot. I wanted her so bad that I don't care if I get hurt. I wanted her so bad that I would cross oceans and move mountains just to see her again.

Kung hindi ito matatanggap ni mama ay wala akong pakealam. I will fight for her no matter what. Kung hindi siya pwede sa manila ay dito kami maninirahan sa Palawan. I will never ever leave her again. Takot na takot na akong mawala siya ulit. Ayaw ko sa pakiramdam na iniiwan niya ako kaya hinding hindi ko siya bibigyan ng rason para iwan ulit ako.

Nilahad ko ang kamay ko sa kanya at ipinatong niya ang mainit niyang kamay sa akin. Her palm was so gentle. Hindi ko mapigilang punahin na masyadong magaspang ang akin para sa mla anghel na kamay na ito. Para bang pinapatapak ko sa impyerno ang isang anghel na dapat ay nasa langit. I will never ever deserve her innocence but then I couldn't let her go just because of that fact. Imbes na pakawalan ko siya ay susubukan ko na lang umapak sa langit. I will be a better man. I will be the best husband to her and the best father for out children.

Umubo ang magkakasal sa amin sa likod ko. Pumagitna siya sa amin at may binasa siyang iilang verse galing sa bibliyang dala niya.

Nakatitig ako at nawawala sa mga mata ni Sunny. She smiled at me and I couldn't help but smile back. I love this girl. I love this woman. And no one will ever come between us ever again.

"Sunshine Aragon..." Sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya.

Bumagsak ang mga mata niya sa kamay naming magkahawak.

"I will close the deal between us. Please don't you ever leave me again. Gabi gabi akong nangangamba na baka maisipan mong umalis sa kalagitnaan ng pagtulog ko. Hindi ako kailanman matatahimik hanggang sa matali kita. I've never been this possessive my whole life and I'm sorry about it. It's your fault. You never gave me that assurance that you'll never leave." Humalakhak ako. Kumunot ang noo niya. "And I can't blame you. Ako ang lalaking dapat ay iniiwan. Wala akong ginawang tama. Puro mali na lang ang meron sa buhay ko. I deserved every heartache you gave me." Nangilid ang luha ko kaya tumigil ako sa pagsasalita.

"Rage..." Nakita kong pumula ang kanyang mga mata sa luhang gustong tumulo.

Umiling ako. "Marami akong kasalanang nagawa. Ikaw lang ang tama sa lahat ng ito kaya hinding hindi kita papakawalan kahit anong sakit ang maramdaman ko. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin but I'm addicted to those heartaches, Sunny. Tuwing iniiwan mo ako, ay mas lalo akong bumabalik na mas mahal ka. Mas lalo akong nababaliw. Now, I hope you don't want a crazy husband. Don't you ever leave again. Alam kong maiksing panahon pa lang at tingin mo ay masyadong mabilis ito pero give me this chance to prove to you that I will be a better man for you and my child."

"Rage, you are a good man." Bulong niya.

Umiling ako. No, I'm not. I'm certainly not. But I will. Alam na alam mo, Sunny, na kayang kaya kong gawin ang kahit na ano para sayo. Alam na alam mo na mapapaluhod mo ako sa lahat ng gusto mo.

"Give me one lifetime to prove to you that I deserve your love. I want your love, Sunny. I want your hands to brush mine very waking moment. I want your lips to brush mine every night. I want your attention every damn time. I want you. I am completely and irrevocably smitten. I love you, Sunshine Aragon. And please, please promise me that from this day on, we are one. We will decide together, live together, and love each other. Don't you ever leave me again. I need you to marry me. I need you to assure me that you will never leave me again. I need you to assure me that you are going to love me back. Because, woman, I am very much in love with you."

Pinunasan niya ang kanyang luha. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at pinunasan ang luhang lumandas doon.

"Please, Sunny. If you want me to beg for it. Then I'm begging you to say 'I do'."

Tumango siya at niyakap ang aking leeg. "You don't need to beg, Rage. Pero paano ang pamilya mo?" Tanong niya habang niyakap ako ng mahigpit.

"You are my family." Pinulupot ko ang aking braso sa kanyang baywang. This is my home. She is my home.

Umiling siya. Naramdaman ko iyon sa yakap niya.

"Please, Sunny." Sabi ko.

"I do." Kumalas siya sa yakap ko at tiningnan niyang mabuti ang mga mata ko. "I will always do."

Ngumiti ako at umalingawngaw ang palakpakan ng mga kaibigan naming tanging naroon sa Huma Island. Mia, Kid, Brandon, his... assistant, and Logan were all smiles and claps while I kissed Sunny so desperately. I want this girl. I want to love her for the rest of my life. I will never waste that chance.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#rage