Chapter 51

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"How's rehearsals E?" Salubong sa akin ni Taylor. Kasama niya si Aira sa likod, mukhang galing sila sa catering service na nakaassign sa event. 

"Fine." I said without looking at her. 

Napatingin din si Taylor sa tinitignan ko. She lift my chin and face towards her direction, tinaasan pa ako ng kilay ng nakaharap na akong sa kanya.

"Ano ba?" Pag-angal ko, habang hawak ko ang baba ko. Ang diin ba naman ng pagkakahawak niya dito tapos parang nabigla pa ko dahil mabilis niya kong nilingon sa kanya. 

"Tingin mo di ka halata niyan." Sabi niya. I just rolled my eyes at her at hindi siya kinibo. Naiinis ako sa ginawa niyang paghatak sa baba ko. 

"You know what, matagal ko nang dinispatsa Shira na yan kung hindi lang siya ang may-ari ng Sahara Malls." Taylor frustratedly says. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Why the hell she know what I am thinking. Baka naman halata na ko?

"Come on Eris, we knew each other. We can pass as siblings." Aniya, sabay ngisi sa akin. 

"They have been rumored ever since Shira appear to the public." Taylor shrugged. Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ngayon ko lang nalaman to? So they are a "thing" already. 

In that point, I suddenly feel that sting in my chest. I am so jealous, kung pwede ko lang talaga hatakin si Nikko kay Shira I'll do it. Ako dapat doon? Ako! I should be the one for him. I really do love him so much. Bakit ganito? Pilit kong pinigil ang nagbabadya kong pagluha. Kapag nakita ako ni Taylor, kung ano na naman ang isipin niya. 

"Bakit hindi mo man lang sinabi?" Kulang na lang halos yugyugin ko siya sa pagkompronta. 

"Chill sis, you told me not to say anything about Nikko. Besides hindi ka ba nagbabasa?" Sabi niya, na parang ako pa ang may kasalanan. Oo, tama naman ang sinabi nila. I forbid them na huwag magsabi ng kahit ano tungkol sa kanya. 

I was not able to notice it too. I am too occupied these days. 

Pareho kaming napalingon ni Taylor nang tumawag uli ang Choreographer para magrehearse kami. 

"Go Girl." Taylor Cheered at me, sinenyasan pa niya si Aira na magcheer din sa akin. Nginitian ko na lang sila to show appreciation. Si Taylor talaga. 

Pasimple naman akong napatingin si pwesto nila Nikko. Shira cheered at him. Talaga lang ha. Umiling ako. 

Nagsimula na ang pumili ang mga models. Maya maya naramdaman ko siya sa tabi ko. I started to breath heavily, hindi ako mapakali. Tumingin-tingin ako sa paligid para magmukha akong abala. Sana huwag niya akong hawakan o kausapin.

Pero hindi man lang niya ako kinausap. Sumisimple rin ako ng tingin, pero diretso lang ang tingin niya papasok sa stage, tila walang pakialam sa babaeng katabi niya ngayon.

I stood up with a pose when it is already our turn. I gasped when I felt he hold my hand. Bigla akong naconscious sana hindi niya yun narinig. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya, his face is still serious.

Pero nahuli niya kong nakatingin sa kanya! Parang nanlambot ang tuhod ko. Umiwas kaagad ako ng tingin. I heard him chuckle after. Gusto ko na lang ipukpok ang kamay ko sa ulo ko. Ano ba tong pinagagawa mo Eris. Simple action lang talagang apektong-apektado ka. 

I started walking on the runway. I walked with my confidence, my head tilted a bit and I make my face fiercer. I made a little slomo turn bago uli kami magsalubong ni Nikko. His gaze met mine as we slowly turn around to each other. He pulled my hand closer to his, at halos magkadikit na ang mukha naming dalawa. I can barely feel his deep breaths.

"Perfect!" Umiwas na ako sa kanya. 

The choreographer approaches us. 'You did a really good job, ang galing kahit in a short period of time, nakuha niyo na ang gusto ko." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "This event will be a bomb again." I smile at him comfidently, siyempre ako pa ba. 

The choreographer tell us the end of the rehearsals and bid us his goodluck message. He really did a good job on how he facilitate the models. Kinuha ko ang phone ko sa table at binasa ang text ni Taylor.

Meet you in the car. May food. 

Dali-dali akong nag-ayos ng gamit. After that Nagretouch lang ako ng konti. I reapplied my nude lipstick saka naglagay ng kaunting blush. Napanalikwas ako nang bumukas ang pinto ng dressing room ko. Gutom na yata si Taylor at hindi na ko nagawang hintayin pa. 

"Taylor, sabi ko naman susunod ako e." Nanlaki ang mata ko sa gulat nang hindi si Taylor ang nakita ko. 

It is Nikko. 

"Anong ginagawa mo dito?"

Mas lalo akong nagulat ng niyakap niya ako. I am still in my shock. Para akong tuod na nakatayo habang yakap niya ako. 

"God, I miss you so much Eris." He said then he cupped my face. I stare at his teary eyes. Suddenly my heart soften a bit. Gusto ko siyang hawakan. There's something stopping me.  I don't know what to do, proper words to say, naguguluhan ako. Sila na ni Shira? Bakit siya nandito?

 Damn, deep inside I am really happy because I am in his arms again. It is nice to feel its warmth, the comfort of it. Then I noticed I am already hugging him back. I missed this feeling.  I missed him so much. 

"I've been waiting for a long time to hold you like this Eris. Ngayon pa lang ayaw na kitang pakawalan." He said softly, then he lean his temple to mine, kaya naging mas malapit ang mukha namin.

Parang naging slow-motion ang lahat. Tila kami lang dalawa sa sarili naming mundo. Pero literal na kami lang naman dalawa ang nandito. I don't care about his thing to Shira, what matters is now. We are here again together. I could hear his sobs and my throbbing heartbeat.  Pakiramdam ko sasabog na ko ngayon. Is this really happening? Maybe is this part of a illusion, gusto ko siyang kurutin para malaman ko kung totoo ba siya o hindi. 

"Damn, I love you so much Nikko." Kinurot kong bahagya ang kanyang pisngi. I raised a face a bit at halos malapit na magtama ang labi naming dalawa. This is the same feeling, ayaw ko na rin siyang pakawalan. I am so happy that it is really happening. 

"Nikko kanina pa kita hinahanap." Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Shira na nakasilip sa pinto. Agad kong tinulak si Nikko palayo sa akin. Guilt starting to arise to my thoughts. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. 

To my dismay. This may be an illusion. Dahil nandito na ang tunay na nagmamay-ari sa kanya. 

Narinig kong tinatawag niya ang pangalan ko, pero hindi ako nagpapigil. Tumatakbo ako palayo sa kanila. . Tinapat ko ang kamay ko sa aking dibdib. Ang sakit. Wala na kong pakialam kung tulo nang tulo ang aking mga luha.  Bakit ba kasi  ako umasa. Pero bakit nagpunta si Nikko sa akin, para saan pa?

Maya-maya sumalubong ang ngingiti-ngiti na si Taylor. Her smile fade away when she saw me crying. Mabilis naman niya akong niyakap.

"Shhh. What happened?" Malambing niyang sabi.

"She saw us." Humiwalay siya sa akin at napakunot pa ang noo na parang naguguluhan pa sa sinasabi ko. 

Nang mapagtanto, naging matapang ang ekspresyon ng kanyang mukha. 

"Ano resbakan na natin." Tinignan ko siya ng masama. After the show, I will really get Nikko rid on my system, to my thoughts to my heart, kahit na mahirap. 

Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa kotse. I sat to the passenger seat. Tulala pa rin habang paulit ulit tumatakbo sa isip ko ang nangyari. Pwede bang inuntog ko na lang ang ulo ko sa dashboard para mawala iyon sa alaala ko?

"This is the last time I will going to be a pakialamera." Taylor tapped my shoulder. "Tama na kasi yang pagpapakipot mo, go fight kase, Come on my girl. There are not yet married! May pag-asa pa yan" 

"Tsk. Ayoko naman ng ganun Taylor. " Sabay irap na lang sa kanya. Imbis na mainis, tinawanan pa ako ng babae. 

Ako ang nainis na rin sa kanya. Maya-maya she offered me a sandwich. "Halika na, Eat it out." Tinitigan ko lang ang clubhouse na nasa tupperware. Ngumisi lang ang loka. 

"You are more hotter than her. Come on." Inilapit niya ang sandwich sa akin, kulang na lang isubo na niya sa akin ito. Sa huli kinuha ko na lang ang sandwich at kinain na lang ito. Mabuti at masarap ang clubhouse niya, kahit papaano mababawasan ang init ng ulo ko. 

"May party tayo mamaya, dapat nandun ka?" Sabi niya habang ngumunguya ng sandwich.  Halos maibuga ko ang kinakain ko sa sinabi niya.  I am not yet over sa nangyari at dadagdag pa ang sinabi ngayon ni Taylor

"What?"

"Party Erisha! Party!" Taylor said and emphasizing the word party, na tila hindi ko alam ang salitang party.  "Parang hindi mo naman narinig." Dagdag pa niya. 

"I just organized some advance party for tommorrow. Ikaw naman." She said nonchalantly. 

"What are you thinking? Gusto mo bang pagewang-gewang ang mga models natin?" I said in my dismay. Magpapaparty pa talaga siya a? Yung totoo,  Ano kaya ang pinagagagawa ni Taylor habang wala ako. I'll ask her after the event. 

"Eris, I am doing it to inspire them. Chill a bit E! Kanina pa mainit ang ulo mo." Aniya at sumubo uli ng sandwich. 

"Pupunta ba siya?"

"Of course, all are invited." She chirped. Inilapag ko ang natira kong sandwich sa tupperware dahil nawalan na rin ako ng gana. 

Wala na rin akong magawa kundi magpahila sa loob ng club. She rented the whole club using the company's money. Wala rin naman akong magagawa, she already did it. I just pray na sana makasipot ang mga modelo namin bukas. 

"Eris, Taylor." Bati sa amin ni Mitch at Yen, nagbeso-beso pa kami.

"Sorry, were late. Kasi naman tong si Yen."

"Oks lang. Late din kami." Taylor said confidently, ikinakaproud ang pagkalate sa call time. 

"Si Anikka?" Tanong ko, dahil hindi nila siya kasama. 

"Well, may bagong kaso saka may alaga na yun." Nagtawanan sila ni Yen sabay apir. To my attorney friends, si Anikka lang ang mga pamilya kaya libreng libre itong dalawa na to. Si Yen parang may boyfriend na rin naman. 

"Di bale, babawi yun bukas. Manonood siya." Mitch told me in her assuring voice. 

Sabay-sabay kaming pumasok sa club. People there are already having fun, mostly ng mga nakikita ko ang mga empleyado ng Amaya. 

Pumwesto ako sa katapat na couch. Nakakainis lang at natapat pa kami sa couch nila Nikko. Nice Taylor, ang galing-galing niyang pumili. Hindi ko ba alam kung sinadya niya pero nakakainis talaga.  Kinuha ko ang vodka na hawak ng waiter at dire-diresto na ininom.

"Chill Eris, baka ikaw ang mawala bukas." Pag-awat ni Mitch, ako kasi ang unang kumuha ng mga order namin. 

I grin. "No, bakit naman ako mawawala, that is my show.  Saka konti lang no?" Sabi ko at kumuha uli ng baso ng tequila. Well I just need to loosen up, huwag ko dapat muna siyang isipin ngayon. 

"What a change of heart E!" Sabi ni Taylor at sumipsip din ng tequila.

"Let her be, let's partyy!!" Yen raised her glass of vodka and swayed her body a little para makasabay sa rhythm ng tugtog. 

Napalingon muli ako sa kanila. . 

I am might be hypocrite to tell it is better to chose myself. Damn! I can't stand seing them like that. I am supposed to be in Shira's position. Dapat wala siya diyan. If staring can kill, kanina pa siya nangigisay diyan. 

I can't help to think of it. Nakakainis!

"Tama na kasi yang pagpapakipot mo, go fight kase, Come on my girl. There are not yet married! May pag-asa pa yan"

Napailing ako nang maalala ang sinabi ni Taylor. No I wont dare do that. Inubos ko ang natitirang vodka sa baso ko. 

Pero medyo nangigil na ko. Tangina

Iniwan na ko ni Yen mag-isa sa couch, mukhang sinundo na ata ng boyfriend.  Sila Taylor at Mitch hindi ko na alam kung saan na nagpunta.  Inubos ko na ang natitirang bote ng vodka. Dinamdam ko na lang ang pagiging mag-isa sa couch. Pinaiikot ko na lang ang yelo sa baso.

Then I saw them again, nagtatawanan pa uli. They are seem so happy huh? Samantala ako mag-isa dito. I rolled my eyes with disgust. Maya-maya tumayo si Nikko papunta sa CR.  Kumuha ulit ako ng isang basong vodka bago ko siya sundan doon. 

"Nikko." He stopped at humarap sa akin. 

I look at him, his face does not even change. I can't see the same expression kanina. Napagtanto na ba niya na mali ang nangyari kanina. Pilit kong pinigilan ang pagluha dahil sa naisip ko kanina. 

Please Nikko come back.

"Eris." He held my arms

"Totoo nga, Shira and you are a thing." His  eyes widened. Nagulat pa siya sa sinabi ko, that may be true. Ganyan naman kapag kakompronta tapos totoo ang inakusa sa isang tao, nagugulat sila. 

"Eris." He deeply stare at me. Agad akong nag-iwas ng tingin. Aba talagang magpapaliwanag ka pa a. Sige ipamukha mo pa sa akin na hindi na ako ang nandyan sa puso mo. Agad na kong nagsalita, hindi ko na kakayanin, kung ano pa ang susunod niyang sasabihin. 

"Grabe, kasi alam mo, mahal pa rin kita e. Pero sino ba naman ako? Iniwan ko kayo diba? You don't have any assurance from me." Lumapit si Nikko para awatin ako, pero pumiglas ako. 

"Tangina, tapos ako pa tong naghahabol ano?" Nagtataka pa siyang nakatingin sa akin, na parang bago ang mga sinasabi ko sa kanya. I know what I am saying. Pagkatapos naman na nito, hindi na ako magpapakita sa kanya. 

Habang nagsasalita ko, dahan dahan rin ang  pag-ikot ng aking paningin, hanggang sa nawalan na ko ng balanse. 

Muntik na kong bumagsak sa sahig, mabuti at may sumapo sa braso ko, agad akong lumingon sa kanya.

"Taylor, My girl." Sabi ko at niyakap yakap pa siya. 

"You are the best! You told me to fight for my love. I am actually following it. I almost kissed him pa nga e." Napatingin ako kay Nikko na parang gulat na gulat pa sa nangyari.

"Damn girl, you are already wasted." Pumipiglas ako.

"Hindi, madami pa kong kailangang sabihin kay Nikko."

"Eris, tama na." Maotoridad na sabi ni Mitch habang hawak niya ang isa kong braso. Sumenyas si Mitch kay Taylor na ilayo na ako sa kanila. Nakita kong lumapit si Nikko pero pinigilan pa siya ni Mitch. Gusto ko pang bumalik doon. Aba kakausapin ko pa si Nikko. Sasabihin ko lahat lahat sa kanya simula nung kung bakit kami naghiwalay, sa aming little angel.  Nakakainis lang e! Kanina pa nasisira ang moment naming dalawa.

"I was joking girl, talagang tinotoo mo na." Sabi pa ni Taylor habang naglalakad kami palabas ng bar. Pajoke-joke pa siyang nalalaman. Sa inis ko sinabunutan ko ang buhok niya. Hindi na niya yun ininda at hinila pa rin ako palabas. 

 I am too wasted and Taylor has her advantage to pull me out of this place. 

"Ok E, we're going gome." Sabi niya at sinakay na ako sa loob ng kotse. Ramdam na ramdam ko habang nakaupo. Damn that vodka! Baka hindi pa ko makasipot bukas dahil sa sakit ng ulo. 

"Drink this." Sabi ni Taylor habang inabot niya sa akin ang tumbler. Pinaandar na ni Taylor ang sasakyan at pinasibad na paalis. 

Sumandal ako sa salamin, I am getting a bit sober. Then I am letting my thoughts out, while having the view of the road. Iniisp ko pa rin ang nangyari.  Why did I do that? Masyado na yatang nilamon ng alak pati ang pag-iisip ko. 

I wipe my tears out. Nakakahiya Eris. 

...............................

Happy May 1st! Lovelots 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro