Chapter 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Do I look scared." I said sarcastically, para ipakita sa kanya na hindi ako natatakot sa mga pinagsasasabi niya.

Pero sa totoo lang, agad kumabog ng malakas ang aking dibdib sa sinabi niyang iyon. Ayoko naman ipahalata na naduduwag ako.

Ayokong ipakita sa kanya na mahina ako!

Ayokong ipakita sa kanya na nangangatog ang aking mga tuhod.

Naging seryoso ang kanyang mukha naging matalim ang kanyang mga titig, sinong hindi kikilabutan doon?

Agad akong bumaba sa kanyang sasakyan. Ayokong makasama pa siya. Naiinis na talaga ako sa kanya Wala akong pakialam sa pa-free groceries niya. Kaya kong bilhan ang sarili ko ng supplies!

Paano kung may gawin siya sa akin na hindi ko gusto, hindi ako para sa kanya!

Base sa titig niya, sa ngisi niya at halata sa pananalita niya na may binabalak talaga ang baliw na iyon.

"Eris!" Kanina pa niyang tawag sa akin, hindi ko siya pinapansin at hinding-hindi ko na siya papansinin pa! Bahala siya sa buhay niya!

"Go away huwag mo akong guluhin." Sabi ko nang makatungtong na ako sa may pintuan. Dapat lamang sa kanya ang layuan. Masyado siyang delikado para sa akin.

Sinasabi ko na nga ba e! Anong balak niya sa akin? Bubuntisin ako pag di pa ako namatay! Napakasama niya. I just wanted to drive.. wala akong balak magpakamatay! Ano ba talaga ang nasa utak niya?

Ayokong mamatay ako sa isang car accident at ayoko rin na kasama siya!

"I'm sorry ok, hindi ko gusto na sabihin iyon sa iyo." Aniya ng mapantayan na niya ako, agad naman akong lumayo sa kanya.

"Bakit nandito ka pa, sinabi ko naman na sa iyo na umalis ka. Magpakamatay man ako o hindi, wala ka ng pakialam doon!" Sigaw ko sa kanya at dinuro-duro siya sa dibdib. Hindi ko na magawang magtimpi, sumosobra na talaga siya.

"Eris.." Tawag niya pa. Nakuu! isang tawag pa! baka masampal ko na ang pagmumukha niyang ewan"

"Ano?!" Anas ko.

"Ayoko kasi na mawala ka sa akin." Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Paanong ayaw niyang mawala sa kanya? Ano bang sinasabi niya? Hindi ko na siya lubos na maunawaan. I dont even know him, pwera sa pangalan niya.

"Ayaw mawala? Kaano-ano ba kita? Ni hindi nga kita kilala e." Oo hindi talaga! Baka naman may atraso ako? Pero hindi e! I really dont know him! Aba'y malay ko na nag-eexist pala siya sa mundong ito.

Narinig ko ang pabulong niyang mura.

"Huwag mo nang pansinin iyon." Sinamaan ko lang siya ng tingin sa sinabi niyang iyon.

"Hindi talaga, dahil wala akong pakialam sa iyo!" Bulyaw ko sa kanya pagkatapos ay dali dali ng pumasok sa loob.

Ang malas ko lang at mabilis ang kanyang mga hakbang.Bago ko maisara ang pinto ay nakapasok agad ang baliw na iyon, kasama ko.

Mariin akong napapikit. Nagigigil na ko! Gigil na masapak siya!

"Ano ko ba ha! Pwede ba umalis ka na!"

"No.. kailangan kitang kausapin Eris."

"Kausapin?! Wala tayong dapat pag-usapan. Hindi tayo close? Mawala ka man ngayon, wala akong pakialam. Kaya pwede ba? Alis!"

Yumuko lamang siya at tumalikod sa akin. Mabuti naman at napakiusapan ka na ngayon.

"Pakisara na lang yang pintuan paglabas mo." I said coldly.

Akmang tatalikod ako nang may nagdoorbell ulit.

"Pwede ba Nikko, tigilan mo na ako!"

"What are you saying Eris? It's me Taylor." Sumilip ako sa may peephole, there is a blonde woman infront of my door, siya nga. She is with her boyfriend

"Taylor it's good to see you." Nakangiti kong sabi.

"Eris how are you." She said while hugging me, then I hugged her back.

"Fine."

"Who's Nikko huh? Is he your."

"No."

"Oh! By the way he is still there."

Tapos tinuro niya si Nikko na nakasandal sa may pinto.

Akala ko ba aalis na siya? Bakit di pa siya lumayas dito? Wala na siyang lugar dito.

" So what brings you here?" Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon kila Taylor ang atensyon.

"We just want to invite you to Peter's Cabin..you know just for fun."

"Wait I will think about that." Sabi ko, maganda rin siguro na lumabas-labas din ako, masaya rin naman na kasama sila Taylor. Para hindi rin ako masyadong nagmumukmok dito.

Napansin ko na napatingin siya doon sa baliw na iyon na nakatingin pa sa akin.

"Your boyfriend can join us."
What the? Boyfriend? Really? Ni wala pa nga siya sa kalahati ng standards ko.

"Yeah! all of our friends have their partners with them. I dont want you be out of place." And so.. mas gusto ko pa na ma-out of place kaysa makasama siya! Hay naku please, maiistress lang ako sa lalaking yan.

Bigla niyang hinarap si Nikko, huwag niyang maaya-aya yang hinayupak na iyan.

"So do you want to join or.."

Sinamaan ko siya ng tingin. Aba! Subukan lang niyang pumayag!

"Sure I will join you."

Bwiset! Anong karapatan niya na pumayag, boyfriend ko ba siya!

Agad kong hinila yung baliw na iyon.

"Bakit ka pumayag? Saka Boyfriend ba kita." Singhal ko sa kanya.

"Anong mali? Inimbita naman ako diba?"

"Huh!" Singhal ko. "Kailan ba kita naging boyfriend ha!" Bulyaw ko sa kanya. Oo kaya lang naman siya inaya dahil sa pag-aakala ng boyfriend ko siya. Bakit hindi niya itinanggi na may relasyon kami. Mukhang gustong-gusto pa ng gago.

Putangina niya! Sarap niyang patayin!

"Is there any problem out there!" Sigaw ni Taylor..Masyado yatang tumataas ang boses ko.. Pero di bale nag-uusap naman kami sa wikang Filipino, kahit sigawan ko pa siya ay hindi niya ito mauunawaan.

"No we're just talking." Sigaw niya! Sinamaan ko siya ng tingin.Naku konting-konti na lang makikita na siya nakalambitin sa golden bridge ng San Fransisco.

Pwede rin sa Brooklyn bridge para mas malapit.

"Eris I'll join whether you like it or not and besides I'll make you mine in the camp."

What the hell is he saying?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro