Kabanata 23

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Si Meg

Marahas na bumukas ang pinto ng aking opisina. Nagulat pa ako sa pagbasak noon at handa sa pagsermon sana. Pumasok ang galit na galit na si Dickson. Napatalon ako nang malakas nyang hampasin ang lamesa.

"Why did leave the house? Ano sumama ka na sa lalaki mo?!" sigaw nya.

Hindi rin naman sya maniniwala kung sakaling itanggi ko ang mga sinasabi nya. Noong sinabi kong buntis ako ay hindi siya naniwala, papaniwalaan lang niya ang gusto niyang paniwalaan. E 'di, ibibigay ko ang gusto nyang marinig.

"Oo, sumama na ako kay Carlo. At least sya, tanggap nya ang pagbubuntis ko, kaya niya akong tanggapin. Mas tanggap nya kesa sa mismong ama ng dinadala ko! Happy?!" Nagtaas ako ng kilay.

Pinigilan ko ang luha ko. Tumitig ako sa kanya, nanlaban ang mga mata namin at hindi ako magpapatalo sa kaya. Umikot ang paningin ko at may kung anong humalukay sa tiyan ko. Bago pa sya nakapagsalita ay mabilis akong nagtungo sa banyo at doon sumuka.

Wrong timing ka naman, baby. Nag-aaway pa kami ng daddy mo, eh!

Ramdam ko ang paglapit nya sa likod pero hindi ko sya pinansin. Dapat lang makita nya kung gaano kahirap magbuntis tapos aawayin pa nya ako. Sasabihin niya pang hindi sa kanya ito. Ipakain ko sa kanya itong mga sinusuka ko.

Inabutan nya ako ng tissue pagkatapos ko sa banyo. Marahas kong tinanggap iyon at inirapan siya.

"Madalas ka bang ganyan?" mahinang tanong nya.

Tango lang ang sinagot ko sa kanya. May sasabihin pa sana sya pero tinalikuran na lang nya ako bigla at tuluyang umalis. Suminghal ako. Palagi na lang syang ganyan. Laging tumatakbo at umaalis. He can't run forever, dapat alam na niya iyon ngayon pa lang. Kahit anong tanggi niya, kapag lumabas ang batang ito na kamukhang-kamukha pa niya, wala rin siyang magagawa. Darating ang panahon na kakailanganin sya ng anak namin. Hahanapin sya nito at wala syang choice kung hindi magpakilala.

Umupo ako sa sofa ng aking living room. Maayos na ang buong paligid nito pati ang kusina. Kwarto na lang ang hindi naayos. Konti na lang at may titirahan na kami ni baby, iyong bahay talaga namin. Hindi kami mapapalayas.

"Hindi na ako makapaghintay na lumipat sa bahay na ito," sabi ko kay Carlo.

Ngumuso sya. "Ayaw mo ba sa bahay ko? Bakit gusto mo ng lumipat? Bakit ka sobrang nagmamadali?

Bumuntonghininga ako. "Hindi naman sa ganoon, ayoko lang maging pasanin mo pa. Sobra akong nagpapasalamat sa tulong mo sa akin. Kahit wala kang responsibilidad sa akin ay nandito ka pa rin."
Hinawakan nya ang aking kamay.

"Alam kong alam mo kung ano talaga ang gusto kong mangyari. I want you back, Loren. After all these years, I am still into you. I still love you, Loren," sabi nya at hinalikan ako sa labi nang hindi ko inaasahan.

Sa gulat ko ay hindi ako nakalayo kaagad. Naitulak ko lang sya nang may kumalabog sa labas ng bahay.

"I'm sorry about that but I mean it. I can be the father of your child. I can take care of you, unlike your ex-husband. Kaya kitang ipaglaban just let me do that," sabi nya.

Natahimik kaming dalawa. Binawi ko ang kamay ko at umiling sa kanya. "But I don't want to. I can take care of myself, I can take care of my baby. I appreciate your help but this isn't right. I don't deserve someone like you, you are too good for me. You deserve someone better. Hindi ka dapat mapunta lang sa kagaya ko." Niyakap ko sya. He's a dear friend and now I am afraid that I might lose him.

Tumango siya at hinaplos ang balikat ko. "Titignan kung ano 'yung nasa labas," malungkot na sabi nya.

"Please don't be mad," sabi ko pero tipid lang syang ngumiti.

Bakit ganoon? Every time I speak what's in my heart and I desire, I will lose someone. Then I am alone again.

Tinitigan ko ang annulment paper na ibinigay sa akin ni Dickson two weeks ago. Wala na talagang pag-asa. Kung ako lang ay gusto ko rin naman syang makasama, gusto kong bigyan ng buong pamilya ang anak ko. Pero sya kasi ang may problema at naiinis ako sa kanya. Siya ang walang paninindigan, kung tutuusin ay pwede ko namang hindi na ituloy ang pagbubunti ko. Mas marami pa akong mapapala kung hindi ko na lang itutuloy at bubuhayin ang anak ko. Pero kahit manlisik pa ang mga mata sa akin ng buong bayan ay niyakap ko pa rin ang responsibilidad na ito dahil alam kong kung sakali man ay habang buhay akong magsisisi.

Naging usapan ang paghihiwalay namin at medyo tumagilid ang tingin sa akin ng mga tao lalo ng mapansin nila ang lumalaki kong tiyan ko at madalas na pagsama sa akin ni Carlo. Akala siguro nila nabuntis ako ng iba. At ako na naman ang masama! Wala na bang bago? Ang tagal kong inipon ang tiwala nila sa akin at dahil lang sa pinili kong maging ina ay ako na naman ang masama.

Ingat na ingat akong humakbang sa may hagdan patungo sa aking opisina. Sapo ko ang malaki ko ng tiyan. It's been four? Five months? Hindi pa ako nakakapagpa-check-up. Mamaya pa lang ang appointment ko kay Deity.

"Mayor Loren?"

Pumasok ang sekretarya ko na may dalang mga folder.

"Yes?"

"Ahm, galing po ito sa Engineering office. Ni-report po nila na ilang linggo na pong hindi nagpapakita si Engr. Fuertez. Kailangan na po nya ng kapalit dahil marami na pong naipon na trabaho," sabi nya at nilapag ang mga dala sa aking office table. Iniwan nya ako pagkatapos noon.

Hindi na pumapasok si Dickson? Ano ba ang nangyayari sa kanya? Iniwan ko lang sya, napariwara na sya! Tsk. Akala ko ba magiging masaya siya kapag iniwan ko siya?

Gusto ko syang kumustahin at hanapin? Pero hindi naman ako pwede mamaya dahil pupunta ako sa clinic ni Deity. Bukas na lang siguro.

"Pasensya na hindi kita masasamahan ngayon. Mayroon akong appointment," sabi ni Carlo.

"It's okay, kaya ko naman." sabi ko at nagpaalam na sa kanya.

Akala ko hindi na ulit sya lalapit sa akin pagkatapos ng mga sinabi ko sa kanya.

But he understands, he respects my decision. Napakabait nya talaga. He was different, kung nauna lang siguro ang pagbalik ay baka iba ang sitwasyon namin ngayon.

Maraming buntis ang nasa clinic nya, ang iba ay sobrang laki na ng tiyan at mukhang malapit ng manganak. Kinausap ko ang nurse na nasa labas.

"I have an appointment," sabi ko.

Tumango ang nurse. "Name po, ma'am?" sabi nya at inabot sa akin ang isang slip at ballpen.

Nilagay ko ang pangalan ko.

Loren Aurora Ramos.

"Dito po tayo, Mayor Loren."   Giniya ako ng nurse sa loob ng clinic ni Deity. Sinalubong nya ako ng yakap.

"Bakit ngayon mo lang naisipan na magpa-check-up, ha?" sabi nya at inabot sa akin ang isang manipis na hospital gown.

"Ngayon nga lang ako nagk-aoras. Alam mo naman na ang dami kong dapat asikasuhin. Lalo na naglilipat ako ng bahay," sabi ko at pumasok sa loob ng banyo.

"Kahit na, dapat priority mo ang baby. Lalo na mag-isa ka lang sa bahay na lilipatan mo. Dapat may kasama ka kahit papaano." Hinawakan niya ang braso ko.

"Kapit-bahay ko lang si Carlo. Isang tawag ko lang sa kanya kapag may nangyari ay mapupuntahan nya ako kaagad." Ngumiti ako.

Lumabas ako ng banyo nang matapos magbihis. Pinahiga nya ako sa isang malambot na kama at ginawa nya ang mga dapat nyang gawin. Katulad noong una kong check-up.

"Ready to know the gender of your baby?" tanong nya.

Napangiti ako at tumango. Excited na ako. Whether it's a boy or a girl, I will love this baby. Habang hindi pa nagsisimula si Deity ay naisipan kong kumustahin si Dickson.

"Ilang linggo na raw hindi pumapasok si Dickson, ano na bang nangyari sa kanya?" tanong ko.

Nilingon nya ako. "Wala akong balita sa lalaking iyon. Nag-away kami, eh," sagot nya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman kayo nag-away?"

"Naiinis ako sa kanya, eh. Ang linaw na nga ng resulta ng paternity test na ginawa ko sa baby nyo at sa kanya ay grabe pa rin ang tanggi nya. Bahala sya. Hindi nya alam kung gaano kasarap magka-baby," sabi nya.

Pina-paternity test pa pala nya ang baby namin pero ayaw nya talaga.

"The gender of your baby is...."

Tinitigang mabuti ni Deity ang monitor at ngumiti nang malaki.

"It's a boy, Loren. You will have a little Dickson, so, make sure hindi sya magmamana sa tatay nya," sabi nya at p-in-rint ang ultrasound.

Naluha ako sa tuwa. I will have an adorable baby boy. I will love him forever.

"Can you give Dickson a copy? Kahit naman ayaw nya, gusto ko pa ring malaman nya na he will have a baby boy."

Tumango si Deity.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng clinic. Nakangiti akong nakatingin sa aking printed ultrasound habang sapo ko ang aking tiyan.

Napahinto ako at nawala ang ngiti ng makita kung sino ang kakapasok ng clinic.

Si Dickson....

Kasama si Meg?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro