Kabanata 16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Whisper

"Deity, kain na." Tinaas ni mommy ang kutsara at tinapat sa bibig ko.

Umiling ako at yumuko. Hindi ko maibuka ang bibig ko at wala ring akong ganang kumain. Ang sabi ni mommy ay namamayat na raw ako dahil hindi naman ako kumakain nang maayos. Ilang araw na lang ay magsisimula na ang pasukan namin para sa ikalawang semester pero, heto ako, parang mababaliw na at hindi pa rin magawang makabawi sa lahat ng nalaman ko.

Bakit hindi niya sinabi sa akin na may ganoon pa lang nangyari habang wala siya? Ganoon pala ang ginawa niya noong nasa Japan siya, napakasasa siya sa babae tapos binalikan niya na parang walang nangyari. Iyon pala...

"Deity, kung hindi ka kakain ay magkakasakit ka. Nagkakanda-hilo-hilo ka na nga. You don't have to be like this just for that unworthy man. Please, pati si Dickson ay nag-aalala na rin sa iyo," sabi pa ni mommy.

Tumingin ako sa kanya. "I don't want to be like this, mommy. Ayokong masaktan, gusto kong maging maayos na para makapasok na ako sa school pero ang sikip ng dibdib ko. Mahal ko siya, mommy. Kaya nga nagawa kong ibigay lahat sa kanya kasi akala ko ay ganoon din siya sa akin. He looked so sincere whenever he was telling me that he loves me. Iyon pala ay sinabi na rin niya iyon sa ibang babae. Mommy, it hurts so much."

Niyakap ako ni mommy nang mahigpit. Hinayaan niya lang akong umiyak at hindi na nagsalita pa. Siguro ay hindi rin niya alam ang sasabihin dahil hindi niya napagdaanan ang ganito. He was the only woman that daddy loved and still loving until now. Napakamalas ko naman, ito siguro ang napapala ng nagmamadali at hindi marunong maghintay. Ito siguro ang parusa ko.

"Take your time to heal, darling. Kung gusto mong huwag munang pumasok next semester, it's okay." Hinaplos ni mommy ng likod ko.

Umiling ako. "I don't want to disappoint daddy anymore. Kapag huminto ako, madadagdagan pa ang galit niya sa akin. I want to keep going so I will not disappoint him and you, mommy."

Parang sasabog na ang utak ko sa pagpupumilit na alisin lahat ng mga bumabagabag sa akin. Kung nagsisinungaling nga si daddy ay bakit hindi na nagparamdam sa akin si Justin para sabihing walang katotohanan ang mga sinasabi ni daddy. Ibig sabihin ay totoo ngang nakabuntis siya. Totoong niloloko niya lang ako. Na baka pampalipas oras nga lang niya ako at hindi naman niya talaga ako mahal.

Maybe, he wants to taste a new dish. A young one, huh? At nahulog naman ako sa patibong niya. Ang tanga kong kaagad akong bumigay. Binigay ko pa talaga lahat at wala akong tinira. Panay pa man din ang sabi kong hindi ko pagsisihang binigay ko sa kanya ang sarili ko. Nakakainis. Naiinis ako sa kanya at sa sarili ko. Masyado akong nagpadala sa damdamin. Wala akong tinira sa sarili ko, ibinigay sa kanya lahat kaya ngayon ay wasak na wasak ako.

Kumatok sa pinto ko si Dickson bago tuluyang pumasok. Dala niya ang pagkain ko para sa hapunan.

"Kain ka na, ate. Bumili ako sa mall kanina ng chocolate drink, iyong paborito mo. Buti may sobra sa binigay ni mommy na pera pambili ng art materials ko para sa school." Inabot niya sa akin ang binili may straw na.

Tumango ako at nilapitan ang pagkain na dala niya. Kahit na ayokong kumain ay ayoko namang madismaya ang kapatid ko. Gustong makita niya na ayos lang ako dahil ayokong makaapekto sa pag-aaral niya ang pag-aalala sa akin.

"Sabi ni mommy ayaw mo raw kumain. Parang hindi naman, naubos mo ang pagkain mo," sabi niya at ngumiti.

"Salamat sa binili mo, doon yata ako ginanahang kumain." Niyakap ko siya.

Kung may tao man na hindi ako tinalikuran ay si Dickson iyon. He loves me so much at ang pagmamahal niya ang natutulak sa akin na maging masaya kagaya ngayon. Siya lang ang tao rito sa bahay na hindi ako sinisi at pinrotektahan pa ako.

"Iinom ka ng gamot, ate? Ikukuha kita ng tubig," sabi niya.

Umiling ako. "Mamaya na, dito ka muna. Dapat ay nagpapahinga ka kasi gagawa ka pa ng mga assignments mo at may pasok ka pa bukas."

"Ayos lang ako, ate. Gusto kong alagaan ka, hindi naman ako napagod ngayon." Nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagkalito ang damdamin sa mukha niya.

Nagtaas ako ng kilay. "What is it, Dickson? Are you alright?  May nangyari ba sa school?"

Umiling siya. Bumuntonghininga siya at binuka ang bibig pero isinara rin kaagad. Parang nagdadalawang-isip pa siya sa sasabihin. Tumingin siya sa akin kaya tinanguan ko siya. Palagi kong sinasabi sa kanya na pwede niyang sabihin sa akin lahat at hindi ko ipagsasabi. Maraming beses ko na iyong napatunayan sa kanya kaya hindi ko alam kung bakit bigla siyang nag-alangan ngayon.

"Come on, Dickson. Kahit may problema naman ako ngayon ay ako pa rin ang ate. Parang kagaya lang din ng dati. You can tell me what's bothering you," sabi ko at inabot ang kamay niya.

Huminga siya nang malalim. "Nakita ko si Kuya Justin kanina sa mall, ate," panimula niya na ikinatigil ko.

Napaupo ako nang maayos at siguro ay nakitang gusto ko pang marinig ang sasabihin niya kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"May kasama siyang babae na maiksi ang buhok tapos medyo ang malaki ang tiyan. Sabi ni daddy may nabuntis siyang babae baka iyon ang babaeng tinutukoy, ate. Namimili sila tapos nagtatawanan. Hindi nila ako nakita kaya napagmasdan ko sila. Mukhang masaya si Kuya Justin at naiinis ako kasi ikaw, malungkot ka tapos siya masaya. Gusto ko siyang lapitan at suntukin," kwento niya habang nag-iigting ang panga.

Pumikit ako nang mariin at pinigilang mapaiyak sa harapan niya. Pero sa totoo lang ay parang may binibiyak na namang sugat sa loob ko at pinilit pang paduguiin iyon dahil sa narinig. He is having fun outside, while me... Umiling ako.

"Are you okay, ate? Gusto mo kapag nakita ko ulit siya ay suntukin ko na nang malakas ang mukha niya?" tanong ni Dickson.

Umiling ako at ngumiti nang tipid. "Let him be. Kung gusto niyang magsaya at nagawa na lang niyang kalimutan ang lahat sa amin na parang iginuhit lang sa hangin ay bahala siya. Hindi naman talaga niya ako pinahalagahan noong kami pa. He was just bored, at ako naman ay walang kamalay-malay na lahat pala ng ginagawa niya sa akin ay walang kahulugan. There were just jokes that I took seriously. Walang nawala sa kanya, Dickson, kaya ayos lang siya. While me, he took a part of me na hindi ko na pwedeng bawiin. I will be alright, I know." Tumango ako.

Kahit sa sarili ko ay nagsisinungaling na ako. I will never be alright. Kinamumuhian ko si Justin dahil masaya siya. Hindi dapat siya masaya kasi miserble pa ako at umaasa pa sa kanya. Umaasa pa akong babalikan niya ako, eh. Umaasa pa rin ako na tutuparin niya ang pangako niya sa akin. Iyon pala, maligaya na siya at tuluyan na akong kinalimutan. Totoo ang lahat ng sinabi ni daddy. Wala na akong mga tanong ngayon. Totoong laro lang lahat ng sa amin. He played well and I lose.

"He is so unfair! This is so unfair. Bakit sa akin lang lahat ng sakit? Bakit ako lang ang nasasaktan? Bakit siya masaya na? Bakit ako lang ang nadudusa ngayon?!"

Humarap ako sa salamin na nasa banyo sa loob ng kwarto ko at pinagmasdan ang sariling ibang-iba na sa dating Deity. This is not the Deity I know. This one is already dead because of pain. Humihinga pa pero wala ng buhay. Tumitibok pa ang puso pero hindi para mabuhay para sa sarili. I don't want this. Ayoko ng mabuhay ng ganito. I can't live in pain. Gusto ko ng matapos lahat ng ito.

And without thinking, I grabbed a plenty of medicine tablets in my hand. Punong-puno ang kamay ko. This medicine is my pain reliever. Siguro naman ay maaalis nito ang lahat ng sakit para makapasok na ako sa susunod na pasukan. Pinasok ko lahat sa bibig ko iyon at lumuluhang nginuya at ang iba ay nilunok ko pa ng walang tubig. Napaupo ako sa sahig at sinabunutan ang sarili. Napaubo ako pero hindi ko iyon ininda dahil mas masakit ang nararamdaman ko sa loob.

Ilang minuto akong nakatulala, nanlalabo ang paningin ko at hinahabol ko na ang hininga ako. Sinubukan kong tumayo pero kaagad napahawak sa puson nang bigla na lang sumakit iyong nang sobra. Mas masakit kesa sa nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. Napahiyaw ako sa sakit na parang may hinihila sa loob ko pababa. This is not a normal period cramp, it is something else.

Sunod kong nakita ang pagdaloy ng maraming dugo pababa sa hita ko. No! I can't be.

"Mommy!" sigaw ko at lumabas ng banyo sapo-sapo ang puson na parang papatayin ako sa sobrang sakit.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Dickson na nakapantulog na. Napaupo ako at pinagmasdan lang ang dugong patuloy na lumalabas sa akin.

"Tulong! D-Dickson! Ahh!" Napasigaw ako sa sakit.

"A-Ate, anong nangyayari? Mommy! Daddy!" Lumapit siya sa akin para alalayan akong tumayo.

Napahiyaw ulit ako sa sakit. And the next thing I knew, Daddy was carrying me and whispering to me to hold on and never close my eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro