Chapter 31

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Mas gumanda na ng mga sketch mo Eris a." Aniya habang sinisipat sipat yung sketchpad na bigay niya sa akin.

Ito kasi yung pinagkakaabalahan ko habang wala si Nikko. Isang linggo dapat siya mawawala dahil meron daw silang conference sa Singapore, pero pangatlong araw pa lang ay bumalik na siya kaagad.

Aminado ako na namiss ko siya. Noong unang araw ng pag-alis niya hindi ako nun nakatulog sa gabi. Hindi na yata ako sanay ng walang katabi.

Pero dapat ay mayroon kaming mga bagay na dapat unahin at pagtuunan ng pansin. Hindi namin pinababayaan yung isa't isa at dapat hindi rin namin pabayaan yung mga nasa paligid namin.

"Ang dami ng kulay o. Mas masaya na siyang tignan."

"Siyempre naman, masaya na nung gumagawa." Sabi ko.

"At dahil sa iyo iyon Nikko." Inspired na inspired kasi ako

Nakaappreciate na rin ako ng mga ibang kulay, lalo na yung mga iba't ibang variations ng yellow. I also like the colors of blue and red. Tama siya maganda rin kung dadagdagan ko rin siya ng mga ibang kulay.

"Mag-aapply ka Eris?" Aniya nung makita niya yung curriculum vitae ko sa lamesa. Katabi rin kasi nito yung sketchpad.

"Oo naman, It's time para naman na suportahan ko naman sa sarili ko, and I miss to be an fashion designer Niks."

"But I can provide you your own boutique kaya rin kita--" I put my index finger on his lip.

"Ayoko isipin ng mama mo saka ng kapatid mo na pineperahan kita. Gusto ko lahat ng makukuha ko ay pinaghirapan ko. Ayoko rin naman masumbat nila pati iyon sa akin." I still can't forget kung paano nila ako sabihan ng goldigger noon. Yung mga titig nila na may halong pagduda at iniisipan na huhuthutan ko lang si Nikko ng pera.

Yes, I am a bitch but not a golddigger.

"Eris, i know you dont need to prove yourself to them. Hindi pa ba sapat na ako at ng mga kaibigan mo ay naniniwala sa'yo." May punto siya roon. Pero kahit na gusto ko pa rin na patunayan sa Mama niya at sa kapatid niya, hindi lang sa kanila, kundi sa kung sinoman diyan, na I am worthy for him.

Kahit iyon lang.

Ayoko kasi yung maririnig ko sa iba na hindi sila bagay dahil ganito.. ganito.. Napakarami nilang idadahilan. Maybe those people are insecure. Dapat nga ay isawalang bahala ko yung mga ganoon.

But still I want to prove myself that I am worthy.

"Kahit na Nikko, mag-aapply pa rin ako. We still have our own lives." Napayuko si Nikko sa sinabi ko.

"Oo kanya-kanya pa rin talaga tayo no." Inangat ni Nikko yung tingin sa akin. Kita ko sa nga mata niya yung lungkot. It is not that. Ayoko lang naman na masyadong umikot yung mundo niya sa akin.

"I love you ok." Sabi ko at hinawakan yung kanang kamay niya. Ito lang yung magagawa ko para maalis yung lungkot sa kanya.

"I love you too Eris." Aniya pa at ninakawan pa ako ng halik.

"Pampaswerte yan." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Ito yung isa sa gusto ko kay Nikko. Hindi siya tampururot, hindi rin siya marunong magalit. Kaunting lambing lang, Ok na ulit siya.

........

Kinakabahan ako sa mga tingin nila doon sa may sketchpad ko. Hindi ko malaman kung nagustuhan ba nila yung sketch ko o hindi.

Sana naman ay magustuhan nila. I want to be back on my job as a fashion designer.

Mapait na ngumiti sa akin yung HR at ibinalik sa akin yung sketchpad.

"You may have a beautiful portfolio, but this is not we are looking for." Natulala lang ako roon sa may sketchpad ko. Hindi . Nangalawang na ba yung kamay ko.

Tumingala ako muli sa kanila.

"But sir please give me chance."

"Sorry miss." Marami pa naman diyan. Hindi naman ako mauubusan.

Kumunot yung noo ko nang makakita ako ng tao na tila pamilyar sa akin.

Si Lauren iyon. Mukha pa ring siyang mataray sa make-up niya, naka yellow off shoulder dress ulit siya. Light yung pagkayellow niya, kaya para siyang umitim, hindi niya talaga bagay na mag-suot ng ganoon dahil marami pa rin siyang freckles sa balikat, masyado rin siyang payat at hindi rin siya magaling magdala ng damit. Napailing lang ako sa kanya lalo pa at ang sapatos niya pa ay high knee na boots.

Marami rin siyang mga kasama na mga lalaki, mga bodyguards siguro, dahil pare-parehas sila ng suot. Inisip ko kung babatiin ko ba, ngingitian ko, o huwag na lang.

Sa huli ay nginitian ko na lamang siya, pero hindi niya ako pinansin. Ni hindi man lang siya lumingon sa direksyon ko.

Maya-maya ay binalikan niya ako.

"Applying for a job."

"Yes." Tumango-tango lang siya sa akin. Napangiti ako dahil mukhang mabuti na ang pakikitungo niya sa akin dahil nakangiti rin siya sa akin. Hindi yung una kami nagkita, nakabusangot na siya kaagad sa akin.

Bumaba yung tingin niya roon sa may sketchpad ko.

"Can I borrow that." Aniya. Agad ko namang binigay iyon sa kanya. Tumango tango siya habang tinitignan yung mga iyon. Buti pa siya nagustuhan yung ginawa ko.

Nanlaki yung mga mata ko nang pinutin niya yung isa sa mga sketch ko. Akma kong kukunin sa kanya iyon, pero agad akong napigilan nung mga bodyguards niya.

"What a horrible design." Gusto ko siyang pigilan. Ayokong tuluyan na sirain ni Lauren iyon, bigay sa akin yun ni Nikko. Pero wala akong magawa, sobrang higpit ng hawak nung mga bodyguards niya sa akin.

"Please akin na iyan! Huwag mong sirain." Sabi ko at nanlalaban pa rin. Hindi niya pwedeng sirain yung sketchpad ko. Kailangan ko pang maghanap ng trabaho ko at iyon lang yung maipapakita ko sa mga tatanggap sa akin sa mga iba't ibang clothing line na kumpanya.

"Oops nasira na e." Aniya at sinadya niya pang sirain yung huling page. Doon na ako binitawan ng mga bodyguards niya, kung kailan huli na.

Biglang nagdilim yung paningin ko at sinugod siya roon. Pero agad akong hinarangan ng mga bodyguards niya at itinulak ako.

"Sasaktan mo ako! Sige!" Aniya pa. Tanging masasamang titig lang yung maigaganti ko sa kanya. Kung nakakamatay lang yung talim ng titig ay baka mapatay ko na siya kanina pa.

Umiiyak lang ako habang pinupulot yung sira sira kong sketchpad. Ang hirap kong inis-sketch ito, tapos ito lang pala ang kahahantungan. Hindi rin ako agad makakahanap ng trabaho. Sobrang nahihiya na nga ako kay Nikko dahil siya na yung gumagastos sa mga pantustos ko.

Nakatingin lamang ako roon. Kung sana kapag tinitigan ko ang mga iyon ay agad din silang mabubuo. Wala naman akong superpowers para gawin iyon.

"Hindi ko alam kung bakit nagkagusto yung kapatid ko sa'yo e." Nakayuko pa rin ako at pilit na hindi pinapakinggan yung mga sinasabi niya.

"Kahit kailan, kahit ano pang gawin mo, hindi ka babagay sa kanya. Alam mo kung bakit? Kasi patapon ka." Huminto siya sagli at umupo para mapantayan ako.

"At darating din yung isang araw na itatapon ka niya ng tuluyan na parang basura."

Tila punyal na sumasaksak sa dibdib ko ang sinabi niyang iyon. Pinapamukha niya talaga sa akin na hindi ako karapat-dapat sa kapatid niya. Sino ba yung sa tingin niyang karapat-dapat sa kay Nikko?

Nikko is a nice person and I am a bitch. Pero ginagawa ko naman ang kaya ko para maging karapat-dapat pa rin sa kanya. Kahit sa tingin ko ay hindi ko deserve yung pagmamahal na ibinibigay niya sa akin.

Saka kilala ko si Nikko, mahal ako nun at hinding-hindi niya gagawin sa akin iyon.

"Kaya goodluck sayo!" Alam kong plastik lang yung ngiti na iginawad niya sa akin. Gustong-gusto kong lumaban, pero tila nanghina ako sa mga ginawa at pinagsasasabi niya sa akin. Isa pa may mga kasama siyang bodyguards na poprotekta sa kanya. Napakaseguristang babae.

Nakayukom lang ang aking kamay at pinipigilan na tumulo ang aking luha. Alam kong mukha na akong mahina, ayokong mas magmukha pang mahina.

Halos mapaluha na ako dahil binato pa niya sa akin yung mga pira-pirasong papel na nasa kamay niya.
"Iyan ang bagay sa patapon na katulad mo bye!" Agad silang umalis na tila walang nangyari. Mga walanghiya sila!

Iyon lang ang nagawa ko, murahin sila sa isip ko, tignan sila ng masama.

Inis na inis ako sa sarili ko dahil hindi man lang lumaban para ipagtanggol ang sarili ko. Hinayaan ko lang na tapak-tapakan lang niya ako.

Yung pagkaingat-ingatan kong sketchpad, hinayaan ko lang din na sirain niya. Ito yung unang bagay na ibinigay sa akin ni Nikko. Mapait ako napangiti nung makita ko na buo pa yung Eris' new adventure.

Napakahina mo pa rin talaga Eris!

Agad kong nakita yung sarili ko sa salamin, medyo gulo-gulo yung buhok ko, pati na rin yung damit ko.

Patapon na ba talaga ako?

Umiling ako at tumayo.

Hindi.. Hindi ako patapon.

Nabubuo na ulit ako. Alam kong babalik din ang lahat sa akin, makakabangon rin ako.

Inayos ko ang sarili ko tapos ay umalis na roon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro