Chapter 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Eris

Kainis naman! Ginabi na naman ako ng uwi. Ako lang kasi ang pinagawa nila doon sa bulletin board namin, ang dami dami pang cut-outs.

Tumingin ako sa pouch ko. Halos manlumo ako dahil wala ng laman yung pera ko, tanging mga resibo ng pinambili ko ng mga materials. Ako rin kasi ang pinag-abono nila.

Naisipan kong tawagan yung driver namin kasi lowbat naman ang cellphone ko.

Kung minamalas nga naman!

Wala akong choice kundi maglakad. Kaya ko naman siguro ito, dahil hindi naman masyadong kalayuan yung bahay namin mula rito.

Medyo kinakabahan nga lang ako sa paglalakad dahil madilim na rin yung aking dinadaanan. Walang masyadong ilaw at mga tao.

Kumapit lamang ako sa aking shoulder bag, na para bang doon ako kumukuha ng lakas.

Maya-maya ay naramdaman ako na sumusunod sa akin. Mas binilisan ko ang paglakad, at bumilis din ang lakad ng mga sumusunod sa akin.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko, sana walang masamang mangyari sa akin, sana makatakas ako sa kanila. Diyos ko, tulungan niyo ako.

Pero sadyang sinuswerte talaga ko ng bigla akong matapilok sa isang humps.

Parang slow motion na lumalapit sila sa akin. Sinikap ko na makatayo kaagad, pero masakit ang aking mga paa.

Noong nakabangon ako, huli na ang lahat. Naabutan nila at at marahas na hinila palapit sa kanila.

"Please huwag!" Tanging sigaw ko lang. Wala pa rin magawa iyon, sapilitan akong hinila ng mga sangganong iyon.

Napapikit na lang ako.Wala akong kalaban-laban sa kanila. Hinang hina na ang katawan ko sa kakalaban sa kanila. Sana may tumulong sa akin. Please gabayan niyo ko, huwag niyo po ako pabayaan.

Mapadaing ako sa sakit nang sikmuraan nila ako

Nagdilim ang aking paningin.. Sinikap kong labanan ang panghihina. Kayo na po ang bahala sa akin, huwag niyo po ako pabayaan.

Huli ko na lang nakita ang liwanag sa pumaparoon sa amin.

........................

Nagising na lang ako sa isang napakagandang kwarto, alam ko sa sarili ko na hindi akin ito.

Nasaan ako?

Pinalibot ko ang aking paningin sa paligid.

Kulay itim at puti ang ding ding nito. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Ganito kasi yung gusto kong combination ng kulay. Napakasimple lang niya , pero napaka-elegante naman na tignan.

Gusto ko ganito yung kulay ng kwarto ko, kasi pink naman yung gusto nila Nanay para sa akin.

Napabalikwas ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad naman akong napalingon doon.

"Lukas." Sabi ko.

"Ligtas ka na." Aniya at niyakap niya ako, ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang mga bisig, ang tibok ng kanyang puso. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa kanyang mga yakap, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, tila ayoko ng umalis sa bisig niya, sana ganito lagi.

Dahil hinding hindi ako magsasawa na kayakap siya.

................................................

Isang linggo na ang nakakalipas hindi ko mapigilan na mahulog ang loob ko sa kanya.Ang kalingang kailangan ko ay ibinibigay niya sa akin. Lagi siyang nasa tabi ko, pinagtatanggol sa mga bully sa school.

Hindi ko na mapigilan ang aking sarili, mas lalo ko na siyang minamahal.

Isang araw pagpasok ko, halos manlaki ang mga mata ko na makita.

Isang bouquet ng tulips ang nasa harapan ko.

Ayoko pa sanang lapitan iyon, baka kasi may nanloloko lamang sa akin at napagtripan lang itong upuan ko.

Agad kong kinuha ang note na naroon.

Dear Eris

I know this is corny but this is my only way para sabihin ko na mahal na mahal kita. Ngayon lang kasi ako magkaroon ng lakas ng loob na magtapat sayo.

Una pa lang kita nakita, agad na akong namangha sayo, kahit na gulo gulo ang buhok mo, ang damit mo, at kahit pawis na pawis ka pa. Sadyang gandang ganda talaga ako sayo

Lumipas ang araw, buwan... hindi ka pa rin maalis sa isip ko. Masaya ako na lagi kitang nasusulyapan. Ikaw kasi yung tipo na gumaganda habang tinititigan. Kahit hindi ka pa mag-ayos, kahit hindi ka maglagay ng kung ano anong kolorete sa katawan, ikaw pa rin ang maganda sa paningin ko.

Tapos sa tuwing nakikita kita, pumipintig ng malakas yung puso ko at ikaw ang isisigaw

Pasensya ka na kung ganito lang yung nasulat ko. I'm not good at words. Pero lahat na sinsabi ko ay totoo.

Lalo na pag sabihin ko na mahal na mahal kita Eris.

Sa bawat salita na nakasulat doon ay ramdam na ramdam ko ang sinseridad at pagmamahal ng nagsulat nito. Lumalakas at tumataba ang aking puso. Tila ba ang saya saya ko dahil may nagmamahal din pala sa akin ng ganito. Akala ko wala na, dahil ni minsan hindi ko naranasan ang salitang pagmamahal kahit pa sa mga magulang ko na siyang unang dapat mag-bigay sa akin niyan.

Maswerte lang ako dahil nabiyayaan ako ng mga mabubuting kaibigan tulad ni Anikka.

Pero iba ito.. Pakiramdam ko mas ipadarama niya ang salitang ito sa akin mas bibigyan niya ng kulay ang aking buhay.

Nagpatuloy pa ako sa pagbabasa.

Kung gusto mo ako makilala, lingon ka lang sa may pintuan ng classroom niyo, nandoon lang ako... Nanghihintay para sayo.

Dahan-dahan akong lumingon ako sa pintuan. Ito na siya... ang prince charming ko.

Si Lukas...

Lukas na nakatitig lang sa akin, siya ba yung nagbigay sa akin nung letter.

Ito lamang ang pintuan namin, siya ba talaga?

Mahal din niya ba ako?

Parang gusto kong humiyaw sa kilig. Sa kanya talaga galing ang lahat ng iyon.

yes! yes! yes!

Yung pakiramdam na parang nanalo ulit kami sa lotto.

Maya maya ay lumapit siya sa akin, nakatitig lamang siya sa akin. Para akong tutunawin ng kanyang brown na mga mata.

Tila natameme na naman ako, habang papalapit siya at mas lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko.

"Lukas ano ito? Mahal mo ako?"

"Oo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro