Kabanata 11

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Sick

Pagkalabas sa oven ng b-in-ake na cookies ni mommy, pinabalot ko na kaagad sa kanya at mabilis na umalis. Pupunta ako sa bahay ng mayor ngayon, tutal ay matagal na rin akong hindi nakakabisita kila tito Raja at tita Empress. Ang sabi kasi ng mga ito ay mamaya pang tanghali ang alis ni Harry kaya maaga pa lang ay binulabog ko na si mommy at pinag-bake.

Pinapasok kaagad ako ng guard pagkakita nito sa akin. Mabuti at kilala pa rin nila ako, ang ganda ko kasi! May sumalubong sa aking kasambahay at pinaupo ako sa may sofa sa kanilang living room. Kahit na matagal akong hindi nakapunta rito ay walang pinagbago. Ang ayos ng mga furniture ay ganoon pa rin.

"Hija, you're here na pala," salubong sa akin ni tita Empress, tumayo ako at nakipagbeso sa kanya.

"Opo, matagal po akong hindi nakabisita, pasensya na po. Pasalubong ko po, binake ni mommy," sabi ko at inabot ang mga cookies.

"Ay, thank you. Paniguradong si Harry ang makakaubos nito. Nasaan nga ba ang batang iyon? Hindi ba siya ang sadya mo rito?" tanong niya pagkatapos abutin ang cookies.

"Opo, may tatanungin lang po sana." Napakamot ako sa batok ko kasi mangungulit na naman ako. Kapag sinabi ko kay tita Empress iyon ay siguradong hindi niya rin tatantanan si Harry hanggang sa hindi ako napabibigyan.

"O sige, hahanapin ko lang siya rito sa labas, ang alam ko ay narito siya kasama ang papa niya," sabi ni tita Empress.

"Pwede po ba akong pumunta ng kwarto niya?" Wala lang, baka kasi nandoon pa ang isang stuffed toy na binigay ko sa kanya noon. Kukuhanin ko lang, huwag naman sana niyang itapon.

"Sige, tignan mo, baka nandoon siya."

"Sige po," sabi ko at umakyat na papunta sa kwarto ni Harry. Syempre alam ko ito, ex-girlfriend here.

Pagbukas ko ng pinto ay alam ko kaagad na walang tao dahil ang tahimik. Pumasok ako ng tuluyan at nilibot ang kanyang buong kwarto, ganun pa rin, wala man lang nagbago. Mas dumami nga lang ang mga papel sa kanyang study table.

Nilingon ang kanyang kama at napansin ang kulay puting stuffed toy. Umupo ako sa kanyang kama at inabot ang puting bear.

"Ang kapatid ng baby bear ko," sabi ko at niyakap ito. Ako ang nagbigay sa kanya nito no'ng kami pa, syempre. Iuuwi ko na lang ito pero mukhang naalagaan pa naman siya rito. Hindi mukhang marumi at mabango pa. Amoy Harry!

Bakit kaya nandito pa ito?

Ibinalik ko na lang iyon at nilapitan ang isang pinto. Sinubukan kong buksan iyon pero naka-lock. Hindi naman iyon nagla-lock ng kwarto pwera na lang kung may itinatago. Napaismid ako.

"D'yan siguro nakalagay ang mga FHM magazine niya. Tsk," sabi ko at tinigilan na ang pinto. Sunod kong binuksan ang kanyang bathroom.

"Gamit niya pa rin ito," tukoy ko sa strawberry-scented na shampoo. Shampoo brand ko iyon, eh. Bakit hindi magpalit?! Gaya-gaya talaga!

Nagulat ako nang biglang may kumalabog sa likuran ko, pero mas nagulat ako ng humarap ako. Si Harry, naked! As in naked! Hubad talaga, walang suot. Parehas kaming nabato sa kinatatayuan. Napatulala lang ako on 'that' specific area at hindi ko alam kung bakit. It's huge. I mean, I know it's huge. Lagi kong nakikitang nakaumbok iyon sa pantalon niya lalo na kung naka-boxers lang siya.

"What are you doing here, Caia?" seryosong tanong niya kaya natauhan ako bigla.

Nabalik lang ako sa ulirat nang magsalita siya. Kaagad akong tumalikod at tinakpan ang mukha. Kasi naman, alam ko namang malaki iyon pero hindi ko naman alam na ganoon pala talaga kalaki iyon. Kahit naman noong kami hindi ko pa iyon nakita. Ngayon live na live pa. Para tuloy akong tinuklaw ng ahas.

"Caia?" Naramdaman ko ang paglapit niya.

"P-pasensya na, la-labas na ako!" sabi ko at hinanap ang pinto nang hindi sya nililingon.

Ang tanga mo, Caia! Ayan tuloy! Nakita mo na ang iniingatan ni Harry!

Pagkalabas ko ng banyo, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Ang init ng buong mukha ko at hindi ko makalimutan ang nakita! Para akong na-suffocate.

Lalabas na sana ako ng kwarto nang bigla niya akong hapitin at ipaharap sa kanya. Napatili ako at napapikit. "Harry, ano ba?! Nakahubad ka, parang tanga 'to!"

"Ano kasing ginagawa mo rito?" tanong nya.

"Akala ko naman kasi walang tao rito, ang tahimik kasi," sabi ko at pumiglas pero ayaw niya pa rin akong bitawan.

"Let go of me, Harry!" sigaw habang alangan kung itutulak ko ba siya kasi kung gagawin ko iyon ay mahahawakan ko ang hubad niyang dibdib.

"No!" sabi niya kaya naman pinagtutulak ko na siya kahit naasiwa ako sa hubad niyang katawan. Hindi naman sa nandidiri pero kasi, first time ng ate niyo!

Sa kakatulak ko sa kanya ay na out of balance kami at bumagsak sa kama niya. May narinig pa akong nalalaglag pero hindi ko na iyon pinansin dahil sa posisyon naming dalawa. He's on top of me, kita ko namang may saplot na siyang tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan niya. Pero hindi na n'yan matatakpan ang nakita ko na. I saw what I already saw and I think it, mananatili iyon sa isipan ko araw at gabi.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang naniningkit niyang mga mata. Hindi ko naman akalain kasing masisilipan ko siya. Hindi naman ko manyakis kagaya niya.

"Sorry na. Aalis na ako," sabi ko at ngumuso. Hindi siya nagsalita at nagtaas lang ng kilay.

Nginitian ko lang siya pero kumunot ang kanyang noo at pumikit nang mariin. Pansin ko rin ang pagkaputla nya at malalalim na hininga.

"Are you okay?" tanong ko at hinaplos ang kanyang dibdib. Kaagad nyang inalis iyon at huminga nang malalim ng sunod-sunod. Ano bang nangyayari sa kanya? Ayos lang ba siya? Mukhang hindi siya makahinga.

Bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at pumasok si tito Raja at tita Empress.

"May narinig kaming kalabog kaya-" Hindi na naituloy ni tita ang sasabihin nya dahil sa gulat sa posisyon namin. Hindi ko nagawang mahiya dahil iniisip ko si Harry na hindi maayos ang kalagayan ngayon.

Tumingin si Harry sa kanyang mga magulang. Kaagad inalalayan ni tito Raja si Harry na makatayo samantalang si tita Empress naman ay iginiya na ako palabas ng kwarto. Hinabol ko pa ng tingin si Harry, ano bang nangyayari sa kanya?

"Ano pong nangyayari kay Harry? Ayos lang po ba siya?" tanong ko kay tita habang pababa kami papuntang sala.

"A-Ah, ayos lang siya. Masama lang ang pakiramdam niya, kagabi pa," sagot nito. Nauutal pa siya at parang nalilito kung ano ang sasabihin sa akin.

"Pupuntahan ko po siya." Huminto ako sa paglakad.

"'Wag na! Kaya na iyon ng papa niya, hintayin mo na lang siya dito sa sala," sabi ni tita at pinaupo ako sa sofa bago nagtawag ng kasambahay upang maghatid ng meryenda.

Bumukas ang front door at pumasok mula roon si Loren na nakapostura. Bumalik naman si tita Empress at kaagad nilapitan si Loren.

"Tita, is Harry...?" tanong ni Loren. Tumango si tita at nagmadaling umakyat papuntang kwarto ni Harry. Sinulyapan pa ako ni Loren at inirapan.

Ano bang nangyayari? Bakit si Loren pwedeng pumasok? Bakit ako hindi?

Harry, are you really okay?

Ilang saglit pa ay lumabas na si tita Empress. Lumapit siya sa akin ng nakangiti. Hindi ko naman magawang ngumiti pabalik dahil sa sobrang pag-aalala.

"Ayos lang po ba si Harry? Hindi po ba malubha ang sakit niya?" tanong ko.

Umiling sya. "Okay na si Harry, hindi naman malala ang sakit nya. Pero pinapauwi ka nya, saka na lang daw kayo mag-usap."

"Po? Ganun po ba? Pero pwede ko po ba syang makita, may ibibigay lang po ako," pilit ko dahil gusto ko lang malaman kung bakit si Loren ay pwedeng pumasok.

"Pinapasabi rin niya na galit pa siya sa nangyari sa inyo kanina." Nagtaas ng kilay si tita Empress.

Napalunok ako. Naalala ko na naman.

"Mag-so-sorry po ako sa kanya. Hayaan niyo po akong makita siya," sabi ko.

"Pasensya na, hija, pero ayaw muna raw niya ng bisita."

Pero bakit si Loren?

"Loren is an exemption, of course," nagulat ako sa sinabi ni tita. Parang napaka-importante sa kanila ni Loren.

"Sige po, aalis na po ako. Pakibigay na lang po ito sa kanya," sabi ko sabay abot ng sobreng may laman na sulat.

"Pakisabi na rin po na tawagan ako kapag pwede ko na siyang makita," dagdag ko at lumabas na ng bahay.

Inihatid ako ni tita hanggang labas ng bahay nila. Wala akong sundo kaya maglalakad ako, akala ko kasi magtatagal ako kila Harry. Grabe naman 'yong nangyari. Nasabunutan ko ang sarili ko nang maalala ang nangyari. Yung ano... Kasi 'yung ano.

Napahinto ako sa pag-iisip nang nagsimulang pumatak ang ulan. Malas talaga. Paano na? Wala akong payong! Malayo pa ang sakayan mula rito.

Unti-unti nang nababasa ang damit at buhok at unti-unti ko na ring natatanggap na maliligo ako sa ulan. Pero isang himala ng may isang pamilyar na kotseng huminto sa gilid ko. Hindi ako maaring magkamali.

Kotse ito ni Harry!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro