Chapter 17

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Ok closer! Then ikaw sir hawakan niyo po yung waist ni Ms. Eris."
I rolled my eyes, wala naman akong magawa. Labag sa loob akong lumapit sa akin. Gusto kong magtatatadyak and sumigaw sa sobrang inis ko, kung alam ko din naman na magmumukha rin naman akong tanga sa gagawin ko.

"Erisha titigan mo daw yung mukha ni Mr. Sarmiento." Dagdag pa ni Michael. God knows how much I wanted to walk out in this place.

Dahan dahan akong humarap sa kanya, labag man sa loob ko pero kailangan, then I see there's a grin forming to his lips.

Now I have more reasons to walk away, alam ko ang ibig sabihin ng ngisi niyang iyon. Kung wala lang maraming mga matang nakamasid sa akin, kung wala lang sana akong responsibilidad dito. I need to do my job, napasubo na ko dahil kay Michael. This sucks! Ayoko na talaga, ayoko na. Bwisit talaga na Michael na iyon.

Kainin na sana talaga ako ng lupa ngayon. As in ngayon na!

Napasinghap ako dahil natauhan akong may nakahawak na sa bewang ko, hinapit na pala niya ako palapit sa kanya at halos magkalapit na ang mga mukha namin.

"Sabi nila, tingin sa akin." Aniya at inangat niya yung mukha ko, sa pamamagitan ng paghawak niya sa baba ko, kaya mas natitigan ko yung kanyang mukha.

Masama bang sabihin na mas lalo talaga siyang guma-gwapo ngayon.

Muli akong napaiwas ng tingin sa kanya.

"Sabing tumingin ka sa akin." Napasinghap muli ako ng bigla niya muli akong hinapit palapit sa kanya. Halos magdikit na yung tungki ng aming mga ilong sa sobrang lapit.

All I could hear right know is my heartbeat. Dumadagundong na naman, sobrang lakas. Sana hindi niya marinig iyon, dahil siya lang naman ang nakakaepekto sa akin ng ganito. Not even Mark.

Hanggang sa napababa ang tingin ko sa kanyang mga labi.

"Good shot!"

Agad akong humiwalay sa kanya at tumingin sa direksyon nila Michael. Ngising-ngisi ang mga ito at  at nakathumbs-up pa.

"Ok break muna." Ani nung manager sa amin.

"Eris." Aniya, pero hindi ko siya pinansin at dali dali akong lumayo sa kanya, alam kong nakatingin siya sa akin at ayoko nang tumingin pa sa kanya pabalik.

Napailing na lang ako.

Agad kong isinara yung pinto ng dressing room at nanghihinang napaupo sa tapat nun habang ang kamay ko ay nasa aking dibdib.

My heart still pounding so fast, para itong nagwawala at gusto nang kumawala sa rib cage.

Sunod-sunod na akong napabuntong hininga pero malakas pa rin ang tibok nito.

Hindi ko talaga maikakaila na mahal ko siya, pero ayoko nang maramdaman pa niya iyon, dahil hindi na dapat. Alam kong ramdam na ramdam niya ito dahil sobrang magkalapit kaming dalawa.

"Erisha!" Natauhan na lang ako sa pagkatok ni Michael. Hindi ko alam kung papapasukin ko pa ba siya o hayaan na lang. Pero sa huli ay pinagbuksan ko siya ng pinto, dahil kukulitin pa rin niya ako.

"Erisha ang galing mo kanina, you are even better than Viktorya." Salubong niya sa akin paglabas ko ng dressing room. Blanko ko lang siyang tinignan.

"Hay nako Erisha, huwag mo nga akong maganyan-ganyan dahil alam kong gusto mo rin naman."

"It's ok Erisha ano ka ba? I can see sparks sa inyo. I hope sana makita rin iyon ng mga tao. You two really did great." Ngiting-ngiti pa niyang sabi at hindi ko na rin siyang gustong kibuin, na patungkol pa doon.

"Magbihis na nga lang ako."

"Itong Erisha na ito, may 30 minutes ka pa, huwag mong ibahin usapan." Hindi ko na lang siya muling kinibo at kinain na lang yung french fries na galing sa kanya.

"Erisha naman eeee." Aniya pa at inagaw yung french fries sa akin. Masama akong tumingin sa kanya.

"Ano gusto mong sabihin ko?"

Hindi na lang siya kumibo at muling ibinigay sa akin yung french fries.

"O siya, tawagin mo na lang ako kung aayusan na kita." Aniya at umalis na sa dressing room.

Napabuntong hininga ako pagtingin sa wall clock.

I have still 20 minutes left, to be away with them. Gustong-gusto ko nang umalis sa lugar na ito, but I have still responsiblities here and I agreed to do it, kahit na ayaw ko.

Ang tanga ko rin kasi pumayag ako sa kanila. I have the right to refuse in the first place. Maari siguro na tama si Michael, maybe there is a part of me na gusto ko ang mga nangyayari kanina.

Sige na! Ginusto ko rin naman kasi. At alam kong batid niya iyon.

Huminga ako nang malalim para mabawasan ang pananakip ng aking dibdib.

Kaya mo ito Eris, kaya mo ito. Trabaho ito at kailangan mong gawin ng maayos. Para sa Amaya, Eris. Para sa Amaya.

Huminga muli ako nang malalim saka humarap sa salamin para mag-ayos para sa next photoshoot namin.

"Hala siya! Erisha bakit di ka pa nag-aayos." Aniya at agad na inaayos ang aking buhok. Agad akong napatingin sa orasan, 5 minuto na lang at matatapos na yung break time.

"Sabi kasi sayo tawagan mo ako e, O baka kasi iniisip mo si Fafa Nikko. Sige na Erisha sorry na sa pang-aasar ko, kaya sana gawin na nating itong trabaho natin ng maayos." Aniya pa niya at tapos na siya sa hairstyle ko, ginawa lang niyang wavy ang buhok ko.

"Alam mo gagawin ko talaga ang best ko rito. We've dream for this at hindi ko hahayaan na basta masira ito." Napangiti siya sa sinabi ko at patuloy siya paglalagay ng make-up sa mukha ko.

"Basta Eris kaya mo yan ha." Aniya nang matapos na siyang maglagay ng mga kung-ano ano sa mukha ko. Mas pinatapang niya ang itsura ng mukha ko. Mapait akong napangiti, maganda na rin siguro

"Hay nako Erisha, maganda ka na. Basta galingan niyo ni Fafa Nikko a? Gumawa ulit kayo ng sparks!" Aniya at humahalakhak pa siyang umalis. Napailing na lang ako sa kanya.

Ilang oras na nga ba ang nakalipas...

3 hours?4 hours?5 hours?

Ang gusto ko lang naman ay matapos na kaagad yung ginagawa namin. Ayoko nang patagalin, pero sinasadya yata na ganoon katagal na magkadikit ang mga katawan namin.

Agad kong tinanggal yung make-up na nakalagay sa mukha ko.  Ayoko namang lumabas na pang-fierce pa ang make-up ko.

From: Micha

Hello Erisha, sorry mauna na ako, may emergency kasi dito sa amin. I need to go agad. Dont worry I'm with Taylor.

I replied him na mag-ingat sila roon, malayo-layo kasi yung province nila Michael. I guess magcocommute na lang ako dahil mukhang wala pa akong masasabayan ngayon.

"My lady!" Dali-dali akong humarap sa pinangagalingan ng boses na iyon. It was Mark, tumatakbo pa nga ito palapit sa akin. Ngiti muna ang isinagot ko sa kanya.

"Kamusta ka na? Hindi kita masyadong nakikita kasi sabi nila Michael busy ka lagi." Hay nako si Michael talaga, siguro ay palaging nagpupunta si Mark sa Amaya, ipinagtatabuyan lang nito.

"Ok lang ako." Sabi ko, pero mukhang hindi pa siya kumbinsido sa sinabi ko, siguro ay halatang-halata sa itsura ko na pagod ako, lalo pa at wala akong make-up, makita ang dark circles sa mga mata ko.

"Sana naman huwag mong pabayaan ang sarili mo--"

"I'm perfectly fine Mark" agad kong sabi sa kanya at umikot pa sa harap niya.

"Ok, so kumain ka na?"

Umiling-iling ako. "Not yet."

"Perfect may alam akong masarap na resto na malapit dito."

"Sige tara." Nakangiti kong sabi, hindi na rin naman ako tatanggi dahil nagugutom na rin naman ako, at maganda na rin na may kasama na akong kumain.

Masaya na rin ako kasi may masasakyan na ako pauwi. Atleast I am safe, at ayoko rin naman mag-commute at all.

Hinawakan niya ang kamay ko habang papunta sa kotse niya. I dont mind if he held my hand, lagi-lagi naman na niya iyon ginagawa sa akin kapag lumalabas kami nasanay na rin naman ako.

Nakatingin ako sa kanya habang naglalakad kami.

He is such a nice man, a woman,that wishes to be with. Kahit na lagi siyang binabatikos nila Michael ng harap harapan, hindi man lang niya pinapatulan ang mga ito.

Sana ay makita rin ni Michael at Taylor how nice Mark is. If I have an option to choose who to love again, I probably choose him. Kaso bakit para rin akong nagbubulag-bulagan at di nakikita iyon, hindi ko pa rin siya magawang mahalin.

Napahinto na lang ako dahil mayroon nang humawak sa isa kong kamay, Napahinto rin si Mark at pareho kaming napatingin sa taong nasa likuran ko.

Nakipagsukatan si Nikko ng tingin kay Mark at sa itsura ni Nikko at para bang susugurin niya sa Mark. Kahit si Mark ay hindi rin nagpatalo sa kanya.

"Sorry but I asked her first." Aniya at agad na niya akong hinila palayo kay Mark.

................

Hello guys. Nabuhay ulit ako. Pasensya na po for super lame UD for now.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro