Kabanata 25

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Kahirap

Tinulak ni Cyrus ang wheelchair ko papunta sa hardin ng ospital. Gusto kasing makalanghap ng sariwang hangin para luminaw ang pag-iisip ko. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kasi ang paghahamon nya kay lola at kung paano bumigay si lola sa kondisyon ni Cyrus. Ngayon, hindi ko na kailangang magpakasal kay Miguel na hanggang ngayon ay nasa kulungan pa rin.

Tumikhim si Cyrus kaya napatingin ako sa kanya. Nakaupo na sya sa may bench na nasa tabi ng isang lamp post. Gabi na at malamig.

Hinaplos ko ang suot nyang panlamig na bigay ko sa kanya. Tamang-tama lang ang sukat pero kung lalaki pa ang katawan niya ay kailangan ko pang gumawa ng mas malaki. Kailangan niya palaging mag-work out dahil kailangan niyag panatilihin na malusog ang katawan niya. Ngumiti sya at hinuli ang kamay ko.

"Gusto mong suot ko ito, 'no?" tanong nya habang nanunukso ang ngiti.

Tumango ako. "Cyrus?" tawag ko sa kanya.

"Yes?" Tumingin siya sa mga mata ko.

"Thank you for saving me again. Marami na akong utang sa iyo," sabi ko at hinila siya papalapit para maramdaman ang init niya.

"Hey, hindi iyon utang. Ginawa ko iyon dahil gusto ko. Ayokong may mangyaring masama sa iyo. Pero kung gusto mong bayaran, pwede naman ang halik." Ngumisi siya. Parang hindi naman yata bayad iyon.

Tumawa ako. "Eh, ano pang ang hinihintay mo?"

Dahan-dahan syang lumapit. Hinaplos nya muna ang pisngi ko bago pinagtagpo ang aming mga labi. Malalim at mapaghanap ang kanyang mga halik pero napakabanayad pa rin. Gusto ko iyon, iyong tipong may kung ano sa dibdib ko at sobrang nagagalak ang bawat pintig no'n.

Parehas naming hinabol ang hininga namin nang maghiwalay kami. Nagngitian pa kami at naulit pa iyon ng isa, dalaw, at tatlong beses. Ang mga labi naman kasi ay sobrang sarap halikan, parang gusto ko na nga lang manatili ang akin sa kanya.

"I love you, Katherine," bulong niya at pinatakan pa ng isang mababaw na halik ang aking labi.

"I love you, too." Tumitig ako sa kanya. Hinalikan niya ang noo ko pagkatapos ang parteng may sugat naman.

Bumalik na kami sa aking kwarto sa ospital. Pinakain nya ako ng ni-request kong pagkain, kahit nahirapan pa siya sa pagpuslit no'n dito sa loob ng ospital. Pagkatapos ay maingat akong nilagay sa kama.

"Magpahinga ka na," sabi niya at umupo sa tabi ko. Pinalupot niya ang isang braso sa akin.

Umiling ako. "Pero hindi pa ako inaantok."

"Anong gusto mong gawin?" Nagtaas siya ng kilay

Nag-isip ako. "Kailan ba ako makakalabas dito?" tanong ko.

"Dalawang araw ka pa rito. Dumudugo pa ang sugat mo." Tumingin siya sa ulo ko na katatapos lang palitan ng benda.

Tumango ako. "Ano nga pa lang mangyayari kay Miguel?"

Napatuwid sya ng upo at tinignan ako nang seryoso.

"Yan dapat ang sasabihin ko sa iyo. Hindi pa makapagdesisyon ang korte sa kung ano ang gagawin kay Miguel. Hinihintay pa kung magsasampa ka ng kaso sa kanya. Sa oras na makalabas ka ng hospital, haharapin mo sya at magdedesisyon ka kung anong isasampa mo sa kanyang kaso pagkatapos ay sa korte..."

"Sandali," pigil ko sa kanya.

"May problema ba?" Kumunot ang noo niya.

"Ayokong magsampa ng kaso," sabi ko na ikinagulat nya.

"Bakit?" tanong nya at umupo sa tabi ko. Hindi yata makapaniwala sa sinabi ko.

"Ayoko ng makita pa si Miguel. Ayoko ng maalala ang mga nangyari. Hayaan na lang natin sya," sabi ko at yumakap sa kanya.

"Pero..." Bumuntonghininga siya.

"Ayos na ako, Cyrus. Please, hayaan na lang natin," sabi ko at yumakap pa nang mahigpit sa kanya.

Hinaplos nya ang buhok ko. "Kung 'yan ang gusto mo. Napakabait mo kaya inaabuso ka ng mga tao sa paligid mo."

"Hmm, kung ganoon ay inaabuso mo rin ba ako?" Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

Umalis sya sa pagkakayakap ko at bumaba na sa kama. Inihiga na nya ako at kinumutan.

"Cyrus? Ano?" nakangiting tanong ko.

"Hinding-hindi ko gagawin sa iyo 'yon, Katherine. Kung may kukunin man ako, 'yun ang puso mo," sabi nya at hinaplos ang buhok ko.

Pumikit ako. "Pero nasa iyo na iyon. Paano ba 'yan?" Humikab ako.

Hinalikan nya ang pisngi ko. Unti-unti na akong hinahatak ng antok. May binulong pa sya pero hindi ko na iyon naintindihan. Pagdating talaga sa kanya ay napaka-komportable ng pakiramdam ko. Parang walang mangyayaring masama sa akin kapag nandiyan siya.

Dalawang araw pa bago ako nakalabas ng ospital, pagkauwi ko ay bumalik na sa normal ang lahat. Hindi na ulit ako pwedeng lumabas ng aking kwarto pero binalik naman si Ate Rizza upang mag-alaga sa akin. Galit sa akin si lola at ramdam ko iyon.

Bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok si lola. Nilapitan nya ako at sinampal nang malakas.

"Lola?" sambit ko dahil sa gulat.

"Hindi ko alam kung saan ka nagmana na malandi, siguro ay sa nanay mo. Aagawan mo pa ang kapatid mo? Sabihin mo, anong relasyon nyo ni Cyrus?!" sigaw nya at inangat ang tingin ko.

"Lola? Wala po."

Sinampal nya ulit ako. Nanuot ang sakit sa mukha ko at hindi ko na napigilan ang luha ko. Masakit pa ang katawan ko pero ngayon ay nadagdagan na naman iyon. Hindi na ba matatapos ito?

"Sinungaling! Ano? Gusto mo pang mamaga ang pisngi mo? Ha?! Ang lakas ng loob mong landiin si Cyrus! Anong kasunod nito? Makikipagtanan ka sa kanya?"

Sinabunutan nya ako at pinagsasampal. Kung tutuusin ay pwede ko siyang itulak para magtigil siya pero may kung anong nagsasabi sa akin na huwag gawin iyon.

"Tama na po, lola. Nasasaktan ako."

"Masasaktan ka talaga kung hindi mo sasagutin ang mga tanong ko!" sigaw niya pa.

"Nobyo ko po si Cyrus!" pag-amin ko.

Napahinto sya pero kaagad akong sinampal n g malakas. Napahawak ako sa pisngi ako na namanhind na sa sakit.

"Tingnan mo, kung hindi ka ba naman makati. Pati mapapangasawa ng kapatid mo, Katherine." Suminghal siya.

"Pero ako po ang nauna kay Cyrus. Naging nobyo ko sya bago nya pa nakita si ate. At hindi ko po alam na sya ang mapapangasawa ni ate ng mga panahong iyon. Mahal ko po si Cyrus, sya ang dahilan kung bakit may lakas pa ako ngayon at umaasa na makakaalis ako rito," lakas-loob na sabi ko.

Tumawa sya. "Pwes, umasa ka na lang buong buhay, mamatay ka sa loob ng silid na ito. Sa tingin mo ba ay palalabasin pa kita pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? Hindi na! Isa kang malaking kahihiyan noon pa man at nagkamali akong ilabas ka at ipakita sa tao!" sabi nya.

"Hindi ako papayag lola! Kung aayain ako ni Cyrus na makipagtanan, sasama ako sa kanya. Kasi kahit anong pagpapahalaga ko sa pamilyang ito ay hindi nyo rin naman ako mamahalin. Kaya mabuti na lang na umalis ako at sumama sa taong nakikita ang halaga ko."

Isang sampal pa ang natanggap ko mula sa kanya. "Wala kang utang na loob, pagkatapos kitang hayaang mabuhay, pakainin at damitan, 'yan lang ang matatanggap ko sa iyo. Dapat noon pa lang ay itinapon na kita!"

"Mas mabuti nga kung ganoon na lang, mas gugustuhin ko pang mamatay keysa maging isang bilanggo at pakisamahan ang malupit na pamilyang ito!"

Umamba syang sasampalin ako. Pumikit ako at hinintay na tumama ang kanyang palad sa aking pisngi.

"Cyrus, hijo? Anong ginagawa mo rito?"

Dumilat ako at nakita si Cyrus na nakatayo sa labas ng aking kwarto kasama si Ate Klarissa at ang kanyang lola.

"Katherine."

Lumapit sya sa akin at pinunasan ang aking luha. Hinaplos nya ang masakit kong mga pisngi at hinalikan iyon.

"Cyrus!" rinig kong tawag ni Ate Klarissa.

Hinuli ni Cyrus ang tingin ko. "Hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit sa iyo ito," bulong nya at humarap kina lola.

"Senyora, hindi ko na kaya ang mga ginagawa nyo kay Katherine. Hindi nyo ba alam na kapag umiiyak sya sa sakit ay nadudurog ang puso. Ganoon siguro kapag mahalaga at mahal na mahal mo ang tao." Hinarap niya si lola na hindi naman makapaniwala ang itsura.

Hinawakan ko ang kamay nya at tiningala sya. "Cyrus."

"Senyora at lola, magpapakasal po ako kung..."

Napahinto sya sa pagsasalita at tumingin sa akin.

"Kung si Katherine ang
mapapangasawa ko. Senyora, mahal ko po ang apo nyong si Katherine at nangako ako sa kanyang poprotektahan ko sya. Kaya hinihingi ko po ang mga kamay nya sa inyo," sabi ni Cyrus na nagpabuhos sa mga luha ko.

Totoo ba ito?

"Hindi ako papayag, ako ang mapapangasawa mo, Cyrus. Sa akin ka ipinangako. Mas gusto mo pa sa lumpong iyan kesa sa akin?" sabi ni ate at niyakap si Cyrus.

Lumayo si Cyrus sa kanya. "Nakapagdesisyon na ako, si Katherine o walang kasal na magaganap."

"Tutol rin ako Cyrus. Parehong-pareho kayo ni Calixto, matigas ang ulo! Pakakasalan mo si Klarissa o hindi mo alam ang kaya kong gawin! Hindi ako papayag na isang lumpo ang mapapangasawa mo! Maghanda ka at magaganap ang iyong kasal sa darating na linggo!"

Tumalikod na ang kanyang lola at umalis. Humigpit ang hawak nya sa akin.

"Cyrus?" tawag ko sa kanya dahil hindi siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan.

Lumuhod sya at niyakap ako. "I'm sorry, Katherine. Bakit ba ganito kahirap ang makasama ka?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro