Kabanata 15

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Swerte

Inihanda muli ni Harry ang ibinigay sa kanyang pagkain kanina. Ang ulam ay tinapa, crispy pata at talbos ng kamote na ang sawsawan ay bagoong na hinaluan ng sukang may sili. Halos maubos na ang tinapa at talbos ng kamote pero yung crispy pata parang hindi nabawasan.

"Ayaw mo ba yung crispy pata? Bakit hindi nabawasan?" tanong ko.

"Ayoko, mas gusto ko ang tinapa." Nagkit-balikat siya.

"Ako din, gusto ko din, gusto ko lahat," sabi ko at nagsimula ng kumain. Pinaghimay niya pa ako ng tinapa at pakonti-konti ring kumakain. Para siguro ganahan akong kumain, malungkot kumaing mag-isa.

Pagkatapos kong kumain ay may na-realize ako, kailangan kong maligo. Amoy bagoong at suka ako. Amoy isda rin at pawis.

"Harry? Naligo ka na?" tanong ko.

"Hindi pa." Umiling siya.

"Maliligo ako, ang baho ko na. Saan pwedeng maligo rito?" Pansin ko kasing walang sariling palikuran itong bahay. Naki-CR nga lang ako kina Aling Berna.

"May nakita ako malapit na poso. Kumuha ka ng damit at sasamahan kita. Maliligo rin ako," sabi niya at pumasok sa kwarto. Paglabas niya ay dala na niya ang isang bag. Ako naman ay kumuha na rin ng damit na ipinahiram sa akin ni Cristy at sabay na kaming lumabas.

Ako ang mauunang maligo kaya ako ang unang pumasok sa paliguan malapit sa poso. Wala itong bubong at gawa sa pawid, yung parang sa kubo lang. Feeling ko tuloy masisilipan ako rito at isa pa, tabo at timba lang ang nandirito. Nasaan ang gripo?

"Harry, nasaan ang gripo? Walang tubig rito," sabi ko pagkalabas ko.

"Gripo ka d'yan. Linya nga ng kuryente hindi pa abot dito, linya pa kaya ng tubig," sabi niya at kinuha ang tatlong timba sa loob at itinapat sa poso. "Mag-iigib tayo, punuin mo ito at bubuhatin ko."

Kaya nagsimula na akong magbomba ng tubig. Nang mapuno ko ang tatlong timba, grabe ang hingal ko. Nakakapagod pala iyon.

"Maligo ka na," sabi ni Harry pagkapasok ng huling timba.

"Hindi ba ako masisilipan dito. Tsaka isa pa, wala akong shampoo, sabon, toothpaste, toothbrush at towel." Hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang mangyayari sa amin.

"Kaya nga nandito ako para hindi ka masilipan," sabi niya at kinalkal ang bag na dala. Nilabas niya lahat ng kailangan ko, buti na lang talaga at boy scout itong si Harry.

Nang matapos akong maligo, siya naman ang maliligo. Syempre hinintay ko rin skya. Feel na feel ko na mag-asawa talaga kami. Susulitin ko na kasi kapag nakauwi na kami ay masungit na naman at mahirap lapitan.

Lumabas siya ng nakatapis lang ng tuwalya at nakabalandra ang kanyang abs at maskuladong dibdib.

"'Wag mong sabihing ganyan ka babalik sa kubo?" tanong ko at tumingin sa paligid na maraming tao.

"Bakit? Malapit lang naman ang kubo. Nasa isang bag kasi ang mga damit ko," sabi niya at nagsimula ng maglakad.

Ako ang nahihiya habang naglalakad kami samantalang itong kasama ko ay proud na proud pa yata. Pagkarating namin sa kubo ay pumasok kaagad siya sa loob ng kubo para makapagbihis. Ako naman ay nagayos ng sarili at itinabi ang mga pinagbihisan namin. May kumatok sa pintuan at pumasok mula roon si Cristy na ngayon ko lang nakita.

"Hello, nandyan ba si Harry? Hinahanap kasi sya ni tatay. Nandyan na yung hihila ng sasakyan nyo," tanong niya at bahagyang sumilip sa loob

"Nagbibihis lang siya sandali," sabi ko at sakto namang lumabas si Harry sa kwarto.

"Narinig kong nandyan na ang hihila ng sasakyan. Sandali lang," sabi ni Harry at kumuha ng isang basong tubig at pumasok muli sa kwarto. Para saan iyon?

Lumabas ulit sya at inilapag sa lamesa ang baso na wala ng laman. Sumama siya kay Cristy kaya sumunod na rin ako. Pagkarating sa kalsada, nakita ko ang isang maliit na tow truck. Si Harry naman ay kausap na ang driver at si Mang Jaime habang ang ibang kalalakihan kabilang si Neil ay ikinakabit ang sasakyan sa tow truck.

"Sasama po ako," rinig kong sabi ni Harry, tumango-tango si Mang Jaime.

"Ikaw, Cristy doon ka na sa loob, sa tabi ng driver dito na lang kami sa likod ng truck. Ikaw, Harry, saan ka uupo?" tanong ni Mang Jaime.

"Pwede pa naman dito sa loob ang isa, tabi na lang po kami," sabi ni Cristy na nakasakay na sa front seat ng tow truck. What the heck?! No!

"Dito na lang ako sa likod," sabi ni Harry at lumapit sa akin.

"Sasama ka ba?" tanong niya sa akin. Syempre. Hindi pwedeng hindi. Baka lumandi ang asawa ko roon. Tumango ako.

"Okay, doon ka na tumabi kay Cristy." Ngumiti siya.

"Okay sandali lang, isasarado ko lang yung kubo at kukunin 'yung handbag ko," sabi ko at umalis na. Pagkabalik ko ay nakasakay na silang lahat at ako na lang ang hinihintay. Tumabi na ako kay Cristy at nagsimula na ang biyahe. Hapon na kaya hindi na masyadong mainit, nakabukas pa ang mga bintana nitong truck kaya inipit ko ang buhok ko para hindi liparin.

"Caia," tawag sa akin ni Cristy.

"Bakit?" Bumaling ako sa kanya.

"May gusto akong sabihin sayo," mahinahon niyang sambit.

"Ano 'yun?" Nagtaas ako ng kilay.

"Ang totoo niyan, crush ko ang asawa mo," sabi niya at namula ang pisngi.

Sinasabi ko na nga ba, eh. Naningkit ang mga mata ko sa kanya.

"Pero wala akong balak na landiin siya, hindi ako ganoon. Crush ko lang. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganoong lalaki. Pasensya na." Yumuko siya at nilaro ang sariling daliri.

"Naku, ayos lang iyon. Sanay na ako. Sa bayan namin ay mas malala pa kahit may asawa at anak na, wala silang pakialam," sabi ko.

"Ganoon ba? Nakakahiya naman iyon. Pero may isang babae kasi sa baryo na ganoon. Hindi mo pa lang siya nakikita dahil nasa bayan siya. Doon sila nagtitinda ng nanay niya. Basta makakita iyon ng lalake at matipuhan niya, gagawin niya lahat para maakit iyon. Ang nanay naman niya ay sulsulera," sabi ni Cristy.

"Anong pangalan niya?" curious na tanong ko. Eh, malay ko kung Loren din ang pangalan.

"Sabina, 'yung nanay niya ay si Aling Rosita. Nagtitinda sila sa palengke ng prutas. Pero, uuwi sila kagaya nila nanay para sa fiesta ng baryo sa makalawa," sagot niya

"Eh, ikaw Cristy, ano ang buo mong pangalan?" pag-iiba ko sa usapan. Ayoko munang ma-stress sa Sabina na iyon.

"Cristy Esteban. Si Neil naman ay Daneil Casiano. Eh ikaw, ano ang buo mong pangalan?" balik niyang tanong.

"Caia Aria Aganon-Catahan." Asawa nga ako ni Harry, hindi ba?

"Aganon? Kaano-ano mo ang mga Aganon na may-ari ng malaking plantasyon at hacienda dito sa Nueva Ecija?" Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya

"Ah, sila ba? Lolo at lola ko," nahihiyang sambit ko.

Nagulat siya at nanlaki pa ang mata. "Kung ganoon ang yaman niyo!" sabi nya pati ang driver ay nagulat. Napakamot ako sa ulo ko.

"Hindi naman kami yung mayaman, sila lola 'yon." Napakamot ako sa ulo ko.

"Kahit na. Baka sa inyo ipamana yung malawak nilang lupain. May mga kapatid pa ba ang papa mo?"

"Wala, nag-iisang anak lang siya." sagot ko.

"E' di, sa inyo nga ipapamana iyon. Kanino pa ba?" sabi niya.

Hindi na ako sumagot dahil nandito na kami sa bayan. Huminto kami sa isang talyer katabi ng palengke. Bumaba na ako at pinuntahan kaagad si Harry na kakababa lang din. Kaagad nilang inayos ang kotse.

"Tara, Caia, ipasyal kita sa palengke. Pupuntahan ko si nanay, eh," sabi ni Cristy na narinig yata ni Harry kaya napatingin sa direksyon namin. Napansin iyon ni Cristy kaya siya na ang nagsalita.

"'Wag kang mag-alala Harry, iingatan ko itong asawa. Hindi ko nga lang mababawal ang mga lalaking titingin sa kanya," sabi niya tsaka humagikgik. Napatingin sa akin si Harry tsaka tumango kay Cristy.

Aalis na sana kami ni Cristy ng bigla siyang mapahinto.

"Ayan na si Sabina at yung nanay niya." bulong ni Cristy sa akin at itinuro ang dalawang babae. Papunta sila sa direksyon namin.

Nang makalapit sila sa amin, kaagad napunta ang atensyon ni Sabina kay Harry na ngayon ay kausap ang mekaniko.

"Kamusta, Jaime? Mukhang may mga bago kayong kasama," sabi ni aling Rosita.

"Ah! Oo, ito si Harry at ang asawa niyang si Caia. Naligaw sila sa baryo natin at ipinapagawa ang sasakyan nila," sabi ni Mang Jaime.

"Naku! Tingnan mo ang tingin niyang Sabina na 'yan sa asawa mo, ang lagkit. Parang hinuhubaran na niya," bulong sa akin ni Cristy.

Napatingin ako kay Sabina na nagkataon namang nakatingin sa akin. Lumapit siya kay Harry at nakipagkamay. Tumango-tango lang si Harry habang may sinasabi ito. Itunuro ako ni Harry dahilan para mapatingin ito sa akin. Napansin ko na mas maganda itong manamit kaysa kay Cristy at ibang mga babae sa barrio. Mayroon din itong make-up sa mukha at mga jewelries.

Nagsimula siyang maglakad patungo sa amin.

"Hello, Caia tama? Ang gwapo ng asawa mo, ang swerte mo," sabi niya at kaagad na kaming tinalikuran.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro