Kabanata 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Tanggap

"Dito na tayo, hindi masyadong mainit," sabi ni Ate Rizza at pumwesto kami sa isang waiting shed. "Nasa dulo na ng barangay ang parada, malapit ng dumaan rito." Tinuro niya ang dulo ng kalsada at saka ngumiti sa akin. Siguro ay iniisip niya na sobra akong matutuwa sa masasaksihan kaya pati siya at na-e-excite rin.

Tumango lang ako dahil busy ako sa pagtingin sa paligid. Ganito pala ang itsura ng bayan namin. Maganda! Sa litrato ko lang ito nakikita at hindi masyadong maganda ang mga kuha.

Umingay ang paligid at dumami na rin ang tao sa paligid namin. Medyo nalula ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming tao.

"A-Ate anong nangyayari?" tanong ko at humawak sa kamay nya. Hindi ako sanay na ganito ang paligid ko. Masyadong magulo para sa akin. Hindi mukhang masaya para sa akin.

"Wag kang mag-alala, ganyan talaga dahil daraan na rito ang parada," sabi nya at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko.

Nang masanay ako sa mga tao ay na-enjoy ko rin ang parade. May tatlong sikat na artista pa ang nakasakay sa malaking float na maganda ang disenyo.

Nagtulakan ang mga tao para makalapit sa mga artista kaya medyo natutulak na kami. Nasa pinakagilid na nga kami ay nagawa pa kaming tamaan ng mga taong sabik na sabik sa kapwa nila tao. Ano bang nangyayari sa kanila? Kinabahan ako nang mabitawan ni Ate Rizza ang kamay ko at napalayo sa akin. Hindi maaari, baka matumba ako dahil sa pagtutulakan ng mga tao.

"Sandali lang po! Katherine!" tawag nya sa akin ng matangay ng maraming tao.

"Ate Rizza. Sandali lang po!" pakiusap ko sa mga tao sa paligid na wala ng pakialam makalapit lang sa mga artista.

Hindi kumalma ang mga tao kahit may mga naka-uniporme ng mga pulis ang pumipigil sa kanila. Lalo pang nagtulakan ang mga tao at naitulak na patagilid ang wheelchair ko. Kapag natumba ako ay maaari pa akong maapakan ng mga walang pakialam na mga taong ito. Hindi ba nila ako nakikita?

Napaiyak na lang ako dahil natatakot na ako. "Ate Rizza!" sigaw ko.

Nawala ang tao sa paligid ko at may tumulak na rin sa wheelchair ko papunta sa walang taong lugar. Nakahinga ako nang maluwag at nahinto na rin ang mga luha ko. Ang hirap talaga kapag may hindi ka kayang gawin, nakakaubos ng pag-asa.

Nilingon ko kung sino iyon at akala ko sa Ate Rizza na iyon pero mali ako. Isang pulis na naka-face mask na itim ang nagligtas sa akin sa lugar na iyon.

Huminto sya at pumunta sa harap ko. Umupo sya upang magpantay ang tingin namin. Hindi ko kita ang mukha nya dahil sa mask nya.

"Ayos ka lang? Hindi ka ba nasaktan?" tanong nya.

Tumango ako at ngumiti. Kahit natatakpan man ang kanyang mukha ay kita ko naman ang pagngiti ng kanyang mga mata. Hindi ako makapagsalita dahil ito ang unang beses na may kumausap sa akin na ibang tao. Itinaas ko ang aking kanang kamay para hawakan ang kanyang mukha sana.

"Katherine, buti naman at ayos ka lang!"

Naibaba ko ang kamay ko bago ko pa sya mahawakan at napatingin sa nagsalita.

"Ate Rizza," tawag ko sa kanya.

Sapo nya ang kanyang dibdib at hingal na lumapit sa akin. Tumayo na rin ang pulis at tumingin kay ate Rizza.

"Naku! Ser, salamat po! Salamat po at nakita nyo itong alaga ko. Akala ko ay naipit na sya sa mga tao roon," sabi ni ate Rizza.

"Walang ano man po, mag-iingat na kayo sa susunod," sabi ng pulis at tumalikod na.

"S-Sandali!" pigil ko sa kanya kaya napahinto sya at muli akong nilingon.

"Salamat po. Sana makabawi ako sa iyo balang araw." Gusto ko pang magpasalamat sa kanya sa ibang paraan dahil sa kabila ng mga taong walang pakialam ay siya ang nag-iisang tumulong sa akin.

Kumaway sya at tuluyan nang umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa mga tao. Hanggang sa pag-uwi namin ay hindi mawala sa isip ko ang mga matang iyon. They looked so gentle and warm, kagaya ng may-ari sa kanila.

"Kapag nalaman ito ni Senyora ay tiyak na mawawalan ako ng trabaho. Lagot ako kay Manang Bing!" problemadong sabi ni ate Rizza habang naglalakad kami papasok ng mansyon.

"O, kamusta? Nasiyahan ka ba, Katherine?" tanong ni Manang Bing na nagluluto na ng hapunan.

"Opo, ang daming tao. At ang gandang ng parada. Salamat po," sabi ko at pupunta na sana ng kwarto ng pigilan ako ni Manang Bing.

"Sandali, Katherine."

Napahinto ako. "B-bakit po?"

Hinawakan nya ang kaliwang braso ko at tinignan ang pasa na ngayon ko lang napansin.

"Saan galing ito? Wala naman ito kanina, ah. Rizza, anong nangyari kay Katherine? May nangyari ba sa bayan?" tanong ni Manang Bing habang hawak pa rin ang braso.

"M-Manang, k-kasi, ano..." Napakamot ng ulo sa ate Rizza dahil hindi alam ang sasabihin.

Kung sasabihin namin ang totoo ay malamang hindi na ako payagang lumabas ulit. Gusto ko pang lumabas! Gusto ko ulit makita pa ang pulis na iyon, mayroon pa akong maraming panahon para makapagpasalamat pa sa kanya.

"Manang, nabangga lang po iyan sa poste kanina. Kamamadali ko." Ako na ang sumagot, ako naman ngayon ang magtatanggol kay Ate Rizza.

Tumingin ako kay Ate Rizza at kinindatan sya. Galing ko talagang umarte!

"Sigurado ka, ha?! Sa susunod mag-iingat ka," sabi ni Manang Bing at binitawan na ang braso ko. Kumuha siya ng ointment at pinahid iyon sa pasa na medyo malaki pala. Ngayon ko lang din naramdaman ang sakit.

"Opo," sagot ko at dinala na ako ni Ate Rizza sa kwarto.

"Buti na lang at nakalusot tayo kung hindi ay yari tayong pareho," sabi ni ate Rizza at lumabas na ng kwarto ko para tumulong sa kusina.

Inangat ko ang sarili ko para makahiga sa kama at inisip na naman ang superhero ko. Ang pulis na iyon!

Napahawak ako sa dibdib ko at wala sa sariling napangiti. Naalala ko si Cyrus kaya naman binuksan ko ang tablet ko para makita kung nag-chat ba sya.

Cyrus:
Ang ganda mo talaga!

'Yan ang huling chat nya thirty minutes ago. Parang sigurado na sya sa itsura ko, ah. Siguro inistalk nito ang account ko. Nagtaas ako ng kilay. Iilan lang naman ang litratong nandoon at edited pa ang lahat. Hindi ba niya iyon nahalata? Halos lahat kasi ng mga naka-chat ko noon ay iyon kaagad ang napansin.

Ako:
Stalker.

Hindi sya online kaya pinuntahan ko na lang ang account nya.

Hmm. May kapatid sya na Magna Cum Laude. Galing! Samantalang sya naman ay Cum Laude. Hanep! Ang bagsik naman ng pulis na ito. Ang gwapo na, ang talino pa. Sana ay mabait din, paniguradong maraming makakandarapang babae rito. Isa na ako.

Bigla akong nalungkot ng maalala kong kahit preparatory ay hindi ako nakatungtong. Ni hindi man lang ako nakapasok ng paaralan. Wala akong ibang kaibigan. Masyadong malungkot ang buhay ko at kung ikukwento ko man ito sa iba ay siguradong walang magkaka-interes na makinig. Ano kayang pakiramdam ng nag-aaral? Ano ang pakiramdaman na may matalik na kaibigan?

Ang sabi ni ate Klarissa ay mahirap daw. Pero siguro sa mga hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral ay masaya iyon. Kung nakapag-aral lang sana ako...

Natigil ako sa pag-iisip ng mag-vibrate ang tablet ko. Binasa ko ang mensaheng mula kay Cyrus.

Cyrus:
Hindi ako nagbibiro! Ang ganda mo talaga.

Napairap ako sa hangin.

Ako:
Bolero! Paano kung pangit talaga ako sa personal? Na totoong poser lang ako?

Cyrus:
Hindi ako naniniwalang poser ka

Kumunot ang noo ko. Parang kanina lang siya pa ang pilit nang pilit na poser ako. Anong nakain niya at naniniwala na siya sa akin?

Ako:
Paano nga? Teka, wala ka bang trabaho? Fiesta ngayon, ah. Dapat busy ka.

Cyrus:
Tapos na duty ko. Nagpapahinga na.

Ako:
Sige, pahinga ka na.

Cyrus:
Sandali, gusto pa kitang makausap. Busy ka ba? Ano bang ginagawa mo?

Ako:
Ka-chat ka.

Cyrus:
Ako lang ba ka-chat mo? Walang iba?

Ngumuso ako. Kainis 'to, ah! Parang tanga naman.

Ako:
Hoy! Anong tingin mo sa akin? Kaladkaring babae?

Cyrus:
Akin ka lang, ha?

Bigla akong napaupo sa nabasa. Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Bakit bigla na lang siyang ganito? May iba talaga sa kanya ngayon. Kahit hindi ko naman siya masyadong kilala ay alam kong may iba talaga sa kanya. Ilang beses pa akong huminga nang malalim bago nakapag-reply.

Ako:
Ha?

Iyon lang ang nasabi ko dahil hindi talaga ako makapag-isip nang tama. Pabigla-bigla naman kasi ang isang ito.

Cyrus:
Ang sabi ko, akin lang. Hindi ka pwedeng mag-chat ng ibang lalake. Ako lang dapat.

Ako:
At bakit? Paano kung mag-chat ng ibang lalake? Anong gagawin mo?

Cyrus:
Wala naman, hihintayin ko lang nama-miss mo ako.

Talaga lang ha?! Ang lakas ng confidence ng lalaking ito. Sobrang weird.

Ako:
Ang hangin!!

Cyrus:
Basta, akin ka lang...

Namuo ang luha sa mata ko ng mabasa ang huling pangungusap na sinabi nya. This is the first time that someone that I didn't know said it to me. Magaan sa pakiramdam.

Cyrus:
Kasi tatanggapin kita ano man ang kalagayan mo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro