Kabanata 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Me

"No sex for you, Engineer. I'm tired," sabi ko at umayos na ng upo. Tinulak ko siya palayo sa akin at inayos ang damit ko.

"Damn, Loren! Bakit mo ba ako binibitin?!" namamaos nyang tanong at nakasimangot na umupo sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanyang braso nya, nakita ko ang bracelet na bigay ko sa kanya. Akala ko naiwala na nya iyon?

"You found it," sabi ko at hinawakan iyon.

"Yes, hindi ako tumigil hanggang hindi ko nahanap. Hindi ako pakali," sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

"Nasaan na ang bigay ni Meg? Mas maganda iyon dito at mukhang mas mahal." Tumingin ako sa kanya.

Nagkibit-balikat sya. "Mas komportable akong suotin ito. Hindi ko alam kung bakit."

Yumakap sya sa akin at yumakap din ako pabalik. I will miss this feeling.

"I will miss your house and your company," sabi ko na lang bigla. I really want to say that words kaso nahihiya ako.

"I will miss you, too." Hinalikan niya ang ulo ko.

Humigpit ang yakap ko sa kanya. Pwede bang tayo na lang, Dickson?

"Sure ka? May Meg ka kaya makalimutan mo rin kaagad ako," malungkot na sabi ko.

"Konti lang siguro, nasanay na kasi akong may ibang tao sa bahay ko," sabi nya at hinaplos ang buhok ko. Bigla akong nakaramdam ng antok sa ginawa nya. One of the things that I will miss.

"Pwede mo namang patirahin dito si Meg," sabi ko at humikab. Napansin nya iyon.

"Hey, inaantok ka na?"

Tumango ako at ipinikit ang mga mata. Inaantok na talaga ako.

"Sleep then. Ako na ang bahala sa iyo," sabi nya at hinaplos ang aking buhok, paminsan-minsan ay hinahalikan ang ulo ko.

"Thank you," sabi ko at humikab pa ng isang beses bago tuluyang hinila ng antok.

Nagising ako nang makaramdam ng gutom. Madilim na ang buong bahay at tulog na tulog na si Dickson sa tabi ko. Suot ko na rin ang mabango nyang t-shirt at isang pink na panty.

May gusto akong kainin pero tinatamad akong bumaba sa kusina. Bakit ngayong hating-gabi pa ako naghanap ng pagkain?

Baby naman, saan tayo hahanap ng gusto mong pagkain?

Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang katabi ko. Nabasa ko sa romance book na kapag may gustong kainin ang buntis na babae ay ginigising nya ang kanyang asawa o boyfriend. Pwede ko kayang gawin iyon? Gigisingin si Dickson para sa cravings ko?

Umiling ako. 'Wag na, masyado na akong abala sa kanya. 'Tsaka sa mga libro lanh iyon at hindi nangyayari sa totoong buhay. Nagsuot ako ng pajama at nag-jacket ng makapal. Nagsuot rin ako ng ball cap. Lalabas ako at bibili ng ice cream. Kahit anong flavor basta ice cream.

Gusto mo ba iyon, anak?

Lumabas ako at tinungo ang malapit na convenience store. Naglaway ako nang makita ko ang Magnum Almond. Shit naman! Kailan pa ako nahilig sa ice cream? Tataba talaga ako nito! Ang mahal pa naman nito.

Nakadalawa ako no'n at bumili pa ng family size na ice cream. Ano ba itong paglilihi na ito? Una kwek-kwek, ngayon naman ice cream. Ano kaya ang magiging itsura ng anak ko?

Umuwi ako at ni-ref ang ice cream. Bumalik ako sa dating posisyon, hinalikan ko muna si Dickson sa labi at niyakap sya bago bumalik sa tulog.

Kinabukasan ay opisina ako dinalaw ng pagsusuka. Hapong-hapo akong naupo sa sahig ng banyo at pinapakalma ang sarili. Ang hapdi ng sikmura ko, dahil yata ito sa ice cream na kinain ko kagabi. Nang maramdaman kong hindi na ako naduduwal ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Hay! Para akong addict! Mapupula ang mga mata ko at maitim naman ang ilalim nito. Nagulat pa talaga ako sa itsura ko.

Ngumiti ako sa repleksyon ko. Kaawa-awang nilalang ako ngayon. Dalawa kaming gumawa ng baby na ito pero ako lang ang nahihirapan.

Bakit kasi si Dickson pa ang kailangang maging ama ng anak ko at lalakeng mamahalin ko? Wala naman ito sa plano ko. This is so unexpected!

Tinawan ko pa ang lahat ng babaeng nagkagusto sa kanya. Magiging isa naman pala ako roon. Todo insulto pa ako sa kanyang baog siya pero, tingnan mo nga naman, binusog ako ng sperm cell.

Nang mag-break time ay nag-video call kami ng mga kapatid ko.

"Ate, kailan ka babalik dito?" tanong ni Rea.

"Baka matagal pa bago ulit ako makabalik, marami kasing trabaho ngayon," malungkot na sabi ko.

Gustong-gusto ko na ring umuwi roon. Nagkakaroon ako ng peace of mind. Parang ang sarap lang manirahan roon, simple lang, hindi kagaya rito.

"Ganun ba, ate? Okay lang, naiintindihan namin. Mayor ka at malaki ang responsibilidad mo. Basta 'wag mong kakalimutang magpahinga," sabi ni Rustom.

Napakabuti talaga nila. Kahit sandaling panahon pa lang kami nagkakasama ay mahal na mahal na nila ako. Ganokn din naman ako sa kanila. Ito yata ang sinasabi nilang pakiramdam kapag kasama mo ang pamilya mo. Iyong kadugo mo talaga. I am never familiar with this feeling. Kahit na kapareho ko ng suot ang mga nakapaligid sa akin ay ibang-iba sa pakiramdam.

Maraming busy ngayon dahil may malaking event na magaganap sa bayan na dadaluhan ng ilang artista at malalaking tao. Sa sobrang laki ng event mukhang wala nang nakaalala na birthday ko rin bukas. Ayos lang naman sa akin kahit hindi nila maalala basta si Dickson, batiin nya lang ako masaya na ako. Iyon lang ang hiling ako, sana maalala niya.

Napangiti ako nang nakita kong nilabas nya ang isang malaking bouquet ng bulaklak at isang malaking stuffed toy sa kanyang sasakyan. Nakagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagngiti ng malawak. Naalala nya ang birthday ko!

Kasalukuyan akong naghihintay na magsimula ang event at dumating ang mga panauhing pandangal. Marami na ring tao sa paligid upang manood.

"Para ba sa akin iyan?" tanong ko nang makalapit sya sa akin dala ang mga nakita ko sa sasakyan niya kanina.

"Ha?" Kumunot ang noo niya.

Tinuro ko ang hawak nya at ngumiti nang malaki. Kahit hindi ko gusto ang mga iyan ay masaya ako kasi galing sa kanya.

"Ah, hindi, 'no! Para ito kay Meg, birthday nya kasi. Tsaka bakit naman kita bibigyan ng ganito" natatawang sabi nya at umalis na sa harapan ko.

Parang gusto ko na lang na kainin ng lupa sa sobrang kahihiyan. Hindi pala para sa akin. Bakit pa kasi ako umasa? Birthday ko rin naman kasi kaya akala ko para sa akin.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ang message ni Dickson.

Dickson:
Baka gabihin ako, magde-date kami.

Gusto kong umiyak pero maraming tao at malapit na ring magsimula ang event. Dumating ang mga bisita at wala akong ginawa buong hapon kung hindi ngumiti at maging masaya sa paningin nila. Kahit na hindi naman talaga ganoon ang nararamdaman ko.

Mga alas siete na ng gabi ko nakauwi. Wala pa rin si Dickson at mukhang ini-enjoy nya ang kanyang date. Samantalang ako rito ay mag-isa, kagaya ng mga nagdaang taon. Asang-asa pa naman ako na may makakasama na ako ngayong birthday ko dahil asawa ko nga siya. Wala rin pala.

"Happy birthday to me," sabi ko sa sarili ko nang makapaghanda na para sa pagtulog.

Hindi naman pala ako nag-iisa ngayon. Kinapa ko ang sinapupunan ko, kasama ko pala ang maliit kong anak.

Thank you, baby. Thank you for being with mommy on her special day. I can't wait to see, touch and kiss you. I love you.

Napatingin ako sa orasan. It's almost 10 in the evening. Pumikit na ako pero kaagad ding napadilat nang marinig ang pagbukas ng pinto mula sa living room at mabilis na yabag ng paa paakyat.

Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Dickson na hingal na hingal. Nakakunot pa ang kanyang noo.

"Tapos na ang date mo? Akala ko doon ka magdamag?" tanong ko at umupo sa kama.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang makabila kong balikat. "Bakit hindi mo sinabi?" tanong nya sa malungkot na boses.

"Sinabi ang alin?" Nagtaas ako ng kilay.

"Na birthday mo rin ngayon." Humigpit ang hawak niya sa akin.

Nagulat ako pero kaagad din akong nakabawi. Humiga ako at tumalikod sa kanya. "Hindi naman mahalaga ang araw na ito. Lilipas din. Dapat nga naaalala mo dahil matagal na tayong magkaibigan," sabi ko at pinikit ang mga mata.

"Sana man lang ay pinaalala mo--"

"Kung sinabi ko ba ay mas pipiliin mong makasama ako kesa kay Meg?" Lumingon ako sa kanya, hindi sya nakasagot. Nagkibit-balikat ako at bumalik sa dati kong pwesto.

"See? So, it really doesn't matter. Mas maiintindihan ko pang hindi mo naalala kesa sa sinabi ko sa iyo pero pinili mo pa rin ang iba, mas masakit iyon." Nakagat ko ang labi ko nang manginig ang boses ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"It does to me. I'm sorry kung ngayon ko lang naalala. I'm sorry kung nakalimutan ko," sabi nya at marahan akong hinila paupo. Niyakap nya ako.

"It's okay, wala naman kasi talagang masaya na ipinanganak ako kaya walang nakaalala," sabi ko sa kanyang balikat.

Hinaplos nya ang likod. "Me, masaya akong pinanganak ka. Happy birthday, Loren!"

Lumingon ako sa kanya."Thank you." bulong ko.

Kumalas sya sa yakap at hinaplos ang pisngi ko. "Now, let's celebrate your birthday."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro