Kabanata 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Home

Pigil ang mga ungol ko dahil tahimik na ang buong paligid at tulog na ang lahat. Kami na lang yata ang gising at may ginagawang kung ano.

"Harry!" mahinang tawag ko sa kanya na naging ungol na. Kaagad kong tinakpan ang bibig gamit ang kamay kong nasa batok nya kanina.

Napahawak ang isa kong kamay sa kanyang mga balikat ng mas lalo nya pang binilisan ang paglabas-pasok. Rinig ko rin ang mahihina niyang ungol.

Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang atensyon ko. Sa pangangalay ko ba dahil nakatayo kami malapit sa pintuan ng kwarto. Naka-angkla ang isa kong binti sa kanyang bewang, nasa ibaba lang ng isa kong paa na nakatapak sa lupa ang panty at short ko. Ang isa nyang kamay ay nasa pang-upo ko at marahang pinipisil iyon habang inaalalayan sa paglabas-pasok ng kanya. Habang ang isa nya pang kamay ay nasa loob ng t-shirt ko na hindi na naihubad, pinaglalaruan ang dalawa kong dibdib. Ang kanyang labi ay pabalik-balik lang ang halik sa leeg at panga ko.

Nakakulong lang ang mga ungol ko ganun rin ang sa kanya. "I'm almost there, Caia. Ah!" ungol niya. Mas lalo nyang binilisan at halos mabaliw na ako sa pagpigil ng ungol.

"Harry! Ah!"

Sa huling beses ay ibinaon nyang mabuti ang kanya at inilabas lahat ng naipong pagnanasa kasabay ng sa akin.

Hingal na hingal siyang tumitig sa mga mata at binigyan ako ng isang malalim na halik. Hinugot niya ang kanya at ibinaba ang aking binti. Sinuot niya ang kanyang shorts nasa paanan lang din nya pagkatapos ay sinuot sa akin ang aking panty at short. Binuhat niya ako at idinala sa kama. Inilipag niya ako roon at hinalikan ang noo bago lumabas ng kwarto. Hindi ko na siya nahintay dahil hinila na ako ng antok at pagod.

Nagising ako sa pagtawag ng kung sino sa labas. Nagmulat ako ng mata at nakita si Harry na nakayakap sa akin, nasa may leeg ko ang kanya mukha at walang suot na pang-itaas.

Sinubukan kong umalis, gumalaw siya humarap sa kabilang side ng kama at natulog ulit. Lumabas ako ng kulambo at pinailalim iyon. Pinuntahan ko na kung sino ang tumatawag na hula ko ay si Cristy.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Cristy na malawak ang ngiti.

"Caia, nandyan ang sasakyan nyo. Gawa na! " sabi nya at biglang natigilan at tumitig sa leeg ko

"Bakit?" tanong ko. Itinuro nya ang leeg ko, napahawak naman ako doon.

"Yung leeg mo kasi may mga pula-pula. Kinagat ka ba ng mga lamok?" tanong niya. Kaagad kong hinwakan ang leeg ko para matakpan iyon. Hindi naman kasi kagat ng lamok iyon. Kagat ni Harry!

"A-Ah, oo," sagot ko. Tumango siya at nagsalita ulit. Kiss mark na naman. May lahing bampira yata si Harry.

"Nandyan na 'yung sasakyan niyo, kausap ni tatay yung mekanikong naghatid dito," masayang balita niya na ikinalungkot ko naman.

"Sige, gigisingin ko si Harry. Sandali lang," sabi ko at pumasok sa loob para gisingin ang mahal na Harry.

Ganoon pa rin ang pwesto nya at himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Tinanggal ko na ang kumot nya pati ang kulambo at sinubukan syang gisingin.

"Mahal na hari, gising na, tanghali na," sabi ko at niyugyog sya pero walang epekto. Sinubukan kong kilitiin ang bewang nya, napakislot siya ng konti. Napangiti ako, mukhang effective iyon. Sa pagkakataong ito kiniliti ko na talaga siya. Napabangon tuloy siya sa kama at tinignan ako ng masama. Tumawa lang ako sa reaksyon nya.

"Gising na, tanghali na po. Nandoon na ang sasakyan sa labas, gawa na," sabi ko. Mabilis siyang umalis ng kama at nagsuot ng t-shirt at shorts. Lumapit muna siya sa akin at mabilis na hinalikan sa labi bago tuluyang umalis.

Probably our last kiss.

Niligpit ko muna ang higaan at inayos ang sarili. Naglipit na rin ako ng mga gamit namin at inayos ang buong kubo. Malamang ay ngayon na rin kami uuwi. Lumabas ako at nakita si Lotte na papalapit sa akin.

"Aalis na po ba kayo, Ate Caia?" mangiyak-ngiyak na sabi niya at yumakap sa binti ko.

"Oo pero babalik ako, promise 'yan," sabi ko.

"Promise mo 'yan, ha? Hihintayin kita," sabi niya. Tumango ako at ngumiti, ngumiti rin siya sa akin at sumama na sa mga kaibigan.

Lumapit ako kay Harry na ngayon ay kausap ang mekaniko. May inabot siyang pera rito, 'yun siguro ang napagkasunduang bayad.

Humarap sya sa akin. "We are finally going home, Caia," sabi niya. Tumango ako. Yeah! I am finally waking up in this dream.

Pinaandar niya muna sandali ang kotse at ng malamang ayos na talaga ito, doon na namin dinala ang mga gamit namin.

Pinakain muna kami nila aling Cara ng umagahan at pinabaunan pa ng bigas.

"Caia, para sa inyo ni Harry," sabi ni Cristy at inabot sa akin ang dalawang handmade na wallet na gawa sa abaka.

"Ang ganda nito, salamat," sabi ko.

"Babalik ka, 'di ba?" tanong niya. Tumango ako at niyakap siya.

Nagpaalam na rin ako kina Neil at aling Berna. Pati sa ibang mga tao roon.Sumakay na ako sa sasakyan at binuksan ang bintana. Lumapit si Neil doon. "'Yun nga pa lang sinabi ni Lotte sa iyo, ahm, totoo 'yon," sabi niya bago tuluyang pinaandar ni Harry ang sasakyan.

Ano 'yung sinabi ni Lotte? 'Yun bang....

Nilingon ko siya na medyo malayo na sa amin. Kumaway siya at bumalik na sa kanilang baryo. Mami-miss ko ang baryo na iyon. Maraming alala roon, lalo na doon sa may kubo.

"Pupuntahan pa ba natin 'yung kaibigan mo?" tanong ko kay Harry na seryosong nagmamaneho.

"Hindi na, pagdating natin sa bayan, tatawagan ko siya at sasabihing hindi ako tutuloy. Diretso uwi na tayo no'n. Siguradong maraming trabaho sa munisipyo," sagot niya. Oo nga pala, mayor pala siya ng bayan.

Pagdating namin sa bayan ay huminto kami. Tinawagan ni Harry ang kaibigan habang ako ay pinadalhan ng text message sila Mommy, siguradong nagaalala na ang mga iyon. Sinabi kong pauwi na kami. Bumili rin ako ng ilang snacks at inumin. Medyo mahaba-haba ang byahe, eh.

Pagbalik ko ng sasakyan ay wala pa rin si Harry. Sinilip ko sandali ang mga kiss marks ko. Nilagyan ko ulit ang mga iyon ng concealer. Grabe, ang hahapdi, pinagkakagat at pinagsisipsip ba naman ni Harry. Hanggang dibdib ko ay meron. Saktong pagbalik ni Harry ay natapos ako.

Nagsimula ulit kaming bumyahe, hindi na namin ginamit ang waze ng sasakyan dahil baka iligaw na naman kami. Ginamit na lang namin ang GPS ng cellphone niya. Buong byahe ay nakikinig lang ako ng music habang kinakain ang biniling snacks sa bayan. Iniisip ko na dapat maging masaya ako dahil uuwi na kami ni Harry. Pero, babalik na kami sa dati. Lahat ng nangyari sa baryo ay paniguradong mababaon na lang limot.

Nakatulog ako at pagkagising ko ay nasa tapat na kami ng aming bahay. Lumabas kaagad ako ng sasakyan at kinuha ang mga gamit ko. Bumaba rin si Harry. Binuksan ko ang gate at pumasok sa loob ng bahay kasunod ko si Harry.

"Mommy! Daddy! I'm here na po!" sigaw ko sa loob ng bahay.

"Caia, where have you been? Saan kayo galing?" tanong ni mommy tsaka ako niyakap.

"Pasensya na po tita, naligaw po kami tapos nasiraan pa ng sasakyan kaya natagalan po ang pag-uwi namin," sabi ni Harry.

"Hindi rin kami makatawag dahil walang signal doon," sabi ko. Tumango si mommy ganoon rin si daddy.

"Ang mahalaga ay nakauwi kayo ng ligtas. Ikaw, hijo, magpahinga ka muna. Magpapahanda ako ng meryenda," sabi ni mommy.

"'Wag na po uuwi na rin po ako, baka nag-aalala na rin po ang mga magulang ko," sabi niya.

"Aalis na po ako tito, tita. Una na ako, Caia," sabi niya at tuluyan ng umalis.

Umakyat ako ng kwarto ang nahiga sa aking kama. Na-miss ko ito. Pati yung baby bear ko. Nakagat ko ang labi ko at napahawak sa ibabang parte ng katawan, hindi na ako virgin! Hindi natupad na dapat birhen akong haharap sa altar. Napakalandi ko naman kasi. Naisuko ko na lahat pero hindi ko pa rin nalalaman kung sino ang babaeng ipinalit sa akin ni Harry. Masyado ko ba siyang naakit at nagawa niyang magtaksil. Anong labas ko? The other woman? Umiling ako, hindi naman ganoon si Harry. Siya na yata ang pinaka-loyal na taong kilala at may isang salita rin. Hindi ko lang alam kung anong nangyari sa kanya ngayon. Minsan ay hindi na rin ma-gets ang mga ginagawa niya. He seems so bothered about something.

Nakaidlip ako ng ilang minuto at nagising sa katok ng pintuan. Kinusot ko ang mga mata ko at napahikab pa ng isang beses bago tumayo at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin na may dalang isang balita na tuluyang nagpagising sa akin.

"Caia! Sinugod sa ospital si Harry! Nahimatay siya habang nag-aayos ng mga papeles sa munisipyo. It's all over the Facebook." sabi ni Mommy dahilan nang pagkagising ng buong diwa ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro