Kabanata 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Matalim

Nag-inat ako nang matapos kong i-type at i-print ang sobrang tagal kong pinag-isipang project proposal. Nasa U.S. pa lang ako ay pinaplano ko na ito, ngayon ay maisasakatuparan ko na rin sa wakas. Unang beses kong gumawa nito kaya hindi ko alam kung ayos na ba ito pero gumawa ako ng maraming research tungkol dito at sa tingin ko ay ayos naman ang aking ginawa.

Isang two-storey commercial building ang balak kong ipagawa. Ang sa ibaba ay isang bookstore at sa itaas ay isang tutorial center para sa mga batang 3-5 years old. Balak kong ipatayo ito sa isang bakanteng lote malapit sa isang high school. Umalis na ako ng bahay at pumunta sa munisipyo. Sumalubong sa akin ang mga abalang empleyado.

"Excuse me po, saan po ang Mayor's Office?" tanong ko sa isang matandang empleyado na abala sa pagpira ng kung ano.

"Sa third floor, nag-iisang pinto lang doon. May appointment ka ba sa kanya?" sagot nito at saka ako tinignan ng mabuti na para bang kinikilala.

"May ibibigay lang po ako sana," sabi ko at pinakita ang folder na hawak ko.

"Naku! Dumaan ka muna sa secretary nya para mabigyan ka ng appointment. Hindi ka rin i-e-entertain ng mayor kung wala kang appointment," sabi pa nito.

"Sige po salamat. Saan po ang secretary nya?" tanong ko.

"Sa may second floor madalas iyon, hanapin mo na lang doon."

"Sige po, salamat po ulit," sabi ko at umakyat na ng hagdan papuntang second floor. Marami ring tao roon kaya medyo nahirapan ako sa paghahanap ng kanyang secretary. Buti na lang at very accommodating ang mga tao rito kaya nakita ko rin siya kaagad.

"Ma'am?" tawag ko sa medyo kaedad kong babae.

"Yes?" Lumingon ito sa akin. Nag-alangan pa akong magsalita kasi mukhang mataray.

"Nasaan po si Mayor?" mahinahon kong tanong.

"May appointment ka ba sa kanya? Ang alam ko isa lang ang bisita nya ngayon. At kaharap na niya ngayon iyon sa taas," sabi nito at ch-in-eck ang hawak nitong notebook.

"May ibibigay lang sana ako sa kanya," sabi ko sabay pakita ang hawak kong folder.

"Ano ba iyan? At parang sobrang importante yata. Akin na," sabi nya at sinubukang kunin ang folder. Kaagad ko itong inilayo sa kanya.

"Controversial ito. Ako mismo ang magbibigay sa kanya. Pupunta na ako sa taas," sabi ko at tinalikuran na sya.

"Aba't hindi pwede 'yan. Kailan may appointment ka muna tsaka may bisita siya ngayon. Bawal ang pumasok kahit sino." Narinig ko ang pagsunod niya sa akin

Mabilis akong umakyat sa third floor. Nahirapan naman syang tumakbo sa hagdan dahil naka-fitting sya at pointed heels. Ilang beses nya pa akong sinigawan bago siya tuluyang makaakyat.

Nakahawak na ako sa doorknob ng kaisa-isang pinto roon ng bigla nya akong hilahin.

"Bawal kang pumasok dyan!" sabi nya sa akin. Aba! Hindi ako papatalo! Pinilit kong abutin ang doorknob kahit pa panay na ang hila nya sa akin.

Nang mainis ako kakahila niya, natulak ko siya ng malakas kaya naman napaupo siya at napasaldak sa sahig.

"Ayan kasi!" sabi ko. Kahit gusto ko pang siyang tulungan ay mas inuna kong pumasok sa pinto.

Nahiya pa ako sa itsura ko ngayon dahil medyo gusot ang damit ko. Dapat pala nakinig na lang ako sa sekretarya dahil bumungad sa akin ang dalawang tao na medyo kaedaran nila mommy at daddy ang naroon kasama si Harry at Loren. Mukhang mayaman ang mag-asawang ito dahil sa kanilang pananamit. Naka-amerikana ang matandang lalaki habang ang asawa naman niya ay may mga mamahaling alahas sa katawan. Nakaupo sila sofa na para sa mga bisita.

Nag-alangan pa akong ngumiti. Hindi ko alam kung babati ba ako o aalis na lang dahil lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Hi?" sabi ko at ngumiti.

"Caia, what are you doing here?" sabi ni Harry at lumapit sa akin.

Dumating ang sekretarya na mukhang naka-recover na.

"Pasensya na po Mayor, ayaw niya pong magpapigil. Ilalabas ko na po siya." sabi nito at hinila na ako sa braso.

"No, it's okay, ako nang bahala sa kanya. I know her," sabi ni Harry na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

Tumango ang sekretarya at inirapan pa ako bago umalis. Inirapan ko rin siya. Maldita ang isang ito. Paano kaya natanggap na secretary iyon? Hindi naman bagay!

Iginiya na ako papasok ni Harry at pinaupo sa sofa.

"Harry, I think I should leave. Nakakaabala ako," bulong ko sa kanya.

Tumikhim siya. Napatingin ako sa kanyang bisita na nakatingin rin sa akin.

"Ma'am, Sir. This is Caia Aria Aganon. The youngest of Mr. Calixto Aganon and Mrs. Amanda Aganon, I think you know them," Harry introduced me to them.

"Of course, Calixto and Amanda are dear friends ours. So you are Caia, the Magna Cum Laude," sabi nang matandang babae at sobrang laking ngumiti sa akin.

"I'm Lorena Ramos and this is my husband Aurelio Ramos, we're Loren's parents, nice to meet you," pakilala nya at nakipag-kamay sa akin.

"Nice to meet you rin po. Ma'am, Sir," sabi ko, tumango sila at umayos na ng upo.

"I'm sure proud na proud sa iyo ang parents mo. You are a Magna Cum Laude of your batch, ano nga ulit ang natapos mo, hija?" tanong ng ginang.

"Bachelor of Science in Education major in Early Childhood Education po," sagot ko.

"Oh! So you're a teacher. Saan ka nagtuturo?"

"Sa ngayon po, ma'am, wala pa po. Pero kakauwi ko lang po galing U.S., nagturo po ako roon ng mga bata for one and a half year po sa International Teaching Force Company. Ayaw pa sana nila akong paalisin roon pero mas gusto ko pong magturo rito." Mas gusto kong dito kasi why not?! Bayan namin ito at mas nangangailangan ng guro rito para sa mga bata. Sa rami ng street children na walang kakayahang mag-aral dito ay nabuo ang mga plano ko. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit biniyayaan ako ng maraming blessings!

"Sayang naman. Nag-apply ka ba roon? Ang alam ko, that's a well-known company, mga magagaling talaga ang hina-hire," tanong naman ni Mr. Ramos.

Bakit biglang naging tungkol sa akin ang meeting na ito? Magbibigay lang naman ako ng project proposal, may interview segment pa pala.

"Hindi po, the company emailed me three days after my graduation. Siguro dahil na rin sa tita ko na dati ring nagtatrabaho roon," magalang kong sagot. Sa tagal ko sa States ay natutunan ko na ring hindi mautal tuwing kinakausap.

"Buti ay tinanggap mo. Kadalasan kasi kapag mga international company ay mga tao mismo ang lumalapit. Bihira lang na sila mismo ang makikiusap at lalapit," sabi ng ginang na parang proud na proud na ina sa akin.

"Oo nga po. I accepted the offer because someone told me that's a good opportunity for me to grow. That's why kahit wala pang experience ay tinanggap ko na," sabi ko at tumingin kay Harry na pinapanood pala ako. Nag-iwas ako ng tingin at nginitian ang mag-asawa. Bakit ba siya nakatitig? Na-conscious na tuloy ako.

"Hay! Napakaswerte sa iyo ng mga magulang mo. Meron kang kuya, 'di ba? Ano naman ang tinapos nya?"

"Opo. Criminology naman po siya, a Cum Laude of their batch. Pulis po siya ngayon dito." Tumango ako.

"Napakatatalino naman pala ng mga lahi ni Calixto," sabi ni Mr. Ramos at pumalakpak pa.

"How I wish na magkaroon rin ako ng mga anak katulad niyo. Sad to say hindi kami mabiyayaan ng anak. That's why we adopted Loren when she was 2. She's good but not as good as you," sabi ni Mr. Ramos at humalakhak. Nahihiya akong ngumiti. Hindi dapat sila ganyang magsalita sa anak nila. Kahit sa kanila galing si Loren ay sila pa rin ang nagpalaki rito. Kung may pagkukulang man si ito ay ibig sabihin may pagkukulang din sila. Loren is their reflection.

"Magaling rin naman po si Loren. She's now a vice mayor," sabi ko.

"Yeah, buti nga at nanalo. We're proud of her actually, pero sana ay nakapagtapos man lang sana siya with flying colors sa kinuha nyang kurso na Political Science." sabi ni Mrs. Ramos at umiling-iling. Bakit mukhang disappointed pa siya? Dapat nga ay magpasalamat sila na may natapos ang anak nila dahil hindi lahat ng tao ay nakakapagtapos ng pag-aaral.

"Sabihin mo sa iyong ama na maghanda at kapag nakita kami ay kailangan nyang magpainom," sabi ni Mr. Ramos at tumawa. Tumawa rin ako pati si Mrs. Ramos at Harry. Pwera kay Loren kaya nahinto ako sa pagtawa.

"Hindi ko po iyan kakalimutan," sabi ko, tumingin ako sa paligid at inisa-isa ang mga mukhang nakatingin sa akin.

Pero hindi ako mapalagay kung paanong tumingin sa akin si Loren. Matatalim at pawang hindi natutuwa sa mga naririnig o nangyayari sa ngayon. Gusto kong pigilan ang mga magulang niya dahil kahit ako ang pinupuri ay nasasaktan ako para kay Loren. She has her own strength, they shouldn't be comparing me to her.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro