Chapter 31

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Michael, hindi pa tayo tapos!" Hinarangan ko siya bago siya pumasok doon sa may kitchen.

"Erisha naman e.  Ang kulit kulit mo.  Pipingutin na kita naiinis mo ko."

Hindi pa rin ako natinag at mas iniharang ang sarili sa my pintuan.

"No! Hindi ko titigil hangga't di mo inaayos ang sagot mo!  Bilang kaibigan mo--" Nilapat ni Micha ang hintuturo sa labi ko. Agad ko namng hinawi iyon.

"Umayos ka nga kasi! Ano bang nangyari at nagkaganoon ang boses mo kahapon.  Hindi ka naman ganyan."

"Fine Eris." He sighed at halatang iritable na sa akin.  Well I do not care about it.

"I am just scaring you out ok?  Alam mo naman kung gaano ko kaayaw ka Mark para sa'yo.  Huwag ka ngang nag-iisip ng kung ano.  Sabunutan kita diyan e." Aniya,  dahan dahan niya akong inalis sa pintuan.

Hindi pa rin ako papatinag.

"I guess you are impressed with this voice." Ayan na naman yung baritono niyang boses e!  Umalis ako kaagad sa harapan niya at tinulak siya papasok sa kitchen.

"You creep!"

"Whatever Erisha hindi na kita ipagluluto."

"Ok fine.  I wont bother about it again." Hay kung hindi lang masarap ang sinangag ni Michael, talagang hindi ko siya titigilan. 

Pero marahil ay tama siya.  Hindi dapat ako nag-iisip pa ng kung ano anong bagay. I'm getting paranoid over small things.

"Eris look at the peephole!"

"Teka saglit!" Wala na kong nagawa kundi magpatianod sa panghihila ni Taylor.

Muling sumilip si Taylor pagkatapos iginiya niya ako sa may pinto.

"Now look."

Agad akong sumilip doon,  nandoon nga si Nikko nakasandal sa may dingding, mukhang doon na nakatulog dahil iyon pa rin ang suot niya kagabi at nakapikit ang kanyang mga mata. 

Agad akong humiwalay sa may pinto.

"What do we do E?"

"Let him be, don't bother." Saad ko at pumunta muli sa kitchen.

"Erisha!"

Tinaasan ko lang ng kilay si Taylor nang humarang siya sa dinadaanan ko.

"Ok fine,  it is your problem though." Aniya at nauna na siyang pumasok sa kitchen.

I rolled my eyes.  Fine! Just for this day. Napabugo ako ng hangin bago ko ipihit yung doorknob. Pagkabukas ko ng pinto,  nandoon pa rin siya sa mahimbing na natutulog. Tumikhim  ako pero hindi man lang siya natinag sa pagkakatulog.

Lumuhod ako at tinapatan siya.  I can't help myself to stare his face, starting from his long lashes,  pointed nose,  and his lips. Since I admit that I was inlove with him,  I'd like to stare him,  especially at his lips.

His lips that I would always love to kiss.

"Eris." Dahil sa pagtapik na iyon ni Taylor, mabilis akong lumayo sa mukha ni Nikko at tinapatan ko sila.

They stare me like I did something fishy.

Well..  Almost Eris!  Almost!  Dahil kung hindi ka pa tinapik ni Taylor,  mahahalikan mo na si Nikko.

Tila doon ako bumalik sa akin sarili at gusto kong sabunutan ang sariling buhok.  Bakit ko ba ginawa yun.  Tanga tanga mo talaga Erisha!

"Erisha,  kami ay-"

"Aalis na kayo?" Nagtataka kong sabi.

"Oo,  kailangan pala maaga kami sa office kaya ito,  take-out na lang." Ani ni Michael at tinaas pa nila yung paper bag nila.

"Huwag niyo naman akong iwan dito." Bulong ko pero madiin pa din ang pagkakasabi ko. I can't bear it anymore kung kaming dalawa lang ng maiiwan dito. Lalo pa't halos mahalikan ko na siya!

"Hay nako Erisha,  carry mo na yan.  Let's go Taylor." Sabi ni Micha,  habang ngumisi lang sa akin si Taylor.

"O siya Erisha,  be a good girl."

I rolled my eyes,  whatever!

"Bye!" Sabay pa nilang sabi bago tuluyang umalis.

Dali-dali naman akong pumasok sa loob at kinuha yung bag ko.  Aalis na rin ako,  I guess Nikko can handle himself, since wala namang nangyari sa kanya nitong mga nakaraang oras.

Napatingin ako sa maamo niyang mukha at mukhang hindi pa rin natitinag ang mahimbing niyang tulog.

Bahala siya sa buhay niya,  tutulog tulog siya sa unit ko! 

"Eris." He speak softy. Diretso pa rin akong naglalakad,  bahala siya diyan. 

"Eris!" Lumingon ako sa kanya. Tuluyan na siyang nakatayo at matalim na nakatingin sa akin.

Fine, just for this day!

"Halika doon." Saad ko.  Agad naman siyang tumayo at sumunod sa loob.  Pinaupo ko siya doon sa may counter.

"Mukhang di ka pa kumakain,  igagawa na lang kita ng sandwich."

Habang gumagawa ako nakatitig lang siya sa akin.  That creep,  ito na naman siya.  Can he just stop staring?  O baka mabato ko na siya nitong sandwich kapag hindi pa siya tumigil. 

Dito tinaasan ko na siya ng kilay.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?"

"I just missed your sandwich." He smiled at dahan dahan siyang lumapit sa akin para matapatan ako.

"Bakit ka naman tumigil?"

"I want my sandwich." Saad niya habang nilalapit niya yung mukha niya sa akin.

"O hahalikan kita tapos--"

"Ok gagawa na ko." He grinned, agad akong nainis at binato ko sa kanya yung isang loaf.  Nasalo naman niya iyon saka niya kinagatan.

Para siyang bata kumain ng sandwich,  may sauce pa na naiiwan sa bibig niya.

"Eris?" Natigilan siya nang nailapit ko ang mukha ko sa kanya.

Agad akong pinunasan yung sauce sa gilid ng labi niya. Pagkapunas agad kong pinakita sa kanya yung daliri ko na may bahid ng sauce.

"Para kang bata."

"Sorry,  Bigla kasi akong nagutom.  Ang tagal na pala noong huli mo kong ginawan nito.  It's still taste the same."
Aniya at kumagat pa siya ng isa. Dalawa yung ginawa ko sa kanya.  Sabi na e.  Hindi lang siya at nakamiss neto.  Ako rin,  I missed making sandwiches for him.

"Do you still remember,  noong nasa New York tayo.  Tuwing umaga pinupuntahan kita para lang ito." Saad niya at kumagat uli.

Tumango lang ako sa kanya.  Yes, I remember every single detail of it.  Kapag naiisip ko,  parang lahat sila ay nangyari lang kahapon.  I sighed.

"Pagkatapos mong kumain diyan, pwede ka nang umalis.  Mauuna na ko.

"Eris" Bigla niyang hinila yung braso ko, dahil doon ay nasubsob ako sa dibdib niya.

Agad naman akong lumayo sa kanya,  pero naging maagap lang siya at nahila niya akong pabalik sa kanya.

"Dito ka lang." dagdag niya saka niya niyakap yung baywang ko.

Parang gusto kong magpalamon sa lupa. Tila lahat yata ng dugo ng napunta na sa ulo ko. I can't bear to think where am I right now. I am between his legs! And I know that I am red as a tomato.Kitang kita niya lahat ng iyon.

Nakakahiya.

Maya-maya ay hinawakan niya at baba ko at iniginya niya pataas hanggang s tumama ang mga mata ko sa kanya.  Those hazelbrown eyes, lashes. Those stares na parang ako lang ang nakikita niya.  Medyo may halong lagkit,  pero hindi naman nakakabastos. He stares like kaya niyang tumunaw.

Bakit ba kasi ang ganda ng mga mata niya, tuloy I feel like a girl that was hypnotized by a vampire. Pinagkaiba,  brown ang kulay ng mga mata niya.

"You are so beautiful Eris. Ikaw lang ang titignan ko ng ganito." Mas lumapit pa ng mukha niya sa akin hanggang sa dumampi

Parang akong nanlalambot.  Kahit gusto kong para akong wala sa sarili ang nagpapatianod sa ginagawa niya.  I kiss him back with the same intensity that he is giving to me.

Hanggang sa binuhat niya ako at nilagay sa counter.  Now,  he is the one who is between my legs.

I gasped when he unclapsed the buttons of my blouse.  Without my brassiere,  my chest is almost exposed to him. I would like to cover myself but my inhibitions just flew away.  It is just the two of us. 

His hands are roaming around my body,  as his kisses goes down to the lobe of my ears,  to my neck.  I can't help myself to breathe heavily and I even pulled him towards me. I hugged him tight,  like I didn't want him to let go.

I don't to let go of him though.

I ache for him.  I really do love him and I am giving in to him.

My eyes are blurry, parang siya lang ang nakikita ko. Inangat ko yung mukha niya at hinalikan ko siya sa labi. Konti na lang.

Konting-konti na lang at bibigay na ko. At doon sa punto na yun at wala na kong magagawa kundi mahulog uli ng tuluyan sa kanya.

Mas diinan pa niya ang halik niya hanggang sa may kung ano na kaming matabig na hindi man lng naming parehong pinansin, dahil pareho kaming abala sa isa't isa.

Hanggang sa nalingat ang mga mata ko sa orasan.

It's already 8:30! Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. 

"Nikko stop." I whispered. Akmang itutulak ko siya pero hinawakan niya yung dalawa kong kamay at iniyakap iyon sa leeg niya.

"Eris I can't. Sorry"

"Nikko."

"Let me love you Eris." He huskily said to my ears. It instantly gave shivers, it gaves additional heat to me to ache for him more.

No,  Erisha kailangan matigil to bago pa tuluyang may mangyari sa inyo.

Doon ay inipon ko ang natitira kong lakas at tuluyan ko siyang tininulak palayo sa akin.

We both panting for air. He grinned. Lumapit siya sa akin,  at agad naman akong lumayo.

"Stop grinning para kang aso."

I prefer if you smile Nikko.

Napailing ako.

Ano ba itong pumapasok sa isip ko. But yeah,  I still love his smiles.

Tama na yan Erisha. Marami pang bagay na dapat asikasuhin mo.

"We have meeting with Sahara malls today. I need to be there." Saad ko habang inaayos ko ang sarili.  Sa sinabi kong iyon ay para rin siyang natauhan, dahil siya mismo ang naglagay ng blazer ko.

Buti naman.

"Sorry.  Hindi ko alam." Aniya.

"Ok lang." I said without looking at him.  Malamang ngayon ay pulang-pula na ko.  Muntik nang may mangyari sa amin.  What do I expect to react lalo at siya pa!

"Ihahatid na lang kita." He hold my hand pero inilayo ko rin ang kamay ko sa kanya.

"Salamat na lang."

"I insist, I hahatid kita."  Seryoso na siyang nakatingin sa akin.

I knew it,  kapag ganyan na ang mga tingin niya.  Wala na kong magagawa and besides mukhang ginamit na nila Micha yung kotse ko,  dahil nakita kong hawak niya iyon kanina.

He is holding my hand in the whole ride.  Tila ayaw man lang bumitaw sa akin.

"Nikko."

"Hmm?"

"Yung kamay mo."

"Hayaan mo lang diyan,  gusto ko hawak ko yan."

Para akong dinapuan ng mga paro-paro sa tiyan dahil sa sinabi niya.  Sobrang naiinis ako sa sarili ko, I should not feel that way. Pero ba't hindi ko man lang mapigi-pigilan. 

I just look on the road. Hindi ko siy pinapansin kahit salita pa siya ng salita.

"Parang sa New York lang a?  Ganyan ka noong kakikilala lang natin." He bitterly smiled.

"Pero di bale,  alam ko babalik din ang lahat sa dati." Doon ako biglang napatingin sa kanya.  He stared at me seriously,  like he is very determined na gawin ang bagay na iyon.

"No,  Nikko hindi na."

I heard him sigh.

"Well believe me.  Alam ko babalik din ang lahat sa dati, dahil mahal na mahal kita Eris."

"Huwag ka nang umasa Nikko."

His smile serve as a reply to me. 

Wala nang kibuang naganap hanggang sa nakarating na kami sa Amaya.

"Gusto sana kitang samahan sa presentation niyo sa Sahara malls, but I also have meeting to catch."

I just smile.

"Salamat na lang dahil hinatid mo ko." Saad ko at umalis na sa sasakyan niya.

..................

"Eris ang tagal ha." Salubong sa akin ni Michael pagpasok ko sa office.

Hindi ko na lang siya pinansin at agad kong binuksan yung laptop ko to check up our presentation and to prepare myself para mamaya.

Though Miss Shira already approved our franchises to their malls, I want to show them what Amaya is.  What Amaya is capable of, and Why is Amaya deserves their trust.

Ayoko namang magpapetiks masyado.  They trust us,  so that trust should be paid off.

"Ayaw magkuwento, ang damot mo Eris talaga!" Maktol niya, napailing lang ako

"You better prepare yourself to our meeting with Sahara malls,  alam mo namang tayong dalawa ang magprepresent to convince them." Ani ko habang may sinisipat sa may presentation.

"I'm ready since yesterday. Ikaw." Lumapit siya sa akin.  I felt awkward nang mas lumapit pa siya sa akin.

Agad kong iniwas yung mukha ko,  pero hinawakan niya uli yung baba ko at iginiya niya ang mukha ko katapat sa mukha niya.

"Yung lipstick mo lagpas pa!  Ano ka ba Erisha." Pinakita niya sa akin yung tissue na may red lipstick.

"Thanks." Umiwas ako ng tingin sa kanya. I still feel awkward,  yung mga balihibo ko ay nagsisitaasan pa rin.

We are early to arrive to the conference room.  If Micha is confident, I am more even confident than him. Shira approved this,  and I know Amaya's capabilities can reach their standards.

Pero kung hindi lang nagpakita si Shira kahapon. I guess abot langit ang magiging kaba ko ngayon.

Today is the official signing of the contract na magkakaroon kami ng mga stalls sa lahat ng branches ng Sahara malls,  internationally. What we signed yesterday is an disclosure agreement na dapat kaming dalawa lang ang nakakaalam.

Her executives arrived earlier than expected.  Hindi nila kasama si Shira doon, laking gulat ko ng nandoon ang kapatid niya,  si Andromeda Santos. Pagtama ng tingin naming dalawa,  agad akong dinapuan ng kaba.

Ok Eris,  kaya mo yan. 

Her red lipstick and black dress adds to her intimidating aura. Though mas simple si Shira mas intimidating siya sa kapatid niya. 

"Ready Erisha?"

I grinned. "Yes I am"

We've started our presentation by showing them our collections and the franchises in the Philippines.  Our facilities and sales in these previous years.

" We makes clothes for everyone.  We make sure that they can get a high quality clothes for affordable price.  That is our company's mission that everyone can experience glamour." Micha quoted as the end of our presentation.

Everyone clapped except for Adromeda and Shira's executive assistant.  Parang may pinaguuspan silang dalawa at nakasilip ito sa may folder na may lamang handouts about Amaya's whereabouts.

"I actually like your presentation.  It is good that your sales is always at its peak in your five years here in this industry. I know that your fashion show is a bomb." Andromeda smiled then she put down the folder to the table, dahil doon ay tuluyan nang nawala ng kaba ko.

Pero agad nag-iba ang facial expression, naging seryoso.

Agad kumabog ang dibdib ko.

"But I have one question."

Mas lalong kumabog ang dibdib ko.

Eris,  kakayanin mo to. Kaya mo yan. Be confident. 

I silently took a deep breath and I stand straight.

"Hindi naman lingid sa kaalaman mo na Sahara malls is biggest here in the Philippines, which means it expects big from you." Tumayo siya at tinapatan ko. "How can you fullfill our demands knowing na may ibang franchises pa kayo. Starting signing this it requires you to double your production and I dont think that your facilities can cater it." Dagdag ni Miss Andromeda and a grin escaped to her mouth.

She might testing me huh? Parehas sila ni Shira.

"Miss Andromeda,  we've starting to put up our factory expansion this year amd hiring manpowers.  Also we upgrade to machines for larger production, and we can reach it for this month." I confidently answer.  Kailangan hindi ako magpaapekto.  Mas lalo niya kong gigisahin kapag ipapakita kong nangangatog ako. If I survived Shira,  I can survive this as well.

"Very well. We'd like to do some inspection to your facilities because we want to make sure that your quality and supply meets our demand." Saad ni Miss Andromeda habang papunta sa pwesto niya.

"Yes you can,  and you will never be disappointed." I smiled.

Tumango tango lang si Ms.  Andromeda.

"Very well then." Aniya at nilabas niya yung contract.

"You are so lucky,  because my sister also invested in your line." She smiled "And I really like your designs I hope that could wear those." She smiled.  Tila walang halong plastic iyon.  Dito ay mas nakahinga na ko ng maluwag.  Atlast!

The official contract is already signed by Shira Santos. Ako na lang ang walang pirma doon.

Micha passed her pen then I signed the contract.

"Very well then, Congratulations" Andromeda offered her hand then we did our shakehands, as well as to their executives.

Agad na rin nagpaalam ang grupo nila Miss Andromeda.  She gave a me final glance bago tuluyang umalis.

Even if Shira is more intimidating it seems that she is nicer than Andromeda. She looks like a brat at medyo may pagkahangin,  while Shira is just simple and humble.

Nagulat ako dahil naglabas na sila Micha ang champagne at binuksan ito mismo sa harapan ko.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil ang daming tumalsik sa akin. Micha just showed her piece sign at agad naman akong pinagserve ni Micha ng champagne.

I lead our toasts. Everyone drink their champagne straight except from me.

"Thank you Miss Eris, talagang hindi ko pagsisisihan na mag-invest dito sa Amaya." I held Ms. Lao's hand.

"No,  I should be the one who says thank you Ms.  Lao for helping me out to this. Kung hindi rin po dahil sa inyo, wala po tayo dito." Ms.  Lao smiled. 

"Ikaw talagang bata ka,  napaka low profile mo.  That's why we like you here.  Malayo mararating mo Eris."

"Ms.  Lao, binola mo pa ko."

"Hay nako Erisha,  sige sasayaw pa kami dun." Aniya at pumunta na siya doon kila Micha kasama pa ng mga ibang board ma parang mga teenager na nagsasayaw doon.

The whole conference room filled with our noises.  Lalo pa at Micha ang nagiging pasimuno nito.  Puro kalokohan pa naman ang alam niya. Pero natutuwa ako dahil kay may edad ang kasama namin na mga board ay hindi sila naging KJ, sila pa nga ang nangunguna sa pag-indak.

I wonder walang mga sakit sa kasu-kasuan ang mga ito.

I am so happy seeing them so happy.  Well they deserve it,  it is the fruit of their hardwork.  Lalo na ngayon it is another success to all of us.  We have the Sahara Malls!

Medyo tipsy na sila Micha at Taylor,  ako pa itong nakaalalay sa kanila.

"Ang bigat niyong dalawa a?"

"Erisha,  work out mo rin yan." Isinakay ko sila sa kotse para maihatid sila sa condo. Ayoko naman pabayaan ang dalawang ito,  baka magwala pa sa daan.

Wala sa sariling nahiga sa kama ko.  Grabe ang sakit ng katawan ko kakaalalay sa dalawa.  Dumapa ako to reach my laptop.

I opened up my email at agad bumungad ang email ni Shira

"It is already in your hands Eris. I trust you."

"Thanks for the trust Ms.  Shira." I replied.

"Erisha!!  May tatanong nga kami." Ani ni Micha at medyo pagewang gewang pa bago makaupo sa kama.  Kasama niya si Taylor sa sumalampak sa sahig,  katapat namin ni Micha.

"Hindi ka ba curious kay Miss Shira Xanthine Santos.  Imagine ni walang picture sa google, facebook,  instagram at marami pang iba." Napailing lang ako. I already knew what she looks, para saan pa.

"Siguro she is chaka!" Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Taylor.  Only if they knew how she looks like, baka nganga pa sila pag nakita nila kung gaano kaganda si Shira.

Well baka mangatog muna tuhod nila. 

"Hindi kaya!" Wala sa loob kong sabi. .

Napatingin silang dalawa sa akin.

"Alam mo itsura ni Shira?" Micha asked at pingalawahan pa ni Taylor.

"Don't tell me you already saw Shira?!"

She just translated what Micha said.

"Hindi ko siya nakita."

"Whatever!"Sabay pa nilang sabi na dalawa.

"Hay nako,  based sa chismis talagang mailap yang Shira na yun.  Siguro she looka like pangit talaga." Micha said while she rolled her eyes.

"No it is just my idea.  Malay mo lang ayaw magpakita ni Shira because of security purposes.  She is one of the richest woman in the country,  lapitin sa disgrasya."

"Yeah,  E has a point Micha." Saad ni Taylor.

"I believe she is really chaka." Aniya at sa pagkakasabi niyang iyon ay tila wala nang pwedeng tuminag doon.

"Hay nako huwag na nga natin pag usapan yung tao. You must get back to sleep." Saad ko at binalik ang tingin sa laptop ko

"Being too serious E?  Come on chill out naman." Sabi ni Taylor at talagang sabay pa silang humagikgik ni Micha. 

Mahaba pa ang naging usapan para mapalabas ko rin sa wakas ang dalawang adik.  Talagang mga lasing na at ubod na nang daldal.

Mark's message popped up to my phone.  He asked me to go to the rooftop.

"I'll be there in five minutes" I replied.

Paglabas ko pareho na naghihilik ang dalawa sa sofa.  Talagang hindi na sila umabot sa kwarto.  Napailing ako at tuluyan nang lumabas to meet Mark.

He is waiting for me to the lobby.  He brought up some white roses at agad niyang binigay ito sa akin.

"Thank you."

"You are always welcome my lady." He smiled at hinawakan niya yung kamay ko bago kami magpunta sa rooftop.

We still hold our hands until we reached the top.  Sakto at mukhang maabutan namin yung sunset. What a wonderful view!

"How's your day."

"I'm fine. Approved kami to have franchises sa Sahara malls." Napangiti siya sa sinabi ko.

"Really,  I'm so proud of you.  I know yoy can do it. Sakto pacelebrate na rin tayo." Aniya at nilabas ang laman ng dala niyang basket.  It is just a simple fries at baked mac.

"Thanks." Saad ko habang kinakain yung baked mac.  Mark is good in making this,  kaya mas lalo kong naging favorite ito.

"Masaya ako Eris,  I like you when you smile like that." Natigilan ako sa sinabi niyang iyon.

Yeah kahit na ganito,  masaya ako.  Nagiging masaya naman ako pag kasama ko siya.

Agad akong napatingin sa mga mata niya.  He has dark black eyes with his long lashes intact.  Maganda rin naman ang mga mata niya.

He's been always there for me.  Lalo na nooong panahon na down ako.  Tama na ba siguro na ibigay ang puso ko sa kanya?  Tama ba na siya na lang ang mahalin ko.

Siguro kailangan na rin. Kahit ayoko siyang gamitin para makalayo kay Nikko.  Pero ipapangako ko na pag-aaralan kong mahalin siya.

"Mark siguro ito na rin yung tamang panahon na ibigay--" Natigilan ako nang makita ko si Nikko na nakatayo sa kabilang rooftop. 

I knew he is staring to our direction.  Tila nawala na parang bula ang mga naisip ko tungkol kay Mark. Parang hindi ko yata kaya na gawin ito. Hindi.

Hindi ko kaya.  Napabuga ako ng hangin.

"Ano Eris?" Nakatingin si Mark sa akin,  na parang dapat ay mayroon akong sabihin sa kanya.

"Wala,  may gusto ako kasi akong ibigay sa'yo, nalimutan ko pala sa unit." Napakamot ako ng ulo.  I hope this will be enough.

"Eris talaga. " Aniya.

Tumingin uli ako sa kabilang rooftop pero wala na siya doon.

Siguro namimilikmata lang ako.

"Hatid na kita Eris?" Bigla akong natauhan ako sinabi ni Mark.  Para na kasi ako lutang na nag-iisip kung nakita ko ba talaga si Nikko sa tapat ng rooftop.

"Ako dapat ang maghatid sayo,  dahil dito ako nakatira.."

"Kahit na."

"Mark,  Ok na ko.  I'm just happy kanina.  Ok na sa akin iyon." I smiled just to give him assurance na ok talaga.

"You sure?"

"Yeah." Tumango ako.

Natulala ako nang hinalikan niya ako sa pisngi.  He just grin sabay sakay sa kotse niya.

Talagang kailangan pa niya akong halikan.  Kailangan hindi ko na siya hayaan sa mga bagay na iyon.

Habang naglalakad ako papuntang building nanlaki ang mata ko nang makita si Nikko na nakatayo sa tabi ng kotse. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi..

Pero sa tingin ko,  mas magandang huwag na lumapit at lumayo na lang ako.

Napasinghap ako nang hawakan niya ang braso ko. Agad akong pumiglas.

"Nikko, anong ginagawa mo dito?" Seryoso pa rin ang tingin niya sa akin. 

"Eris,  I want you." He said.  Napailing lang ako.

"Nikko naman. Do I need to say it to you. Ano naman?"Umiwas ako ng tingin sa kanya at pumiglas palayo sa kanya.

"Eris." pikit mata akong humarap sa kanya.

"What?!  Just for this day Nikko,  pinagbigyan ko ang sarili ko.  Pati ikaw." Halos maduro-duro ko na siya sa inis. Bakit niya pa ito ginagawa. If he loves me,  hindi niya gagawin ito.  Dapat yung asawa niya ang mahalin niya!

"Nikko may asawa ka na.  May anak kayo.  Ayokong makigulo sa inyo,  isipin mo naman sila."

"Eris mahal kita. May paraan I will file annulment,  si Hope gusto k4 naman niya.  Lauren does not become a mom to her."

"Eris. Gagawin ko ang lahat to win you back." Hinawakan niya ang magkabila kong kamay. Agad ko namang inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Hindi Nikko,  huwag." Tinalikuran ko siya at mabilis  na naglakad palayo sa kanya.

"Eris,  patawarin mo ko sa gagawin ko. "

Hanggang sa naramdaman kong may tumakip na panyo sa bibig ko na may matapang na amoy.

.........

Please share,  vote and comment.  Thank you!

Happy Halloween!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro