Chapter 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Lagi niya akong sinasabihan ng baliw

Baliw na baliw naman ako sa kanya e.

Lagi na lang niya akong pinagtatabuyan palayo sa kanya. She wanted to be alone.

Ayoko naman na hayaan siyang mag-isa, gusto ko kasama niya akong haharapin lahat. Willing naman ako tulungan siya e, pero sadyang ayaw niya talaga.

Minsan gusto ko nang sumuko, parang hindi ko pala kayang ibalik yung dating Eris, hindi rin yata ako welcome sa buhay niya.

Gustong gusto ko na talagang sumuko, hindi pala madali itong gagawin ko.

"Eris has her soft side to, I knew it. It takes time to see it, just don't give up on her because I know that she is just upset because of that man." Hindi ko pa rin kinikibo si Taylor, yung kaibigan ni Eris. Sakto kasing nakita niya akong nakaupo sa tapat ng pintuan ni Eris.

"Just promise me, you'll take the old Eris back ok?"

"I promise."

"Very well then!" Nakangiti niyang sabi sa akin.

Thanks to her, she gave me a little hope. I guess I should try again. After all these years kinaya kong hintayin siya, sigurado ay kakayanin ko rin ito.

Nagulat ako sa sinabi ni Taylor na isasama nila ako sa lakad nila, I really dont expect that, nakisakay na lang ako, baka sakali lang.

Alam kong ayaw niya ako isama kila Taylor, pero mabuti napilit siya. I guess I need to try again, wala naman kasing mawawala, nagbabakasakali lang naman ako.

Itong pagkakataon na binigay sa sakin, hinding-hindi ko itong sasayangin. I'll make Eris mine, alam kong mangyayari iyon.

Ang saya-saya ko nun na katabi ko siya. Iritang irita pa nga siya sa akin noon, pero ayos lang atleast kasama ko siya. Ayaw pa nga niya akong katabi, kaya natulog siya noon sa couch.

Nakatingin ako sa kanya noon habang natutulog. I smiled because she looks peacefully, lagi kasi siyang malungkot, akala mo pasan niya ang mundo.

Tsk. Nandito naman kasi ako,

Dali-dali akong umalis ng ginalaw niya yung ulo niya, baka mainis pa iyon sa akin kapag ako ang nadatnan niya pagising niya.

Pagbalik ko sa living room wala na siya. Agad ko naman siyang sinundan doon.

Handa naman akong saluhin siya noon pa man.

Noong gabi na nawala siya dali dali ko siyang hinanap.

Ayokong mag-isa siya doon, alam kong nalulungkot siya.

Agad ko siya nakita doon sa isang maliit na silong yakap-yakap yung sarili niya. Malayong-malayo sa tipikal na Eris na nakikita ako. Para siyang batang iyak ng iyak dahil naliligaw siya. Parang ako yung nasasaktan sa sitwasyon niya, pakiramdam ko pinabayaan ko siya kaya siya nagkaganito.

Biglang nagliwanag yung mukha niya at niyakap ako. Hagulgol siya ng hagulgol doon. Siguro ay sobra talaga siyang natatakot.

Kaya, gusto kong iparamdam sa kanya na walang masamang mangyayari sa kanya. Niyakap ko rin siya noon, yung pinakamahigpit na kaya ko.

Hanggang sa namalayan ko na lang na nakatulog lang siya sa mga bisig ko.

Huwag kang mag-alala Eris, nandito na ako, hindi ka na mag-iisa pa.

Kinabukasan iniwan ko muna saglit si Eris para maghanap ng makakain, sigurado nagugutom na iyon. Binilisan ko na rin dahil baka matakot na naman iyon. Kailangan nandoon ako kaagad.

Pagpabalik ko nakita ko ang pagkabigla sa kanya.

Tinanong niya ako noon kung bakit ako umalis, sabi ko naman naghahanap ako ng makakain.

Siguro ay hinanap niya ako, baka naman din inisip niya na iniwan ko siya. Gusto kong matuwa sa naisip kong iyon. Sana nga.

At hinding-hindi ko makakalimutan yung mga oras na iyon dahil for the first time she smiled at me, doon ako nabuhayan ng loob.

Pagbalik sa camp ngisi ni Taylor ang sumalubong sa amin. Noong kami ngang dalawa noon sa kusina, pilit niya akong kinukulit baka may nangyari sa aming dalawa.

Isa lang ang sagot ko kay Taylor.

"Nothing."

Kahit na dismayado si Taylor dahil wala akong kinuwento sa kanya, sinabi pa rin niya yung favorite ni Eris.yung baked and mac na yun. Mabuti na lang din at sinabi ni Taylor yung recipe sa akin.

Hindi ako nagsasawa na lutuan siya nun, para sa kanya, talagang hinding-hindi ako magsasawa. Araw-araw nagpupunta ako sa kanila, dala-dala ko iyon saka gusto ko rin siyempre na kasabay siya laging kumain. Para sa araw-araw niya atleast pag breakfast niya, sinasabayan ko siya, hindi siya mag-isa.

Sa tingin ko iyon naman ang kailangan ni Eris, yung dapat may karamay siya. I knew that she is just acting to be strong, pero nagiging mahina rin siya. Nakita ko iyon noong naligaw kami sa gubat noon.

That day noong napilit ko siyang lumabas. Doon ko rin kasi balak ibigay yung sketchpad para sa kanya.

As she opened her sketchpad may nakita akong isang wedding gown, nagkukwento siya doon

Dito una siyang nag-open sa akin, doon ko naunawaan lahat. Galit na galit ako kay Lukas, dahil sinisisi ko siya sa lahat kung bakit hindi ko noon makuha si Eris. Kasalanan ko pala kasi nagpatalo ako noon, hinayaan ko ang sarili ko na lamunin ng takot.

Hanggang sa may nakita akong suit doon, she designed it for him. Hindi ko naman masisi yung sarili ko na maingit doon. Kaya sabi ko kay Eris gawan niya rin ako, kaya binigyan ko siya ng bago.

Sana nga gawan din niya ako na ganoon.

Pagkabigay ko sa kanya nung sketchpad itinapon ko yung luma. She can't forever stick herself on the past, she must move on, at sisikapin kong tulungan siya doon.

Nauna ako doon sa may kotse, at doon nakita kong kinuha niya ulit yung luma niyang sketchpad. Hindi ko na siya kinulit pa tungkot doon, siguro ay sadyang importante sa kanya yung bagay na iyon.

Atleast tinanggap niya yung akin.

Basta sisikapin ko na alisin yung lungkot sa puso niya. I ibabalik ko yung dating Eris na masiyahin, mabait, understanding.. Yung first love ko.

Hanggang sa isang araw, sumumpong na naman yung asthma ko. Gusto ko man bumangon para puntahan siya doon, binawalan ako nung doctor ko.

Pagdilat ko na mga mata ko, hindi ko inakala na siya yung una kong nakita.

Ang sarap siguro sa pakiramdam kung yung laging mukha niya yung bumubungad sa akin pagkagising ko. Masayang-masaya ako nung kasama ko siya sa ospital. Kung alam lang niya kung paano niya ako napapasaya sa simpleng bagay na ito.

Masaya ako nung pumayag siya na tumira sa akin, mas lalo ko siyang maalagaan doon.

Kaso biglang dumating yung kapatid ko na si Lauren, hindi ako natuwa sa pangit na pakikitungo niya kay Eris. Kaya nag-away pa yung dalawa, at pinili na lang na umalis ni Eris.

Nakakainis nga e, nadulas pa ako sa kanya, buti nakalusot rin ako.

Pero isang araw naisipan kong ipagtapat na rin ang lahat sa kanya. Pero iniiwasan niya ako. Palihim ko siyang sinusundan sa mga lugar na pinupuntahan niya, kapag alam niya nandoon ako, aalis na siya.

Masyado ko ba siyang nabigla sa sinabi ko?

Kaya hindi ko muna siya sinundan. I should give her space, maybe I creep her out. Dapat ay hindi ko na lang ginawa iyon.

Hanggang sa nagkayayaan kami noon sa club, I was dared so I got really drunk, then I saw I girl. Thought It was Eris kaya sinunggaban ko. Matindi na yata yung tama ng alak sa akin kaya nagawa ko ito.

"Get a room please."

Then I saw her staring at us, bigla akong natauhan, I got a wrong girl.Ang sama ng tingin niya sa akin. Patay.

Gusto kong matuwa dahil baka nagselos siya, but I just made the situation worse.

Pagkatapos na pagkatapos ng trabaho ko ay agad ko siyang pinuntahan sa bahay niya. Hindi ko rin naman siya kayang tiisin pa, saka baka pansinin na niya rin ako.

Nagtataka ako kung bakit bukas yung pinto ng bahay niya, lagi naman iyon nakasara. Dali-dali akong tumakbo doon baka kung ano na ang nangyayari sa loob.

Magulong magulo yung mga gamit sa loob, iyon ang bumungad sa akin.

Ang lakas lakas ng pagkabog ng dibdib ko sa kaba. Sana walang mangyaring masama kay Eris.

Hanggang sa may marinig akong mga hikbi.

Halos gusto ko nang pumatay ng makita ko ang ginagawa nila kay Eris.

Naalala ko tuloy yung nasa gubat kami noon. Yung takot na takot siya. Dapat ay naging makulit na lang ako at sinusundan sundan pa rin siya, para maprotektahan ko siya at hindi na nangyari sa kanya iyon.

"Nikko!" Sigaw niya at doon ko na naramdaman yung punyak na nakasaksak sa akin.

Noong nasa ospital ulit ako siya yung nag-aalaga sa akin. Ang sarap niya talagang mag alaga. Sana ganito na lang kami lagi.

Ayaw niyang bumalik sa bahay niya sinigurado ko na sa akin na siya titira. Kinuntsaba ko pa nga si Taylor kasi sigurado ako na sa kanya tatakbo si Eris. Mabuti na lang at sumakay si Taylor, maasahan talaga.

Masayang-masaya ako na napapayag ko rin siya, kasi mas maalagaan at mapoprotekhan siya doon. Mas masaya nga kung hindi na siya aalis doon e.

Kung buntisin ko kaya?

Napailing ako sa naisip. Bahala na lang siguro ang tadhana, basta kasama ko siya ok na ako doon.

Kinabahan nga ako noong nakita niya yung high school picture ko, baka sakali na nakikilala niya ako. Pero hindi pa rin pala.

Kahit na may sugat pa ako pinipilit ko siyang lumabas. Gusto ko kasi lagi siyang nalilibang. Ganun naman kapag magmu-move on diba? Dapat nalilibang din. Mas mahirap kasi kung lagi siyang nagmumukmok.

Tapos may matandang pintor na natuwa sa amin. Buti pa siya nakita yung chemistry namin, siya hindi! Pero masaya na ako kasi may libreng painting kaming dalawa at ang ganda ng smile niya doon.

Kapag ako talaga ang minahal niya. Sisiguraduhin ko na laging lalabas yung smile na iyon sa kanya.

Nakulit ko rin siya mag-ice skating, natatakot pa nga siya noong una, kaya sinabi ko na sasaluhin siya.

Sasaluhin ko dapat siya, kaso pati ako nadulas kaya iyon napilayan. Buti ay hindi siya nagalit sa akin nun.

Isang buwan na kaming magkasama, masaya naman ako kasi alam kong masaya rin siya. Sinakap ko na huwag siyang mainis sa akin, huwag siya mabore, para hindi na niya maisipan na umalis pa.

Noong birthday niya sinubukan ko na magtapat ulit sa kanya, pero anong sinabi niya sa akin, lasing lang ako.

Masakit, pero hindi ko naman siya masisi. Dapat maging masaya ako sa kung ano man ang meron kami, alam kong hahantong din naman kami doon.

Masakit sa akin noon nang naisipan niyang umalis dahil kay Mama. Wala rin naman akong nagawa kaya hiniling ko na sana ay mag-extend naman siya kahit kaunti lang. Kasi lalayo na naman siya sa akin.

Sinulit ko yung oras na kasama ko siya. Nagstargazing kami, kumain, at pakiramdam ko ang sweet niya sa akin. Talaga pinagbibigyan niya ako a.

Salamat naman doon.

Kinabukasan nagising na lang ako na wala na siya sa tabi ko,

Masakit sa akin yung lumipat siya ng walang pasabi sa akin.

Pero wala naman akong magagawa kundi hanapin siya. Pero iyan na naman e, lumalayo na naman siya at hindi ko maintindihan kung bakit siya lumalayo sa akin. Ok naman na kami.

"Naguguluhan na ako kasi hindi ko alam kung bakit unti-unti na ako nahuhulog sayo."

Pero nagimbal ako sa sinabi niya. Totoo ba ito?

Gusto kong magtatatalon sa saya. Baka meron na siyang nararamdaman sa akin, sa wakas! Napakasaya ko talaga. Sobra! Konti na lang Nikko. Konti na lang.

Buti hindi ako bumigay agad, all of those are worth it when she said she loves me too. Lahat ng sakit nawala noon. Sabi ko sa sarili ko, aalagaan ko siya ng mabuti, hinding hindi ko siya pababayaan, hindi ko siya paiiyakin. Ayoko na siyang bitawan pa

Ang ganda ganda ng moment namin doon tapos inistorbo kami ng mga officer doon.

Tapos napapansin ko na naging makulay na rin yung mga sketch niya, hindi na tulad ng dati na black and white, tapos naging masiyahin na rin siya. Napakarami na talagang nagbago.

I really made I good job then.

Sa kanya ko unang binigay ang sarili ko, I really reserve myself for her. Oo alam kong unfair dahil hindi ako yung nakauna sa kanya, pero para sa akin, mahalaga pa ba yun? Hindi naman iyon ang habol ko sa kanya. I just want to be her last, iyon ang mahalaga sa akin.

Tapos sabi ko nga sa kanya hindi na niya kailangan maghanap ng trabaho kasi kaya kong ibigay ang lahat sa kanya, pero sabi niya hindi kami mag-asawa. Kaya biniro ko, na pakakasalan ko na siya.

Kung pakasalan ko nga talaga kaya siya?

Kaya nung inaya ko siyang magpakasal, isa iyon sa pinakamasayang araw sa buhay ko. I can buy her expensive rings, pero kasi exited na ako kaya tinaling sinulid yung ibinigay ko, pero papalitan ko yun ng maganda.

That day when I was supposed to give that ring to her, doon niya sinasabi na ayaw na niya.

"Hindi kita minahal."

Iyon yung pinakamasakit na salitang natanggap ko sa kanya. Bakit kami humantong sa ganoon? Saan ba ako nagkulang sa kanya? May nagawa ba ako.

Bakit niya ito ginagawa sa akin.

I want to convince myself that maybe she really loves me, but she already hurt me. Kung mahal niya talaga ako, bakit niya ginawa sa akin ito. Sa lahat na lang ng mananakit sa akin bakit siya pa.

Sa huli tinapon ko na lang din yung singsing. Wala rin palang kwenta dahil wala na yung babaeng magsusuot nun, binitawan na ako.

Maybe I can really understand why Eris wants to comit suicide, because of pain.

Masyado palang masakit, sobra.

I got drunk all night, sabi kasi nila nakakalimot daw ang alak, pero hindi niya, wala pa ring epekto, nandoon at nandoon pa rin yung sakit. Sana nga panaginip na lang ito at gigising ako nasa tabi ko na si Eris.

Binuo ko siya pero ako naman yung sinira niya.

Nagpakalayo ako para makatakas sa sakit, pero araw araw na lang ako minumulto ng alaala naming dalawa.

Ayoko na.

Tinanggap ko yung alok ni Lauren na kasal, wala rin naman saysay ang buhay ko. Baka sakali rin na makalimutan ko siya.

I tried myself to do my responsibilities as a husband to her, pero wala e. It did not work. Alam ko rin naman kasi sa sarili ko na hindi naman ako gumawa ng paraan to make it work. Ayoko, dahil hindi ito yung gusto ko, hindi ito yung sinisigaw ng puso ko.

Ito ang hirap sa akin, I let my heart take over my mind.

Para sa akin, iyon ay isang pagkakamali na nagawa ko sa buhay ko.

Hinayaan ko na lang si Lauren sa kung anong gusto niyang gawin sa akin. I felt like this body is very lifeless. Yung tunay na ako, patay na. Pinatay niya.

Walang-wala na yung dating ako. I doesn't exist anymore.

Naiinis ako dahil si Eris pa rin ang hinahanap-hanap ko. Naiinis ako kasi yung taong pinakananakit sa akin at minamahal ko pa rin hanggang ngayon.

Naiisip ko nga, kung iparanas ko sa kanya yung ginawa niya sa akin.She killed me, after what I've done for her.

I just focused on running the business, I became more strict, more cold and my company is running better than before.

And I think that I did very well, siguro ay dito talaga ako nakatalaga, kailangan kong tanggapin iyon.

Hanggang sa may nakita akong fashion magazine na nakalapag sa table nung secretary ko.

Napakaganda niya talaga. Mas lalong hindi na siya yung dating Eris. Napakarami na talagang nagbago.

Her long black hair, her eyes and her full lips really makes her beautiful.

Maayos na maayos na pala yung buhay niya, lalo na yung kanyang career as a fashion designer ngayon tapos naging naging model pa.

I smiled, buti pa siya mukhang ok na.

While me, ito pinipilit na maging masaya. Pilit pa rin tinatakasan ang nakaraan.

Buo na siya, samantala ako ito hindi ko alam kung magiging tulad pa ng dati.

I am totally wrecked.

But that was before.

A smile escaped to my face a saw my girl running towards me, my new hope and my forever.

"Hope." I smiled.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro