Kabanata 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Honeymoon

"What? Hindi ka pwedeng magpakasal sa isang Fuertez!" sigaw ni daddy.

Sinabi ko na sa kanila ang tungkol sa kasal namin ni Dickson pero hindi ang dahilan. Hindi pwedeng sabihin ko na for convenience lang ito dahil siguradong mas gusto nila akong ikasal sa mga ibang lalake kung ganoon lang din pala ang dahilan.

"Daddy, please. Mahal po namin ang isa't isa, gusto ko pong maikasal sa kanya."

Kadiri man ang ginawa kong dahilan pero wala na akong choice, 'tsaka mukha namang kapani-paniwala. Childhood sweethearts? Hindi naman pwedeng dahil gusto nyang makuha ang mana nya kaya kami ikakasal at bina-blackmail nya ako gamit ang sex video namin. Kapag sinabi ko iyon ay baka hindi lang sampal ang abutin ko.

"Nababaliw ka ng bata ka. Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng pamilyang iyon sa amin ng mommy mo? Sinabotahe nila ang negosyo natin kaya nalugi. Muntik na tayong mabaon sa utang. Kaya kahit anong pakiusap mo sa akin, hindi ako papayag," sabi ni daddy.

Paano na? Anong gagawin ko? Sasabihin ko na ba?

Umiling ako. Hindi pwede, lalo silang magagalit sa akin.

"Kahit hindi kayo pumayag ay magpapakasal po ako sa kanya. Pasensya na po pero kailangan ko naman pong magdesisyon ng sarili ko," sabi ko at tumalikod na sa kanila ni mommy. This is the first time that I will disobey them, para rin naman ito sa amin. Kung hindi ko ito gagawin ay pare-pareho kaming babagsak. Hindi lang para sa kahihiyan ko ito, para rin sa mga magulang ko.

"Sige, magpakabaliw ka sa lalaking iyon. Pero sa oras na ikinasal ka sa kanya, wala ka ng mga magulang na babalikan. Wala kang makukuha sa amin kahit singko. Tandaan mo 'yan, Loren! Pairalin mo ang kawalang-utang na loob mo," sabi ni daddy.

Umalis ako at nagtungo sa aking kwarto. Umiyak ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Akala ko magiging madali lang ang lahat pero bakit ganito?

Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na mahal ako ng mga magulang ko. Siguro dahil ampon lang ako. Pero ginawa ko naman lahat para masiyahan sila sa akin. Sinunod ko lahat ng gusto nila, ginalingan ko sa school, sa sports pero kulang pa rin sa kanila. Masakit na lagi nila akong kinukumpara sa ibang tao, ayoko ng ganoon. Laging pagtanaw ng utang na loob lang ang nararamdaman ko. Walang pagmamahal, kahit ganito ang buhay ko ay kulang na kulang pa rin ako.

They never see me as a daughter but as an investment. Nandyan lang sila kapag may mga tamang bagay akong nagagawa, 'yun bang maipagmamalaki nila sa ibang tao. Pero kapag nagkamali ako, hindi nila ako mapapatawad. Hindi nila ako anak kapag nakakahiya ang nagawa ako. Ampon ako kapag mali ako at anak nila ako kapag tama ako.

Magpapakasal ako kay Dickson, 'yun ang desisyon ko. Kaya kong mawala sa akin ang mga magulang ko at ang mga kayamanan nila pero hindi ang mga taong sumusuporta sa akin, ang mamamayan ng bayan na masayang nakatingin sa akin. Mababaliw ako kung pati sila ay huhusgahan ako. Sa kanila lang ako humuhugot ng lakas ngayon. Sila lang ang dahilan para magpatuloy ako.

Alam kong dapat kong piliin ang pamilya pero masisisi nyo ba akong hindi ko man lang naramdaman ang sense ng pamilya buong buhay ko? Mas naramdaman ko pa iyon sa ibang mga tao, sa pamilya ni Harry kaya pinangarap kong maging parte ng pamilya nila. Kaya naging desperado ako kay Harry dahil gusto kong maranasan ang maalagaan. Iyon lang naman ang gusto ko.

Siguro naman ay hindi magiging magulo ang pagsasama namin ni Dickson dahil magkaibigan naman kami simula noong high school. Mayabang nga lang sya, 'yun siguro ang magiging problema namin.

Pumasok ako sa munisipyo na mabigat ang loob. Hindi kami nagpansinan sa bahay ng mga magulang ko. Lagi na lang ganito kapag may gusto ako na ayaw nila at sa bandang huli ay sila pa rin ang nasusunod. Hindi kailanman ako nakagawa ng naaayon sa kagustuhan ko.

Binuksan ko ang aking opisina at nakita si Engr. Fuertez na naghihintay sa akin.

"Good morning, Mayor Loren. Ano nakausap mo na ba ang mga magulang mo? Anong sabi nila?" salubong nya sa akin.

Umupo ako sa aking swivel chair at huminga nang malalim bago sumagot. "Yes, nakausap ko na sila at hindi sila pumayag. But don't worry, magpapakasal pa rin ako sa iyo" sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Sure ka? Kilala ko ang mga magulang  mo, Loren. Siguradong may gagawin silang hindi maganda sa iyo kapag sinuway mo sila," sabi nya, puno ng concern ang boses.

Burahin mo na lang kasi ang video at iba na lang ang ayain mong magpakasal para matapos na ito.

"I can handle it. Don't worry. So, kailan ang kasal?" Nagtaas ako ng kilay. Concern pa ito kunwari pero siya naman ang nagtutulak sa akin sa ganitong sitwasyon.

"Sa linggo, church wedding. Hindi iyon engrande pero maghanda ka. Konting bisita lang ang imbitado, intimate wedding," sagot nya at inabot ang kamay ko. Napatingin ako roon at kaagad inalis ang kamay niya.

Tumango ako. So I guess, bago ako maupo muli bilang kanilang mayor ay iba na ang apelyido ko.

Pagkatapos ng araw na iyon ay pumunta ako sa isang fashion store upang makabili ng susuotin sa kasal. Binigyan ako ng pambili ni Dickson at ako na raw ang bahalang pumili. This is not the wedding I am dreaming about. Pati ba naman sa pinaka-espesyal na pangyayari sa buhay ng isang babae ay ganito pa ang mangyayari sa akin.

Naagaw ng isang puting dress ang atensyon ko at kaagad iyong kinuha. Lagpas lang sa tuhod ang haba no'n at maganda ang disenyo. Simple lang, bagay na bagay sa magaganap na kasal. Sinukat ko muna ang damit at ng magkasya ay binili ko na. Nagtingin rin ako ng mga accessories at veil.

Naisip ko na ako na lang ang mag-aayos sa sarili ko. Konting make-up lang naman ay ayos na ang mukha ko. Kukulutin ko na lang ang buhok ko at kakabitan ng tiara. Ayos na iyon. Hindi rin naman magiging memorable ang araw na ito. Makakalimutan ko rin ito at ng mga taong dadalo.

May dumaang lungkot sa puso ko ng maisip na wala ang mga magulang ko sa aking kasal. Hindi rin ito ang pangarap kong magiging kasal ko, pilit at walang ka-effort-effort. I don't want this wedding. Kung pwedeng hindi na lang sana mangyari.

Pinilit kong maging masaya bago ang araw ng aming kasal. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos kong mag-ayos. Napangiti ako dahil bride na bride ang dating ko para sa akin. Kahit papaano naman ay nasiyahan ako sa ayos ko.

Tumayo na ako at sumakay na sa sasakyan patungo sa simbahan. Wala man lang akong kasama dito sa loob ng kotse. Ang lungkot, ang lungkot ko. Dapat masaya ako, hindi ba? Bakit ganito? Parang gusto kong umiyak. Ang bigat ng pakiramdam ko, parang gusto kong umatras.

Umiling ako at nilinis ang isipan. Pinakalma ko rin ang sarili ko. Kaya mo ito, Loren palaban ka, hindi ba? Malakas ka, wala lang ito. Magiging maayos din ang lahat.

Habang naglalakad akong patungo sa altar kung saan naghihintay si Dicskon, hindi ko maiwasang tumingin sa paligid. Konti lang ang tao na karamihan ay nasa harapan, wala akong kakilala at mag-isa lang akong naglalakad patungo kay Dickson. Parang ako lang ang may gusto sa nangyayaring ito. Pero hindi rin, walang may gusto at ang paring walang alam sa tunay na intensyon ng kasal na ito ang nakangiti ng totoo. Sana ay makuha pa rin akong patawarin ng Diyos para sa lahat ng ginawa ko, kabilang na ito.

Kinuha ni Dickson ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Humarap kami sa pari at nagsimula na ang misa ng kasal. Na-hypnotize yata ako ni Dickson dahil wala man lang akong alinlangan sa pagsagot. Hindi man lang nanginig ang boses ko habang nagre-recite ng vows.

Tinanggap na lang din siguro ng utak ko na mangyayari talaga ito at wala ng atrasan.

"I now pronounce you, husband and wife. Dickson pwede mo ng halikan ang iyong asawa." Tumango ang pari sa amin at sinenyasan kami.

Humarap sa akin si Dickson at walang alinlangan akong hinalikan sa harap ng kanyang pamilya. Nagpalakpakan ang mga tao bago kami naghiwalay.

"Makukuha mo na ang mana mo, congratulations," mahinang sabi ko sa kanya. He will get what he wanted, at ako ay magiging miserable sa loob ng isang taon.

"Thank you for doing this," sabi nya at niyakap ako.

Sa isang maliit na restaurant lang ang reception ng kasal, kahit dito ay wala ring ka-effort-effort. Ang mga pagkain ay kung ano lang ang sa menu. Kumbaga para lang kaming lumabas bilang isang pamilya, at pagkatapos ng kainan ay inuwi na ako ni Dickson sa kanyang bahay kung saan kami nag-ano at mukhang dito rin ulit kami maga-ano.

"Ready for the honeymoon, Mrs. Fuertez?" tanong nya.

Kinilabutan ako sa tinawag niya sa akin. Masyado naman yata siyang excited at sex kaagad ang nasa isip. "Maaga pa, anong honeymoon ka d'yan?" sabi ko at tinulak sya palayo.

Hinila nya ako papalapit at binuhat ako. "Sinong may sabing gabi lang ang honeymoon?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro