Kabanata 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Save me

Nakangiting lumapit sa akin si Cyrus pagkagaling nya sa police station. Sinalubong nya ako ng yakap at halik sa noo. So sweet...

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Napakapit ako sa balikat nya nang buhatin nya ako para maiupo sa front seat ng kanyang kotse. Unang beses ko ring makakasakay ng kotse.

"Sa mall," sabi nya bago isinara ang pinto ng kotse at ipinasok na rin ang aking wheelchair. Hindi ko maipasok mabuti ang seatbelt sa lock kaya hinintay ko na lang si Cyrus na makapasok.

Kaagad niya akong binalingan at nginitian "Anong gusto mong gawin sa mall?" tanong nya sa akin ng makasakay na sya sa kotse.

"Ikaw na ang bahala. Hindi pa ako nakapunta roon kaya hindi ko rin alam ang gagawin," sabi ko at nahihiyang ngumiti. May mga tao pa bang kagaya ako na nakatira lang sa bayan pero walang alam sa paligid?

Huminga sya nang malalim bago lumapit sa akin at inayos ang seatbelt ko. Pinanood ko lang siyang gawin iyon. Nakasimangot siya at nakanguso pa.

"Thank you. Thank you kasi pinagbigyan mo ako," sabi ko.

Tumingin sya sa akin sandali bago ibinalik ang tingin sa kalsada. "Buti ay pinayagan ang leave ko. I am very glad na ako ang makakasama mo sa lahat ng first time mo. Thank you for sharing your moments to me, Ganda."

Namula ang pisngi ko at tumingin na lang sa bintana ng kotse. Sobrang saya ko rin dahil siya ang kasama ko sa lahat ng ito. Gusto ko pa ng maraming pagkakataon na kasama siya. Sana ay bumagal ang oras, pero sabi nga nila kapag masaya kay mabilis lang lumipas ang oras, paalala na walang permanenteng bagay sa mundo. There will always be a constant change.

Hanggang sa makarating kami sa mall na sinasabi nya. Mataas at malaki ang gusali. Marami ring tao ang walang humpay na pumapasok at lumalabas sa gusali. Parang masaya sila pero ang iba ay kabaliktaran. Dati ay sa mga pictures ko lang nakikita ang mall pero ngayon ay nandito na ako.

"Cyrus ang ganda rito."

Pagkapasok pa lang namin ay malaki na ang ngiti ko. Hindi nahirapan si Cyrus sa akin dahil may elavator na ngayon ko lang nasakyan na nagdala sa amin sa iba't ibang palapag ng gusali. Medyo nalula pa ako tuwing gagalaw ang elevator.

"Saan mo gustong kumain?" tanong nya nang malibot namin ang buong mall. Maraming tao at ang lahat ay napapalingon tuwing madadaanan kami ni Cyrus. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila pero dahil na rin sa mga sinasabi sa akin ni lola noon ay naimpluwensyahan ako na hindi maganda ang tingin nila sa akin.

Dahil sa tanong ni Cyrus ay naalala ko ang isang sikat na fast food chain na madalas ay nakikita ko sa mga patalastas sa TV.

"Doon na lang." Tinuro ko ang fastfood chain na malapit na lang pala sa amin, "masarap yata doon," sabi ko.

"Hindi ka pa nakakain ng pagkain roon? Kahit take-out lang?" tanong nya habang papunta kami sa lugar.

Umiling ako. Milagro na lang kung oo dahil sobrang higpit noon ni lola.

"Marami ka talagang na-miss. Ang lungkot ng childhood mo." Nakabusangot na naman ang mukha niya. Ganyan siya tuwing nakakarinig ng malungkot na bahagi ng buhay ko. Paano na lang kaya kapag inisa-isa ko pa? Baka maaga siyang tumanda.

"Pero nandito ka na, sasamahan mo naman ako sa lahat ng na-miss ko, hindi ba?" Puno ng pag-asa ang mga mata ko at ang puso ko.

"Syempre, ako dapat ang kasama mo. Wala ng iba." Tumango siya at hinalikan ang pisngi ko.

Maraming tao sa kainan at karamihan ay mga kasamang bata na gustong-gusto ang kinakain. Mabilis kaming naka-order dahil may priority lane pala ang mga PWD na kagaya ko. Hindi na sana pipila si Cyrus doon pero ang mismong staff na rin ang nagsabi sa kanya.

"Masarap?" tanong nya habang kumakain kami.

Tumango ako. Nakita ko ang ngiti nya sa labi bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"Cyrus?"

"Yes, ganda?"

Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung tama bang itanong ko sa kanya ang arrange marriage na gustong mangyari ng kanyang lola at ng aking lola. Alam na kaya niya? Siguro ay hindi pa.

"Kung irereto ka ng lola mo sa ibang babae at sasabihin pakakasalan mo sya, papayag ka ba?"

Binaba nya ang mga kubyertos na hawak at nagpunas ng bibig bago sumagot. "Si lola ay minsan na nag-open ng topic about dyan, since my father disobeyed my lola dahil tinanan nya si mommy noon kahit ayaw ni lola, she believed na ako ang magiging kapalit ng daddy ko. Lagi nyang sinasabi na it's for the best daw pero wala naman akong nakikitang maganda sa bagay na iyon. Kaya yung tanong mong papayag ba ako? Sa tingin ko papalag ako pwera na lang kung..."  Huminto sya at tumitig sa mukha ko. "Ikaw ang irereto sa akin, baka mag-aya kaagad ako ng kasal." Ngumisi siya.

Kinurot ko ang pisngi nya. "'Wag kang magbiro ng ganyan, nakakainis ka," sabi ko at hinalikan nang mabilis ang labi nya. Medyo nagulat sya pero kaagad ding nakabawi pagkatapos ay ngumiti nang malaki.

Umayos ako ng upo at sumeryoso. "Paano kung malapit sa akin ang ipakakasal sa iyo? Kamag-anak ko?"

"Bakit ba natin ito pinag-uusapan? Basta, hindi ako papayag kapag hindi ikaw," sabi niya na parang siguradong-sigurado na sa mga desisyon sa buhay. Hindi ba niya naiisip na baka mahirapan lang siya sa akin kung ako pipiliin niyang makasama?

Pinigil ko ang pagngiti nang malaki at alam ko ngayong namumula na ang pisngi. "Bakit gusto mong ako ang ipakakasal sa iyo?"

"Kasi, maganda ka, mabait, masayahin, ang sarap mong alagaan. At gustong-gusto kita. Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sa akin noong unang beses kitang makita na I should keep you. Parang may bumulong sa akin na dapat ako ang mag-alaga sa iyo. Na dapat sa akin ka mapunta. Hindi yata ako matatahimik hanggang hindi ka natatali sa akin." Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi.

Siya na kaya ang lalakeng pinagdasal ni Ate Rizza sa Diyos? Siya na ba ang taong hinihiling ko na mag-aalis sa akin sa miserableng buhay ko ngayon?

"I need you, Cyrus," sabi ko ng wala sa sarili. Kaya nahiya ako pagkatapos.

"Walang paligoy-ligoy, Katherine. I like it," sabi nya at lumabas na kami ng kainan.

Pumunta kami sa isang arcade center na sobrang dami ng tao. First time kong makapunta rito, sobrang ingay at maraming ilaw.

"Cyrus, gusto kong maglaro ng basketball."

Pinagbigyan nya kahit pa gusto nya raw sa claw machine. Natawa ako sa sarili nang wala akong na-shoot kahit isang bola, hindi ko kasi abot

"Ikaw naman," sabi ko sa kanya.

Napa-palakpak ako ng ma-shoot nya lahat, walang mintis.

"Ang galing!" sabi ko.

Iniabot nya sa akin ang nakuhang ticket. "Anong gagawin natin dito?"

"Iipunin natin para maipapalit ng kahit anong nandoon, depende sa dami ng ticket," sabi nya habang nakaturo sa cashier.

Tumango ako. Ilang oras siguro kaming nandoon at punong-puno na ako ng ticket. Pinagtitinginan na rin kami ng tao, ito namang kasama ko ay enjoy na enjoy na parang ngayon lang nakapunta rito.

"Ang dami na nito, pwede na," sabi nya at dumiretso na kami sa cashier.

Pagkatapos bilangin ang ticket ay binigay sa amin ang isang maliit na stuffed toy na unggoy.

"Ang cute nito," sabi ko at ibinigay sa kanya dahil sa kanya naman talaga ito.

"Sa iyo na yan, anong ipapangalan mo?" tanong nya pagkatapos iabot sa akin isang inumin.

"Andrei."

Kumunot ang noo nya at ngumuso. "Bakit naman Andrei? Mukha ba akong unggoy?"

Tumawa ako at umiling. "Cute sya, parang ikaw. Gusto ko ang singkit mong mga mata," sabi ko.

Ngumiti sya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Hinalikan nya ako nang malalim. Hindi ko na namalayan ang paligid dahil sa malambot nyang mga halik. Naglaho lahat ng nasa paligid namin. Pati ang oras ay parang bumagal din.

Nang maghiwalay ang labi namin ay parehas kaming natawa at sabay na tumingin sa paligid na maraming tao at ang iba ay nakatingin sa amin.

"Ganda?"

Napatingin ako sa kanya ng tawagin nya ako. "Hmm?"

"Bakit ka umiiyak kagabi? Alam kong hindi iyon dahil nami-miss mo ako. Sabi mo ay tinawagan ka ng ate mo, anong nangyari?" 

Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong nya at nagbaba lang ng tingin.

"Katherine? May problem ba? Pwede mong sabihin sa akin. Boyfriend mo ako, hindi ba?"

"Tumawag si ate para sabihing mapapabilis ang pag-uwi nila," at sabihin na ikaw ang pakakasalan nya.

"Wag kang malungkot, kakausapin ko ang lola mo tungkol sa atin. I will convince her. Kagaya ng ginawa ni daddy para lang makasama nya si mommy. He sacrificed all of him to be with mommy. And I will do the same, too. Ipaglalaban kita."

Tumulo ang luha ko sa sinabi nya. "Help me, Cyrus. I need help. Ayoko kong mawala ka," sabi ko at niyakap sya.

"Sa maikling oras na kasama kita. I just realize now that, I already fell into you. I love you, Katherine," sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"I love you too, Cyrus. Please save me."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro