Kabanata 14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Forgot

Nakatulala ako sa kwarto habang dinidikitan ni mommy ng ice pack ang namamaga kong pisngi. Hindi naman iyon dahil sa sampal niya, iyong kay daddy talaga ang malakas. Nahilo pa nga ako nang bahagya.

"Totoo bang may nangyari na sa inyo ni Justin, anak?" tanong niya kaya bumalik ako sa ulirat.

Tumango ako. "Kagabi po, mommy. I lied to you. Hindi po talaga masama ang pakiramdam ko, 'tsaka... That blood was not my period. Sorry, mommy, but I love him."

Bumuga ng hangin si mommy at tumango-tango. "It's okay. Did he force you?"

Umiling ako. "He will never force me, mommy. Gusto ko ang nangyari sa amin. It's not just a plain sex, it's making love."

"But you too young for that. Kung talagang mahal ka niya ay maghihintay siya hanggang sa maikasal kayo. He manipulated you in something that was not real. Alam mong magagalit kami, alam mong mabibigo mo kami sa desisyon mo, pero ginawa mo pa rin. Nagkulang ba ako sa pagmamahal ko sa iyo kaya nagawa mong maghanap na kaagad sa iba, anak?" Tumulo ang luha ni mommy na dumurog sa puso ko.

"No, mommy. Walang kinalaman ang pagmamahal niyo rito. Pero hindi niyo ba naisip na darating ang araw na ganito ang mangyayari? That you need to let me go? I love you, mommy. Hindi kayo nagkulang. I just fell in love. Parehas kaming naghintay, mommy. Tatlong taon na akong naghihintay. Kaya ngayong pwede na, hindi na ako nagdalawang-isip. I am not sorry for what I have done." Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Pero mali pa rin, Deity. True love will make you better, pero kabaliktaran ang nangyari sa iyo. Natuto kang magsinungaling sa amin ng daddy mo. Natuto kang magtago ng mga bagay na dapat ay alam pa namin dahil kahit nasa tamang edad ka na ay kailangan mo pa rin kami. Iyon lang ikinagagalit ko, anak. You already forgot the Deity I molded for how many years because you just met a man that you think will stay permanently. You disappoint me, you failed me and your daddy." Kumalas siya sa yakap ko at lumabas ng aking kwarto.

Now, I know why I feel guilty every time I am lying, dahil nakakalimutan ko na ang sarili ko, pero mahal ko si Justin, he will stay, I am very sure of that. Kung nagbago man ako dahil sa kanya ay wala lang iyon sa akin. Nagawa ko lang namang magsinungaling dahil sa takot.

Pinunasan ko ang luha ko nang pumasok si Dickson na dala ang kanyang cellphone at isang baso ng juice.

"Ate, inom ka muna. Ako ang nagtimpla niyan dahil ayaw kang gawan ni mommy. Masama pa rin ang loob sa iyo. 'Tsaka, tumawag sa akin si Kuya Justin. Gusto ko raw niyang makausap kahit sandali lang." Binaba niya ang juice sa mesa. "Hindi ako galit sa inyo, medyo inis lang ako kay kuya dahil hinayaan pa niyang umabot sa ganito. Nasaktan ka pa ni daddy."

Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin. Sumunod siya sa gusto ko. Mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit. "Thank you, Dickson. Thank you for protecting me." Nagpapasalamat talaga ko na may kapatid ako kagaya ni Dickson. Alam kong balang-araw ay mahihigitan niya ako sa lahat. Hindi ko lang inaasahan na mapapaaga iyon. Maswerte ang babaeng mapapasakanya.

"Wala iyon, ate. Lagi kang in-charge kaya kapag hindi mo kaya ay ako muna. Malaki na ako kaya ako naman ang poprotekta sa iyo," sabi niya at hinaplos ang likod ko.

May tinipa siya sa kanyang cellphone pagkatapos ay binigay sa akin. Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Nag-vibrate iyon at lumabas sa screen ang pangalan ni Justin. Sinenyasan ako ni Dickson at saka lumabas ng kwarto ko.

Tumikhim ako bago sinagot ang tawag. "Hello." Nanginig pa ang boses ko.

"Sweetheart, are you okay?" bungad niya sa akin.

Muling tumulo ang luha ako. "I'm scared. Ako dapat ang nagtatanong kung ayos ka lang. Binugbog ka ni daddy, baka malala ang mga suntok niya sa iyo." Humikbi ako.

Narinig akong humalakhak siya. Kahit papaano ay lumuwag ang dibdib, ibig sabihin ay ayos lang siya. "I am very fine, huwag mo akong alalahanin. Ang sabi ni Dickson ay nasa bahay lang kayo, mabuti. Kakausapin ko ang daddy kapag hindi na siya galit. We will make him understand, just wait for me, okay?"

Tumango ako. "Ang sabi ni mommy ay iiwan mo rin daw ako kaya bakit ko ibinigay ang sarili ko sa iyo. Hindi mo ako iiwan, hindi ba? Aalis tayo kapag ayaw pa rin nila sa atin. Sasama ako sa iyo. Kahit saan, kahit wala tayong makain, ayos lang sa akin." Nanginginig pa ang boses ko at napakagat sa labi.

Humalakhak ulit siya. "Of course, I will never leave you. Kahit ano pa ang sabihin nilang rason ay hindi kita iiwanan. Papatunayan ko sa mommy at daddy mo na hindi lang basta tawag ng laman ang nararamdaman ko sa iyo. Na seryoso akong itatanan kita kapag hindi sila pumayag sa relasyon natin. I love you so much. Paulit-ulit kong kakausapin ang mga magulang mo. I will see you soon," sabi niya kaya napaiyak akong lalo.

"I love you too, I can't wait to see you again. Nandito lang ako at hihintayin kita kahit gaano pa katagal."

Pumasok si Dickson at tarantang-taranta na lumapit sa akin. "Si daddy, nandyan na. Magpaalam ka na sa boyfriend mo," sabi niya kaya kaagad kong pinatay ang tawag at itinago sa ilalim ng unan ko ang cellphone niya.

Kinuha naman ni Dickson ang icepack at nagkunwaring ginagamot ang pisngi. Ako ay inabot ang juice at mabilis na ininom iyon. Bumukas ang pinto at sumilip si daddy na kunot na kunot ang noo. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at si Dickson ay nakuha pa siyang batiin. Mabilis din siyang umalis kaya mahina kaming nagtawanan.

Umasa ako na sa araw ding iyon ay maaayos ang lahat. Muling umalis si daddy at narinig ko pang nagsigawan sila ni mommy. Nag-aaway sila dahil sa akin. Mahina akong umiiyak habang yakap ang unan ko. Mali ba ako? Mali bang nagmahala ako? Naghintay naman ako, ah! Hindi pa ba ito ang tamang panahon.

Dahil sa akin ay nag-aaway ang mga magulang ko. Muntik ng masuntok ni daddy si Dickson dahil sa akin. Nagawa akong pagbuhatan ng kamay ng mga magulang ko dahil sa pagmamahal ko kay Justin. Alam kong mangyayari ito dahil sa paglilihim namin pero hindi ako akalaing ganito pala kalala. Ang akala ko ay magiging maayos na ang lahat dahil nasa tamang edad na ako. Tama pala si Justin, dapat hindi ako nagmadali. Wala siyang kasalanan. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari ito. Hinayaan kong maging ganito ang lahat dahil sa pagkasabik ko. Nawala ang tiwala ni daddy kay Justin dahil sa akin, ako dapat ang sisihin sa lahat ng ito.

"Kumain ka na," sabi ni mommy at nilapag ang pagkain ko sa mesa. Namamaga ang mga mata niya dahil sa pag-iyak.

Akmang aalis na siya pero hinabol ko siya ng yakap. "Mommy, I'm so sorry. Kasalanan ko po lahat. Mommy sorry, ayokong magalit ka sa akin. Hindi ako sanay na galit ka. I'm sorry po kung sinuway ko ang gusto mo. I'm sorry kung hindi ko tinupad ang mgs promise ko sa iyo noong bata ako."

Hinawakan niya ang mga braso kong nakayakap sa bewang niya at kinalas iyon. Hindi man lang niya ako pinansin at lumabas na ng kwarto.

Umiyak ako dahil sa pagkabigong nararamdaman. Ngayon ay nagsulputan sa isip ko ang mga pinangako ko sa kanya noong unang beses kong datnan. Ang sabi niya ay ganap na akong babae at hindi na dapat ako magtiwala sa ibang lalake kung hindi si Dickson o si daddy.

"Promise me, darling. No other boys are allowed unless daddy and mommy say so. Dalaga na ang baby ko. Look at your panty." Pinakita niya sa akin ang panty ko na may konting dugo na sabi niya menstruation ko.

"I can get pregnant now, mommy?" inosenteng tanong ko.

"Yes, so you need to be more careful. Kung dati ay strict ako, ngayon, I will be more strict. No boyfriend until you finish your study. No one is allowed to touch you anywhere unless it is mommy. Promise me, Deity." Hinarap niya akong mabuti.

"Promise, mommy. Ikaw lang ang pwede." Humagikgik ako. I am dalaga na.

"Good... Now, I will teach you how to put a sanitary napkin."

Pinanood ko si mommy kung paano gawin iyon. I will never my promises. I will take care of myself. I know mommy knows best. Hindi niya ako ipapahamak. Kahit dalaga na ako ay kailangan ko pa ring makinig sa kanya. It's for my sake.

"Mommy, when I grow up, I want to be like you. Gusto kong maging mabait din na mommy sa mga magiging anak ko," sabi ko habang pinapanood siyang labhan ang panty ko na may period.

"I am sure that you will be better than me. I love you, darling. Mommy is very proud of you. Kahit big girl ka na ay nakikinig ka pa rin kay mommy. Sana hanggang paglaki mo ay lagi mo pa ring maaalala ang mga tinuro ko." She smiled.

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan. I forgot... I forgot to be the Deity mommy want me to grow up. Hindi ko na iyon mababalik.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro