Kabanata 22

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Papa

Pinagdikit ko ang dalawang box ng gatas na binili ko sa drugstore at 'yung gatas na kasama sa padala. Parehong-pareho kasi, nakakapagtaka parang alam talaga no'ng nagbigay :yung irereseta ng doktor. Pati mga vitamins. Itinabi ko na ang isang box habang ang isa ay nilagay ko ang laman sa isang lalagyan at inilagay iyon sa ilalim ng mesa sa tabi ng kama ko.

Ang printed image ng ultrasound ko ay iniligay ko sa isang picture frame at inilagay sa mesa katabi ng kama. Natutuwa talaga kapag nakikita ko yung maliit na bilog na yan, ang liit pa ng baby tapos mga ilang buwan pa ay maririnig ko na siyang umiyak. Hindi ko muna iisipin ang pagod na makukuha ko sa pagiging ina, hindi naman kasi puro saya lang ang meron sa pag-aalaga ng baby. Ngayon ay ang problema ko muna ay kung paano sasabihin kay mommy, daddy, kuya, at Harry.

Naputol ang pag-iisip ko nang makaramdam ng gutom. Bumaba ako at pumunta ng kusina. Binuksan ko ang refrigerator para tignan kung may pagkain bang may cheese roon pero isang chocolate bar lang na nakabukas ang nakita ko roon. Napahawak ako sa bibig ko at dumuwal ng isang beses. Isinara ko kaagad ang refrigerator at huminga nang malalim. Si kuya siguro ang may kasalanan, ang hilig talagang mag-iwan ng pagkain na hindi naubos sa fridge.

Lalabas na nga lang ako para bumili ng pizza na maraming-maraming cheese. Talagang kakaiba ang paglalaway ko sa keso ngayon. Gutom na talaga ang baby. Medyo malayo rito ang city kaya kailangan ko pang sumakay ng jeep. Walang pwedeng maghatid sa akin. Si kuya nasa duty, si daddy naman na sa Nueva Ecija, isang linggo siya roon at inaasikaso ang farm ni lolo.

Pagkarating ko sa mall, naghanap kaagad ako ng fast food restaurant na nag-o-offer ng pizza na maraming-maraming cheese. Nahirapan ako kasi wala namang ganoong restaurant dito dahil baka sumakit ang tiyan ng mga kakain ng maraming cheese. Nang makahanap ay kaagad sa counter para um-order.

"Hello, ma'am. Good morning. What's your order po?" tanong ng cashier.

"Isang Hawaiian pizza na may maraming-maraming cheese," sabi ko.

"Come again, Ma'am?" Napakurap pa si Ateng Cashier.

"Gusto kong damihan niyo ang cheese kahit magdagdag na lang ako ng bayad. Please," sabi ko. Mababaliw yata ako kapag hindi niya ako pinagbigyan.

Hindi sumagot ang cashier halatang nag-iisip. Baka hindi pwede. Tinawag niya ang manager at kinausap. Patingin-tingin sa akin ang manager na nginingitian ko lang. Sana pumayag.

"Naglilihi kasi ako sa cheese. Pasensya na. Gusto ko lang ma-satisfy ang baby ko," pakiusap ko sa kanilang dalawa. Tumango ang manager sa cashier. Humarap ang cashier ng nakangiti sa akin.

"Cheddar po o Mozzarella cheese?" Sa wakas ay tanong ng cashier.

"Mozzarella tsaka konting cheddar. Salamat," sabi ko at saka nagbayad na.

"Pakihintay na lang po, ma'am," sabi niya tsaka ako binigyan ng number.

Umupo na ako sa may bakanteng upuan at hinintay ang in-order. Ilang minuto lang ay dumating na ang order ko at lumundag ang puso ko sa tuwa nang ilapag na ang pizza na punong-puno ng cheese. Ang bango-bango, ang sarap titigan, pero sigurado akong masarap ding kainin.

Gusto mo ba yan anak? Para sayo lahat 'yan.

Nagsimula akong kumain at parang kinikiliti ang tiyan ko sa bawat kagat. Ganito talaga siguro kapag nasa-satisfy ang cravings lalo kapag buntis.

Sa sobrang busy ko sa pagkain, hindi ko na namalayan na may umupo na pala sa isang upuan sa table ko. Napansin ko lang sya nang inilapag na nya ang kanyang pagkain sa lamesa. Tinignan ko kung sino iyon at nagulat pa ako.

Harry!

Para akong tinuklaw ng ahas sa presensya niya. Napa-ayos ako ng upo at nailunok ang pagkain. Nahinto rin ako sa pagsubo at tumingin sa kanya.

"Kain ka lang. 'Wag mo akong pansinin," sabi niya at kumain na rin.

Tumango ako. Pinagpatuloy ko ang pagkain. Kung kanina ay panay ang subo ko, ngayon ay paunti-unti na lang. Nakaka-conscious naman kasi. Bakit tumabi pa siya sa akin? Pwede naman siyang sa ibang table na lang.

Natapos ko ang pagkain ganoon din siya. Ibinigay niya sa akin ang isang basong inumin niya. Tinignan ko siya, ngumiti lang siya at tumango. Kinuha ko iyon at ininom. Pumunta siya ng cashier at nagpa-take-out ng isang pizza.

Nauna na akong lumabas at pumunta sa supermarket ng mall. Kumuha ako ng maliit na basket at napatalon pa ako sa gulat nang makita ang nasa likod ko.

Si Harry na naman. Sinusundan niya ba ako? Parang kabute.

"M-Mamimili ka ba?" tanong ko at nagtaas ako ng kilay.

"Yes, dito mo na lang ilagay ang sa iyo. Marami ka bang bibilhin?" tanong niya nang hindi ako tinitignan.

Umiling ako. "Baka maabala kita, 'wag na lang." Kukuha na sana ako ng isa pang shopping basket pero marahan niyang hinila ang kamay ko.

"Halika na, marami naman akong oras," sabi niya at nauna nang naglakad. Ibinalik ko ang basket at sumunod sa kanya. Hinintay niya ako at pinaunang maglakad. Pumunta kaagad ako sa section ng mga cheese. Lahat ng klase ng cheese ng makita ko doon ay pinaglalagay ko sa cart. Pinagmamasdan lanh ako ni Harry at hindi ko alam kung natutuwa ba siya dahil sa mga pinagbibili.

Sinunod kong puntahan ang biscuit at kinuha lahat ng klaseng pagkain na cheese flavor. Hindi kaya ako masuya nito?

Anak, hindi kaya magka- diarrhea si mama n'yan.

"Akala ko ba may bibilhin ka?" tanong ko kay Harry na kanina pa sunod nang sunod sa akin. Pwede naman siyang umiba ng daan habang nagtitingin ako ng bibilhin. Hindi ko naman sinabing sundan niya ako kahit saan.

"Wala pala dito ang bibilhin ko," sagot niya at ngumiti pa nang malaki. Parang siraulo.

"Ako na tuloy ang magtutulak n'yan. Pwede ka nang umalis kung may gagawin ka pa," sabi ko.

"Ako na, Caia." Inalis niya ang kamay ko sa cart at nagsimula na ulit itulak iyon.

Pumunta ako sa beverage section at bumili ng maraming yakult. Nang masiyahan sa mga binili ay pumunta na ako sa cashier at sumunod naman siya.

Siya na rin ang nagbigay sa kahera ng mga binili ko. Kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko pero nakita kong nag-abot siya ng isang credit card sa cashier. Nang matapos ay siya pa ang nagdala ng mga binili ko. Pumunta muna sya sandali sa baggage counter at kinuha ang pizza niya.

Lumabas kami ng supermarket at naglakad-lakad sa mall. Habang naglalakad ay nakatanaw lang ako sa kanya na ngiting-ngiti. Ano bang masaya sa paglalakad? Naiirita nga ako sa kanya, eh. Hindi na ako sanay na ganyan siya sa akin. Tapos magkagalit pa kami, hindi ba? Nice fuck, huh?!

"Hindi ka ba busy ngayon?" tanong ko sa kanya. Nagtaas ako ng kilay at pinasungit ang itsura nang sumulyap siya sa akin.

Umiling sya. "Free time ko ngayon."

"Bakit ka nandito sa mall?" Sakto pang pupunta rin ako.

"Masama bang mag-mall?" sarkastikong tanong niya. Kainis talaga.

"Bakit mo ako sinasamahan?" Medyo lumakas ang boses ko.

"Wala akong alam gawin dito sa mall, eh, nakita kita. Kaya sasamahan na lang kita," sagot niya at nagkibit-balikat.

Napahinto ako nang makita ang isang baby store. Nilapitan ko ang mother and daughter na dress na naka-display. Sinilip ko rin ang loob. Dito na lang ako mamimili ng mga damit ng baby ko. Ano kaya ang gender niya? Excited na ako. Sana girl.

"Ang sarap sigurong magka-baby," sabi ni Harry at tiningnan din ang naka-display.

May baby ka na kaya.

"Ano bang gusto mo? Lalake o babae?" alangan kong tanong. Siguro ay mas gusto niya ng lalake.

Tinignan niya ako. "Any gender will do. Basta malusog sya at walang sakit," sabi niya at ngumiti.

Sana makuha mo ang ngiti n'yang ganyan, anak.

"Ikaw?" balik tanong niya at sumalyap sa akin.

Dahil sa sagot niya ay hindi na rin naging mahalaga sa akin kung ano man ang magiging kasarian ng anak namin. "Kahit ano rin basta buo sya at malakas," sabi ko.

Lumukot ang ilong ko nang makaamoy ng chocolate. Napasapo ako sa bibig ko at naduwal. Bakit ngayon pa dumaan ang chocolate na iyon?!

"Ayos ka lang?" tanong ni Harry at inilayo ako sa lugar na iyon na malapit pala sa mga nagtitinda ng chocolate.

Nang mahimasmasan ako ay nag-aya na akong umuwi. Sinakay niya ako sa kotse at mabagal na nagmaneho, maya't maya ang tingin sa akin.

Pagdating sa amin ay tinulungan niya akong iakyat sa kwarto ko ang mga pinamili. Nagpaalam na siyang aalis pero kaagad ko syang tinawag nang maiwan niya ang pizza niya.

"Harry, ang pizza mo." Tinuro ko ang box ng pizza na nakalimutan niyang kuhanin.

"Sayo 'yan, maraming cheese kagaya ng in-order mo kanina. Hindi ko alam na mahilig ka pala sa cheese," sabi niya at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

"Alam mo anak, ini-stress ako ng papa mo. Minsan sweet, minsan naman sobrang sungit."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro