Chapter 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Eris! Tulaley ka na naman diyan."

"Hay nako mabuti na lang at ako na ang nagmamaneho, baka matuluyan pa tayo kapag ikaw Erisha." Napailing na lang si Michael.

Pumayag na rin naman ako na siya yung magmaneho, parang nawalan nga kasi ako ng gana. I just want to sit back and relax my mind. Hindi ko alam kung mairerelax ko ba ang utak ko, dahil naalala ko na naman siya.

Kung si Taylor, hindi pa naman siya marunong magmaneho. Probably, Michael is right, baka nga matuluyan kami kapag ako pa yung nagmaneho.

"Hay nako si Fafa Nikko na naman. Nikko Nikko Nikko. Por que hindi ka man lang niya pinansin kanina tulaley ka na diyan."

"Stop that crap Michael." Sinamaan lang siya ng tingin ni Taylor.

"Sorry about that Eris, I forgot about your child." Hindi na muli nagsalita si Michael at ipinokus ang sarili sa pagmamaneho.

Ako napasandal na lang ako sa bintana, then some thoughts are just keeping flowing to my mind.

I just can't help to it, bigla ko ulit naalala yung baby ko. My little angel.

I sighed.

Yes my baby. Supposed to be my baby if he's alive till now.

If my little angel is alive until now, probably she will be just like Hope. I wonder if my child got also his eyes, his smile.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Eris why don't you take a break. You look really exhausted." Ani ni Taylor

"I cannot T, I have tons of things to finish." I still insist, marami pa kasi akong designs na tatapusin plus our clients are very demanding.

Even if Taylor is my friend, I just can't trust her pagdating sa mga ganitong bagay. Though she has a background of being a fashion designer but that is not her forte. Siya naman na yung pahihirapan ko kapag iniwan ko sa kanya lahat. Sapat na sa akin yung nandyan siya sa tabi ko, she's criticize my works then she organized them kung kaninong clients ang mga designs at kung saan namin gagamitin yung mga iba.

"I'll take care of it, you'll need to rest." Aniya, at mukhang awang-awang na siya sa akin, dahil siguro sa laki na nang eyebags ko ngayon, saka inaantok na kasi ako, pero pinipilit ko lang dahil kailangan kong umabot sa deadline, I don't want to be late also I dont want to get rushed, because things that are being rushed getting crushed.

Nakailang kape na ako na nainom pero para pa rin akong babagsak.

"I'm ok Taylor. It's ok that you are here to critic and to organize some stuffs." Sabi ko habang tinatapos itong isa kong dinedesign na gown para sa debut nung anak ng boss ko.

"You did not look ok for me E." Aniya, lumaput siya sa akin at hinawakan kung baba ko, para siguro makuha niya yung atensyon ko.

"You look restless, that's why you're pale. You always feel dizzy and you always skip your meal, then now this is your 5th sleepless night Eris. I know you are having a life but please don't kill yourself." Aniya at inagaw na sa akin yung ibang trabaho ko.

"Please T, I am fine." Blanko lang siyang tumingin sa akin at umiling.

"I'll get you some food then."

Agad akong tumayo nang makita kong inilapag na ni Taylor yung ginawa niyang sandwich. I was very hungry right now. Hindi lang ako makakain, dahil siya pa yung oras sa paggawa ko ng mga designs.

Pero tutungo muna ako sa kitchen dahil nalimutan ni Taylor na kumuha ng maiinom. Hindi ko na rin kasi magawang istorbohin si Taylor dahil nilantakan na niya agad yung sandwich. Tulad ko, wala pa rin siyang kain.

"Do you have a period E?" Napahinto ako sa sinabi niya. Paano naman ako magkakaroon kung next week dapat ako datnan.

"No, why?" Humarap ako sa kanya.

"There's blood."  Aniya, napatingin ako sa may likuran ko hanggang sa may nakita akong tumutulong dugo sa mga hita ko.

"Taylor." Nanginginig kong sabi, bakit may dugo bakit?

Walang sabi sabi ay akong inalalayan ni Taylor papunta sa ospital. Pagdating doon ay bigla na lang akong nawalan ng malay.

Nagising na lang ako nang marining kong may kausap si Taylor. Gustuhin ko man idilat ang mga mata ko pero parang ang bigat ng mga ito. Parang ayaw dumilat, siguro ay dahil kulang na kulang ako sa tulog, kaya hinayaan ko na lang.

Pero tila gusto kong bumangon dahil sa narinig ko. Mukhang hindi pa nila ako nakitang nakabangon dahil patuloy pa rin sila sa pag-uusap at hindi pa rin nila ako nilalapitan. May kurtina kasing nakapaligid sa akin ngayon may awang lang iyon ng kaunti kaya nakikita ko si Taylor kausap kung doctor.

"Where's her husband?" Napakunot ako, bakit naman ako hinahanapan ng asawa. Pakiala. Ng doctor kung may asawa ako o wala?

"Boyfriend only but they already broke up."

"How about relatives."

"She doesn't have realatives here, but I am her friend. Is there any problem doc?"

"Ok the patient is pregnant"

Natigilan sila sa pag-uusap nang makita nila akong nakadungaw sa kanila.

"Am I pregnant?"

Tumango lang yung doctor sa akin. "Yes you are 1 month pregnant Miss Magdayo."

Buntis talaga  ako.Napahimas ako sa tiyan ko, hindi ko akalain na magbubunga kami.  Ever since the day that he left me, i never felt again this hapiness, ngayon pa lang.

I can't believe that I am bearing his child right now, pero agad napawi ang ngiti ko.

Pero nagdugo ako kanina. Ok lang ba kaya yung baby ko.

"What happened to my baby is he fine?" Masaya ko pang sabi. Para kasing nararamdaman ko na siya sa loob, and now I am starting to imagine things kung paano ko siya aalagaan at palalakihin ng maayos.  I am so excited.

Napatingin ako sa Doctor at kay Taylor, bakit hindi sila masaya?

"Ms. Magdayo, we tried all our best--" Pinutol ko yung sinabi ng doctor. Ayokong isipin ito, para maaring ito nga ang nangyari. Sinikap ko na tapangan ang sarili ko, kailangan kong maring ang totoo.

"What?"

"We lost the baby."

Na pinagsisihan ko na sana hindi ko na lang pinakinggan.

"No, no. Tell me that is not true." Kinuwelyuhan ko na yung doctor hindi totoo ang sinasabi niya. Nararamdaman ko pa yung baby ko. Alam kong nandito pa rin siya sa akin.

"We are very sorry." Halos naitulak ko na yung doctor. Mga wala silang kwenta! Bakit hindi nila nagawang isalba yung anak ko!

Niyakap na lang ako ni Taylor habang ako na tuloy tuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa aking mga pisngi.

Akala ko nandito yung baby ko, akala ko maisisilang ko siya at mayayakap. Akala ko.. Lahat akala na lang, dahil wala na ang baby ko.

More painful that I thought sa napapanuod ko.

Those words really break me into pieces. I was starting to gain hope knowing that I am pregnant but now.. Wala. Tila nawala ng parang bula ang pag-asa na iyon.

I lost Nikko, then now our child. Para na akong mababaliw. I lost them, and now I feel empty and alone.

I just cried and cried and wishing that in one snap the pain will go away. Pero hindi naman pwedeng ganoon. Kahit na masakit na para sa akin, kahit wasak na ako.  Kailangan kong tiisin ang sakit, this is the consequences that I am facing right now.

Karma is a real bitch.

Hindi ko masisi si Nikko doon. I did not know that I was 1 month pregnant. Nagpabaya ako, kasalanan ko kung bakit nawala siya sa akin. Kung alam ko lang sana. Kung alam ko lang. Sana kasama ko pa siya ngayon.

Kaya siguro hindi siya tuluyan na ipinagkaloob sa akin, because I am irresponsible baka mapabayaan ko lang yung bata.

Saka para saan pa kung sasabihin ko pa iyon sa kanya? Baka mas kamuhian pa niya ako dahil pinabayaan ko yung nagiging anak namin.

Sa tuwing sasagi iyon sa isip ko ay palagi ko na lang sinisisi ang sarili ako, dahil kasalanan ko naman talaga lahat. If I did not dumped Nikko probably may pamilya kami ngayon.

Kasi pinakawalan ko. Hanggang If I na lang ako. Magsisi man ako hindi na babalik si Nikko, hindi na babalik yung anak ko.

"What? Talaga ba? Agad agad grabe ha."

"Sinong tumatawag." Tanong ko, sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na may tumatawag sa cellphone ko na sinagot na ni Michael.

"It's Rina." Sagot sa akin ni Taylor.

"Ok sakto namang pauwi na kami diyan." Ani ni Michael sa kausap na si Rina.

"Ok bye." Binaba na ni Michael ang cellphone at bumaling sa akin.

"We have a photoshoot with Nikko." Agad na nanlaki ang mga mata ko. I am not in the mood to face him right now.

"Kailangan ba na kasama ako doon?"

"Of course you are, whether you dont like it. Hahanapin ka ng mga clients natin doon." I just rolled my eyes.

Napahilot na lamang ako sa aking sentido. I guess I dont really have a choice. Since he signed the contract with us, he is back again in my life, in my system. Hindi naman sa iniiwasan ko siya, pero I dont think I am ready enough to face him kahit tanggap ko na na hindi kami para sa isa't isa.

Pinadiretso din kami ni Rina sa location ng photoshoot. It was in Tagaytay, buti na lang at may blazer ang suot ko kundi manginginig ako sa ginaw.

We arrived late in the location and they already have started. Hindi ko maiwasan na mapatitig kay Nikko. He's damn hot wearing 3/4 sleeved polo and khaki pants. Tila bakat na bakat sa polo yung hubog ng katawan niya.

Napailing ako.

What the hell am I thinking. Kulang na lang ay halos tumulo na laway ko. Kinapa ko ang labi ko at laking pasasalamat ko at walang tumulong laway doon.

Muli ay napatitig ako sa kanya. He's really perfect. His looks are more matured than before at gumwapo talaga siya dahil doon.

My eyes widened when I realized that he is also staring at me, then there was a grin escaped to his lips. Siguro ay kailangan lang niyang ngumisi habang kinukuhanan siya, huwag kang mag-isip ng kung ano.

Ibinaling ko na lang ang atensyon kila Micha at Taylor, nakipagkwentuhan ako sa kanila pero panay tango lang ang sagot nila sa akin dahil nakatingin sila kay Nikko.

Napailing na lang ako sa dalawa.

Pasimple akong tumingin kay Nikko pero nakatingin pa rin siya sa direksyon ko. Hay nako Eris tumingil ka nga! Baka utos sa kanya na tumingin dito, dont assume Eris, it's bad.

Pasimple muli akong tumingin sa kanya nung pinayagan siyang mag-break. Still he 's staring.

Gusto ko rin na mabasa ng mabuti kung ano ba talaga ang meron sa mga mata niya. Is there anger? The sadness.I can't understand. kasi umiiwas din ako kaagad ng tingin sa kanya.

Why does he stare at me., kahit umiwas ako ng tingin at ibaling ang atensyon sa kausap. I can still feel that he is still looking at me. I can feel the tension in my system knowing na may mga matang nakatitig sayo.
Siguro tunaw na tunaw na ako kung nakakatunaw lang talaga ang pagtitig niya sa akin.

Hindi ako kumportable sa inuupan ko. I would like to leave but maya't maya ang pagkausap sa akin ng mga iba naming staff, about their comments, suggestions at halos wala nang pumapasok sa isip ko, because the thing that I am thinking right now is how to get rid of him.

I could pretend that I have a headache para makaalis na ako agad. But that's not valid and I feel that Nikko will know that I am lying.

I just tried my best to focus on some things and managed not to look at him.

Nagpaalam ako sa mga ilang nakausap ko nang makahanap ako ng tiyempo. I just said na pupunta lang ako comfort room and I felt so relieved when they agreed.

Dumeretso lang muna ako sa may deck habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. I wish na sana ay may ganito rin sa Manila because the air is very refreshing. Kaso sadyang kahit may blazer ako ay giniginaw pa rin ako.

Pero ok na rin kasi nakahinga ako nang maluwag dahil nakatakas na rin ako sa mga titig ni Nikko.

Those eyes...

Until now hindi pa ron ako na-iimune doon. Every time he stares at me he always makes me shiver, kaya minsan ay hindi ako kumportable kapag nakatitig siya talaga sa akin.

Also, I love to stare back at him. Ang weird no? Because I just love staring to his brown eyes. Para akong nahihynotize kahit di naman siya bampira.

I smiled.

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may naglagay ng coat sa balikat ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro