Kabanata 18

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Hate

"Let me help you, just this time."

Hindi pa rin siya tumitigil kahit ilang metro na ang layo ko sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at ilang beses pang tinawagan si Dickson na sa wakas ay sumagot din sa wakas.

"Papunta na ako, ate." Humikab pa siya. "Nakikita na kita."

Luminga ako sa paligid at nakita ang sasakyan niya na papalapit sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang mukha niya pagkababa niya sa kanyang kotse.

"Buti nagising si Loren para umihi, nakita niya ang cellphone. Bakit ang dumi mo? Gumulong ka ba papunta rito?" bungad niya at tumawa pa.

"Gusto ko ng umuwi," mahina kong sabi.

Kumunot ang noo niya. "Umiyak ka? Sumumpong na naman ba?"

Tumango ako, nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papunta sa likuran niya. Nagtaka pa ako noong una pero nang makita ko ang papalapit na si Justin sa amin ay mas lalo pa akong nagsumiksik sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Dickson na nag-iba na ang tono ng pananalita.

"I was helping her. She was crying a while ago. Nakaupo siya sa kalsada. It's not safe for her to--"

Napasigaw ako nang biglang suntukin ni Dickson si Justin sa mukha. Napaupo pa si Justin at napahawak sa kanyang dumugong labi. Tumayo siya at hinarap ang kapatid ko. Natatakot ako para kay Dickson dahil mas malaking tao si Justin at mas malaki rin ang katawan.

"Matagal ko ng gustong gawin sa iyo 'yan, gago! Bakit ka pa bumalik? Bakit ka pa nagpakitang putangina ka?!" gigil na sigaw ni Dickson.

Hinawakan ko ang nakakuyom niyang kamao at hinila na siya papunta sa kanyang sasakyan. "Uwi na tayo, Dickson. Gusto ko ng magpahinga." Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko. Hindi ko na tiningnan pa si Justin. Ayoko siyang makita.

"Anong nangyayari rito? Curfew na, ah?"

Napatingin kami sa pulis na naglalakad papunta sa amin. Si Cyrus, ang best friend ni Dickson.

"Anong meron at nagsisigawan kayo? Rinig hanggang Police Station, 'tsaka gabing-gabi na," sabi niya at tinanguan si Dickson.

"Kulong mo 'yang gagong 'yan. Pinagtangkaan niya ang kapatid ko." Tinuro ni Dickson si Justin na wala man lang reaksyon sa narinig.

"Dickson!" saway ko sa kapatid ko hinila na ako papasok ng kotse.

"Seryoso ba 'yun, pare?" Hinabol pa kami ni Cyrus na nilalabas na ang posas.

"Mukha ba akong nagbibiro? Ikulong mo kahit hanggang bukas lang ng umaga. Pagsabihan niyong huwag ng lalapit sa kapatid ko," sagot ni Dickson at pinaandar na ang sasakyan.

Nakita ko pa kung paanong kusang-loob na sumama si Justin at hindi man lang pumalag o nagsalita para tumutol. He was just looking at the direction where I am. Kahit alam kong hindi niya ako nakikita dahil heavy tinted ang salamin ng kotse ay nag-iwas pa rin ako ng tingin. Hinawakan ko ang dibdib ko na sobrang lakas ng kabog. Hindi ko ako makapaniwalang nakita ko ulit siya, nagkita naman na kami noon pero swerte ko na lang na marami akong kasama at naiwasan ko siya pero ngayon, sa ganoong sitwsyon pa talaga? Kung kailan bumalik sa akin ang pinakamasakit na nangyari sa akin at siya pa ang nandoon para itayo ako, ang taong dahilan ng lahat ng sakit sa puso ko.

"Are you okay? Sinaktan ka ba niya?" tanong ni Dickson at sinulyapan ako.

Umiling ako. "Do you think he can hurt me physically? It was true that he is helping me but I don't want his help. Siya rin naman ang dahilan ng trauma kong iyon. I don't need his comfort."

"Good, ang akala ko ay bibigay ka na naman sa kanya. Alalahanin mong siya ang dahilan kung bakit nagkagulo ang pamilya natin noon. He took advantage of your youth. Pinaniwala ka niyang puro magagandang bagay lang ang mapapala mo sa kanya. Nasusuka ako kapag naaalala kong tinawag ko siyang kuya." Umiling siya at bahagya pang nanginig.

Natawa ako at bumuntonghininga nang matanaw ang bahay ng mga magulang namin. Nandoon si daddy sa labas na parang inaabangan ang pagdating ko. I thanked Dickson na hindi na bumaba at tinanguan na lang si daddy.

Hindi ako makatulog nang maayos nang gabing iyon. Ilang oras na nga lang ang itutulog ko ay hindi ko pa mapilit ang sarili ko. Just thinking of what happened earlier makes my whole-being stir up. It was ten years ago... Sampung tao na ang lumipas pero wala pa ring nagbago sa sakit. It hunts me every single day and night. At mas lalo pa yatang lalala ngayon dahil nandito na siya. Pagkatapos ng sampung taon kong pagtatago, he finally found me.

"Why are you still awake? Gabi na diyan, ah?" tanong ni Dra. Lazaro na nasa America, maliwanag na maliwanag ang paligid niya.

"I can't sleep." Bumuntonghininga ako. "And, he is finally back," amin ko sa kanya.

Umayos siya ng upo. "Who? The guy named Justin? What happened then?"

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari na pinakinggan naman niya pero natawa rin kinalaunan. Si Dra. Alessandra Lazaro ang babaeng tumingin sa akin noong nakunan ako, siya rin ang dahilan kung bakit napagdesisyunan kong maging isang OB-GYN. She helped me to pursue this career. Sinamahan pa niya akong mag-aral sa Canada para malayo ako rito sa Pilipinas dahil hindi ako maka-focus sa pag-aaral. Sa awa ng Diyos ay ito na ako. Isang ganap ng doktor.

"What will you do know? Ang sabi ko naman sa iyo ay hindi mo habang buhay na matatakasan 'yan. You will need to face him when the time comes, at ito na nga. Maayos na usapan ang paraan, dear Deity. I am sure he has reasons." Tumango siya at nag-thumbs-up pa.

"I'm not yet ready," sabi ko.

"Kailan ka magiging ready? Kapag malapit na kayong mamatay? Hindi na kayo mga bata. Ilang taon ka na nga ulit? Thirty? Siya ay 45 na siguro! Mga gurang na kayo kagaya ko, huwag niyo nang hintaying dumating sa punto na sa kabaong na kayo magkakapatawaran. I know that it's not easy to just forgive, it will never be easy always. But I know you can do it," sabi pa niya at nagpaalam na dahil kailangan ko na raw matulog.

I don't want to forgive, gusto kong galit lang ako sa kanya palagi. Gusto kong maramdaman niyang kung gaano ako nasaktan noon. Naisip ko na dati kung masasaktan ko siya ay gagaan ang pakiramdam ko. Na masarap sa pakiramdan na makita siyang masaktan. Hindi naman siguro masamang ibalik ko sa kanya lahat ng galit ko! He left me when I needed him the most. He left me and broke his empty promises. Nagdusa ako samantalang siya ay masayang-masaya sa pamilya niya. I will never forgive him.

"Saan galing itong kape at sushi?" tanong ko kay Judy na nasa kanyang lamesa at tutok na tutok sa computer.

Nagkibit-balikat siya at tiningnan ang mga tinutukoy ko. Tinawag ko si Nurse Avi at sinabi niya na may dumating na lang delivery man at binigay ito na hindi na humingi ng bayad. Tinanggap na lang daw niya dahil baka ako nga um-order. Naghahanap kasi ako kanina ng kape at mapagbibilhan ng sushi. Napakamot ako sa ulo. Kaming tatlo lang naman ang nandito sa clinic at wala pa si Dra. Jornales na Pediatrician dito. Kanino naman galing ito at talagang akmang-akma pa sa mga pinagsasabi ko kanina.

"Umamin na kayo kung sino ang bumili nito," sabi ko bago sinubo ng buo ang isang sushi.

Choosy pa ba ako? Mukhang galing sa mamahaling restaurant itong sushi at sa Starbucks pa talaga galing ang kape. Nakikain na rin ang dalawa kong kasama na mukha namang alam sa misteryong ito. Naubos na ang sushi at ngayon ko lang nakita ang note na kasama nito.

Eat well, my sweetheart.

Halos mabugahan ko si Judy ng iniinom kong kape nang malaman kung kanino galing ang mga pagkaing ito. Mabilis akong lumabas ng clinic at hindi nga ako nagkamali. Nandoon siya sa labas ng kanyang kotse at nakasandal. Nagtama ang mga mata namin kaya mas lalong umusok ang ulo ko sa inis. Lumapit ako sa kanya at gusto kong lamutakin ang mukha niyang ngiting-ngiti ngayon.

"Ang sabi ni Dickson ay huwag ka nang lalapit sa akin, what are you doing here? Gusto mo ba talagang ipakulong kita?" sigaw ko sa kanya at hindi siya natinag.

"Hindi naman ako ang lumapit sa iyo. Ikaw ang lumapit sa akin, Deity. Ang usapan namin ni Police Officer Aganon ay sampung metro ang layo ko dapat sa iyo. I am exactly ten meters away from you then you came here." Ngumisi siya kaya binato ko sa mukha niya ang note na kasama ng sushi.

"Huwag ka na ulit magpapadala ng pagkain sa akin. Hindi ko alam kung paano mong nalaman ang gusto kong kainin ngayon. Pero kapag inulit mo pa iyon ay isasabog ko sa mukha mo kahit ang mainit na kape." Nanlilisik pa ang mga mata ko habang sinasabi iyon.

Tumagilid ang kanyang ulo at nanlaki ang mga mata ako nang itaas niya ang kamay at may kinuha sa pisngi ko. Nag-init ang buong mukha ko at gusto ko na lang lamunin ako ng lupa nang ipakita niya sa akin ang butil ng kanin na galing sa kinain kong sushi kanina.

"Why not? Looks like my fierce Deity enjoyed the food. I wonder when can I see my sweet Deity again. I miss her so much," he said then throw away the rice.

You will never see that Deity again. I will always be like this to you.

"I hate you. I hate you so much. Please, just leave again. I don't need you now," sabi ko bago siya tinalikuran at naglakad nang mabilis pabalik sa clinic.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro