Kabanata 13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Makakawala

Tinakpan ko ang ibabang parte ng mukha nya gamit ang isa kong kamay. Tinakpan ko ang mukha na tanging nakikita lang ang mga mata nya. Kagaya ng pulis na nagligtas sa akin noong unang labas ko. Hindi ako pwedeng magkamali, sya iyon. Ang pulis sa parade. Ang pulis na sasabihin kong balang araw ay babawian ko.

"Ikaw. Ikaw iyon," hindi makapaniwalang sabi ko.

"Huh?!" Kumunot ang noo niya.

"'Yung pulis na tumulong sa akin. Ikaw iyon," sabi ko at hinawakan ang mukha nya at kinurot ang pisngi niya.

"Sa wakas ay naalala mo na rin," sabi nya at ngumiti.

Ha? Alam niya? Kilala na niya ako bago kami opisyal na magkita?

Tumayo sya at binuhat na ako papasok ng kanyang kotse. Hindi na siya umimik ulit at nagmaneho na lang ng sasakyan. Parang hindi big deal sa kanya iyon. Pero sa akin oo!

"Bakit hindi mo sinabing ikaw iyon?" tanong ko habang nagmamaneho sya.

"Kailangan ba iyon?" Nagkibit-balikat siya.

"Kaya pala ang weird na ng mga chat mo sa akin pagtapos no'n. Sure na sure ka talagang maganda ako. Tapos sinabi mo pang tanggap mo kahit ano pa ang kalagayan ko. Akala ko nagpapa-pogi lang, 'yun pala alam mo na, na lumpo ako," unti-unting humina ang boses ko hanggang sa natahimik ako. Wala rin pa lang silbi ang pag-aayos ko noon. Nakita na rin pala niya ang itsura ko na maputla.

"Sinabi ko lang ang totoo. Natakot talaga ko nang nakita kitang na nahihirapan sa mga tao. Kaya kahit hindi naman doon ang punta ko, walang alinlangan akong pumunta sa iyo, bahala na kung mapagalitan. Mas mahalagang maayos ka kaysa sa sermon ni chief. At least, makakatulog ako nang maayos," malumanay na kwento niya.

Napangiti ako sa sinabi nya. "Thank you, siguro ay kung hindi ka dumating ay baka napano na ako roon. Nagkapasa pa nga ako nang hindi ko namamalayan. Paano ba ako makakabawi sa iyo?"

Ngumisi sya. "Kiss na lang, okay na ako."

"Okay lang naman. Akala gusto mo ng more than kiss," tukso ko sa kanya.

Nakita kong napalunok sya pero nasa kalsada pa rin ang tingin.

"Tutal sabi mo nga mag-asawa na tayo. At hindi naman masasayang ang effort natin dahil sabi ng doktor ay mabubuntis naman ako." I can be a mother, akala ko ay wala nang silbi talaga ang existence ko. Gusto kong magkaanak kay Cyrus.

"Katherine, 'wag mo akong tuksuhin sa kalsada," sabi nya pero pinagpapawisan sya. Tumawa ako kaya nagsalubong ang kilay niya.

"Tatanggihan mo ako? Ayaw mo?" tanong mo na kunwari ay nagtatampo. Pinigil ko ang tawa ko.

"Katherine, hindi mo alam kung gaano kita kagusto pero hindi natin pwedeng gawin iyon sa kotse. Gusto mo bang iliko ko na ito sa malapit na hotel?" Nagtaas siya ng kilay at sinulyapan ako sandali.

Seryoso ang mukha nya. Kaya ako naman ang pinagpawisan at nanlamig ang kamay. Sineseryoso niya talaga ako. Masama pa lang magbiro ng gano'n sa mga lalake.

"Binibiro lang kita," sabi ko at umupo nang maayos.

"You started it, Katherine. Panindigan mo," sabi nya at hininto sa isang hotel ang sasakyan.

"Cyrus! Joke lang naman iyon. Hindi pa ako ready." Pinigilan ko ang kamay niyang  nakahawak na sa lock ng seatbelt ko.

"Well, I am more than ready," seryosong sabi nya at lumapit sa akin para tanggalin ang seatbelt ko.

"Gusto mo na ba talaga ngayon?"

"Yes," sagot nya pagkatapos nyang tanggalin ang seatbelt ko.

"Okay." Tumango ako at ngumiti. Willing naman ako. Kaso kinakabahan dahil wala naman akong alam sa mga bagay na iyon. Tsaka isa pa, kung mabubuntis ako habang magulo pa ang lahat ay kawawa lang ang baby.

Pumasok kami sa loob at kumuha ng kwarto. Kinakabahan ako. Hindi ako ready. Binibiro ko lang naman sya, eh. Hindi ko naman alam na seseryosohin nya.

Katherine kasi! Ibang klase ka magbiro.

Pagpasok namin sa kwarto ay kaagad nya akong binuhat at dinala sa kama. Napaka-aggressive naman nito, wala man lang pahaplos-haplos muna. Walang lambing. Sabik lang?

Inihiga nya ako at humiga rin sya sa tabi ko. Yumakap sya sa akin at pumikit.

"Cyrus? Akala ko ba..." Bumaling ako sa kanya at sinundot ng daliri ang kanyang pisngi.

"Matutulog lang tayo. Gusto kong katabi kang matulog. Hindi natin gagawin iyon. Natakot ka, 'no?" Mahina siyang humalakhak habang nakapikit pa rin.

Tumango ako at yumakap sa kanya. "Akala ko talaga gagawin na natin. Pero seryoso, hindi mo nai-imagine na ginagawa natin iyon?"

Nakapikit sya pero alam kong gising sya. "Sa shower, sa kotse ko at sa kwarto ko sa bahay," sabi nya na hindi ko kaagad nakuha.

Napasinghap ako at nahampas ang didib nya ng ma-gets ko ang sinabi nya. Kahit saan ba naman, ako na lang ang nahiya at na-imagine rin tuloy.

"Pervert." Pinandilatan ko siya kahit hindi naman niya nakikita

Tumawa lang sya, dinilat ang mga mata, at niyakap ulit ako nang mahigpit. "Gagawin natin iyon kapag handa ka na. Hindi iyong napipilitan ka lang. Mas masarap kapag dalawa tayo ang may gusto." Hinalikan niyang leeg ko. Tumayo ang balahibo ko.

"Cyrus!" Bahagya akong napalayo.

"Hmmm."

Patulog na yata. Parang pagod na pagod, ano kayang ginawa nito kagabi? Sa sobrang komportable ko sa aking posisyon ay nakatulog ako nang hindi ko namamalayan. Nagising lang ako ng maramdaman kong may nakatitig sa akin.

"Cyrus," namamos kong tawag sa kanya.

"Magandang tanghali, mahal. Gutom ka na ba?" tanong habang sinusuklay ng daliri ang aking buhok.

"Yes, saan tayo kakain?" Kinusot ko ang mga mata ko.

"Sa labas. Mag-check-out na tayo. Tapos mag-lunch na tayo," sabi nya at binuhat na ako para makaupo sa wheelchair. Nag-inat ako at humikab pa.

Sinuklay nya ang buhok ko at hinaplos ang mukha ko. "Maganda pa rin kahit bagong gising," sabi nya at hinalikan ako sa labi.

"Thank you. Ikaw rin, gwapo," sabi ko.

Lumabas kami ng hotel at pumunta sa isang restaurant. Mga seafood ang main menu nila. At sa tingin ay masasarap lahat. Amoy pa lang ay sigurado na ako.

"Wala ka bang allergy sa mga seafoods?" tanong ni Cyrus bago kami mag-order.

"Wala akong allergies. Kahit ano kinakain ko pero ang ate ko allergic sya bagoong. Namaga ang buong bibig nya nung kumain kami ng mangga noong bata pa kami. Tapos napagalitan ni lola ang kasambahay, pero sabi ko, ako ang may kasalanan para hindi matanggal ang kasambahay namin sa trabaho. Kaya in the end, pinagpapalo ako ni lola. Pero ang galing ko noon, hindi ako umiyak, feeling ko ang tapang-tapang ko." Humalakhak pa ako nang maalala ang pangyayaring iyon. Masyado akong feeling superhero.

Tumingin ako sa kanya at nakangiti syang nakikinig lang sa akin.

"Ang tapang mo nga. Siguro kung ako iyon ay tago na ako," sabi nya ako kinurot ang pisngi ko.

Tinampal ko ang kamay niya. "Nagugutom na ako, mag-order na tayo."

Namangha ako sa iba't ibang klaseng seafood na iba-iba rin ang luto. Pero sa king crab talaga ako natakam. Napapanood ko lang ito dati pero ngayon ito na.

"Hindi ba mahal ito? Bakit mo binili?" bulong ko kay Cyrus na nagbabalat na ng hipon at nilalagay plato ko.

"It's okay. Gusto kong kainin mo lahat ng gusto mo. Don't mind the price," sabi nya at sinubo sa akin ang isang hipon.

"Masarap?"

Tumango ako at nagpatuloy na sa pagkain. Busong na busog ako pagkatapos kumain, ako lang yata ang nakaubos ng lahat ng in-order nya.

"Bakit hindi ka kumain ng marami? Ako lang yata ang umubos ng lahat ng inorder mo." Hinawakan ko ang tiyan ko na busog na busog.

"Sorry, Ganda. Kailangan kong i-maintain ang katawan ko. Pulis ako, remember? Kailangan kong alagaan ang abs ko," sabi nya at tinapik ang sariling tiyan.

"Ewan ko sa iyo." Umirap ako at natawa.

Lumabas kami ng kainan at bumyahe ulit para umuwi. "Curious ako," biglang sabi nya.

"Saan?"

"Bakit hindi ka galit sa mga magulang mo?"

Nagkibit-balikat ako. "Kasi malaki ang utang na loob ko sa kanila."

"Utang na loob, parang wala naman," naiinis niyang sabi.

"Hindi ko magawang magtanim ng sama ng loob sa kanila. Naalala ko noon, nang sumakit ng sobra ang binti ko at hindi nila ako pinansin. Umiyak lang ako sa kwarto habang si Ate Rizza ay gumagawa ng paraan para lang mawala ang sakit. Hindi nila pinuntahan o kinumusta man lang. Mahal ko sila, kahit hindi nila sinecelebrate ang birthday ko habang si ate ay nagkaroon ng engrandeng birthday party, kahit hindi nila ako pinayagang mag-aral. Mahal na mahal ko sila kahit na hindi ko naramdamang mahal nila ako at gusto nila akong manatili sa tabi nila. Mahal na mahal ko sila Cyrus kahit ganoon sila sa akin. Hindi ko kayang magalit. Hindi ko alam kung bakit, basta may nagsasabi lang sa loob ko na mahalin lang sila. Kasi mas maraming mawawala sa akin kung titigil akong magmahal at mangamba na lang sa lahat ng taong dadaan sa buhay. Mas pinili kong maging ganito dahil ito dapat ang tamang gawin." Pinunasan ko ang luha ko kahit panay lang ang tulo no'n. Tinabi nya ang sasakyan at niyakap ako.

"Katherine, napakabuti mong tao," sabi nya.

"Natatakot ako, Cyrus. Paano kung isang araw ay maisipan nilang iwanan ako? Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko kayang mag-isa." I am very sure that they are planning to leave me soon.

"Hindi ka na mag-isa ngayon, nandito na ako. Lagi kitang sasamahan at mamahalin. Hindi mo na kailangang matakot. Mahal kita, Katherine noon. Pero ngayon mas lalo kitang minahal, you're a strong woman. I adore you so much." Hinalikan niya ang noo ko.

"Cyrus..."

"Mula ngayon ay hindi ka na makakawala sa akin."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro