Loading 11%

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SPG: T L K S H D

✁____________

Matapos sa ginagawa ay binuksan na ni Shy ang pintuan ng cr. Naalala niyang hindi nga pala niya ito bahay kaya pumasok siya ulit para i-flush ang toilet. Hindi niya siguro gawaing magflush. #BeriBad

Nasa dulo ng palapag ang cr. Sa tabi nito ang pansamantalang kwarto ng mga kalalakihan, tas ang kwarto ng mga babae, sunod ang kwarto ng nanay ni Pipo, kwarto nila Pipo na katapat ng hagdan, at ang nursery.

Papasok na sana siya ng kwarto ng nanay ni Pipo nang may marinig siyang ingay sa hagdan na para bang may tumatakbo ng mahina. Kaya dahan dahan siyang lumapit dito at laking gulat niya nang makitang tumatakbo papanik si Gelou. Muntik pa siya nitong matamaan dahil nakayuko ito habang tumatakbo.

Natigilan si Gelou sa pagtakbo nang may makitang paa na mababangga. Tiningnan niya ito at dahan dahang itinaas ang tingin papunta sa mukha ni Shy. Nagkagulatan ang dalawang magkaharap.

"Gelou?" gulat na tanong ni Shy "A-anong ginagawa mo dito?"

"T-teka, alam mo?" Lumipat ang tingin ni Shy kay Chrisy na kakapanik lang ng hagdan "Tinatago mo ba dito si Gelou?"

Hindi nakasagot si Chrisy. Sarkastikong tumawa si Shy sabay sabing "Gago pala kayo eh!" at sinabunutan si Gelou

Kusa namang lumapit si Chrisy para pigilan si Shy. Halatang nahihirapan si Gelou tanggalin ang kamay ni Shy sa kanyang buhok kahit isang kamay lang ang gamit ni Shy. Ang isang kamay niya ang pumipigil kay Chrisy.

"Ano ba Shy? Bitawan mo nga si Gelou!" sigaw nito at akmang lalapit nanaman ngunit tinulak siya ni Shy

"T-tama na po." Naiiyak na si Gelou dahil tila ba matatanggal na ang kanyang anit sa sobrang higpit ng hawak ni Shy sakanya at winawagayway pa ang kamay. "B-bata pa po ako. May mga pangarap po ako sa buhay."

Napaupo si Chrisy sa sahig dulot ng malakas na tulak ni Shy. Buti na lang at nakatukod siya kaya hindi ganon kalakas ang impact. Sisipain niya sana si Shy sa tuhod ngunit sinipa lang nito ang paa ni Chrisy. Sa pagangat ni Shy ng kanyang paa ay hinatak ito Chrisy dahilan para matumba si Shy at nahatak si Gelou na natumba rin. Sa lakas ng pagkakatumba nila ay rinig ito mula sa kwarto ng nanay ni Pipo.

"Ano yun?" tanong ni Cedric

May hindi magandang pakiramdam si Jake kaya agad siyang lumabas para makita ang nangyari. Nagulat siya sa nasaksihan. Si Shy nakaupo sa tiyan ni Gelou habang sinasabunutan at pinagsasampal siya nito. Hindi makaganti si Gelou at panay lang ang ilag. Si Chrisy naman ay hinahatak na si Shy paalis sa ibabaw ni Gelou dahil nahihirapan na ito at parang nanghihina na.

"Bitawan mo 'ko! Tinatago mo pa ang hayop na 'to dito ah!" sigaw ni Shy kay Chrisy

"Sabing tama na eh!" sigaw ni Chrisy sabay suntok sa mukha ni Shy

"Aba't!" si Chrisy naman ang binalingan ni Shy at sinabunutan. Hindi naman nagpatalo si Chrisy.

Lumapit na rin si Jake para pigilan ang tatlo. Lumabas na rin ang iba mula sa kwarto ng nanay ni Pipo para makiusyoso.

"G-gelou?" gulat na tanong ni Jun. Nagulat din si Cathy sa prisensya ni Gelou pero hindi na lang nagtanong.

Lumingon si Shy kay Jun "Oo, Jun! Nandito yung malandi mong ex!"




===================================

#MatutoKasingMagflushNgToiletAtIsaraAngPintoNgCRParaDiMapaaway

07-06-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro