Kabanata 28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Papa, mama

Hinayaan nya akong maligo sa pribadong parte ng dagat pagkatapos ng kanyang proposal. Pinapanuod nya lang ako sa malayo habang nasa mababaw na parte ako ng dagat. Kanina ko pa sya inaaya pero umiiling lang sya. Gusto ko sana ay maligo kaming dalawa dahil masayang-masaya ako ngayon.

Nang magsimulang tumirik ang araw lumapit na sya sa akin na may dalang malinis na towel.

"Halika na, mahal na dyosa ng karagatan. Tirik na ang araw at baka masunog ang makinis mong balat," sabi nya at binuhat ako paalis ng tubig.

Binalot nya sa akin ang tuwalya at hinalikan ang aking balikat pagkatapos ang mga labi.

"Salty but sweet," sabi nya at pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Cyrus?" tawag ko sa kanya.

"Yeah?" Bumaling siya sa akin.

"May iba ba tayong kasamang babae rito. Kailangan ko kasi ng tulong sa pagligo," sabi ko at ngumuso dahil nahiya ako bigla.

Inupo nya ako sa loob ng bathroom. "Bakit? Ayaw mo bang ako ang tumulong sayo?"

Sinimangutan ko sya. Umiling ako. "Nope, hindi pwede." Hindi muna ngayon, hindi pa kami kasal.

Tinulak ko sya nang marahan upang malayo sya ng konti sa akin. Tumatawa syang tumayo at iniwan ako sa banyo. Pagbalik nya ay may kasama na sya na sobrang ikinatuwa ko.

"Ate Rizza!"

Lumapit sya sa akin at niyakap ako. Si Cyrus talaga ay handang-handa.

"Ano pong ginagawa nyo rito?" tanong ko.

"Dinala ako ni Cyrus dito. Ang sabi nya ay kailangan mo raw ng tulong," sabi nya at ngumiti sa akin.

"Salamat po sa pagpunta." Ngumiti ako nang malaki. Hindi ko inaasahan ang sorpresa sa akin ni Cyrus. Konti na lang ay baka isipin kong nananaginip lang ako.

Tinulangan nya akong maligo at makapagbihis. Isang pink na bestida ang pinasuot nya sa akin. Pumasok si Cyrus sa aking kwarto. Nagpaalam naman si Ate Rizza na aalis muna at maglilibot sa buong beach dahil matagal na rin naman daw siyang hindi nakakapagbakasyon.

Umupo si Cyrus sa tabi ko. Biglang pumasok sa isip ko kung pumapasok pa ba ang isang ito. Ilang araw na syang nandito at ibig sabihin marami na syang absent.

"Wala ka bang pasok? O kumuha ka ng leave?" tanong ko.

"Na-suspend ako," parang wala lang na sabi niya

Nalalaglag ang pangako sa sinabi nya. Ano? Anong ginawa nya? Bakit sya na-suspend?

"Bakit? Anong nangyari, Cyrus?" usisa ko.

Hinawakan nya ang mga daliri ko at pinaglaruan ang singsing na bigay nya sa akin.

"That's the consequence I faced to have you," sabi nya.

Binaba ko ang tingin ko sa singsing na hawak nya sa aking mga daliri.

"Hindi ko maintindihan. Anong kinalaman ng trabaho mo sa ating dalawa?" tanong ko.

Tumingin sya sa mga mata ko. "My grandma is a powerful person. She can do anything she wants to do. Malaki rin ang impluwensya nya sa mga awtoridad. Kaya noong sinabi kong ikaw ang pinipil ko, she immediately called the Police Major of our station to suspend me."

"Cyrus, I'm sorry." Bumaba ang tingin ko. Ganito ba talga kahirap magmahal? Kailangan laging may kapalit? Kailangan laging may isasakripisyo?

"No, you don't have to. Ikaw ang pinili ko at hindi ako nagsisisi. Mawala na ang lahat 'wag lang ikaw." Hinalikan niya ang parte ng kamay ko kung nasaan nakasuot ang singsing ko.

Tumango ako. "Kailan ka raw makakabalik?"

Yumuko sya. "Sa tingin ko ay hindi na ako makakabalik."

"Ano? Bakit naman?" Umupo ako nang maayos.

"Makakabalik lang ako kung iiwan kita at hindi mangyayari iyon. Kahit sabihin mong iwanan kita ngayon, hindi na ako makakapayag." Hinapit niya ako.

Umiling ako at niyakap sya. "Hindi ko gagawin iyon. Magpapakasal na tayo, hindi ba? Gusto kong maikasal sa iyo. Pwede sigurong huwag ko munang isipin ang iba? Tayong dalawa muna."

Niyakap nya ako pabalik. Napatili ako nang bigla nya akong buhatin at iupo sa aking wheelchair. Kumuha sya ng isang panyo.

"Anong gagawin mo dyan?" tanong ko.

Lumapit sya sa akin habang tinutupi ang panyo. "I have a surprise for you, again," sabi nya at mahinang tumawa.

Tinakpan nya ang mga mata ko gamit ang panyo. Naramdaman kong tinulak nya ang wheelchair ko at kaagad din huminto.

"Ready, Katherine?" bulong nya sa tenga ko.

Tumango ako at tumawa. Ano naman kaya ang sorpresa nya? Puro surprise ang nangyari sa akin ngayon, ah. Ngayon ko pa lang ba nakikita kung paano magmahal ang isang Cyrus Aganon?

Tinanggal nya ang panyo sa akin mga mata. Hindi kaagad luminaw ang paningin ko. Nang makakita akong mabuti ay nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala.

"Mama? Papa?"

Kaaga na tumulo ang luha ko. Anong ginagawa nila rito? Kukunin na ba nila ako?

Lumapit sila sa akin at niyakap ako.

"Ano pong ginagawa nyo rito?"

Lumayo sila sa akin.

"Pwede ba namin ma-miss ang kasal mo? Hindi iyon pwede. Itong si Cyrus pinuntahan kami kahapon para sabihing ikakasal na kayo bukas dito sa dagat." sabi ni mama.

Anong kakasal na kami bukas? Inaya pa lang nya ako ngayon tapos bukas na kaagad?

Tumingin ako kay Cyrus na malaki ang ngiti.

"Kakasal na tayo bukas?" tanong ko sa kanya.

"Pumayag ka na, eh, kaya bawal na mag-aksaya ng oras." Nagkibit-balikat sya, kinurot ko naman ang braso nya.

Tumikhim si papa kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Alam mong hindi makakapayag ang lola mo sa desisyon mong ito. Kapag nalaman nyang nandito tayo siguradong gagawin nya ang lahat para hindi kayo makasal. Lalo na sa kalagayan ng Ate Klarissa mo," sabi ni papa.

Yumuko ako at tumango. "Alam ko po iyon. Hindi ko rin naman po gustong maging masaya sa ganitong sitwasyon. Si ate, siguradong malungkot siya kasi hindi na siya makakalakad ulit."

Inangat ni mama ang tingin ko. Ngumiti sya sa akin. "Huwag kang mag-alala. Nandito kami ng papa mo para suportahan ka. Kulang pa ito para sa lahat ng kasalanan namin sa iyo. Maniwala ka, hindi ko ginustong ganun ang maging trato namin sa iyo. Mahal na mahal kita, anak pero pareho kaming takot ng papa mo sa lola mo. Takot akong ilayo ka nya sa amin dahil sa kondisyon mo. Patawarin mo kami anak kung naging duwag kami. Hindi mo kailangang makaramdam ng guilt tuwing magiging masaya ka. You deserve to be happy anytime you want," sabi ni mama habang walang tigil na tumutulo ang luha.

"Mama, hindi po ako galit sa inyo." Iyon lang ang nasambit ko sa dami ng mga gusto kong sabihin.

Umiling sya. "Naging masama kaming magulang sa iyo. Hindi ka namin naalagaan. Dahil sa amin nalumpo ka. Dahil sa amin hindi ka nakapag-aral. Gusto naming itama lahat ng iyon ngayon. Ikakasal ka sa lalakeng mahal mo kahit magalit pa ang lola mo sa amin. Ihahatid ka namin sa altar, sa pagkakataon na ito, kasama mo kami sa pinaka-importanteng pangyayari sa buhay mo. Hindi ka namin nasamahan noon, kahit ito man lang ang magawa namin sa iyo."

Niyakap ko si mama at yumakap rin si papa sa amin.

"Salamat po. Napakalaking bagay po ito sa akin. Hindi na po mahalaga sa akin ngayon na wala kayo sa mga birthdays ko, tuwing may sakit ako. Okay na po sa akin lahat iyon, hindi po ako galit. Mahal na mahal ko po kayo," sabi ko at hinayaan kong tumulo ang mga luhang matagal kong kinimkim sa kanila. Sinulit ko ang mga yakap na sobrang tagal ko ring hinintay.

"Mahal na mahal ka rin namin, anak. Sobrang nagsisisi kami at nanghihinayang sa panahon. Hindi na namin iyong maibabalik. At sobrang masaya kami na kahit hindi ka namin nagabayan ay lumaki kang napakabuting bata. Malaki ang utang namin sa mga taong nag-alaga sa iyo noong hindi naman iyong magawa," sabi ni papa.

"Okay na po ako," sabi ko.

Lumayo si papa sa amin at lumapit kay Cyrus.

"Hijo, pumapayag ako sa kasal nyo nb anak ko. Pero kailangan mong mangako sa amin ng kanyang mama," seryosong sabi ni papa.

Mukhang kinakabahan si Cyrus at hindi kaagad nakapagsalita.

"A-Ano po 'yun, Sir?" sabi nya sa nanginginig na boses.

"Mangako kang mamahalin mo ang anak ko hanggang dulo. Hindi mo sya iiwan, lolokohin o sasaktan. Mahalin mo sya at punuin ng pag-aalaga na hindi namin nagawa sa kanya. Mangako ka..."

Tumulo muli ang luha ko sa sinabi ni papa.

Tumango si Cyrus at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. Tumingin sya kay papa.

"Pangako po, mamahalin ko po sya hanggang kamatayan, hindi ko po sya sasaktan o lolokohin. Mahal na mahal ko po sya. Maraming salamat po at pinayagan nyo akong pakasalan sya. Maraming salamat at sa akin niyo ipagkakatiwala si Katherine. Ramdam kong sobrang maligaya siya ngayon." Bumaba ang tingin sa akin ni Cyrus.

Tinapik ni papa ang braso ni Cyrus.

"Naniniwala ako sa iyo, hijo. Maraming salamat din sa iyo at minahal mo ang anak ko sa kabila ng kondisyon nya. Alam kong totoo ang pagmamahal mo sa kanya. Maraming salamat at mapapanatag na ang loob para sa anak ko," sabi ni papa.

"Maraming salamat po, talaga Sir, ma'am." Ngumiti si Cyrus at nawala na yat ang nerbyos niya.

Umiling si mama. "Papa at mama na lang, hijo. Magiging anak ka na rin namin."

Ngumiti si mama at papa kay Cyrus at tumango

"Papa, mama," sabi ni Cyrus.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro