Kabanata 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Luha

Napakislot ako nang madampian ng yelo ang namamaga kong pisngi. After crying in his arms for how many minutes, he led me inside the house without saying a word. Alam niyang ayoko munang magsalita sa mga oras na iyon. He respected that. Kilala niya ang parents ko, wala akong pwedeng itago sa kanya tungkol sa kanila.

"Masakit pa ba?" tanong nya. Tumango ako kaya pinagpatuloy nya ang paggamot sa akin.

Sa totoo lang ay hindi naman na talaga masakit iyon. Gusto ko lang na ganito kami. Ang sarap sa pakiramdam ng inaalagaan. Pero hindi ko iyon sasabihin sa kanya dahil tutuksuhin naman nya ako. Kailanman, sa ilang taon naming pagkakaibigan ay hindi ako nagsabi sa kanila ni Harry at Cyrus ng nararamdaman ko. It's not necessary, ayokong pasanin pa nila ang problema ko dahil may kanya-kanya silang problema.

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya. Naabutan ko syang nakangisi at nagulat ako ng nakawan nya ako ng halik sa labi. Tinulak ko ang mukha nya palayo sa akin. Tumayo ako at nag-iwas ng tingin. Mabuti na lang at hindi ako napahawak sa dibdib ko dahil ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.

"Ayos na ako. Salamat," sabi ko at aalis na sana ako ng hilahin nya ulit ako paupo sa tabi nya.

"May ikukwento ka pa sa akin. Saan ka galing, ha? Kanino ka nagpabugbog? Baka sabihin ng mga tao mapanakit akong asawa dahil dyan sa mga sugat mo at namamagang mukha." sabi nya at ngumuso.

Ngumisi ako. "Akala ko pa naman alam mo na kung sino ang may gawa nito." Umiling ako. "N-Nagpunta ako sa bahay ng mga magulang ko para mag-sorry at ito ang napala ko. Happy?" sagot ko sa kanya at itinuro ang pisngi.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Mabuti iyon dahil hindi ko na kayang sagutin pa ang mga maaari nyang itanong. Umiwas ako ng tingin sa kanya ng mangilid ang luha ko.

"Nagugutom na ako, Dickson. Anong pagkain?" tanong ko at tumayo na upang makapunta ng kusina. Hindi ko kaya ang ganoong tensyon. Kapag nakakita ako ng awa sa mga mata ng tao para sa akin ay nagiging emosyonal talaga ako. Kaya hinsi ko kailangan ng awa nila.

Huminto ako sa may tapat ng lamesa at huminga nang malalim. Pinagmasdan ko ang mesa na walang kahit anong nakahain. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang paghawak nya sa aking bewang. Nakagat ko ang labi ko ng halikan nya ang batok at ang leeg ko pagkatapos ang tenga ko.

"Kakain tayo sa labas ngayon, hindi ako nakapaghanda dahil sa pag-aalala sa iyo," bulong nya at hinalikan ang ulit ang leeg ko. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok dahil sa ginagawa niya. Why is he so good with this?

Inalis ko ang pagkakahawak nya sa akin at lumayo sa kanya. "S-Sige magbibihis lang ako," sabi ko at tumungo sa kwarto. Ramdam ko ang pagsunod nya. Huminto ako sa malapit sa may pintuan.

"Gusto mo tulungan kitang magbihis?" pilyong tanong nya.

Nginitian ko sya at sinarado ang pinto sa mukha nya. Rinig ko ang pagtawa nya sa labas, napairap na lang ako. Can he stop being sweet and just act like a jerk like he used to be? Hindi ako sanay.

Pumunta kami sa night market na nasa may bayan. Malapit iyon sa munisipyo at plaza. Maraming tao at maliwanag ang buong paligid kahit gabi na. Gustong-gusto ito ng mga tao kaya pinayagan ko na rin kahit pa bukas naman palagi ang palengke.

Tumunog ang sikmura ko nang makakita ng hile-hilerang food stalls. Hinila ako ni Dickson papunta sa isa sa mga iyon. Lahat ng makita kong pagkain ay masarap sa paningin kayo kung ano-ano na lang ang in-order ko. Gusto ko ng kumain. Hindi naman nagreklamo si Dickson, tuwang-tuwa pa nga siya habang nagbabayad.

"Nagtataka ako kung bakit ang sexy mo pa rin kahit ang lakas mong kumain," sabi ni Dickson at pinunasan ang gilid ng labi ko. Hindi ko sya pinansin dahil busy ako sa pagkain. Gusto ko siyang sagutin pero puno ng pagkain ang bibig ko kaya inirapan ko na lang siya.

"Mayor? Ikaw nga Mayor Loren."

Napatingin ako sa nagsalita. Hindi ko sya kilala kaya malamang isa sa mamamayan ito ng bayan. Napatingin na rin ang ibang mga tao at lumapit sa aming dalawa ni Dicskon.

"Si Engr. Fuertez din nandito. Magkasama sila. Mayor, nagde-date kayo? Kayo ba?"

Grabe naman ang mga taong ito. Daig pa ang media na nakakita ng artista. Tumingin ako kay Dickson at parehas nawala ang gana namin sa pagkain. Tumikhim sya at humarap sa mga tao. Uminom ako ng tubig at pinanunasan ang labi.

"Nagkakamali po kayo, hindi po kami mag-nobyo dahil..."

Kaagad kong pinutol ang sinasabi nya. "Dahil mag-asawa na po kami," pag-amin ko.

Tumingin sa akin si Dickson na nagtataka ang mukha pero ngumiti rin pagkatapos.

"Sasabihin ko sanang magkaibigan lang tayo pero sige, kung ano ang gusto. Gusto ko rin namang pinagmamalaki mo ako," bulong nya at hinalikan ang pisngi ko.

Nalaglag ang panga ng mga taong nakarinig at hindi kaagad naka-react. Nginitian ko sila.

"Mayor, totoo ba 'yan? Bakit hindi namin alam na nagpakasal ka?" tanong ng isa.

Napairap ako sa isip ko. Kailangan nyo bang malaman lahat ng pangyayari sa buhay ko? Ano ba ako rito? Open book? Pwede naman siguro kahit na ako ang mayor ay may privacy pa rin.

"Intimate wedding lang naman, walang masyadong bisita kaya ganoon," sagot ko.

Tumango ang mga tao at nagsi-alisan na rin. Nagkatinginan kami ni Dickson at parehong natawa. I don't know why it feels so good to be with him. Hindi naman ako masanaya sa ganito dahil matatapos din naman ito nang hindi naman namamalayan. Tinapos namin ang kinakain at pagkatapos ay naglibot kami sa mga tindahan.

"Hi! Mayor Loren. Magandang gabi po!" bati ng mga kabataang naglalaro sa plaza.

"Hello, magandang gabi rin sa inyo."

Kumaway ako sa kanila. Nahagip ng mga mata ako ang isang stall na nagtitinda ng mga souvenir.

"Dickson?" tawag ko sa kanya.

"Yeah?" Bumaling siya sa akin.

"May pupuntahan lang ako sandali, dito ka lang, ha?" sabi ko at tumayo na.

"Gusto mo bang samahan kita?"

Umiling ako at mabilis na umalis. Sinundan nya pa ako ng tingin kaya nag-iba ako ng daan. Nang masigurong hindi na sya nakatingin ay tinungo ko na ang tindahan.

Kinuha ko ang isang cute na stainless bracelet na pwedeng lagyan ng pangalan. Kanina ko pa ito nakikita kaya kanina pa rin mainit ang mga mata ko rito.

"Kukunin ko po ito," sabi ko sa tindera.

"Mayor Loren! Magandang gabi po," bati nya sa akin.

"Magandang gabi rin po. Bibilhin ko po ito, magkano po ito?" sabi ko sabay pakita sa kanya ng bracelet.

"Ay, Mayor para sa iyo ay 100 pesos na lang. Benta ko dyan ay 200 pero dahil mabait kayong mayor ay bibigyan ko kayo ng discount," sabi nya at kinuha ang bracelet.

"Naku! Hindi na po sana, pero maraming salamat po." Tumango ako at kumuha na ng pambayad. Tamang presyo pa ang binibigay ko pero hindi ako nanalo sa kanya.

Ngumiti sya at tinanong ang gusto kong ipalagay sa bracelet.

"Pakilagay po ang 'thank you' sa may harapan at 'Loren' po sa likuran."

Tumango sya at sinimulan ng gawin ang bracelet. Napangiti ako nang matapos iyon. Ang ganda, sana suotin nya ito. It is my first giving a gift with special meaning.

Bumalik ako sa pwesto namin kanina at nandoon pa rin naman sya. Hindi nya pansin ang paglapit ko dahil nakatitig sa isang tao. Sa isang babae habang nakangiti nang matamis.

Nawala ang ngiti ko at nanikip ang dibdib ko. Ang babaeng tinitignan nya ay maganda at balingkinitan. Siguro ay may gusto sya roon. Ayoko sanang pangunahan ang lahat pero halata naman. He never look at me like that. There is something special going on with him.

Yumuko ako at kinuyom ang mga kamay. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Naiinis na naman ako sa sarili ko. Pinigilan ko ang mga luha ko sa pagpatak at huminga ng malalim bago nagpakita sa kanya. Tinago ko ang binili kong bracelet para sa kanya.

"Gusto ko ng umuwi," sabi ko. Napatalon pa sya at halatang hindi inaasahan ang pagdating ko.

Nauuna ko ng tinungo ang sasakyan. Hindi ko sya pinansin kahit panay ang tawag nya sa akin. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil hindi ko alam kung bakit ganito ang inaakto ko.

Siguro ay hinuhubaran nya ang babaeng iyon sa isip nya. Iniisip nya na mas magaling at mas masarap iyon sa kama kesa sa akin. Na mas makinis ang balat ng babaeng iyon at mas masarap halikan. Na...

"Loren!"

Hinawakan nya ang braso ko at iniharap ako sa kanya. Napahawak ako sa bibig ko ng hindi ko sinasadyang masampal sya.

"I'm sorry. I'm sorry. Hindi ko sinasadya."

Lalapitan ko sana sya pero tinalikuran ko lang sya at dumiretso na sa sasakyan. Nakasimangot syang naglakad sa sasakyan at padabog na sumakay sa driver's seat. Napatalon ako ng marahas nyang sinarado ang pinto ng sasakyan.

"Kung may problema ay sabihin mo sa akin hindi 'yung mananakit ka na lang bigla. Ang hirap mong pakisamahan," sabi nya at pinaandar na ang sasakyan.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tinago ang mga luha kong nag-uunahan sa pagpatak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro