Extreme Beats of Epiphany

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Extreme Beats of Epiphany

Dalawang linggo na akong pabalik-balik dito at pilit pinakiki-usapan ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Naiinis na ako dahil sa araw-araw na nandito ako, puro rejections at masasakit lang na salita ang naririnig ko. Sobrang simple lang ng hinihingi pero parang kung umasta ang taong ito, krimen kung pagbibigyan niya ko.

"Isang pirma lang naman tapos na ang usapan natin. Mahirap ba 'yon?"

"Sa tingin mo ba pipirmahan ko ang ganyang karuming papel? Pwede mo na 'yang ibigay sa nagtitinapa, baka doon ay pagbibigyan ka nila."

Kung hindi lang dapat igalang ang taong ito ay sinampal ko na itong hawak ko sa kanya. Nauubusan na ako ng pasensya at kaunti na lang ay sasabog na ang ulo ko dahil sa pabebeng lalakeng ito.

"Alam mo kung sa una pa lang ay pinirmahan mo na ito ay hindi magiging ganito ang itsura nito. Ano bang problema at ayaw mo akong pagbigyan?" Alam ko naman ang isasagot niya at halos memoryado ko na 'yon. Pero hindi ko 'yon matatanggap. Never! Feeling ko kasi ang laki-laki ng galit niya sa akin.

"Uulitin na naman ba natin ito, Ms. Aganon? Ano bang hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko sayo, akala ko ba matalino ka?"

Fuck You!!!

Gusto kong isagaw 'yan. Parang wala kaming pinagsamahan. Ganito pala kapangit ang ugali niya. Sobrang kabaliktaran ng itsura niya.

"Iniinsulto mo ba ako? Kasalanan ko ba na sobrang hirap mong initindihin? 'Yung iba naman ay napagbigyan mo kahit milyon pa ang hingin sa iyo pero ako itong wala hinihingi kahit na sentimo ay hindi mo magawang pagbigyan?!"

"'Wag mo akong pagtataasan ng boses, Miss. Baka nakakalimutan mo ang katayuan mo dito."

Kainis. Malapit na talaga!

"At saka isa pa, tama ka naman doon sa huli mong sinabi wala ka ngang hinihingi. Pero.."

Nagtaas ako ng kilay. Pero ano? Ano na naman ang dahilan niya?

"Hindi ko naman alam kung saan mo kukunin ang pera. Malay ko ba kung sa masama manggagaling ang perang gagamitin mo. Hindi 'yon nakalagay sa papel na pilit mong pinapapirmahan sa akin. At ngayon nagtataka ka pa kung bakit ayaw kong pirmahan iyan. Ipapahamak mo pa ako?!" galit na sabi nya at inihagis sa akin ang papel na parang basura na dahil sa sobrang lukot.

"K-kailangan ba iyon?"

"Hahanapin ko ba kung hindi." Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay. Ano 'to? Patarayan kami?

"Legal naman ang pagkukunan ko. Parang hindi mo naman ako kilala tsaka-"

"'Wag mong gagamitin sa akin 'yan, hindi ako nandito para kaawaan lahat ng kilala ko, patas ako sa lahat alam mo 'yan dahil kilala mo ako." Ngumi siya sa akin.

Kinuha ko ang papel na nasa mesa niya at pinagmasdan iyon.

"K-kung maibibigay ko ba iyon, pipirmahan mo na?"

"Hindi ko pa rin yan masasabi dahil-"

Napapadyak ako dahil sa sobrang inis. "Ano na naman? Hahanapan mo na naman ng butas itong project ko? Ano bang problema mo?!" Napatayo pa ako.

Ano bang problema nya? Ako dapat itong may galit sa kanya dahil siya ang may atraso sa akin. Ako dapat ang nagpapahirap sa kanya. Ako dapat ang may paghihiganti! Bakit ang labas ay ako ang gumagapang sa kanya ngayo?!

Tumayo siya at pinantayan ako ng tingin. "Wala kang karapatan para kwestyunin ang mga kondisyon ko. Ang lakas ng loob mong magmalaki gayong ikaw ang humihingi ng pabor kaya dapat marunong kang magpasensya. Kung gusto mong maipatayo 'yang bookstore mo, follow my rules. Kung ayaw mo naman, makakaalis ka na at kalimutan mo na lang ang pangarap mo."

"How dare you?!" sabi ko at lumapit sa kanya. "Punong-puno na ako sayo!" mangiyak-iyak kong sabi. Sobra na talaga ang ugali niya ngayon. Bait-baitan lang ba siya noong magkasama kami? Hindi eh, parang sa akin lang talaga ganito ang ugali niya. Sasampalin ko na sana siya pero pinigilan nya agad ako.

"Punong-puno na rin ako sa iyo. Kung pwede lang kaladkarin kita palabas ay ginawa ko na!" sabi nya at marahas na binitawan ang kamay ko.

Wala na. Nagbago na talaga sya. Wala ang ang Harry na kilala ko. Bakit niya nasasabi ngayon sa akin ang mga iyan? The Harry I know will never say that to me.

"Sobrang binago ka ng kapangyarihan mo, Harry. Hindi na kita kilala."

"Ano naman 'yun sa iyo? You don't have to tell me that. You don't have the right to tell me that."

Masama ko siyang tinignan.

"This is the first and last time that I will say this to you. You need to respect me as your Mayor because I am your Mayor. Hindi porke't magkakilala at may pinagsamahan tayo ay pwede mo na akong bastus-bastusin."

"Alam ko 'yon. Nirerespeto ko pa rin naman ang taong nanakit sa buong pagkatao ko hindi ako katulad mo na umangat lang nang bahagya sa lupa, akala mo kung sino ng diyos!" sabi ko at tumalikod na sa kanya.

Huminto ako sa harap ng pintuan at lumingon sa kanya. Nakita ko siyang nakasimangot at nakakunot ang nuo.

Inirapan ko siya at tuluyan nang umalis.

Yes, the elected Mayor of my beloved Town is my Ex-boyfriend.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro