Wakas

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Pinakamamahal

As she gave birth to her lovely daughter, Haria Kwinna Aganon-Catahan, her life became brighter and more beautiful.

Kamukhang-kamukha niya ang anak ng isilang niya ito. Pero habang lumalaki ang anak ay mas namumukha itong si Harry. Wala siyang problem roon dahil gwapo naman ang ama.

Haria is a unique baby. She was behave. Bihira lang itong umiyak kaya payapa siyang nakakatulog sa gabi.

Binibihisan niya ito ngayon dahil it was her christening day. Sampung buwan na ang anak niya at pansin na rin ang kadaldalan nito. Nagulat nga sya ng bigla itong magsalita.

"Pa!" sabi nito nang eight months pa lang. Siya ang laging kasama ng anak pero ang first word pa ng anak ay 'pa' which means papa.

Siguro dahil bukang-bibig niya ang papa nito habang lumalaki at nakikibagay pa lang sa paligid ang anak.

"Christening na ng baby bear ko. Are you excited? Your ninongs and ninangs will be there!" kausap niya sa anak habang nilalagyan ito ng diaper.

Pumalakpak ang mga kamay nito at humagikgik. "Pa! Pa!" sabi ng anak.

Nalungkot siya nang maalala na hanggang ngayon ay hindi nagpaparamdam ang buong pamilya ng Catahan.

"I'm sorry baby. Papa is not there," malungkot na sabi niya sa anak. Parang naintindihan naman nito iyon at natahimik.

"But don't worry, papa will come home soon," sabi niya at binuhat na ang anak dahil tapos na niya itong bihisan.

Pumunta na sila sa simbahan ng Sanctuario De Nuestra Seniora de La Paz y Buen Viaje kasama ang mommy at daddy niya. The christening went smooth, from the church up to the reception. Halatang pagod na ang anak dahil kanina pa ito pinagpapasa-pasahan ng mga ninong at ninang nito. Kasama sa mga ninang ay si Loren.

Yes, bati na sila. What is the use of fighting anyway?

Noong isang buwan lang ay sinimulan ng itayo ang bookstore slash tutorial center nya. May usapan pala si Harry at Loren na i-implement na ang project niya sa oras na lumaki na si Haria at hindi na alagain. She was so happy, her dream will finally come true.

The time went fast, her baby turned 1, 2, 3 until 4 years old but still no sign of their papa. Nagsisimula na siyang mawalan ng pag-asa na babalik pa ito. Habang lumalaki ang anak ay panay ang tanong ng anak nya kung kailan babalik ang papa nya. Minsan nga ay naiyak na lang sya bigla habang nagtatanong ang anak ng tungkol sa papa nito, her daughter hugged and kissed her.

Her Haria is such a smart girl, four pa lang ito ay tuwid ng magsalita, alam na rin ang pagkakasunod-sunod ng alphabet at numbers. Dahil din siguro sa lagi niya itong sinasama sa bookstore at tutorial center niya na natapos ipatayo 2 years ago. Marami na siyang naturuang street children at nai-sponsor-an na mga gustong magpatuloy sa pag-aaral pero kulang sa pinansyal. That's her goal, by the way.

"Mama, tomorrow we are going to see Papa!" masayang sabi ng anak sa kanya habang hinahandaan nya ito ng pagkain para sa hapunan. At saan naman iyon nakuha ng anak niya?

"Sino naman ang may sabi anak?" tanong niya.

"Si Papa Jesus, He said it to my dream, that we are going to see papa. Papa will come home soon. I'm excited, Mama," sagot nito at pagkatapos ay sumubo ng pagkain.

Natigilan siya at napuno ng kuryosidad. "Saan daw natin siya makikita?" tanong niya sa anak.

"Hindi pa Nya ni-tell sa akin mama. Mamaya pag-sleep ko, mag-dream ulit ako," sagot ng anak at tinuloy na ang pagkain.

Napailing siya. Marahil bunga lang iyon ng imahinasyon na anak. Marahil ay nangungulila rin ito sa kanyang papa kaya ganoon.

Hinilamusan na niya ang anak at inihanda na sa pagtulog. Mula nang ipanganak niya si Haria ay bumili na siya ng sariling bahay, pero lagi namang maingay ang bahay dahil palaging nandirito ang mga ninong at ninang ng anak. Pati ang mga magulang niya minsan.

Pati ang bunso niyang kapatid. Yes! Nabuntis pa ang mommy nya. Dalawang taon na si Haria ng malaman nilang nagdadalang-tao ang ina. Sabagay, bata pa naman ito at pwede pa talagang mabuntis.

"Mama?" tawag sa kanya ng anak na nakahiga na ngayon sa kama nito.

"Yes, baby?" nilingon niya ito.

"I love you and papa," malambing na sabi ng anak.

"Mama loves you too, and papa loves you too. I'm sure of that. Sleep," sabi niya sa anak at hinalikan ito sa noo. Pumikit na ang anak at iniwan na niya ito sa sariling kwarto.

Siya naman ang nag-ayos para matulog.

Kung totoo man ang sinasabi ng anak na makikita na nga nila ang papa nila, it would be a greatest gift for her birthday the day after tomorrow.

Humiga na suya sa kama at natulog na. Bukas ay pupunta sila ng anak sa bookstore.

"Mama! Mama! Gising na!"

Naalimpungatan siya nang walang tigil siyang pinagyuyugyog ng anak. Napadilat siya nang makitang umaga na.

"Haria, let mama sleep," sabi niya at pumikit ulit.

"Mama, we're late. Mama wake up please," sabi ng anak tsaka sumampa na sa kama niya at pinilit na iminumulat ang mga mata niya.

"Anak, saan naman tayo male-late?" tanong niya at saka tinignan ang orasan. Eight 'o clock pa lang, mamaya pa silang tanghali pupunta ng bookstore.

"Come on, Mama, we're going to see papa today at the park," sabi ng anak.

Umiling siya at bumalik na ulit sa pagtulog. Ang kulit ng anak niya.

"Mama!" sigaw nito sa kanya at nagsimula ng umiyak. Naglulupasay ito sa kama at tinapon ang mga unan. Wala siyang nagawa kung hindi bumangon at sundin ang anak.

Kahit naman may isip na ang anak ay baby pa rin ito. Iiyak kapag hindi nakuha ang gusto.

"Okay, ito na. Pupunta na tayo," sabi nya at kinarga ito para sabay na silang maligo.

Naglakad lang sila papuntang park ng bayan dahil malapit lang ito sa bahay nila.

"Bakit nga ba tayo ulit pumunta rito anak?" tanong niya sa anak habang hawak ang kamay nito.

"Papa is here, Papa Jesus said in my dream last night," sagot ng anak.

"Okay," sabi na lang niya. If Papa Jesus said then so be it.

"Mama! Ice cream," sabi ng anak sabay turo sa nagtitinda ng ice cream.

Pumunta sila roon at bumili ng dalawang tig-five pesos. Binitawan niya sandali ang kamay ng anak para kumuha ng pambayad.

Ibinigay niya ang bayad sa tindero at kinuha ang dalawang ice cream.

"Eto na, anak-"

Napahinto siya nang mawala ang anak sa tabi.

"Haria!" tawag niya sa anak at nilingon ang paligid pero wala ang anak.

"Manong, hindi niyo ba napansin ang anak ko?" tanong niya sa tindero. Umiling lang ito.

Umalis siya at pumunta sa mga batang naglalaro pero wala ang anak kahit saan doon. Ipinamigay na lang niya ang ice cream na hawak niya dahil nagsisimula na itong matunaw.

"Anak, nasaan ka na? Mapapatay ako ng papa mo kapag naiwala kita," kausap niya sa sarili habang nililibot ang buong park.

Sa pagmamadali niya ay nabunggo niya ang isang batang lalake na may hawak na juice. Napaupo ang bata at natapon ang juice sa sapatos niya.

Mabilis na tumayo ang bata at pinagpag ang sapatos niya.

"Pasensya na po," sabi ng bata. Pinatayo niya ito at pinantayan ng tingin.

"Okay lang. Nasaktan ka ba? Pasensya na, ha?" sabi niya. Umiling ang bata.

"Anong pangalan mo?" tanong niya sa bata.

"Kwinno po," sagot ng bata. Napangiti siya dahil Kwinna ang second name ni Haria. And speaking of Haria, nawawala pa rin ito.

"Ah, Kwinno, may nakita ka bang batang babae na naka-ponytail at may ribbon na kulay brown?" tanong niya sa bata.

Sandali itong nag-isip. "Meron po. Doon po siya nagpunta," sagot nito at itinuro ang isang bahagi ng park.

"May kasama po siya, eh. Lalake po."

Bigla siyang kinabahan. Maki-kidnap ba ang anak niya?

Nagpaalam na siya kay Kwinno at bingyan ng pera para makabili ulit ng juice.

Mabilis sya nagpunta sa lugar na itinuro. "Haria!" tawag niya sa anak nang malapit na siya sa lugar.

"Mama!" rinig niyang sigaw ni Haria at lumabas sa sa isang sulok.

"Mama, look, I found papa!" sabi ng anak at saka hinila ang isang lalaking matagal na nilang hinihintay. Sa wakas, pagkatapos ng limang taon ay nandito na ito.

Umiling siya. Malamang ay nanaginip na naman siya. Kung isa itong panaginip pwedeng magising na lang siya. Hindi na niya kaya ang mga ganitong panaginip, para sa kanya ay bangungot na ito.

Pumatak ang luha niya at tumalikod. Pinikit niya nang mariin ang mga mata baka sakaling magising na siya. Ayaw niya ito.

Naramdaman niyang may yumakap sa likod niya kaya siya napadilat. Nakita niya ang anak na nasa harapan niya at nakangiti sa kanya.

"I'm sorry," sabi ni Harry at naramdaman niyang may tumulo sa kanyang mga balikat. Hindi siya nanaginip, totoo ito.

Humarap sya rito at hinawakan ang magkabilang pisngi.

"T-Totoo ka ba? Nandito ka na ba talaga? Sa wakas ba ay bumalik ka na?" Sunod-sunod ang mga luha niya.

Hinawakan ni Harry ang isang kamay niyang nasa pisngi nito habang ang isa nitong kamay ay pinunasan ang mga luha niya.

"Oo, Caia. Nandito na ako. Patawarin mo ako kung sobrang tagal. Hindi na ako aalis. Pangako 'yan," sabi nito at niyakap sya.

Yakap na naibsan ang kanyang pangungulila ng limang taon.

Nandito na ang pinakamamahal niya. Sa wakas ay mabubuo na ang kanilang pamilya.

"Mama, where's my ice cream?"

Napabitaw sila sa isa't isa nang marinig magsalita ang anak. Kinarga ni Harry ang kanilang anak at hinalikan ang pisngi.

"How many ice cream do you want to eat?" tanong nito sa anak.

Pinakita ni Haria sa maliliit nitong daliri ang bilang na sampu. Natawa silang dalawa.

Hindi niya magawang magalit kay Harry dahil alam niya ang pinagdaanan nito.

Ang mahalaga ngayon ay nandito na ang kanilang papa. Ang kanyang pinakamamahal.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro