Kabanata 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Pagsisisihan

Ilang araw na akong hindi makatulog nang maayos dahil sa mga salitang iyon. Paulit-ulit ang boses niya sa isipan ko at para na talaga akong mababaliw. Magdadalawang linggo ko na rin siyang hindi nakikita at palagi akong umaasa na baka maisipan niyang dumalaw dito sa bahay kagaya noon. Minsan din ay sinadya ko nang iwanan ang lunchbox ko sa kotse ni daddy para lang makita siya pero si daddy lang din ang naghatid at napagalitan pa ako. I am going crazier and crazier every single time.

It's already in the mid-November and it's Dickson's birthday. Kahit malamig na ay ginusto pa rin niyang mag-pool party. Syempre, dahil sa mga bata ang bisita ay ang pambatang pool lang ang pinuno ng tubig at mamaya ay ang malaking pool naman para sa party ng mga matatanda. Mga kaklase ni Dickson noong elementary siya at ngayong high school siya ang bisita sa umaga. It bores me so much. I stayed the whole day under the shade even though I was wearing my conservative swimwear.

"Ayaw mong maligo?" tanong ni mommy habang inaabutan ako ng ice cream.

Umiling ako. "It's cold and I think the swimming pool is now full of pees of different people." I laughed.

"Probably. Maliligo ka mamaya sa big pool?" Ngumiwi si mommy nang malamigan sa ice cream.

Nagkibit-balikat ako. Isa-isa nang nag-uwian ang mga bisita ni Dickson at nagsisidatingan na rin ang mga bisita naman ni daddy at mommy. Nilabas na rin ang mga foods for adults. Sinisimulan na ring punuiin ang malaking pool at bigla akong ginanahang maligo. Si Dickson ay maghapon na nga sa tubig ay siya pa ang naunang lumusong habang mababaw pa lang ang tubig. I know how to swim, I attended several swimming class back then. They invested so much in me at pagdating kay Dickson ay wala na. Tinamad na yata.

"Deity, bantayan mo ang kapatid mo. Lumalalim na ang tubig," sabi ni daddy na may hawak na wine glass na nakapangligo rin.

"Okay, daddy." Sinawsaw ko na ang paa ko sa tubig at kaagad gumapang ang lamig sa buong katawan ko. Nagtayuan ang mga balahibo at parang gusto ko na yatang umatras.

"Ate, halika na. The water is nice. Gusto mo sa malalim, hindi ba? You want to be a mermaid you said." Humagikgik si Dickson. Umirap ako sa kanya, dati 'yon!

"Really? I am sure that she will be the cutest mermaid in the sea..."

Sabay kaming napatingin kay Mr. Justin na nakatayo sa gilid ng pool at nakangiti sa amin. May dala siyang isang regalo na alam ko na para kay Dickson. Nahagip din ng mga mata ko ang suot niyang relo, ang relong niregalo ko sa kanya noong birthday niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya para hindi niya makita ang pagngiti ko. Umahon si Dickson para makuha niya ang inaabot na regalo ni Justin. Hindi ko naman sila pinansin at nilubog na ang sarili sa malamig na tubig. Siguro naman ay hindi na niya naaalala iyong nangyari roon sa gazebo.

Ako lang naman kasi ang ulit-ulit na binabalikan ang pangyayaring iyon. His drunk face and sweet scent are still lingering in my mind as of this day. Masyado na niyang ginugulo ang utak ko pero gustong-gusto ko rin namang makita siya araw-araw. Ano bang nangyayari sa akin?

"Ate, swimming ulit ako!" sigaw ni Dickson na akmang tatalon sa malalim na parte ng swimming pool.

Malayo ako sa kanya kaya bago ko magawang makasigaw at bigyan siya ng babala ay nakatalon na siya. Mabilis akong gumalaw at lumangoy papunta sa kanya. Hindi naging handa ang binti ko sa biglaang pagkilos kaya naramdaman ko ang pamamanhid ng mga iyon. Nakalubog sa tubig si Dickson at kahit na mabigat siya ay nagawa ko siyang maiangat. Nahirapan akong kumilos para makapunta kami sa medyo mababaw na parte kung saan maapak ko na ang paa ko sa tiles dahil sa bigat ni Dickson at pamumulikat ng dalawa kong binti.

Umubo si Dickson at tinulungan akong makapunta sa mababaw. Tuluyang namanhid ang mga paa ko kaya nabitawan ko ang kapatid ko na mabuti na lang ay nakatungtong na sa malapit na hagdan. Hindi makagalaw ang binti ko kaya kahit na ayaw ko ay lumubog ako at hindi na makaahon. Hindi ko marinig si Dickson pero alam kong sumisigaw siya at tinatawag ako. Pinaghahampas ko ang binti ko para mawala ang pamamanhid at mas lumakas ang kabog ng dibdib ko nang malapit na akong mawalan ng hininga.

Sinubukan kong umahon pero kahit ang mga kamay ko ay namanhid na rin. No, I can't die like this. Bata pa ako!

Nawalan ako ng malay pagkatapos ng ilang minutong pananatili sa ilalim ng tubig, tuluyan na akong nawalan ng hininga, at hindi ko alam kung mabubuhay pa ako.

Daddy, mommy!

Justin!

Sa unti-unting pagkakaroon ko ng malay ay unti-unti ko ring nararamdaman ang malambot na bagay na dumadampi sa bibig ko at binibigyan ako ng hangin. May kung sino ring nagpa-pump sa dibdib ko. May umakyat na tubig mula sa lalamunan ko palabas sa bibig ko kaya napaubo ako. Inangat ko ang ulo ko at idinilat ang mga mata ko. Ang mukha kaagad ni Justin na puno ng pag-aalala ang bumungad sa akin.

"Deity, naririnig mo ba ako? Are you okay now? Thank God, you're awake," mahinang sabi niya.

May kung sinong humila sa akin payakap at nalaman kong si mommy iyon base sa boses. "Baby, you scared mommy so much. I thought we are going to lose you."

"Ate, sorry." Narinig ko ang pag-iyak ni Dickson.

Nanginig ako nang tumawa ang malamig na hangin sa aking basang katawan. "I'm cold," mahinang sabi ko.

Naramdaman ko ang pag-angat ko sa lupa. Napatingin ako sa kung sino ang kumarga sa akin at ganoon na lang ang pagkabaog ng dibdib ko nang makitang si Justin iyon. Hindi siya nakatingin sa akin at nasa dinaraanan lang namin siya nakatingin. Biglang pumasok sa isipan ko na buhay pa ako at humihinga. Hindi ako namatay.

Basang-basa rin si Justin base sa mga tumutulo sa basa niyang buhok. Siya ba ang nagligtas sa akin? Hindi ko alam. Wala rin akong lakas magsalita dahil nanghihina ako at parang pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa.

Binaba niya ako sa isang upuan at kaagad naman akong inabutan ni mommy ng tuwalya. Naramdaman ko ang pamamanhid ng mga paa ko. Hindi ako makatingin sa kanya kasi pakiramdam ko ang pangit ko ngayon. Paniguradong maputla ang labi at ang buong mukha ko. Magulo rin ang buhok. Kaming dalawa lang ngayon dahil inaasikaso yata ni daddy ang mga nabahalang bisita niya at si mommy naman ay tinawagan ang kakilala niyang doktor. Pinagmasdan ko ang dami niyang basang-basa rin. Kinuha ko ang isang tuwalya na nasa tabi ko at inalis ang pakakatupi no'n. Inilagay ko sa mga balikat niya ang magkabilang dulo ng tuwalya. Hindi siya nagsasalita habang ginagawa ko iyon.

Nahagip ng paningin ko ang relo niyang basa rin. Hindi ba iyon nasira?

"'Yong relo mo, basa rin," namamaos na sabi ko.

Pinunasan niya iyon gamit ang tuwalya. "It's fine. Gumagana pa." Ngumiti siya.

Thank goodness, kahit na mumurahin lang pala iyon ay hindi naman marupok. Namayani muli ang katahimikan sa amin. Nasa sahig ang tingin ko at pinagmamasdan ang mga tumutulong tubig mula sa aming damit. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako nagbibihis. Nanlalambot pa ang mga tuhod ko.

"You scared me," biglang sabi niya kaya naiangat ko ang tingin ko.

"Sorry. My legs hurt so much." Pinunasan ko ang tumulong luha mula sa mga mata ko. I am very scared too. Akala ko ay mamamatay na ako.

"Shh, it's okay. You are fine now. Does your legs still hurt?" Hinawakan niya ang binti ko na hanggang ngayon ay wala pa ring nararamdaman.

"Thank you for saving me again and again," mahinang sabi ko habang marahan niyang minamasahe ang mga binti ko.

"It is always my pleasure. I will always make you feel safe. Kahit madalas mo akong hindi pinapansin at sinusungitan. I want you to be comfortable when I am around." Bumuga siya ng hangin. "I want to be your big brother because I didn't have the chance to be one."

Tumango ako. Hanggang kapatid lang ang pwede, hindi pwedeng higit pa roon. But this feeling is eating me like a monster. I can't stop it now.

"Where's your girlfriend?" tanong ko kahit hindi naman dapat iyon ang sasabihin ko.

"She's not here." Humalakhak siya.

Umirap ako pero napangiti rin. "Obviously..."

"She's busy pero siya ang bumili ng regalo para kay Dickson," sagot niya.

His girlfriend is not here, so, basically, he is single right now. After what happened earlier, I realized that life is too short and unexpected things can happen anytime. Maaaring bukas ay patay na ako o mamaya. Nakakatakot kung iisipin kong ganoon na nga kahihinatnan ko at marami akong pagsisisihang bagay na hindi ko ginawa kahit marami akong panahon para gawim iyon.

"Justin," tawag ko sa kanya. Bumaling siya sa akin bago binaba ang mga binti ko na nasa kandunga niya.

"May iba pa bang masakit sa iyo?" Nagtaas siya ng kilay.

Huminga ako nang malalim. "I like you more than as a brother. I-I think, I-I like you as a man that God made for a woman."

Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Ako naman ay nag-init ang buong mukha at para nalunok ko ang dila ko kasabay ng paglunok ko ng aking laway pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon.

"Deity, bakit hindi pa kayo nagbibihis? Baka magkasakit kayo niyan. Pasok na kayo rito."

Sabay kaming napabaling kay mommy na inalalayan akong makatayo. Si Justin ay nanatiling tahimik. Gusto ko na tuloy pagsisisihan ang ginawa kong pag-amin...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro