Kabanata 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Move-on

"What's the meaning of this Teacher Cai? You're resigning? Pero nakaka-isang taon ka pa lang!" sabi ng head teacher II na si Ma'am Shy.

"One and a half year Ma'am," pagtama ko sa kanya.

"And so? That's too short. Ano namang dahilan mo at magre-resign ka? Hindi ba sapat sayo ang sweldo? I will see what I can do for that-"

"No, Ma'am. It's not about that."

"Then, what? Mahal na mahal ka ng mga bata dito kung pwede nga lang ay hilingin ng mga batang iyon na ikaw na lang ang guro nila palagi. Sa tingin mo ba hindi malulungkot ang mga iyon kapag nalaman nilang umalis ka?"

Alam ko naman iyon, mahal ko rin naman ang mga batang iyon at kahit papano ay mami-miss ko rin sila kapag umalis ako rito pero...

"Ma'am, please understand me. May gusto akong gawin sa Pilipinas, gusto kong doon magturo, hindi naman sa ayaw ko sa mga bata rito, they are great. But, mas gaganahan akong magturo kung mga bata sa atin ang tuturuan ko dahil sa umpisa pa lang ay iyon na ang goal ko kaya ako nag-teacher." paliwanag ko.

Yes, it's been one and a half year since I accepted the offer of International Teaching Force Company. And I'm here in the U.S. together with other Filipinos that accepted the offer. At ang kausap ko ngayon ay si Ma'am Shyla Reed. Isang Pilipino na 20 years nang nagtatrabaho dito. Dito na rin nakapangasawa at nagkapamilya. Kung tutuusin ay pwedeng-pwede ko ring gawin iyon, ang daming gwapo at matitinong lalake rito. Pero kasi, iba pa rin talaga ang tawag ng bayang sinilangan at ng morenong lalake.

"Parehong-pareho kayo ng tita mo. Pero di naman hamak na mas nagtagal siya. Hay! Bahala ka kung anong gusto mong gawin, alam mo namang aaprubahan ito kaagad dahil maraming naka-line-up," sabi nya at bumuntonghininga

"Thank you," sabi ko. Kumaway lang siya at umalis na sa opisina ko.

Pagkauwi ko sa tinutuluyan kong apartment, ibinagsak ko kaagad ang sarili sa kama. Uuwi na ako sa makalawa at wala nang dahilang ang pwedeng pumigil sa akin sa pagkakataong ito. Ilang beses ko na ring sinubukang umuwi noon pero maraming nakasalabay na hadlang kaya nakuha ko ring nagtagal dito. Aaminin ko na hindi naman talaga bukal sa puso ko ang pagpunta rito. It feels like an obligation that I need to fulfill for the people of my surroundings. Dahil nga sa nagtapos ako nang may mataas na karangalan ay obligado akong maging maganda rin ang papasukan na trabaho. Dumagdag pa ang si...

Binuksan ko ang laptop at nagpunta sa Skype. Simula ng nagpunta ako rito ay hindi na ako nagbukas ng kahit anong social media accounts pwera ang Skype. Ewan ko ba sa sarili ko, basta ayokong magkaroon ng koneksyon sa ibang tao sa Pilipinas habang nandito ako maliban na lang syempre sa pamilya ko. Panay si mommy lang naman ang kausap ko sa Skype, si daddy ay madalas busy sa farm, si kuya naman ay palaging nasa duty. Kagaya ng inaasahan ko, online si mommy at naghihintay lang ng tawag ko.

"Mom," bungad ko sa kanya.

"Makakauwi ka na raw ba anak?" bungad niya. Isa pa itong atat na atat akong makauwi. Parang hindi pa rin ako handang pakawalan hanggang ngayon.

"Opo, sigurado na sa makalawa." Ngumiti ako.

"Naku! Matutuwa ang daddy at kuya mo. Magpapahanda ako!" excited na sabi habang pumapalakpak. Ang mommy ko talaga, palaging sabik na sabik sa mga bagay-bagay.

Umiling ako. "'Wag na. Sandali ng naman akong nawala, eh." Ang OA naman kasi kung may handaan pa.

"Ah, basta. Iimbitahan ko ang mga kaibigan natin." Pinanlakihan pa ako ng mata. Hanggang ngayon parang teenager pa rin, mabuti at napagtiyagaan ni daddy.

Ang tigas ng ulo ng nanay ko. "Bahala ka na mommy."

"Kakauwi mo lang galing trabaho? Hanggang kailan pa yung trabaho mo?" tanong ni niya.

"Kakauwi ko lang, hanggang bukas na lang ako, half-day lang siguro para makapag-handa sa flight. Hapon ng makalawa baka nandyan na ako," sagot ko at humikab.

"Magpahinga ka na, anak, pagod na pagod ka." Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya. Sa wakas, nanay mode na siya.

"Madami rin kasi akong inasikaso ngayon para sa pag-resign ko kaya nag-over-time," sabi ko at humikab pa ng isang beses.

"Sige, ibaba ko na ito para makapagahinga ka na." Tumango sita at kumaway pa.

"Bye, mom, love you, see you in a bit."

"I love you more, bunso," paalam ni mommy at siya na mismo ang nagbaba ng tawag. Inayos ko na ang mga gamit ko at naglinis ng katawan bago idikit ang katawan sa kama.

Kinuha ko ang stuffed toy na nakalagay sa ibabaw ng kama ko. "Baby bear."

Bumangon ako at kinuha ang cellphone. I'm gonna open my facebook account. D-in-ownload ko muna iyon at in-install. Nang ilalagay ko na ang password, wala na akong maalala. Hindi ko na alam ang password ko. I tried all the possible combinations or words but it's not working. Sa huli ay sumuko ako at gumawa na lang ng bago. Ang bilis ko namang makalimot. Signs of aging na ba ito?

Nang makagawa na ng bagong account, nag-add friend ako sa lahat ng mga kilala ko including syempre si kuya naka-online kaya na-accept niya kaagad. Kaagad nag-pop-up ang message mula sa kanya.

Kuya:
Uy! Sa wakas nag-FB din. Bakit bagong account?

Ako:
Nakalimutam ko 'yung password ng luma. Bakit naka-online ka? Nasa duty ka diba?

Kuya:
Break ko sandali, babalik na ako. Mamaya na lang.

Nag-offline siya at nag-browse pa ako sa Facebook. Habang nag-scroll-up ako, namataan ko ang FB page ng Municipality of La Paz, bayan namin ito. Kaagad kong ni-like ang page at sinuyod ang bawat upload nila. Mukhang marami ngang nagbago sa La Paz simula ng maupo siya bilang bagong mayor. Isang taon pa lang at kita na ang progreso.

"Ang galing ng papa bear mo," sabi ko sa stuffed toy at ngumuso.

Oo na, sige na. Ako pa rin itong hindi nakaka-move-on. Kasalan ko bang marami siyang alaalang binigay sa akin. Kaya nga hindi ko alam kung paano ko pa siya kakausapin n'yan. Ang awkward ng huling pag-uusap namin. Nahihiya na ako ngayon sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay hindi na niya ako kilala at hindi ko na siya kayang abutin pa.

Sinubukan kong i-search siya sa friends ni kuya. Naka-private kaya mahirap hanapin, ma-add friend nga. Pagka-add friend ko sa kanya ay in-accept kaagad.

"Wow! Agad-agad."

Ibig sabihin online siya. Anong gagawin ko? Malamang alam n'yang online ako. Bakit praning ka, Cai? Anong nangyayari sayo?

I-chat ko kaya?

'Wag na.

Wave lang naman tapos sasabihin mo napindot lang.

Lumang palusot na 'yan, Cai.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko. Si mayor nag-wave?!

Ano na ngayon Caia? Wave back? Siya naman ang nauna. Okay, wave back.

S-in-een naman niya ang wave back ko. Oh! He's typing!

Harry:
Hi!

Syempre dapat ang sagot hello, 'di ba?

Ako:
Bakit?

Ano?! Cai wala ka na talaga sa sarili mo? Bakit 'bakit' ang ni-reply mo?

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa katangahan.

Harry:
Wala lang. Balita ko uuwi ka na. May party daw sa bahay n'yo. Pupunta ako.

Calm down Cai!

Ako:
Oo, sige punta ka. Magsama ka din ng friends mo.

Harry:
Okay. Pwede si Vice Mayor?

Vice mayor? Si Loren? Bakit, Harry? Nakakainis, ha! Pero sabi ko ay friends lang ang isama niya kaya baka friends lang sila. Tama-tama, huwag madumi ang pag-iisip, nakakamatay.

Harry:
Hey? Still there.

Harry:
Cai?

"Loren? Anong meron kay Loren? Bakit gusto mo siyang kasama Harry?" Ngumuso ako at inisip nang mabuti kung anong magandang i-reply. Napakasama ko naman kung tatanggi ako. Mamumukha pa akong bitter kahit bitter naman talaga ako.

Harry:
Caia?

Ako:
Pasensya na may ginawa lang ako sandali. Sure, pwede. Magsama ka pa nang marami. Paniguradong maraming ihahanda si mommy.

Harry:
Okay. Gabi na d'yan, pahinga ka na. Safe flight.

Ako:
Thanks.

Kaagad akong nag-offline at sinubukang matulog. Kaso, biglang nawala ang pagod ko at antok dahil sa nangyari. Sinasabi ko na nga ba, dapato hindi muna ako nag-FB. Paano kung jowa na nga talaga niya iyong Loren? Lagi pa naman yata silang magkasama, I'm sure laging no'ng inaakit si Harry at ito namang ay isa ay gustong-gusto ang malaking boobs at butt.

"Manyakis ka, Harry! Kaya mo siguro ako hiniwalayan kasi alam mong wala kang mahawakang maumbok sa akin! Hindi mo pa ako hinahalikan sa labi kahit minsan!" naiinis sa sigaw ko. Mabuti at soundproof ang apartment.

Hinagis ko ang stuffed toy na binigay niya sa akin sa sobrang inis. Bitter na kung bitter. Real talk lang, hindi talaga madaling maka-move on. Hindi ko mapalit ang sarili ko kahit na anong gawin ko. Nagpunta na ako rito sa States pero wala pa ring nangyari.

Ayan kasi, Caia. Tapos iiyak ka ngayon.

Bakit kasi ang hirap mag-move-on?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro