Kabanata 25

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Girl

Nakatulog si Mommy Empress sa sofa pagkatapos ayusin ang mga gamit ni Harry. Nagpaalam din sila mommy na uuwi muna, masama pa rin ang timpla ni daddy dahil sa nangyari sa akin. Mukhang hindi pa sinasabi ni mommy sa kanya kung sino ang ama ng baby ko. Natatawa na lang talaga ako kay daddy. Parang ang laki ng problema na ako pa ang naunang magkaanak kesa kay kuya.

Naku, daddy! 'Wag kang mag-alala, matinong tao ang nakabuntis sa akin. Matigas nga lang ang ulo.

Natawagan ko na rin ang secretary ni Harry para sa pabor niya. Pero tulog pa rin ang mahal kong Harry. Dapat lang dahil kailangan niya ng maraming pahinga. Kung ako lang ang masusunod ay hindi na dapat siya nagtatrabaho dahil sa lumalala niyang kondisyon.

Lumabas muna ako sandali para bumili ng makakain dahil gutom na ang anak ko. Syempre hindi pwedeng mawala ang cheese sa menu. Kaya bumili ako ng fried chicken na ang sauce ay melted cheese. Sarap na sarap akong kumain at walang pakialam sa paligid kahit pinagtitinginan nila ako dahil sa dami ng pagkaing nasa hapag ko.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik kaagad ako sa ospital. Tulog pa rin si Mommy Empress pero gising na si Harry at kumakain ng biscuit.

"Akala ko umuwi ka. Saan ka galing?" tanong niya at sinenyasan akong lumapit.

"Kumain kami ng anak ko," sabi ko at lumapit sa kama niya.

"Anak mo lang?" Nagtaas siya ng kilay.

"Fine, anak natin. Happy? Galit ako sayo, 'wag kang ano." Umirap ako at hinampas ang balikat niya. "Ang sama mo, pinapaiyak mo si Mommy Empress."

"Anong tawag mo sa mommy ko?" Ngumisi siya.

"Hindi 'yan ang issue dito. Ayaw mong magpa-opera? Ano? Mamamatay ka? Hindi mo man lang naiisip ang nararamdaman ng mommy mo?" Pigil na pigil ko ang boses dahil natutulog si Mommy Empress.

"Umiyak siya sa akin kanina, and it's so heart-breaking. Alam mo ba kung gaano kabigat ang nararamdaman niya dahil sa sitwasyon mo ngayon? You're hurting her, you are so selfish," sabi ko at pinaghahampas siya nang mahina. Naiinis talaga ako sa kanya.

"Caia..." Hinawakan niya ang kamay ko.

"And how about this baby? Hahayaan mo siyang lumaki nang walang papa? Hindi mo man lang naisip iyon?" Pinunasan ko ang tumulong luha mula sa mga mata ko. This is so frustrating, ngayon lang ako natakot ng ganito sa buhay ko. I dreamed of a happy and complete family with Harry. Pero ngayon ay puro pangamba at takot ang nasa puso ko dahil ano mang oras ay pwede siyang maatake at hindi na magising. I don't want that to happen.

"I'm sorry, Caia. Please don't cry." Siya na ang nagpunas ng luha ko.

"'Wag ka sa akin mag-sorry, sa mga magulang mo, sa mommy mo. Dahil sila ang labis na nasasaktan sa sitwasyon mo ngayon. Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa mommy mo na magkasakit ka at wala siyang magawa. Kung pwede lang ay akuin na niya ang sakit mo, kung pwede lang siya na lang ang masaktan because that's your mother. Galing ka sa kanya. Mahal ka niya higit pa sa buhay niya. Isipin mo sana ang mararamdaman ng mga tao sa paligid mo kapag nawala ka." That's a mother, always putting first the sake of her children. Hindi baleng sila na lang, 'wag lang ang mga anak nila.

Napatingin si Harry sa natutulog na ina at tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya. Kinabig niya ako nang marahan para mayakap. Isinubsob niya ang mukha sa aking balikat at mahinang humikbi.

"Patawarin mo ako. Hindi ko alam ang ginagawa ko. Ayoko lang maging pabigat sa kanila. Matanda na sila, buong buhay ko, takot silang iwanan ako. Buong buhay nila ay pasan-pasan nila ako. Nahihiya ako sa kanila dahil hanggang ngayon kailan ko pa rin sila, umaasa pa rin ako sa kanila." sabi niya at humagulgol pa ng iyak. Hinaplos ko ang likod ko niya at napatingin kay Mommy Empress na unti-unti nang nagigising.

"Harry, anak." Bumitaw sa akin si Harry nang marinig si Mommy Empress.

Mabilis na niyakap Mommy Empress si Harry.

"I'm sorry, Mommy. Hindi ko gustong saktan ka. Ayokong maging pahirap sa inyo ni daddy sa mahabang panahon." Finally, the king bowed down because of heartbreak and fear.

"Anak ko, hindi ka kailan man magiging pabigat sa amin ng daddy mo. Mahal na mahal ka namin. Mawala na sa amin ang lahat wag lang ikaw. Ang daddy mo naghahanap siya ngayon ng paraan para mas mapadali ang paggaling mo. Kahit uugod-ugod na ako anak, hindi ako magsasawang alagaan ka. Kaya pakiusap tulungan mo ang sarili mo. Hindi ko kaya pero ikaw, nasa iyo kung gusto mo pang magpatuloy. Mas maraming rason para manatili kesa lumisan. Magiging daddy ka na. Daddy na ang baby boy ko." Hinaplos ni Mommy Empress ang mukha ni Harry na parang ito ang pinakamahalagang bagay na nahawakan niya.

"I'm sorry, Mommy. I'm sorry," paulit-ulit na sabi ni Harry.

"Magpapa-opera ka, ha? Gagaling ka," sabi ni Mommy Empress habang sapo ang mga pisngi ni Harry. Tumango si Harry at niyakap muli ang ina.

Pinunasan ko ang luha ko. Iba talaga kapag nanay. Of course, the father will do everything too for their children. Pero iba kasi ang haplos at alaga ng isang ina. They can easily break the walls you build to protect your self. Parang sila ang susi sa nakakandadong puso mo para makulong lahat ng lungkot at takot. Alam nila ang pasikot-sikot ng utak mo para malaam kaagad kung may problema ka. The mother is one of the best meanings of God's love to us. Unending, unconditional, forgiving, and never feels tired.

Umalis sandali si mommy Empress dahil bibili daw sya ng makakain. Nilapitan ko naman ang iyakin na mayor. Tumabi ako sa kanya at yumakap.

"Magpapagaling ka, ha? Promise 'yan. Iyakin ka rin pala. Mama's boy," sabi ko at bahagyang natawa.

Ngumiti siya. "Si mommy kasi ang lagi kong kasama noon. Si daddy ay laging nasa trabaho. Na-a-appreciate ko naman ang mga efforts ni daddy, gusto kong maging katulad niya. Hard-working at may prinsipyo, laging gustong tumulong kung kaya niya. Pero mas napalapit talaga ako kay mommy, kasi lagi siya ang nakikita ko."

"Kahit ako naman. Mas magka-vibes kami ni mommy kesa kay daddy." Minsan naiinis ako kay daddy dahil sa sobrang pagka-protective niya sa akin. Minsan naiisip ko na wala siyang tiwala sa akin at ano mang oras ay kayang-kaya kong ipahamak ang sarili ko.

Natahimik kami sandali. Mga malalalim lang na paghinga ang naririnig sa buong silid.

"Caia,"

"Hmm?"

"When our baby turns two at hindi pa rin ako nakakabalik mula sa ibang bansa. Please look a father for him or her."

Napabangon ako sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko. "No," sabi ko at umiling.

"Please, Caia."

"No! Harry, no!" Umiling-iling ako. Ayoko...

"Try to love again kapag hindi na ako nakabalik." Nabasag ang boses niya at parang hindi naman bukal sa puso niya ang mga sinasabi.

"'Wag mong sabihin 'yan. Babalik ka at hihintayin kita, hihintayin ka namin kahit gaano katagal. Babalik ka! Hindi ako papayag kapag hindi ka bumalik." Napaiyak ako ulit. Wala na akong ginawa ngayong araw kung hindi ang umiyak. "At sa tingin mo kaya kong magmahal ng iba? Kung magpalit kaya tayo ng kalagayan ngayon at pilitin kang magmahal ng iba kasi hindi na ako babalik. Mahirap iyon. 'Wag mo naman akong ipamigay." Niyakap ko sya. Bakit siya ganyan? Bakit lagi niya akong tinutulak palayo?!

"I'm sorry," sabi niya at niyakap ako pabalik.

Bumukas ang pintuan ng kwarto nya at pumasok si mommy Empress kasama ang sekretarya na may mga dalang folder.

"Bakit ka na naman umiiyak, Caia? Naku! Harry, namumuro ka na ngayon, ha! Paiyak ka nang paiyak kay Caia, tandaan mo buntis 'yan. Masamang pinapasama ang loob n'yan. Magtatampo ang baby," sabi ni mommy Empress at nagpamewang pa.

"Tahan na, hija, masyado ka nang nagiging emosyonal ngayong araw. Hindi maganda 'yan sa baby, dapat relax ka lang," sabi ni mommy Empress sa akin at pinunasan ang luha ko.

"Opo, mommy," sabi ko at napatingin sa sekretarya na laglag ang panga dahil sa mga naririnig.

Nagulat pa sya ng tawagin sya ni Harry para lumapit.

"You call my mother what? Caia?" tanong ni Harry habang nakangisi.

"I'm carrying your baby, by the way. So, anong masama na tawagin kong mommy ang ina ng ama ng anak ko?" sagot ko sa kanya.

"'Di ba, Mommy?" baling ko kay mommy Empress.

"Of course, hija, matagal ko na rin namang gustong magkaanak na babae," sabi ni mommy Empress tsaka tumawa.

"Ewan ko sa inyong dalawa, pinagkaisahan niyo ako."

"Bakit may angal ka? Sana anak, babae ka para lagi nating binu-bully ang papa mo," kausap ko sa anak ko.

Umiling lang si Harry habang nakangiti at binalingan na ang sekretarya.

Baby, pinapangarap kong maging perpekto ang pamilya natin. Gagaling ang papa mo, sigurado yan. At hihintayin nating mangyari iyon, ha? Anak'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro