Chapter 32

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Eris

Nakaupo lang ako rito sa isang coffee shop. Nagpapalipas ng sama ng loob, hindi dahil sa rejected ako kanina, dahil sama ng loob kay Lauren at lalo na sa sarili ko.

I was so helpless that time, pakiramdam ko para akong walang silbi kanina, dahil hindi ko man lang nagawang ipagtanggol ang sarili ko, physically and emotionally, against Lauren. Siguro ngayon ay pinagtatawanan na niya ako, pati ng mga bodyguards niya, pati na ring yung mga taong maaring nakakita sa amin na kanina.

Ito ako ngayon, titig lang ang nagawa sa sira-sirang sketchpad na nasa harap ko. Dala dala ko pa rin ito, kahit sira-sira ito ayoko pa rin siyang mawala. Kung mabubuo ko pa ito ay pipilitin ko pa ring buuin. Hahawakan ko pa rin...

Alam kong hindi ko dapat panghinayangan ito dahil ang dami daming sketchpad naman diyan, kaya ko pang-magsketch ng marami. Pero para sa akin espesyal itong sketchpad na ito dahil customized pa ito para sa akin, saka nageffort si Nikko para rito at nasira lang ng ganun-ganun lang. Kumabaga may sentimental value ito sa akin.

Iniwan ko muna yung mga gamit ko sa lamesa ko. I need to pee. Sa kape ko naibuhos yung sama ng loob ko, ginawa ko nang alak, nakarami tuloy.

Laking gulat ko na lang na wala na yung sketchpad ko roon sa table na kinauupuan ko.

Agad kong nakita yung naka-itim bitbit yung envelope na naglalaman nung sketchpad ko.

Tumingin-tingin ako sa paligid ko, wala na yung taong may bitbit nito. Palakad-lakad lang ako, baka sakaling maabutan ko pa.

Sa huli ay nakayuko lang ako na pumasok uli sa coffee shop. Inis na inis sa nagnakaw ng sketchpad ko.

Bakit niya kinuha sketchpad ko. Sira-sira na nga, ano pa ang mapapala niya roon.

Unang pumasok sa isip ko na si Lauren ang may pakana nun, malamang gusto niya pa akong inisin lalo.

Pwes nagtagumpay siya, dahil mas naiinis ako ngayon!

Hinayaan ko na ngang masira, hinayaan mo pang mawala.

Tanga mo Eris!

Sa inis ko ay gusto ko nang sugurin si Lauren, gigil akong gantihan siya. Ipapakita ko kung sino ang kinalaban niya.

Napabuntong hininga lang ako.

Wala rin naman akong mapapala kung gagawin ko iyon.

Hindi muna ako agad umuwi sa
bahay, baka nandoon na kaagad si Nikko, makita pa yung itsura ko. Sigurado ako na mag-aalala siya sa akin kapag nakita niyang mugto yung mga mata ko at lungkot na lungkot ako.

...............

Nagretouch muna ako bago pumasok sa loob para naman hindi niya mahalata na may pinagdaanan ako kanina.

Pero nakatatak pa sa isip ko yung sinabi sa akin ni Lauren kanina. Yung pagkuha ng sketchpad sa akin kanina sa coffee shop.

At wala akong nagawa.

Nakahinga ako nang maluwag nang madilim pa yung bahay ko, wala pa siya roon. Siguro ay busy na naman siya.

Ilang araw kasi siyang umabsent sa trabaho niya, malamang ay natambak na yung sa may desk niya. Kung tulungan ko na lang kaya siya roon, kahit wala akong background about business administration.

O di kaya tulungan ko siyang bawasan yung stress niya, ipagtimpla ko siya ng kape, massage para naman makatulomg naman ako sa kanya. Aaminin ko talaga, palamunin niya talaga ako, tapos wala naman akong nagagawa para sa kanya, saka thank you ko na rin sa kanya.

Nahihiya na nga ako sa kanya, pero kailangan ko nang lunukin yung pride ko dahil wala rin naman akong pagkukunan.

Saka kaysa naman nabubulok lang ako sa bahay ko. Gusto ko rin na may pagkaabalahan ako. Wala rin naman kasi ako sa mood na magsketch, dahil nanghina yung loob ko sa pagkasira ng sketchpad ko at dahil sa rejection kanina sa akin kanina.

Pero nawalan ako ng interes sa balak kong iyon dahil sa malamang ay maroon din sa Lauren, mas magandang huwag na lang. Mas gugustuhin ko pang mabulok sa apat na sulok ng kwarto ko.

Saka mababayaran ko rin yung lahat ng ginastos niya sa akin. Saka alam kong maraming paraan para makabawi sa kanya.

Kinabahan ako dahil nakasindi yung ilaw ng kitchen, dahan dahan akong naglakad, baka may mga masasamang loob na naman sa loob.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong kumakain ng sandwich si Nikko, gumawa kasi ako kanina bago umalis. Mukhang naubos na niya yata iyon.

Bigla tuloy akong napaisip kung nakakakain pa ba siya ng maayos dahil para siyang gutom na gutom. I made a note to myself na simula bukas ay dadalhan ko siya ng lunch. Wala na akong pakialam kung nandoon pa si Lauren. Saka saglit lang naman din ako doon.

Huminto siya sa pagkain nang maramdaman niya yung presensya ko.

Agad akong pumunta sa harap niya.

"Sorry naubos ko na." Sabay tingin niya sa plato. "Sarap kasi e." dagdag pa niya.

Ngumiti ako sa kanya, ang hilig niya talagang gumawa ng dahilan.

"Nakaligtaan mo na naman sigurong kumain. Sabi ko sayo dapat kumain ka sa oras diba?" Malambing kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin, halata ko na yung pagod sa kanyang mga mata, mukhang pinipilit na naman niya yung sarili niya.

"Nikko, dapat kasi magpahinga ka muna. Ok naman ako e." Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hilain at maglanding sa lap niya.

"Ok na ko, saka ikaw ang energy ko no."

Bigla siyang tumingin sa kamay ko.

"Nasaan yung sketchpad mo? Hindi mo yata siya hawak ngayon." Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Wala akong mahahigilap na tamang salita na isasagot ko sa kanya.

Biglang pumasok sa isip ko kung paano sirain ni Lauren yung sketch pad ko at ako naman walang magawa upang pigilan iyon.

Ayoko namang sabihin ang nangyari kay Nikko. Nahihiya kasi ako dahil wala man lang ako, tapos naiwala ko pa. Baka isipin niya na hindi ko pinapahalagahan yung mga bagay na binibigay niya sa akin.

Mapait lang na ngumiti si Nikko sa akin at hindi na nagtanong muli. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

Pero hindi pa rin mawala sa loob ko yung kaba, paano kung tanungin niya ako muli? Hindi ko pa rin alam ang isasagot ko. Maswerte lang ako ngayon dahil hindi na siya nagtanong pa.

"Naging malungkot ka naman naEris. Bakit?" Yumuko lang ako.

"Hindi kasi ako natanggap kanina." Sabi ko na lang. kahit hindi naman ito sanhi ng kalungkutan ko ngayon.

Niyakap niya lang ako, tila nakikisimpatya sa akin.

"Ok lang yan Eris." Sabi niya at mas hinigpitan yung yakap sa akin. Pakiramdam ko ay protektado ako sa mga bisig niya, walang mananakit sa akin. Siguro kung nasa tabi ko siya kanina ay hindi mangyayari iyon.

Agad kong pinigilan yung sarili ko, gustong-gusto kong umiyak at magsumbong sa kanya, tungkol sa nangyari kanina. Pero ayoko naman na magkagulo na naman silang magkapatid. Ako na naman yung sisisihin nila. Ayoko na nang gulo, gusto ko na maging tahimik na lamang.

Ayoko nang patulan yung anumang kabaliwan ng kapatid niyan, magsasawa rin yan, at tatantan din ako. Wala rin naman ako sa mood sakyan ang kabaliwan niya.

Yung kabaliwan lang ni Nikko ang papatulan ko.

Bumitiw siya ng yakap sa akin.

Hindi ko mapigilan na umiyak sa bisig niya. Sabihan na ako ng mababaw pero ang sakit sakit e. Kasi pati ako ay kinukwestyon ang sarili ko kung karapat-dapat sa kanya, dahil walang-wala ako. Wala akong kayang ibigay sa kanya.

"Sabi kasi sayo e, patatayuan na lang kita ng sarili mong boutique." Nakangiti niyang sabi, umiling lang ako sa alok niya. Sobra-sobra na rin kasi kung magpapatayo siya ng botique para sa akin, sapat na iyong pinangtutustos niya sa akin araw araw at hindi ko alam kung paano ko sisikmurain yung mga iyon.

Kahit may relasyon kaming dalawa, hindi pa rin dapat ganun.

Saka hindi naman yun ang ikinakalungkot ko. Ok lang naman yung hindi ako natanggap. Kaso ang sasakit kasi nang mga salitang binitawan sa akin ni Lauren, hindi ko maiwasan na maging apektado roon.

Nawala pa yung bigay niyang sketchpad. Ayokong malaman niya na naiwala ko.

"Ayoko naman na umasa ako lagi sa'yo." Sabi ko na lang.. Saka totoo rin naman, dahil ayoko rin masabi na naman sila sa akin, at nahihiya na ako sa kanya, at gusto ko ng magkaroon ng tahimik na buhay, ayoko nang may panggulo gaya ng Lauren na iyon.

Kung sakali mam na pumayag ako sa alok ni Nikko, sigurado ako baka sugurin na naman ako ng nababaeng iyon at atakihin ng pagkabaliw niya.,

"Eris, kung anong meron ako, sa iyo na rin iyon." Napailing lang ako sa kanya, magkasintahan lang kami.

"Nikko hindi pa naman tayo kasal para sabihin mo iyan."

"Edi pakakasalan kita."

.........
Happy 10k reads. Maraming salamat 😄😄😄. Hope you'll enjoy this chapter

Nagmamahal,
Weirdongbabae

Btw. Malapit na po siyang matapos

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro